School Meet 2019

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“SCHOOL ATHLETIC MEET 2019”

Christine May s. Balilu

Matagumpay na naidaos ang taunang “School Athletic Meet 2019” noong ika –
30 ng Agosto taong dalawang libo’t labing-siyam sa mababang Paaralan ng Calzadang
Bayu na sinalihan ng mga manlalaro mula ika – apat na baitang hanggang ika-anim.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang parada na isinagawa sa


paaralan na linahukan ng mga manlalaro at ng mga guro.

Pinangunahan ni Bb. Maria Paz G. Miclat ng isang dasal ang programa na


sinundan naman ng Pambansang Awit na ikinumpas ni Gng. Catalina E. Galang. Si
John Rain T. Pineda, isang mag – aaral mula sa ikaanim na baitang ang nanguna sa
“Oath of Sportsmanship” na sinundan ng mga kasaling manlalaro.Nagbigay naman ang
punong- guro na si Gng. Prudenciana R. Tamayo ng isang maikling talumpati sa mga
manlalaro.

Iba’t – ibang mga isports ang sinalihan ng mga atleta, kabilang ang volleyball,
basketball, badminton, table tennis, chess, sepak takraw, shotput, javelin throw at
athletics. Sa pagtatapos ng programa, nagtamo ang mga nanalong atleta ng medalya at
sertipiko.

You might also like