Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

kabanata 1: Sa ibabaw ng

kubyerta

Tagasalaysay: Umaga ng
Disyembre ng maglayag ang
Bapor Tabo, sakay ang
napakaraming pasahero,
habang binabagtas ang
paliku-likong Ilog Pasig.
Lulan ng taas ng kubyerta
sina Don Custodio, Ben
Zayb, Padre Irene, Padre
Salvi, Donya Victorina,
Kapitan-heneral at Simoun.

Doña Victorina: Ang bagal


naman ng bapor na ito!
Hmpf! Hay! Ano ba naman
ang mga maliliit na
bangkang iyon?! Mga
sagabal sa daanan! Mga
perwisyo sa mundo!

Ben Zayb: Hay nako! Ang


Ilog Pasig ay masyadong
paliku-paliko! Dapat ituwid
ito! Dapat itong ituwid! Dahil
dito, mabagal ang pag-usad
ng bapor!

Padre Camorra: Tama! Dapat


hanapan nila ng paraan para
palalimin ang ilog Pasig!
Diba? Para naman bumilis
ang usad ng bapor at mga
sasakyang pandagat!

Padre Salvi: May Alam ka ba


tungkol sa pantas ng agham,
ha? Alam mo ba kung sino
sila? May isang tulay sa
Puente del Capricho na hindi
natapos dahil sa sinabi
nilang mahina at marupok
daw ito? Pero tingnan niyo
buo parin ito hanggang
ngayon kahit anong dumaan
lindol at bagyo, hindi parin
ito nabubuwag!

Padre Camorra: Yan din ang


nais kong sabihin! A-ang
Puente del Capricho at ang
mag pantas ng agham, y-
yan din ang aking sasabihin
Padre Salvi.

Padre Salvi: (natutuwa)


Ngunit hindi ibig sabihin ay
wala kayo sa katwiran dahil
ang problema ay ang lawa

Donya Victorina:
(nagtataray) Dahil walang
maayos na lawa rito sa
Pilipinas

Simoun: Madali lamang yan


at hindi ko mabatid kung
bakit walang nakaisip nito.
Dapat ito simulan sa
paghuhukay ng isang tuwid
na kanal mula sa bunganga
ng Ilog Pasig hanggang sa
labasan nito sa lagusan ng
Maynila. Ang tuwid na kanal
na ito ay magsisilbing ilog at
ang lupng nakuha dito ay
itatambak sa luma. Hindi ka
na nagsayang ng lupa,
napaikli pa ang oras ng
paglakbay, Oh diba? Simple
lang?

Ben Zayb: Ah! Isang planong


yankee ang iyong naisip
(tumango ang lahat maliban
kay Don Custodio)

Don Custodio:
Ipagpaumanhin ninyo, Señor
Simoun, ngunit hindi ako
sumang –ayon. Tila yata
masyadong magastos at
mapaminsala ang inyong
panukala (mayabang ang
tono ng boses)

Simoun: Eh di, sumira kung


kailangan.(Mahinahon ngunit
nagpupumilit)

Don Custodio: At saan


naman kukunin ang
salapaing ibabayad sa
manggawa? (Naiinis)

Simoun: Pagtrabahuhin ang


mga bilanggo at hindi sila
babayaran.

Don Custodio: Ngunit hindi


sapat ang kanilang bilang,
Señor simoun.

Simoun: kung kukulangin ay


pagawain natin ang taong
bayan, ang mga matatanda,
kabataan, bata-
pagtrabahuhin sila. Sa halip
na sapilitang 15 araw,
pagawain sila ng tatlo, apat,
limang buwan at pagdalhin
sila ng sariling pagkain at
gamit. Para ito sa bayan,
diba?!

(nagulat si Don Custodio)

Don Custodio: Subalit, S-


Señor Simoun..

Simoun: Wag na kayong


tumutol, Don Custodio, sa
ganyang paraan lamang
maisasakatuparan ang
mahalagang proyekto nang
walang kahit anong gastos.
Sa ganitong sistema rin
naitayo ang mga tanyag na
istruktura sa ibaʼt ibang
bansa.

Don Custodio: Ngunit, Señor


Simoun, ang panukalang
iyan ay maaring magdulot ng
kaguluhan. Meron akong
ideya. May isang bagay
akong imumungkahi sa inyo
(sasabat sana si Ben Zayb
pero nagpatuloy si D.
Custodio) Bago ang ano pa
man, may nais akong
ipanukala na mas payak,
kapaki-pakinabang at para
sa ikalilinis ng lawa.

Ben Zayb: At ano naman ang


proyektong ito???

Don Custodio: Nakakita na


ba kayo ng itik?

Ben Zayb: Sa inyong palagay


hinuhulin namin iyon sa lawa.
(naguguluhan)

Don Custodio: Hindi, hindi


iyon ang ibig kong sabihin.
Ang tinutukoy ko ay tulad ng
inaalagaan sa Pasig at
Pateros. Alam ba ninyo ang
kinakain nila?
(nagmamayabang)

Padre Camorra: Ngunit, ano


naman ang kinalaman nito sa
proyektong ito?

Don Custodio: Papag-


alagain ko ng itik ang lahat
ng naninirahan sa baybayin
ng lawa at makikita ninyo
ang palalalimin ng mga itik
ang ilog sa paghuhuli ng
makakaing suso. Ganyan ka-
simple ang aking panukala.

Ben Zayb: Papahintulutan po


ba ninyo akong ilathala ang
kanyang panukala?
DoñaVictorina: Ngunit, Don
Custodio... kung ang lahat
ng tao sa baybayin ng lawa
ay mag-aalaga ng itik ay
dadami ng balot. Nakakadiri!
Mabuti pang taburan na lang
yang lawang iyan! Hay nako!
END OF KABANATA 1

You might also like