Noliiii

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na

isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y
Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga
pari sa panahong Kastila.

Ito ang buod ng nobelang kwento:

Buod

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral niya
sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa dahilang ito na kung saan inanyayahan niya ang
ilang sikat na tao sa kanilang lugar.

Nahamak si Ibarra ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalam ng magalang niya ang pari dahil may
mahalaga siyang lakarin.

May magandang kasintahan si Ibarra na si Maria Clara na anak-anakan ni Kapitan Tiyago at ang dahilan
kung bakit dalawin niya pagkatapos ng piging.

Muling binasa ni Maria ang mga lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral sa Europa habang inalala nila
ang kanilang pagmamahalan.

Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si Tinyente Guevarra na nagpahayag na namatay na noong isang taon
ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra.

Sabi ng Tinyente na inakusahan ang don ni Padre Damaso na erehe (taong hindi sumunod sa utos ng
Simbahan) at pilibustero (taong sumasalungat sa utos ng pamahalaan) dahil hindi umano nagsisimba at
nangunumpisal. Ngunit ayon sa Tinyente, nagsimula ito nang ipagtangoll ng don ang isang bata sa kamay
ng isang maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya namatay.

Nakakulong umanoy si Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa insidente ngunit ang mga kaaway
niya ay gumawa nga mga kung anuano para ipahiya ang Don.

You might also like