Agos at Sigwa Sa Panitikan 1945 1972

You might also like

Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 6
180 » TUNGKOL SA NOBELA AT KUWENTO 1 Enero-30 30 1930 Alfredo Santa Maria, “Ang ‘Wakas ng Una Niyang Pag-ibig,” 2 Marso 1930, : re Cornelio, “Si Iskong ‘Mahangin," 16 Marso 1930, 7. ‘Nemesio Caravana, “Ilang lang,” 23 Marso 1930, 11 Seen ain a 9.98 Maikling Kuwento sa “Hiwaga” “ 7 26 Setyembre 1931, Emesto Ong, “Isinuplong ng Kidlat,” 26 Setyembr raneejoco Vasquez, “Ang Anak na Alibugha,” 26 Seryembre 1951 Franieco Vasque?, “Nakabasag-ulo,” 10 Oktubse 1931, 20-24 Fanci Cumelio, “Ang Kabaong na Walang Laman.” 17 Oktubre 1935 ia eivgara Medina, “Ang Krimen na Simbakan,” 24 Oktubre 1951, 32° 34, Agos at Sigwa sa Panitikan, 1945-1972 a maraming pagsusuri sa panitikan, karaniwang pinagtutuunan ng pansin ang naunang mga panahon tulad ng panahon ng Kastila at panahon ng Amerikano. Karaniwang pahapyaw lamang ang ibinigay na pagtingin sa panitikang lumabas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; waring walang gaanong pagbabagong naganap sa panitikan sa loob ng huling apat na dekada (1940-1980). Ngunit datid natin na radikal ang mga pagbabagong inilunsad sa iba't ibang anyong pampanitikan hindi lamang noong dekada 1960 kundi sa isang higit na maagang panahon. Nagsimula ang isang uri ng pagbalikwas sa kinagawiang paksa at pamamaraan noong maghimagsik ang mga kabataang manunulat na kinabibilangan nina Alejandro G. Abadilla, A. C. Fabian, Salvador Barros, Brigido Batungbakal, at iba pang makata at kuwentista sa pagtatatag ng panitikan noong ikeapat na dekada, Nagkaroon ng dramatikong manipestasyon ang ganitong paghihimagsik sa pagsunog, ‘ng mga kabataan sa mga akda ng tinawag na “matatandang tinale” sa Plaza Moriones noong 1940. Mga akdang tulad ng “ako ang daigdig” ni Abadilla at “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda ang malinaw na patibay na nagbunga, sa isang limitadong paraan, ang ganitong pag- aalsa ng kabataang manunulat. ‘ Nakaugat ang ganitong paghihimagsik sa konsepto ng moder- nismo—hango sa Karluran subalit binigyan ng sariling kahulugan ng mga kabataang kritiko tulad nina Abadilla, Clodualdo del Mundo, at ‘Teodoro A. Agoncillo. Para sa kanila, panahon nang isaisantabi ang matatandang pamameraan at kinagawiang paksa na siyang katangian anayam na binasa sa seminar ng Kagawaran ng Filipino, Ateneo de Manila, 10 Abril 1987 . 181 182 * TUNGKOLSA NOBELA AT KUWENTO ng mga akda ng naunang mga manunulat tulad nina IAigo Ed. Regalado, Lope K. Santos, Valerian Hernandez Pefa, at maging si Jose Corazon de Jesus. Para sa makata, kailangang pag-ukulan ng ppansin ang indibidwal at ang kanyang paghahanap sa sarili at ang ‘mga bagong paraan sa pagpapahayag ng mga bagong tema. Para sa kuwentista, dapat nang iwanan ang mga landasing tinahak ng ‘matatandang kuwentista na naglublob sa sentimentalidad at tahasang pangangaral, sa de-kahong paggamit ng wika, at sa paggamit ng mga tauhang walang sariling kakanyahan. Kung ang panitikan ay isang institusyong binubuo ng maraming elemento na kung minsa'y naglalabanan, kadalasa'y nag-uugnayan, hindi natin maaaring sabihin na walang ugnayan ang mga panahon sa bawat isa. Higit na makatwirang sabihin na maraming puwang at malalawak na espasyo sa loob ng institusyon na dapat pagtuunang- pansin ng kritiko, sa halip na palabasin ang pag-unlad ng panitikan bilang prosesong binubuo ng mga bahaging lubusang magkakalapat Layunin at Limitasyon ng Pagsusuri Layunin ng pagsusuri na magbigay ng pahapyaw na tingin sa mga kalakaran sa panitikan sa loob ng sumusunod na mga taon—1945~ 1972—sa pamamagitan ng pagtalakay hindi lamang ng kontekstong historikal kundi ng mga pampanitikang impluwensiya na hinango hindi lamang sa katutubong panitikan kundi sa mga kalakarang unang nabuo sa Kanluran, ala ng kalawakan ng panahong napili, at malakcing bilang ng mga akdang nasulat, hindi magiging malalim ang gagawing pagtalakay. Susundan ng pagsusuri ang mga landasing tinahak ng mga manunulat sa loob ng tatlong dekada; gagamitin ang mga kongkretong halimbawa ‘upang mapalinaw kung anu-ano ang katangian ng mga pagbabagong, naganap sa panitikan, Sa mga pagbabagong ito, susuriin ang dalawang mahalagang impluwensiya—ang modernismo at Marxismo. Magiging batayang teoretikal ng sanaysay ang mga sumusunod na paniniwala, Una, mahigpit ang ugnayan ng panitikan at kasaysayan, Pangalawa, isang makapangayarihang puwersa ang tadisyonal na panitikan na kinalaban ng kabataang manunulat sa paggigitt nila ng mgt bentahe ng modernismo, Pangatlo, ang modernismong lumitaw At pinanclay dito ay may pagkakaiba sa modernismong nagsimula s \ Kunluran, Panghuli, sa panahong sinusuri, tatlong kalakaran ang ubiyay hugis s malaking bilang ng akda; ito ang tradisyon: TUNGKOL SA NOBELA AT KUWENTO # 183 panitikan, ang panitikang nalahiran ng modemismo, at ang panitikang tumanggap ng impluwensiya ng Marxismo. Ang Tradisyonal na Pananaw sa Panitikan Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling nagdagsaan ang mga magasing pinaglalathalaan ng mga nobela, maikling kuwento, at tula, Nandiriyan ang Liwayway (na siyang tanging magasing pinahintulutang maglathala noong panahon ng Hapon), Daigdig, Aliwan, Bulaklak, Tagumpay, lang-Iang, at ilang magising hindi nagtagal ang buhay tulad ng Malaya na pinama- tunugutan ni Teodoro A. Agoncillo. Nagpatuloy na namayani ang mga kinagawiang paksa at paraan ng pagsulat na matatagpuan na noon pa mang bago magkaroon ng digmaan, Waring walang gaanong Ppagbabagong naganap sa panitikan at kasaysayan sa panahong ito. Mang dahilan ang ating maibibigay upang ipaliwanag ang pamamayani ng ganitong oryentasyon na ating tataguriang tradisyonal, / Una, nasanay na ang mambabasa sa pagbili ng mga lathalaing nagtataglay ng mga kuwento at tulang tumuturol sa mga kinagawiang paksa—pag-ibig, pagtataksil, buhay pamilya, kabayanihan—at ‘gumagamit ng mga kombensiyonal na paraan sa pagkatha. \ Pangalawa, isang negosyo ang paglalathala at kailangan itong: pagtubuan, Isa itong pilosopiya na sinunod ni Don Ramon Roces, ‘ang pinakamayamang publisista noong araw. Samakatwid, kailangang ‘maunawaan ng pubiko ang inilalakong akda nang sa gayon ay patuloy nilang tangkilikin ang produkto linggu-linggo. Pangatlo, ang mga nagsisulat pagkatapos ng digmaan ay yaong ‘mga higante ng tradisyonal na panitikan tulad nina Fausto Galauran, Nemesio Caravana, Gervasio Santiago, Teo Baylen, at marami pang iba na hindi nakisali sa unang bugso ng modemismo sa pagkakatatag ‘ng panitikan. Pang-apat, hawak ng mga matatandang manunulat ang kapangyarihan sa mga magasin. Mga patnugot sa panahong ito sina Regalado, Jose Esperanza Cruz, at mahirap makalusot sa kanila ang mga akda ng kabataang manunulat. Sa isang pagbabalik-tanaw, waring nagpatuloy sa kanilang pamumulaklak ang mga akdang nasulat ng matatandang manunulat a panahong ito ng pagbabago. Panahon ito ng pagbangon mula sa pagkagulapay na dala ng madugong digmaan. Panahon ito ng mga pangulo at lider pulitika,na aral at nagmana sa mga sistema at - 184 # TUNGKOL SA NOBELA AT KUWENTO institusyong likha ng pamahalaang Amerikano, Mga pulitikong, sumikat sa panahong nagdaan ang dalawang pangulong sumunod kay Manuel Quezon—sina Manuel Roxas at Sergio Osmefa Sinundan naman sila ni Elpidio Quirino na humarap sa malaking panganib na dala ng paglaw2k ng kilusang Hukbalahap. Nang nahalal si Ramon Magsaysay noong 1953, nanlupaypay ang kilusan dabil na rin naman ‘sa maraming dahilan—personal na popularidad ni Magsaysay, ang suporta ng Estados Unidos, ang pagsuko ng maraming lider ng Huk, ‘ang pangakong susugpuin na ang mga problema sa lupa. ‘Sa panahon ni Carlos P. Garcia nagkaroon ng tinatawag na Filipino First Policy upang labanan ang makapangyarihang kontrol ng mga dayuhan sa ating ekonomya. Natalo si Garcia ni Diosdado Macapagal na nagsikap palayain ang milyun-milyong Pilipino sa kanilang pagkakatali sa lupa sa pamamagitan ng kanilang malawakang reporma sa lupa. Nong 1965, tinalo ni Ferdinand Marcos si Macapagal at sa Joob ng higit-kumulang na dalawampung taon, binuwag ni Marcos ‘ang maraming institusyon at kanyang ipinalit ang mga bagong sistema, Noong 21 Setyembre 1972, sa gitna ng madudugong labanan ng maraming puwersa sa lipunan, idineklara ni Marcos ang batas militar, Tto ang Konteksto ng mga tagisan ng lakas na naganap sa panitikan. Nakita na natin kung paanong patuloy na namamayani ang tradisyonal na panitikan na pinalalakas ng maraming puwersa sa loob at labas ng panitikan. Sa ganitong pangyayari, nangangahulugan bang nawalan ha ng bisa ang paghihimagsik na pinasimulan ni Abadilla at mga kasama noong 1935-1940? Bagama’t waring di-matinag ang kapangyarihan ng tradisyonal na panitikan na maaari nating taguriang panitikang popular (sapagkat tunay na Unangkilik ng karaniwang mambabasa), hindi naman tuluyang naglaho ang mga akdang nalahiran ng modernismo. Patuloy na nagsusulat sina Abadilla, Pineda, Arceo, Batungbakal, Manuel Principe Bautista, A.C. Fabian, subalit kulang ang kanilang. Jakas upang baguhin ang pangkalahatang pananaw ng publiko. Ang {sang institusyong nagsikap magpatuloy ng layuning malinang ang [Se ay ang KADIPAN o Kapisanang Aklat, Diwa, at Panitik. fagdaos sila ng mga seminar upang patuloy na buhayin ang katutubong kalinangan. Maaaring tingnan ang ganitong pagtatayo ng KADIPAN bilang sagot sa lumalalin na Amerikanisasyon na makikita sa pamamayani ng panitikan sa Ingles. Para sa marami, lalo na yaong, mga edukado at nagtataglay ng kapangyarihan, ang panitikang naisulat sa Ingles ang siya lamang tunay na literatura—seryoso, }KOL $A NOBELA AT KUWENTO + makabuluhan, at karapat-dapat basahin. Para sa maraming tao, kabilang na ang mgs kasapi sa akademya, ang panitikang nasusulat, sa bernakular ay “bakya” sapagkat nasusulat sa katutubong wika, popular sa mga tao, at samakatwid ay walang kabuluhan bukod sa pagiging makukulay na instrumento ng pagtakas mula sa katotohanan ng buhay. Ang elitismo na ipinataw sa Ingles ang naging isa sa dahilan sa mababang pagpapahalaga sa katutubong panitikan, Ang Katutubong Konteksto ng Modernismo Maaaring ituring ang pagsisikap na bigyan ng seryosong statusang panitikan na isang dahilan kaya nagkaroon ng kabataang manunulat na hindi lamang nagsulat ng mga makabagong akda, kundi nagsuri ng katutubong akda mula sa makabagong perspektiba, tulad ng Formalismo. Hinarap ng kabataang manunulat ang katotohanang walang gaanong paggalang at pagmamalasakit sa katutubong panitikan. Ang laman ng mga aklat pampanitikan ay mga akdang silat nos n ck Joaquin, N.V.M. Gonzalez, Bienvenido Santos, Jose arcia Villa, at iba pang manunulat sa Ingles. Sa pagnanasang itar ang kani-kanilang mga akda bilang makata, rowenta, nda, nagsikap ang mga kabataang manunulat na makasulat ng mga akdang taliwas na sa kinaugaliang mga akda, sa tema at sa paraan. Iba na ang akda nila sa mga tula at kuwentong patuloy na lumalabas sa mgd pahina ng Liwayway at Bulaklak. ‘Ang pag-aalsa na naganap sa ikaapat na dekada ay ipinagpatuloy sa ikaanim at ikapitong dekada at sa ganitong kalakaran umigting ang debate ng tradisyonal at makabago. Subalit higit kaysa sa sinimulan nina Abadilla ang pagsandig ng mga kabataang manunulat sa ilang prinsipyo ng modernismo, na isang malawak na katuturan na ang papasailalim ng mga konseptong pinainog sa impluwensiya ng mga makatang Pranses (French Symbolists), ng mga makatang tulad nina William Carlos Williams, Amy Lowell, atT. S. Eliot, ng mga nobelistang tulad nina Hemingway, Faulkner, Steinbeck, at ng mga pilosopiyang batay sa naturalismo, impresiyonismo, suryalismo, at maging sa eksistensiyalismo. Sa madaling salita, hindi lahat ng elemento ng modernismo sa Kanluran ay hiniram ng ating mga kabataang manuinulat; isa na ritoang pagtakas sa tunay na daigdig, at ang kaakibat nitong angsto kawalan ng paniniwala sa kabuluhan ng buhay. Gayunpaman, malinaw na sumandig ang mga manunulat na kina\ibilangan nina Virgiljo Almarlo, Lamberto Antonio, Rogelio 186 + THINGKOLSA NOBELA AT KOWENTO. Mangahas, Rokindo Tinio, Jose Lacaba, Efren Abueg, Rogelio Ordonez, Dominador Mirasol, Edgardo Reyes, at ikan pa, sa mga doktrinang nag-uugat sa modernismo, lalung-lalo na sa mataas na pagpapalalays st pamamaraan o teknik st_pagkatha ng karaniwang taliwas sa kombensiyonal na paraan, Mamamalas din ang impluwensiya ng modernismo sa uri ng tauhang nililikha sa mga tula at kuwento— mga tagapagmasid na may ironikong sensibilidad, mga tauhang biktima ng mga puwersang panlipunan, mga indibidwal na tiwalag sa lipunan, Maipaliliwanag ang konteksto ng paghibi manunulat sa ganitong paraan. ‘Una, ang pag-aalsa ay isang simbolikong pagpatay sa ama, ang pinagmumulan ng kapangyarihan, nang sa gayon ang kapangyarihan ay mapunta na sa anak. Nangangahulugan ito ng pagtalikod sa mga sistema at landasing tinahak ng mga naunang manunulat, ang “tradisyon” na kumikitl sa halip na magbigay-buhay. Binansagan itong sistemang nabanggit ng salitang "Balagtasismo" ni Virgilio Almario, na siyang nagtali sa maraming manunulat sa inuuban nang impluwensiya nina Balagtas at ng sumunod na henerasyon ng makata, Sa tuluyan naman, nangangahulugan ang ganitong pagtalikod sa pagsasaisantabi ng mga akda ng popular na mga nobelista at kuwentista Pangalawa, sa pagtatakwil ng Katutubong tradisyon, kailangang humanap ng kapalit na sistema. Ang sistemang ito ay matatagpuan hindi sa katutubong panitikan (bagama’t sa panahong ito ay nagsusulat pain sina Abadilla, Arceo, Matute, at Batungbakal) kundi sa panitikan ‘ng Kanluran, Ginamit na modelo ng kabataang manunulat ang mga makatang tulad nina T. S. Eliot at W. H. Auden, at mga nobelistang ‘sina Faulkner at Steinbeck. Sa ganitong pagyakap sa Kanluraning modelo, ipinahayag ng mga manunulat ang kawalan nila ng tiwala sa buong tradisyon ng katutubong panitikan, maliban na lamang marahil sa tradisyong sinagisag ni Rizal. Namayani rito ang isang uri ng mentalidad na sa kadahupan ng angkop na salita ay maituturing ma “kolonyal . Pangatlo, ang modernismong naisangkap sa mga akda ay mamamalas sa pangkalahatang bisyon ng buhay na inihayag ng malaking bilang ng mga akda. Isang indibidwal ang manunulac na ‘gumagamit ng sining hindi upang ipinta and ising ideyalisadong daigdig, kundi ang isang mundong batbat ng kawalan ng pag-as, NR pag-aagam-agam, ng kawalan ng malinaw na direksiyon, na ang mgs agsik ng kabataang tauban ay mga taong nalulunod sa dagat ng masalimuot na problema, Makikita ang ganitong pangkalahatang pananaw sa mga akdang bumuo ng Mga Ages sa Disyerto (1964) katulad ng “Tata Selo” ni Rogelio Sikat, “Mga Aso sa Lagarian” ni Dominador Mirasol, "Lugmok na ang Nayon” ni Edgardo Reyes, at “Mapanglaw ang Mukha ng Buwan,” ni Efren Abueg. Pang-apat, sa mga akda ng kabataang manunulat at kuwer matatagpuan ang maingat at rasyonal na paggamit ng mga makabagong teknik sa pagbuo ng mga masalimuot na realidad, Maraming eksperimentasyon ang ginamit ng mga makata upang ang tula ay makaiwas sa itinuturing na kahinaan ng tradisyonal na panulaan—ang moralistikong oryentasyon at ang pagiging sentimen- tal, Pinagpakuan ng masusing pansin ang mga estratehiya upang makalikha pa ng maraming kahulugan sa isang tula, sa paggamit ng denotasyon at konotasyon, ng pribadong sagisag at imahen, ng paglinang ng mga katangian ng tula na inihambing sa musika, sa pagpapaiba-iba ng katangian ng persona sa akda, At sa mga kuwento, raging payak subalit malaman ang mga salitang ginamit, winasak ang kombensiyonal na banghay, nagkaroon ng eksperimento sa paggamit 1g punto de bista, at pinaging masaklaw ang mga sagisag na isinangkap sa mga kuwento Panlima, sa maraming akda sa panahong ito, lalo na sa mga tula, * waring naging tiwalag na ang kalagayan ng makata sa buhay ng nakararami, Sapagkat lubhang mahihirap at esoteriko ang kanilang mga pamamaraan, nagkaroon ng malaking agwat ang makata at publiko na hindi makasunod sa komplikadong landasing tinahak ng makata, Waring ang ideyal na tagabasa ng mga akdang naturan ay ‘mga makata rin na aral sa mga tula nina Neruda at Eliot. Sa ganitong pangyayari, nailagay ang tula sa isang pedestal na hindi na maaabot ng karaniwang mambabasa. Sa isang pagbabalik-tanaw, maipaliliwanag ang ganitong paghihimagsik ng kabataan bilang isang reaksiyon sa diktadura ng matatandang manunulat. Sa kanilang paghahanap ng modelong mailalaban sa makapangyarihang panitikan (sa Filipino at sa Ingles), ‘ginamit nila ang mga akdang Kanluranin. Tiningnan nila ang kanilang, ‘mga aka bilang isang paraan ng pagpapalaya sa bilangguang malaon nang kinabaunan ng tradisyonal na panitikan. Ang ganitong rebelyon, nna waring tiwalag sa pangangailangan ng lipunan at kasaysayan, ay naganap sa panahong wala pang gaanong kamalayang pulitikal ang maraming sektor ng lipunan. 188 + TINGKOLSA NOBELA AT KUWENTO ’ Ang Marxismo sa Panitikang Nakikisangkot Sa dekada ng 1960, sa panahon nina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal, lumaki ang bilang ng mga Pilipinong naniniwala na ang banea ay nakatali sa interes ng Estados Unidos, Mataon na itong batid ina Claro M. Recto, I. P. Soliongco, at ilan .dibidwal, subalit kakaunti ang naniwala or katotohanang ang Pilipinas ay isa pa ring bansang walang tunay nha kalayaan, Nagkaroon ng pagbabago sa hanay ng mga intelektuwval, ‘a mga mag-aaral at higit sa lahat sa uring naapi—sa mga manggagawa at magbubukid—at kanilang naunawaan na ang kalageyan ng bansa ay nakaugat sa pamamayani ng mga makapangyarihang puwersang patuloy na sumisikil sa karapatan ng mga (20. ‘a panahong ito nagkaroon ng madugong labanan ng mga puwersa, ng pagtatatag ng mga kilusang laban sa pamahalaén, ng mga rallies oe Pemonstrasyon. Waring isang bulkang sasabog ang Pilipinas dahil pa rin naman sa tagisan ng mga puwersa. Sa maigting na bahagi ng asaysayan idineklara ni Marcos ang batas militar, pagkatapos n& ‘madugong pagbomba sa Plaza Miranda. ‘Kung totoong ang panitikan ay bunga ng mga pangyayari sa lipunan ‘at kasaysayan, makikita ang malinaw na patunay ng ganifOng uel ng ugnayan sa mga pangyayaring naganap sa panitikan. Para sa mga ao enaulst tradisyonal man o makabago, nagkaroon ng pagkamulat. Hindi nangangahulugan ito ng pagbabago sa tema—ang tema ng Karahasan at kawalang katarungan ay malaon nang ginagamit sa panitikan, Subalit malinaw din na bagama't ang pinaksa ay on prateryal na Kalagayan ng mga tauhan, ang pamamaraan ay nanatiling Imasalimuot at lubhang makasining. Waring hindi ito ang panga- gailangan sa panahong ito. Sa mga taong ito ng aktibismo, jpinamukha ng mga manunulat sa kapwa manunulat na walang puwang ang akdang makasining na hindi naman maiuugnay s¢ Katotohanan ng kolonyalismo at piyudalismo. Ttinatag ang Panulat Para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) noong 1971 at sa ganitong paraan, napagsama-sama ang marami si pinakamahubusay na mdnunulat sa panahong ito. Sa pananaw 9B ‘ng mga Pilipinong tulad ni pang mga prominenteng in Bumubuo ng PAKSA, ang panitikan ay dapat gamitin sa pakikibakka laban sa mya puwersang dumudubagi sa nakararaming mamamayan. ‘Tungkulin ng manunulat na buksan ang paningin ng mambabasa st katotohanan ng kanilang pagkaapi at pagiging biktima ng mapanil nhs lipunan, Atsa pagiging larawan ng lipunan, tungkulin ng pantskan | | q ‘TUNGKOL SA NOBELA AT KUWENTO # 189 na itanghal din ang ideyal, ang da |, ang dapat na maganap sa buhay ng tauha Karaivang ging din ang mg aun lang sag nr nagtutungzaliang puversang paiipunan tsa pagttapos ng ak abanaag ng livanag sa gitna ng kadilima z iakabaaagng van gia ng alan opangieayagang ‘Makikita ang ganitong pagbaba ygbabago ng pananaw mula sa indibic bitang api tango sa mga taubang bagama’ inaap st cm ay nagkakaroon ng tay ag loob na Farapin at kalabanin ang 4 makapangyariang pavers ng alipunan ng mailing evento, Sig, inlatsala noong 1971, Ib bang makha ng kahirapan at Karan angnaravan a Kolehsivong io, bali hind naga g manunulat sa obhetibong paglalarawan lamang; nagkaroon din ng analisis sa mga dabilan ng ganitong aping kalagayan. Marah is ito sa ipinagkakatba ng mga kuwento saga dgassaDisyrtoa a tga aka a Siuaang pagsiskap ng manunvlt na lomagpas is obhetbong plata tango sa sang tuay ma ana ng matey yan ng mga tauhan. Ang ganitong oryentasyon 4 tmamamalas a mga aka na Efren Abueg, Ricard Le, Fanny Garcia, atlan pang manunuat sa parahong to. pany eee pagkabaon ng mga akda sa mga kaisipang his ga kaisipang hin: dol 0 dog alin ing tmaldta sa maraming tla P sa panahong ito. Radikal ang pagbabago sa a kupasyon ing mga makata na kailan lamang 2} isipulo ng sining para na yy mga disipulo ng sinin Sining, Naging higit na makabuluhan ang nlalaman ng tla kya sa tga pang nami pagpapahayag ng ema, Iapatang paraan ste, s ap aang tema sa parean. Mga karanastng paniipunan na bunga ng materyal na Konlsyon ng buhay a nagbubungs sx jrapan at paniniil sa nakararami ang pinaksa nang buong tining nigga makatang tulad nina Alma, Antoni, Lacaba, at Mangas a sa ganitong pagpasok ng mga kaisipang hango sa Marxismo, % ragdagan ang mga panig sa debate ng tradisyon at modernismo. aging long maslimaot ang mga landasing natabak ng panitikan, tanga alse epekto ng ganitong paniniwala sa pangangailangan -uugnay ng pultika at sining ang higit na pagpapahal mga aldang may lnyeng pull. Nagin sistema ng pagiays ang mes pinialanghango a Kecohivang Manso. Sa ay oy inasinungalingan ang paniniwalang an 'y masuring 8 panitikan a rts buhay ng ga to, Paeangh ng ining ng mga ciko at manunulat sa kapwa manunulat, saat kaniang palagay, ito ang kailangan ng bansi sa bahaging ito ng kasaysayan. 190 « TUNGKOL SA NOBELA AT RUWENTO Kongklusyon Batuy sa ginawang pahapyaw nit pagsusuri, maar ayong gumawit ng ilang kongklusyon. Una, ang panitikan ay isang sistemang dumanas ng maraming pagbabago dahil na rin sa pagrutunggalian ng maraming elementong, hango sa tradisyong katutubo at impluwensiyang Kanluranin. Ang patuloy na pagsulat ng bat ibang uri ng akda ay nag-ugat sa patuloy fa tagisan ng mga puwersa na bawat isa ay nakasandig sa mga paniniwala hinggil sa kabulogan ng panitikan, sa papel ng manunula, psa tungkulin ng manunulat sa lipunan. Sa ginawang pagsusuri, akita natin kung paanong hinarap ng tradisyonal na panitikan ang jea pang uri ng mga aka na malinaw na nalahiran ng impluwensiyang hhango sa Kanluran, Nakita rin natin kung paanong lumabas pa Sa ikapitong dekada ang isang kalakarang humamon sa mga punda- ‘mental na paniniwala ng makabagong manunulat sa panahong nasab Pangalawa, ating namalas din ang patunay na higit na magiging malinaw ang mga landasing tinahak ng panitikan kung ating itatapat ito sa aktuwal na kasaysayan. Makabuluhan ang paglinaw ng ganitong historikal na pananaw lalo na sa ating pagsisikap na mabatid ang mga dahilan kung bakit maluwag na tinanggap ng kabstaang manunulat ang mga kaisipang hango sa Marxismo, at kung bakit amayani ang panitikang nakikisangkot sa panahon ng maigting n& tunggalian sa lipunan. Panghuli, isang uri ng pluralismo ang nangibabaw sa panahong sakop ng pagsusuri. Bagama’t para sa mga kritikong nabibilang sa iat ibang sistema, ang kanilang sistema ang pinakamahusay, malinass ddin nating nakita, sa isang pagbabalik-tanaw na ang patuloy na pag tunlad ng panitikan ay nakasalalay sa isang uri ng tunggalian 8 maraming puvwersa, Waring hindi lubusang makatwiran na ang isang Sistema lamang ang pangingibabawin, at kikitilin ang iba pang paniniwala o doktrina. Nararapat na pluralismo ang mamayani at hindi eng isang uring monolithicna sistema ng pagpapaliwanag at pagiay2- Sa ating paglingon sa nakaraan, malinaw nating masisipat ang mga aging bunga ng agos at sigwa na sa pagdartan ng mga taon ay paging isang makapangyarihang sangkap sa pagbuo ng malaking bilang n& akdang nagsikap magtatag ng isang sistemang pampanitikan na qutulong sa ating paghahanap ng kahulugan sa ating masalimuot na karanasang personal at panlipunan. Ang Pananaw ni Balagtas sa Sambayanang Lakas ‘makabuluhang manunulat sa katutul ang i i anc fg anginay ay naivgnay sa kasysnyan ng bansa bilang tunay na bayani ng eh, nagsani a mga pag-aral at pagsusur sa kanya ats Kanyang mgs i ang pul ot ext. S maakng bang ng ge pagal kanya, mola s mga senayay nina Epfanio de os , Hermenegildo Cruz, at Lope K. Santos hanggang sa mga akda sins Epifanio San jun, Je, Lucila Hosilos, Vigo Almaro sa kaselukuyang panto, hind mapaghivaly ang kanyangsining sa kanyangsnatagiag st kasysayan hind lamang st ebolujen aban st mea Kal undimagng gi gaa rng ht Sms si Francisco Balagtas ang itinuturing na pinaka- Ang Kahulugan ni Balagtas Sa mga pagpapahalaga kay Balagtas sa tradisyonal na pananaw, tulad ‘ng matatagpuan sa mga sanaysay ng naunang kritiko at histor ado dinin ang mahalgang papel ng mata at ng kanyang lorante at Laura sa paggising sa kamalayan ng mga Pilipino upan; sila ay maghimagsik laban sa mga Kastila; ito ang kahatagahan. M Balagtas, sang-ayon sa kanonisadong sanaysay ng historyador na i Teodoro A. Agoncillo (1988, 199-208). . ” a abilng ‘dako, sa makabagong pagsusuri ng kritikong si Virgilio Amaro na pinamagin nivang Balagiasismo Versus Modernismo ), ating matatagpuan naman ang isang malawakang pag-aaral Panayam na binasa ss Araw ni Balagtas, Manila, 2 Abril 1993, 191

You might also like