Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PHATIC, EMOTIVE

AT EXPRESSIVE
NA GAMIT NG
WIKA

Tinalakay ni: Rochelle S. Nato


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
Dolores R. Taylan et.al (Akda)
Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Layunin:

• Nabibigyang-kahulugan ang mga


komunikatibong gamit ng wika na
PHATIC, EMOTIVE at
EXPRESSIVE
• Natutukoy ang pagkakaiba-iba
ng mga gamit ng wika na
PHATIC, EMOTIVE at
EXPRESSIVE
• Nakapagbibigay ng mga
halimbawang pangungusap na
nagpapakita ng gamit ng wika

• Nakakasulat ng naratibo ng sariling


karanasan sa gamit ng PHATIC,
EMOTIVE, at EXPRESSIVE na
wika
• Pakinggan ang Kanta:

Kumuha ng 1/4 na papel. Isulat kung


anong mga linya ng awit ang
nagpapahayag ng opinyon. Isulat sa
TITIK A ang mga linyang
nagpapahayag ng damdamin at sa
TITIK B naman ang nagpapahayag ng
opinyon
Diyalogo 1

Thelma: Uy, napansin mo ba?


Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik.
Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin nga. Baka may
sakit siya o kaya baka may
problema. Halika, lapitan natin
siya
Thelma: Sol, Kumusta ka? Masama ba
ang pakiramdam mo?
Bea: May problema ka ba? Baka
makatulong kami?
Sol: Naku, Wala! Wala akong sakit at wala
rin akong problema. Napuyat
lang ako kagabi sa pagsulat ng term paper
natin.
Thelma:Hay... pare-pareho pala tayo. Kami rin
ni Bea napuyat sa pagtapos ng term
paper
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol at okey ka lang
Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong
dalawa ha.
PHATIC

 Nagpapakita ng pakikipagkapwa-
tao o pkikipag ugnayan.

 Karaniwang maikli ang mga


usapang phatic. Sa Ingles,
tinatawag itong social talk o small
talk.
Diyalogo 2

Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera


sa Mindanao.
Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako
sa nangyayaring yan.Natatakot ako na baka
lumala pa ang giyera.Sana huwag
naman.Maraming masasayang na
kabuhayan.Tiyak na lalalgaganap ang
kahirapan sa Mindanao.
Myrna: Hindi lang yan! Ako nga awang- awa
sa mga namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo
na yung mga batang nawawalan ng magulang.
Kawawa talaga sila
Lito: Sana magawan ng paraan ng
pamahalaan na mahinto na ng giyera at
nang mgkaroon na ng tunay na
kapayapaan sa Mindanao

Myrna: Ipagdasal natin 'yan.


EMOTIVE

Pandamdamin
Pagpapahayag ng mga Saloobin,
Damdamin at Emosyon
Diyalogo 3

Doris: Sayang talaga! Hindi ako


nakapanood ng concert ng One
Direction.Sobrang mahal naman kasi ng
tiket. Paboritong-paborito ko pa naman
sila.
Ester : Ako naman, kahit may pera akong
pambili, hindi pa rin ako manonood ng
concert na 'yan.
Doris: Bakit naman.
Ester: Hindi ako mahilig sa foreign
artists. Mas gusto kong tangkilikin ang
mga kanta at concert ng local artist natin.
Sila ang mas pinanonood ko.
Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya
naman talagang hilig 'yan. Basta ako,
kahit foreign o local basta gusto ko ang
mga kanta, nagiging paborito ko.
EXPRESSIVE

- Ang expressive na gamit ng wika ay


nakakatulong sa atin upang mas makilala
at maunawaan tayo ng ibang tao.
Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-
ayang relasyon sa ating kapwa.
- Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na
nababanggit natin ang ilang bagay tugkol
sa ating sariling paniniwala, pangarap,
mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan
at marami pang iba.
Pagsusulit 1/4 na papel

Sumulat ng tatlong halimbawa ng


pangungusap na nagpapakita ng gamit ng
wika
PHATIC
1
2
3
EMOTIVE 1

2
3
EXPRESSIVE
1
2
3
Takdang Aralin

• Sumulat ng isang naratibo ng karanasan


sa loob ng tahanan na may Phatic,
Expressive at Emotive.
• Ilagay ito sa 1/2 papel

You might also like