Manuscript

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

STEM PRODUCTIONS presents

HERO ACADEMY: A LESSON OF LEGACY

Part 1

Setting: Paaralan/ Tanghali

Sa gitna nang paaralan ay may isang estudyante na mayroong


nakapatong na malaking martilyo. Mayroong mga bagay na sa paaralan
makikita at mga estudyante na nasa iba’t ibang bahagi ng entablado.

Voice Over : Ang ika-dalawampu’t isang siglo. Ang panahon kung


saan narating na ng sangkatauhan ang yugto ng makabagong teknolohiya.
Ipinanganak ang mga makabagong sining at pinagbuti ang mga nauna.
Kasabay ng mga inobasyong ito ay ang pagtaas ng lebel ng talino ng mga
tao. Totoo. Totoong marami na ang nagbago. Ngunit hindi naitago ng mga
pagbabagong ito ang kahirapan at ang kasamaan na nakatanim na sa puso
ng mga tao. Sa kabila nito, lumalabas na rin ang mga bayani na magliligtas
sa mga naaapi at wawaksi sa mga masasamang loob. Sila ay hinuhubog at
sinasanay upang maging gnap na tagapagligtas ng mundo at ng
sangkatauhan. Sila ay ang mga mag-aaral ng HERO ACADEMY.

Maririnig ang ingay ng mga estudyante na maryoong kanya-kanyang


agenda sa paaralan. May mga pinaguusapan ang kanilang super powers
samantalang ang iba ay nagpapalakihan ng katawan.

May dadating na isang grupo at pupuwesto sa gitna.

SFX : First Day High by Kamikazee – 3 minutes and 30 seconds

Nasasabik sa unang araw ng eskwela,


Taas kamay with confidence,
Let's do the first day high.
First day of school laging may kaba,
Sinu ba naman gustong mag-isa,
Sana may cute na makatabi,
May bagong kaibigan pagtapos ng klase,
Lakas loob hanapin ang katropa,
Sumabay sa saya,
Let's do the first day high.

Nasasabik sa unang araw ng eskwela,


Taas kamay with confidence,
Let's do the first day high,
Iba't iba ang hilig,
Magkakasundo sa trip,
Kung gusto mo sumama,
Welcome ka mag first day high.
Taas noo wag kang mag-alala,
Tiwala sa sarili wag ka nang mahihiya,
Kumaway wag kalimutang ngumiti,
Sigurado sa iyo ay may babati, hi!
Lakas loob hanapin ang katropa,

Itaas ang kamay,


Let's do the first day high,
Nasasabik sa unang araw ng eskwela,
Taas kamay with confidence,
Let's do the first day high.
Umaapaw sa talino,
Do the brainy high,
Kung mayaman si papa,
Do the sossy high,
Pagmahilig ka sa sports,
Do the mvp high,
Kung cool ka at astig,
Do the rebel high,
Pag solid sa bait,
Do the nice guy high,
Itaas ng kamay,
Let's do the first day high,
First day high,
Nasasabik sa unang araw ng eskwela,
Taas kamay with confidence,
Let's do the first day high.
Iba't iba ang hilig,
Magkakasundo sa trip,
Kung gusto mo sumama,
Welcome ka mag first day high.
F-i-r-s-t d-a-y first day high,
F-i-r-s-t d-a-y first day high,
F-i-r-s-t d-a-y first day high,
Nasasabik sa unang araw ng eskwela,
Taas kamay with confidence,
Let's do the first day high.
Iba't iba ang hilig,
Magkakasundo sa trip,
Kung gusto mo sumama,
Welcome ka mag first day high.
First day high, first day high

May dalawang estudyante ang magkakainisan at mag-aaway.


Papaligiran sila ng iba pang mga estudyante at paguulutin upang lumala ang
alitan ng dalawa.

Estudyante 1 : Ayan lang ba ang pinagmamalaki mo, Eugene!?


Estudyante 2 : Wala pa ‘to sa isang daang porsyento ng kaya kong
gawin!

Tatakbo pasalubong ang dalawa sa isa’t isa ngunit mapapahinto sila sa


sigaw ng kanilang bayani na si Darna.

Darna : Tigil!

Makukuha niya ang lahat ng atensyon. Lalakad siya sa gitna at


haharapin ang mga estudyante.

Darna : Mukhang nakakalimutan ninyo kung bakit kayo


nandito. Nag-aaral kayo rito upang maging isang Bayani! Upang ipagtanggol
ang mga naapi at hindi para labanan ang inyong mga kasamahan! Umayos
na ang lahat at mayroon akong konting paalala bago magsimula ang klase!

Susunod ang mga mag-aaral at pupunta sa kani-kanilang pwesto.

SFX : Superhero by Rocksteddy – 1 minute and 17 seconds

Simple lang naman ang 


aking pangarap
ang tayo ay lumipad at 
maglaro sa ulap
nais ko lang nama`y makita kang nakangiti
ang makapiling ka sa 
bawat sandali
(Refrain)
Lahat ay gagawin
Lahat ay susuungin
Lahat haharapin
Lahat ay kakayanin
(Chorus)
Lilipad ako para lang sa`yo
Lilipad ako sa dulo ng mundo
Ang lahat ng ito`y para 
lang sa`yo
Dahil ang totoo
Ikaw ang aking superhero

Part 2
Darna : Kagaya ng sabi ko ay prayoridad natin ang ating mga
mahal sa buhay at lalong lalo na ang ating bayan. Kasama ito sa tungkulin
natin bilang mga bayani.

Pagkatapos ng mga paalala ni Darna ay dadating ang isa pang bayani


ng bansa. Pagkakaguluhan siya ng mga estudyante, siya si Captain Barbell.

Captain Barbell : Pasensya na at nahuli ako. May dinala pa kasi akong


kriminal sa prisinto.

Darna : Mga batang bayani! (aayos ang lahat at


lilingon kay Darna) Bumalik na kayo sa inyong mga silid. Captain, mag-uusap
tayo sa opisina ko.

Captain Barbell : Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin, may


problema ba?

Darna : Tama ka, isang mabagsik at makamandag na


problema.

Lalabas ang dalawang Bayani sa entablado kasabay nito ay ang


maayos na pagpila ng mga estudyante habang nagmamartsa.

Part 3

Muling lalabas si Captain Barbell na iba na ang kasuotan sa kabilang


bahagi ng stage.

Captain Barbell : Kagaya ng mga bagay na siguro ay alam ninyo na…

Maglalakad lakad siya sa harapan ng mga mag-aaral habang


nagsasalita.

Captain Barbell : …mayroong mga bayani na gumagamit ng armas sa


pakikipaglaban. Mayroon din na ang lakas ng kamao at katawan ang
ginagamit upang makapag ligtas ng mga naapi, kagaya ko.

Hihinto siya sa gitna at haharap sa mga estudyante.


Captain Barbell : Sa pagsubok na ito ay malalaman natin kung kayo ba
ay may angking lakas upang iligtas ang ating bansa. Simulan na!

SFX : Cordillera Fusion Collective Echoes – 3 minutes and 50 seconds

Part 4

Sa kanang bahagi ng stage ay nakatayo ang humahalakhak na si


Panday.

Panday : Kahit ano pang sabihin mo Kapitan, hamak na mas mainam


makipag laban kung meron kang sandata.

Captain Barbell : Kung ganon ay sinasabi mo na mas malakas ka sa


akin?

Panday : Hindi na ako nag nagsabi niyan.

Mapapatawa ang Panday kasabay ng iba’t ibang reaksyon ng mga


estudyante sa nangyayaring sagutang ng dalawang bayani.

Captain Barbell : Kung pwede lang… huwag kang manggulo sa klase


ko, mapurol na utak.

Ilalabas na ni Panday ang kanyang mga espada ng biglang tumunog


ang bell kaya’t mapapangiti nalang ito.

Panday : Mukhang tapos na ang klase na sinasabi mo! Oras ko


na para magturo!

Lilipat sa kanang bahagi ang mga mag-aaral at haharap kay Panday.

Part 5

Tatayo ang lahat nang maayos habang ang Panday na ang magtuturo
sa harap nila.
Panday : Kuhanin ang mga arnis! Ipapakita ko sa inyo ang sining ng
pakikipaglaban gamit ang armas! Hahahaha!

Hawak ang kanilang mga arnis ay sabay-sabay silang sisigaw – Hu-ha!

Bayani Ka

Composed and sung by John Linen Bendijo

Habang sila ay nag-aaral ay may isang estudyanteng matatalisod at


mapagtatawanan.

Part 6

Babawalin ng guro ang ibang mag-aaral at tutulungan tumayo ang


natumbang bata.

Panday : Tumayo ka, hijo. Anong pangalan mo?

Victor : Ako po si Victor.

Panday : Ok, Victor. Anong kakayahan mo? Malakas ka ba?


Nakakalipad? O baka may mahika ka?

Victor : Wala po akong kapangyarihan, sir. Kahit anong


kakayahan, wala.

Magtatawanan ang lahat at tutunong ang bell, aalis ang ibang


estudyante at maiiwan si Panday at si Victor sa entablado.

SFX : School Bell

Panday : Sumunod ka sa akin, Victor.

Lalakad ang dalawa patungo sa gitna kung nasan nakapwesto ang


isang malaking martilyo.
Victor : Ano po ba ‘yan?

Panday : Isang armas ng Diyos, bata.

Victor : (Mamangha sa narinig) Pwede ko po bang hawakan?

Panday : (Matatawa ng kaunti) Oo naman, gusto mo subukan mo na


rin hugutin. Sabi kasi nila, ang bayaning makahuhugot at makakagamit ng
Martilyo ni Thor ay ang magliligtas ng mundo ng mga tao at mundo ng mga
Diyos.

Hahawakan niya ang martilyo na tila pinapakiramdaman ito. Maririnig


ang mabilis na tibok ng kanyang puso at pakislap-kislap na kuryente.

Dadalin niya ang kaniyang kamay sa hawakan o handle ng martilyo at


ipipikit ang mata. Mas lalakas ang tunog ng kanyang puso.

Sisigaw si Victor ng malakas ngunit hindi niya maiaangat ang martilyo.


Kung kaya’t magtatawanan muli ang mga estudyanteng natitira sa
entablado pati ang Panday. Tatakbo siya palabas ng stage.

Part 7

Maiiwan sa stage ang natirang estudyante at si Panday ng biglang


tumunog ang alarm ng school. Susunod na maririnig ay isang boses na
nanggagaling sa isang speaker.

Darna (voice over) : Babala! Hindi ito isang drill! Nandito si ating
school si- (malabong salita)! Inuulit ko-

Mapuputol ang pagsasalita ni Darna at babalutin ang lugar ng


katahimikan. Muling tutunog ang speaker ngunit ibang boses naman ang
maririnig.

Radyo : Huwahahahaha! Hssss. Ito na ba ang inyong bayani!?


Tumatanda ka na na nga, Darna! Hssss Huwahaha! Oras na para mabura
kayong lahat sa mundo!

Muling tatahimik ang lugar. Susundan ng malakas na hangin na naging


hudyat upang magpanic ang mga tao.
Panday : Huwag kayong magpanic! Kumalma kayo! Dumiretso kayo
sa ligtas na lugar ng dahan-dahan!

Captain Barbell : Panday, sumama ka na sa kanila! Ako na ang


sasalubong sa kontrabida na ‘yon.

Susunod si Panday kay Captain Barbell at aalis kasama ang grupo ng


mga estudyante. Maiiwan sa gitna si Captain Barbell at makikita ang
pagpasok ni Valentina kasama ang kaniyang mga alagad.

Valentina : Kamusta Kapitan, tumataba ka yata, hsss.

Captain Barbell : Nasaan si Darna!?

Valentina : Huwag mo na isipin ang karibal ko na iyon, hsss.


Mahimbing na siyang natutulog, hsss at susunod ka na rin sa kanya!

Sa isang kumpas ay pinasugod ni Valentina ang kanyang mga alagad.


Sa una ay isa-isa lang sila na sumusugod kaya’t madali silang napapatumba
ng bayani ngunit kalaunan ay sabay-sabay na nilang inatake ang nag-iisang
bayani sa lugar.

Part 8

Unti-unti ay manghihina si Captain Barbell at mapapabagsak sa


kaniyang tuhod. Doon ay papasok si Panday at ipagpapatuloy ang laban sa
kampon ni Valentina.

Valentina : Hssss, ikaw pala ang bagong nagmana ng Panday,


hsss. Tingnan natin ang makakaya mo, bagong panday.

Panday : Ako nga! Laban na!

Muling papasugurin ni Valentina ang kaniyang mga alagad ngunit sa


kabilang bahagi ay lalabas din ang mga estudyante ng paaralan at
sasamang makipag laban.

Makikita na ilalabas ni Victor ang nanghihina na si Captain Barbell.

Part 9
Mauubos ang mga kalaban na magiging sanhi ng pagkainis ni
Valentina. Hihiyaw siya ng napakalakas na sa sobrang lakas ay
mapapatumba ang mga estudyante at si Panday. Lahat sila maliban kay
Victor.

Valentina : Anong nangyayari hsss!?

Voice Over : Victor.

Victor : (mapapalingon siya sa kanyang likod at sa


iba’t ibang direksyon) Sino ka!?

Voice Over : Ako. Ako ang sandata mo. Ang lakas mo. At
ang kapangyarihan mo. Lapitan mo ako kagaya ng paglapit mo sa akin
kanina.

Lalapit si Victor sa martilyo sa gitna.

Voice Over : Ipakilala mo sa mga mundo kung gaano ka


kalakas, Victor. Victor Magtanggol.

Muling maririnig ang malakas ng tibok ng puso ni Victor kasama ang


mga maliliit na kuryente sa kaniyang katawan. Hahawakan niya ulit ang
handla ng martilyo at sisigaw ng napakalakas.

Victor : Ako si Victor Magtanggol!

Part 10

Valentina : Ang tagapagmana ni Thor ng Asgard, hsssss!

Victor : Tapos ka na, Valentina!

Valentina : Huwahahaha! Wala ka pang kayang gawin, bata!


Hssss.

Victor : Bakit hindi natin subukan!?


Maglalaban ang dalawa ng ilang sandali. Isang malakas na kidlat ang
maririnig sa entablado at doon ay matutumba at aatras si Valentina.

SFX : Maging Superhero by Daniel Padilla – 3 minutes and 31 seconds

Alam kong mahirap talaga ang mag-isa


May mga anino sa paligid na may balak saktan ka
Ayokong nakikita kitang nag-aalala
Maniwala ka para sa'yo handa 'kong sumabak sa gera
Maniwala ka

Wag na wag kang matatakot


Wag na wag kang sisimangot
Wag na wag panghinaan ng loob
Ako ang sasagip sa'yo
Wag na wag mong iisipin
Na hindi kakayanin
Para sa'yo pipilitin kong maging super
Maging superhero

Tiyak kong hinding hindi ka na mag-iisa


Sa bawat laban mo sa buhay ako ang iyong kasama
Lakas at tapang ito'y nagmumula
Sa pagsasamang matibay abot natin lagi ang tagumpay
Maniwala ka

Wag na wag kang matatakot


Wag na wag kang sisimangot
Wag na wag panghinaan ng loob
Ako ang sasagip sa'yo
Wag na wag mong iisipin
Na hindi kakayanin
Para sa'yo pipilitin kong maging super
Maging superhero

Tawagin lang ako sa oras na kailangan mo


Darating ako

Wag na wag kang matatakot


Wag na wag kang sisimangot
Wag na wag panghinaan ng loob
Ako ang sasagip sa'yo
Wag na wag mong iisipin
Na hindi kakayanin
Para sa'yo pipilitin kong maging super
Maging superhero
END

Story by : Justin Lian V. Cordero

Script Writers : John Linen Bendijo

Justin Lian V. Cordero

Myrian Dale Aquino

Kyne Angelie Luciano

XII – STEM

You might also like