Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Mga Subanen At Ang Konsepto Ng Kapangyarihan

Bila og glibun, og bosi non og baba’ non


“Sa babae, ang sandata ay ang kanyang salita.”
(As for a woman, her weapon is her mouth) [Hall, 1987]

kapwa Ang linyang ito ay nagsasaad na ang kababaihan sa kulturang Subanen ay ‘di hamak na
mas diretso magsalita, sa mga kuwentong isinasalaysay nila, at sa mga tanong na binoboses, lalo
na ang mga nakatatandang kababaihan. Ang kalakasan ngayon ay nasusukat sa mahigit isang
paraan: hindi man makalaban ang babaeng Subanen sa isang pisikal na away, kaya niyang
makapagsalita, at lamang siya sa mga kalalakihan pagdating sa kagalingang bumigkas at
ipaglaban ang sarili at ang nang direkta.
Sa artikulong ito, susuriin natin ang pagsasalaysay ni Nenita Condez, isang babaeng lider ng mga
Subanen (tinatawag na gukom libon o gukom le) sa mga karanasan ng kanyang komunidad at sa
mga suliraning kinakaharap nila sa kasalukuyan. Makikita rin natin kung anu-ano ang maaari
nating maging kontribusyon at pakikisama sa kanilang mga kinakaharap.
Ang mga Subanon, na tinatawag rin minsan na Subanen, ay matatagpuan sa mga probinsya ng
Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, at sa siyudad ng Zamboanga sa isla ng Mindanao
sa Pilipinas.
Ang kanilang pinakahanapbuhay ay ang pagsasaka, at ang kanilang kadalasang itinatanim ay
palay at bigas. Nagtatanim rin sila ng mais at niyog. Ang kanilang tradisyunal na
panghanapbuhay ay pagtotroso, ngunit ang iba na nakatira sa may tabing-dagat ay natutong
mangisda at magkalakal. Kahit na mahihinuha na limitado ang mga oportunidad na makapag-aral
ang mga Subanen, marami ang nakagamit ng mga pasilidad na maaaring gamitin sa pag-aaral at
pag-abot sa mga posisyon nila bilang mga guro, mga empleyado sa gobyerno, mga mambabatas,
at mga doktor. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Subanen sa edukasyon dahil na rin sa hirap na
makamtan ito. Ang populasyon ng mga Subanen ay umaabot sa tatlumpung libo (30,000) sa
kasalukuyan. Ang kanilang relihiyon ay tradisyunal na nakabase sa paniniwala at sa pagsasada

Ang mga kasuotan naman nila ay kadalasang may mga kulay na itim, pula at puti. Ang mga
kababaihan ay madalas magsuot ng pulang hikaw at mga kwintas. Tulad ng ibang mga tribo,
maraming mga kanta tulad ng Ginarang o Migboat, Basimba, Gatagan, at Sirdel o
Sumumigaling, na nilikha ang mga Subanen para sa iba’t ibang okasyon. Sinasabayan nila ito ng
pagtugtog ng mga instrumento tulad ng kulintang (gongs), kutapi, sigitan, lantoy, kulaying, at
tambubok sa mga kanta at sayaw para sa mga kasal at iba pang mahahalagang okasyon. Mayroon
rin silang mga sayaw para sa mga giyera at ritwal, na kanilang isinasagawa gamit ang taltal
tuwing pagtitipon.kila ng mga espiritu at anito.

Ang istrukturang politikal ng mga Subanen ay patriarkal, kung saan ang pamilya ang
pinakasimpleng yunit ng gobyerno. Walang makikitang hirarkiyang pulitikal sa mga Subanen,
‘di tulad ng mga ibang pamayanang Lumad at Moro na may sistema ng sultanato o kaya’y datu.

Gukom ang tawag nila sa pinakamataas na posisyon sa kanilang komunidad. Ang katawagang ito
ay hindi iginagawad sa kahit sino lamang, ngunit hindi rin ito pinagbobotohan. Ayon kay Gukom
Condez (linya 50-58), nakabase sa kapasidad na mamuno o magdumala ng komunidad ang
pagiging gukom. Iginagawad rin ito sa mga kagalang-galang at karapat-dapat na irespetong mga
tao, sapagkat sila ang tutulong na ayusin ang mga bagay-bagay kung kinakailangan. Bukod dito,
tungkulin at responsibilidad ng mga tao sa kanilang pamayanan na alagaan ang isa’t isa sa
kanilang pamilya, at pagsikapan na maghanap ng buhay ng kaginhawaan para sa kanilang mga
anak at asawa.

You might also like