Pag Ibig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Pag – ibig”

Ni Mc Evans M. Herana

Madalas pinag-uusapan ng mga tao ang konsepto ng pag-ibig ngunit karamihan


sa kanila ay hindi ganap na alam ang tunay na diwa nito. Maraming mga maling pakuro-
kuro at ideya ang nabuo patungkol rito na naghadlang sa karamihan na magmahal.

Ang pag-ibig ay hindi isang pag-aangkin. Tinitignan ng karamihan na ang pag-ibig


ay isang pag-aari na kailangan makuha at pangalagaan. Ang ideyang ang pag-ibig ay
maari lang natin makamit kapag may ibang taong nagbigay sa atin nito ay isang maling
paniniwala. Ang paniniwalang ito ang nagdulot ng kalungkotan sa marami sa atin. Ito ay
hindi katulad ng isang bagay na kailangan natin hingin sa ibang tao upang maranasan
natin ito. Kahit maraming tao ang nagbibigay ng pagmamahal sa atin, maaaring hindi pa
rin natin batid ang mga ito. Ang pagbibintang sa ibang tao na hindi nila tayo mahal ay
isang karaniwang pangyayari ngunit ang konsepto ng paghihithit ng mga damdaming
binibigay sa atin ay nakasalalay sa ating mga sarili.

Ang pag-ibig ay isang pakiramdam ng kaluwalhatian at mabuting emosyon. Ito ay


isang gawain na nabibigay ganyak at kagandahang loob sa ating pagkatao. Maaari lang
natin maranasan ito kapag marunong tayong makitungo at marunong magbigay ng pag-
ibig sa iba sa pamamagitan ng ating pakikipagkapwa. Walang ibang paraan upang
maranasan natin magmahal at mahalin kundi sa ganitong paraan lamang. Ang pisikal na
pagbibigay-loob ay hindi nagmula sa pag-ibig ngunit nagmula sa kalibugan ng ating
katawan. Hindi nauunawaan ng karamihan na ang pagmamahal ay isang relihiyosong
gawain. Kapag tayo ang nakikipag-usap sa mga tao dapat tayo mag-ingat na hindi tayo
makasakit, sa kabaliktaran, dapat tayo ay makapagpasaya sa iba. Batiin natin sila sa
kanilang mga tagumpay at pasalamatan natin sila sa kanilang mga nagawa sa ating mga
buhay. Ang lahat ng ito ay ilan sa mga paraan upang maipahayag natin ang ating
pagmamahal. Ang kabutihan ng pagbibigay mahal sa iba ay nag-aapela sa ating mga
puso at nagbibigay koneksyon sa ibang tao, nagbibigay ito ng diwa ng seguridad at
katatagan, nagtatanggal ng takot at nagiging motibasyon natin upang maging mabuti sa
ibang tao. Mararanasan ng isang tao ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng una,
pagbuo ng gayong mga damdamin ng pagiging mabuti sa iba. Paano mararamdaman ng
isang tao ang pag-ibig kapag puno siya ng galit at makasariling mga hilig? Ang mga
negatibong emosyon na ito ay ang nagbibigay hadlang sa pagmamahal ng isang tao sa
iba.

Ang pag-ibig ay isang banal na enerhiya. Hindi ako dalubhasa sa konsepto ng


pag-ibig at limitado lamang ang aking karanasan sa pagbibigay nito ngunit noong
sinubukan ko itong unawain, may isang bagong ideya ang lumitaw na nagbibigay
kahulugan sa tunay na pag-ibig. Natutunan ko sa espiritwal na aspeto ng panitikan na
ang pag-ibig ay ang Diyos at ang Diyos ang pag-ibig. Sa una, masyadong komplikado
ang paniniwalang ito ngunit kapag iisipin mo ito ng mabuti kapag mamahalin natin ang
ating Panginoong Diyos sabay natin mamahalin ang kanyang mga likha. Isa itong
enerhiya na dumadaloy sa ating kaibuturan na kailangan natin paganahin upang maging
isang mabisang indibidwal.

Ang pag-ibig ay isang pangangailangan at ang dahilan kung bakit tayo masaya.
Pinupuno nito ang ating mga diwa at kaluluwa. Ang taong ating minamahal ay isa lamang
bagay na naging paksa ng ating pagmamahal; ang ating emosyon ang bumubuo sa ideya
ng pag-ibig. Nagmamahal ang isang tao kapag nakikita nito na karapatdapat ang isang
tao upang mahalin. Ang damdaming ito ay nagmumula sa ating panloob na
pangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit kahit iisa lamang ang paksa ng ating
pagmamahal, iba’t-iba pa rin ang ating mga reaksyon patungkol dito. Maaaring maging
paksa ng pagmamahal ang isang tao ngunit hindi ito kayang suklian ng taong minamahal
nito. Ang tunay na pagmamahal ay tumatahan sa ating mga kalooban; ang taong minahal
natin ay isa lamang kasangkapan upang pangasiwaan ang paglitaw nito. Walang
kinalaman kung gaano kabuti ang isang tao sa pagmamahal, ang pag-ibig ay dapat
magmula sa iyo upang makabuo nito. Lahat ng mga bagay alinsunod nito ay sadya lang
susunod. Ang mga emosyong ito ay lilitaw kapag mararamdaman ng isang tao na
kailangan niya ito laban sa mga negatibong emosyon tulad ng galit at pagkamuhi.

Ang pag-ibig ay ang pinakamalakas na damdamin sa buong mundo. Maaari ito ay


pinapalooban lamang ng pitong letra ngunit nagbibigay ito ng iba’t ibang emosyon sa mga
tao. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng damdamin ay hindi natin nahuhulaan at ito ay
hindi napipigilan. Halos lahat sa atin, nahihirapan na ipaliwanag at ipahayag ang
damdaming ito. Ito ay dahil may iba’t-iba tayong mga karanasan patungkol dito. May iba’t-
ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal sa Diyos, sa pamilya, sa kaibigan at sa
espesyal na tao sa ating buhay.

Ang pag-ibig ay isang positibong damdamin ngunit nagbibigay din ito ng


negatibong emosyon sa atin. Ang pagmamahal sa ating mga magulang. Malinaw na
gagawin ng mga magulang ang lahat upang makita nila ang kanilang mga anak na
masaya at protektahan sila sa kahit anong bagay na makakasakit sa kanila. Madalas
natin nakikita ang kanilang paraan sa pagmamahal bilang pagbabawal at paghahadlang
sa mga bagay na nakakasaya sa atin. Minsan nga ay pinapalo pa tayo upang turuan tayo
ng leksyon at disiplinahin tayo patungkol sa bagay na ating ginawa. Ito ay ang kanilang
paraan upang maipakita sa atin ang kanilang alaga at maipakita sa atin na ang tanging
gusto nila ay para lamang sa ating kabutihan. Ang pamamaraan ng mga magulang sa
pagpapakita ng pagmamahal ay madalas na hindi naiintindihan ng kanilang mga anak.
Ang hindi nila alam na ginagawa lamang ng kanilang mga magulang ang mga ito upang
maipakita sa atin na mahal nila tayo.

Ang ating pamilya ang mga taong nagmamahal sa atin na walang hangganan.
Palagi silang nasa tabi natin upang suportahan tayo. Kahit mababa man ana ating mga
marka sa eskwelahan, nandiyan pa rin sila. Maaaring magalit at pagalitan nila tayo subalit
ito ay dahil mahal nila tayo. Gusto nila tayong maging mabuti sa paaralan para sa ating
mga hinaharap.

Isa pang uri ng pagmamahal ay ang pag-ibig natin sa ating mga kaibigan. Sa tingin
natin, ang pagmamahal na ito ay mas mabuti, binibigyan lang tayo nito ng mga positibong
mga emosyon. Ngunit nagiging bulag tayo dito minsan. Ang tanging iniisip lamang natin
ay ang katuwaan at hindi na natin iniisip ang kalalabasan ng ating mga ginagawa. Sa
aking karanasan, madalas kong ginagawa ang mga bagay na hindi nag-iisip. Hindi ko na
iniisip ang mga kahihinatnan ng aking mga ginagawa basta kasama ko ang aking mga
kaibigan. Ngunit dapat natin isaisip na gawin natin ang mga dapat gawin sa tamang
paraan upang hindi tayo lumayo sa tamang landas.

Minsan sa ating buhay, nakakaranas tayo na magmahal at mahalin pabalik, hindi


lamang sa pamilya at kaibigan ngunit higit pa diyan. Ang taong gusto nating makasama
na panghabang buhay. Ang pagmamahal na ito ay hindi madaling makita. Kailangan
subukan mo ang iyong sarili na paano mo pakikitungohan ang marubdob na damdamin
na ito at kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal. Kailangan mong tuklasin
ang mga kaibahan niyo sa isa’t isa at unawain ang mga ito. Alamin ninyo ang kalakasan
at kahinaan ng isa’t isa upang maiwasan ang pag-aaway. Kung kilala mo talaga ang iyong
sarili at marunong ka nang hawakan ang mga sitwasyon mapasayahan man o
kalungkutan, ang pagmamahalan niyo ay tatagal. Hanapin mo ang taong marunong
umintindi sa iyong mga kakulangan at sa negatibo mong emosyon. Ang pag-ibig ay hindi
lamang tungkol sa kasiyahan, kailangan mong tanggapin na bahagi sa pagmamahal ang
kaugnayan ng saya at kalungkutan. Kailangan mong magbigay tiwala sa iyong sarili bago
ka makapagbigay ng tiwala sa iba.

Ang pag-ibig ay isang matinding emosyon. Minsan sobrang lalim nito na nagiging
bulag tayo dahil dito. Minsan sobrang sinasaktan na tayo nito ngunit hinahanap pa rin
natin ito. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit pa rin tayo nagpapatuloy kahit pagod na
tayo. Ang pag-ibig ang nagbibigay motibasyon at inspirasyon sa atin sa lahat ng ating
mga ginagawa. Ang pag-ibig ang bumubuhay sa ating mundo.

You might also like