Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kabanata III

Pamamaraan at Pinagkuhanan ng mga Datos

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang kwantitatibong pananaliksik kung saan ito ay may

malawak na siyentipikong pamamaraan. Ang uri ng pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga

numero at statistikal na pag-aaral. Gumagamit ng pagkokompyut, statistikal at matematikal na

mga kasangkapan para makuha o makamit ang resulta. Ang kwantitatibong pananaliksik ay

nagkokolekta ng mga datos sa numerikal na paraan na maaaring ilagay sa kategorya, ranggo o

ayos. Ang mga datos na nakokolekta sa uri ng pananaliksik na ito ay maaaring gamitin para

makabuo ng mga talanguhitan at talaan. Ang layunin nito ay upang matukoy ang relasyon sa

pagitan ng isang bagay at sa isang populasyon (Hopkins, 2008). Layunin ng mga mananaliksik na

magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa samot-saring pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagbabalik

ng baybayin sa pamamagitan ng estadistikal at sistematikong paraan ng pangangalap ng datos.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan kung saan ito ay

isang siyentipikong paraan ng pag-oobserba at paglalarawan o pagbibigay kahulugan sa pag-

uugali ng isang paksa. Ang mga resulta ng deskriptibong pag-aaral ay bukas sa mga katanungan

at iba’t ibang interpretasyon (Shuttleworth, 2008). Ang uri ng disenyo ng pag-aaral na ito ay

karaniwang ginagamit sa kwantitatibong pananaliksik kung saan madalas na gumagamit ng

talatanungan bilang instrumento ng pangangalap ng impormasyon para sa matagumpay na

pagsasagawa ng pag-aaral.

Populasyon at Sample ng Pag-aaral


Ang mga sample na ginamit namin upang makakuha ng mga datos sa mga piling kalahok

ay una, ang payak na random sampling. Isa ito sa pinili naming teknik sa pagkuha upang

magkaroon ang lahat ng pagkakataon na mapili at maiwasan na rin ang isyu ng bias.

Gayunpaman, ginamit din ang istratifayd sampling, ang sampling na ito sa pagpili kung anong

strand at anong baitang ang magiging kalahok ng aming pananaliksik. Ito rin ang ginamit namin

upang mailarawan mabuti kung kanino galing ang mga datos na aming nakalap.

Ang mga kalahok na napili para sa pananaliksik ay ang Senior High School na mag-

aaral mula sa strand ng HUMSS ng Centro Escolar Integrated School, Longos, Malolos,

Bulacan. Dahil ginamit namin ang random sampling ay hindi pa tiyak kung ito ay puro

kababaihan o kalalakihan o kaya'y halo. Kumuha ang mga mananaliksik ng limampung (50)

mag-aaral bilang respondate sa pag-aaral na ito mula sa strand ng Humanities and Social

Science. Ang mga mananaliksik ay mangongolekta ng sapat na impormasyon mula sa mga

kasagutan na magmumula sa mga mag-aaral na may ideya patungkol sa perspektibo sa

pagbabalik baybayin bilang pangunahing sistema ng pagsulat .

Lugar ng pag-aaral

Ang pag-aaral ay inilunsad sa Centro Escolar Integrated School o CEIS Longos, Malolos,

Bulacan. Ang paaralan na ito ay kaugnay ng Centro Escolar University o mas kilala sa akronim

na CEU. Ang Centro Escolar University ay pumapang-unang unibersidad sa Bulacan ayon sa

finduniversity.ph Ito ang napiling paaralan ng mga mananaliksik sapagkat tahanan ito ng mga

mahuhusay na mag-aaral. Gayunpaman, upang maging mas madali ang pagkalap ng datos at

impormasyon dahil malaki ang bilang ng mga mag-aaral na nag-aaral dito. Isa pang dahilan ay

kasalukuyang nag-aaral ang mgamananaliksik sa CEIS.


Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang instrumento sa pag aaral na

ito. Ang dalwangput (20) na mag-aaral sa ika labing isa sa strand ng HUMSS sa Centro Escolar

Integrated school ay ang gagawing paksa ng sarbey. Ito ay napili, dahil ang impormasyong

kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng bawat respondante. Ang

talatanungan ay isang uri ng instrumento na naglalaman ng hanay ng mga katanungan na may

layunin na makapangolekta ng mga impormasyon mula sa mga respondente (McLeod, 2018).

Ang paggamit ng uri ng instrumentong ito ay mas madaling paraan ng pangongolekta ng

sapat na impormasyon para sa pananaliksik dahil sa hindi ito gumagamit ng maraming oras at

naaangkop ito dahil sa isang uri ng pag-aaral na ito ay nangangailangan ng malaking bilang ng

respondente.

Proseso sa Pagkalap ng Datos

Ayon sa pananaliksik na isinagawa sa nasabing pamantasan, ang mga mananaliksik ay

gumawa ng isang kasulatan na kanilang ibinigay sa tagapamahala at nakatataas upang ito ay

pirmahan at bigyan ng pahintulot na magsiyasat sa klase ng ika- labing isang baitang sa strand

ng HUMSS upang hindi nakasasagabal sa klase. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng

talatanungan na sasagutan ng mga respondente, ang mga nasabing respondente ay hindi pinilit

na magsagot at ang pakikipagpanayam sakanila ay aabot lamang ng hanggang limang minuto.

Ang pamamaraang isinagawa ng mga mananaliksik ay naging hakbang upang masagot

ang mga katanungan at problema sa pananaliksik na isinagawa. Sa pagkalap ng mga datos mula

sa respondante ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng panibagong pananaw sa pananaliksik na

ito.
Etikong Pagpapalaya

Ang mga nakuhang datos at impormasyon mula sa pag-aaral na ito ay

mananatiling pribado, konpidensyal at tanging mga mananaliksik lamang ang magkakaroon ng

kakayahan upang makita at magkaroon ng impormasyon tungkol dito. Ang mga impormasyon na

ito ay magagamit lamang sa pagbubuo ng pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ay

magiging makatotohanan sa mga nalakap na datos at impormasyon at hindi magkakaroon ng

pagkiling at hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga impormasyon at datos ng mga respondate.

Pagsusuri ng Datos

Ang mga sumusunod na bilang ay tumatalakay sa mga paraan ng pagbibigay at pagsusuri

ng datos ng mga mananaliksik.:

1. Likert Scale

Ang Likert Scale ay ginagamit para matimbang ang iba’t ibang pananaw. Sa

pamamagitan ng Likert Scale, ang mga respondent ay magbibigay kasagutan na nakadepende sa

scale, kung sang-ayon o hindi sang-ayon sa isang pahayag. Ito ay nagpapalagay ng lakas o

intensidad ng karanasan at ng pagsang-ayon, nakakatulong din ito upang masukat ang palagay o

pananaw ng isang respondent (McLeod, 2008). Paraan sa pagbibigay ng iskor sa bawat

talatanungan o Likert scale:

Saklaw ng bawat iskor:

1 - Matindi ang pagsang-ayon


2 - Sang-ayon

3 - Hindi sang-ayon

4 - Matindi ang hindi pagsang-ayon

2. Weighted Mean

Upang maging maayos at madaling makapag-interpret ng datos gagamit tayo ng

Weighted Mean. Ginagamit ito ng mga mananliksik upang mabilis na mabigyan ng pagsusuri

ang mga datos at pagpapakahulugan sa ginamit na instrumento sa pag-alam perspektibo ng mga

mag-aaral (SHS) sa Centro Escolar Integrated School patungkol sa pagbabalik ng baybayin

bilang pangunahing sistema ng pagsulat. Ang pormularyong gagamitin ay nakahango sa

ibabang parte.

Weighted Mean

∑ wx
WM =
∑w

Kung saan:

WM - weighted mean

∑𝑤𝑥 – pagpaparami ng kabuuan ng tugon at bawat tugon

∑𝑤 – kabuuan ng tugon

You might also like