Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lubluban 2k19

Ang gawain ito ay hinati sa dalawang parte kung saan magsisimula ng 7:00 ng
umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa ilang kalye ng Brgy. Industrial Valley
Complex, Brgy. Barangka, Brgy. Tañong, Brgy. Jesus Dela Peña, Brgy. Kalumpang,
Brgy. San Roque, Brgy. Sta. Elena, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Malanday at Brgy. Marikina
Heights.

Samantala, magpapatuloy naman ang Lubluban Festival sa Marikina Sports Center


mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi. Ito ay libre para sa lahat ng gustong
makisaya.
Sa mga nais dumalo, maaari kayong makisayaw sa tugtugang inihanda ng guest
DJs, maligo sa common swimming pool na itatayo sa field, maligo sa private
swimming pools sa harap ng inyong tent at maligo sa olympic-sized pool ng
Marikina Sports Center na lalagyan ng mga pailaw.

Magtatayo din ng amusement rides at inflatable area na matatagpuan sa West


Grandstand at tatlong malalaking tents na mayroong tuloy-tuloy na tilamsik ng
tubig. Mayroon din mga bubble, foam at smoke machines sa lugar at fireworks
display.

Tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan na walang tubig ang masasayang sa gawaing ito


dahil ang mga nagamit na tubig mula sa mga water tankers ay gagamitin muli para
linisin ang Marikina Public Market at gagawin ding pandilig ng mga halaman sa
lungsod.

Naniniwala si Mayor Marcy na ang tubig ay sumisimbolo ng pag-asa kaya naman


ang Lubluban Festival sa Marikina ay inaasahan na maghahatid ng bagong pag-asa
sa bawat Marikenyo.

Ang pagpapanatili ng mataas na happy index ng mga Marikenyo at ang


pakikipagkapwa-tao ay ilan sa mga pinapahalagahan ng administrasyon ni Mayor
Marcy.
public service

You might also like