Filipino 2nd Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula

Mangusu Integrated School


Mangusu, Zamboanga City
Vitali District

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 8

PANGALAN: ____________________________________________ PUNTOS: ___________________


BAITANG at SEKSYON: __________________________________ Petsa: January _____, 2019

I. Maramihang Mapagpipiliang Sagot/ Pagtukoy sa Pandiwa

Panuto: Tukuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga pahayag. Itiman ang nakalaang bilog
ng tamang sagot bago ang bilang.

A B C D
0 0 0 0 1. Ito ay isang uri ng social media flatform na kung saan tumutukoy ito sa mga pang-araw-araw na balita sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
A. Pahayagan B. Komiks C. Magasin D. Dagli
0 0 0 0 2. Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw nito.
A. Pahayagan B. Komiks C. Magasin D. Dagli
0 0 0 0 3. Uri ng magasin na tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng mga kabataan.
A. Cosmopolitan B. Candy C. Yes! D. FHM
0 0 0 0 4. Anong uri ng babasahin na isang anyo ng panitikan na maituturing na maikling-maikling kwento.
A. Pahayagan B. Komiks C. Magasin D. Dagli
0 0 0 0 5. Sa uring ito ng magasin ay karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu mga kalusugan tulad ng
pamamaraan sa pag-eehersisyo,pagbabawas ng timbang at pagsusuri sa mental/pisikal.
A. Men’s Health B. Good Houskeeping C. Entrepreneur D. T3
0 0 0 0 6. Isa itong grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang salaysay o
kuwento.
A. Pahayagan B. Komiks C. Magasin D. Dagli
0 0 0 0 7. Ang magasing ito ay para sa mga kalalakihan na naglalaman ng mga artikulong nais pag-usapan, tulad ng
mga isyung may kinalaman sa buhay, pag-ibig at iba pa.
A. Cosmopolitan B. Candy C. Yes! D. FHM
0 0 0 0 8. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hainggil sa kagandahan ng nilalalaman
nito.
A. Metro B. Good Housekeeping C. Yes! D. FHM
0 0 0 0 9. Naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo ang
uring ito ng magasin.
A. Men’s Health B. Good Housekeeping C. Entrepreneur D. T3
0 0 0 0 10. Ang magasin tungkol sa balitang showbiz.
A. Yes! B. Good Houskeeping C. Entrepreneur D. T3
0 0 0 0 11. Estratehiya ng pangangalap ng mga datos sa pagsulat na mabisang gamitin sa pagpapalawak ng isang
paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman.
1

A. Pagbabasa at Pananaliksik C. Pakikipanayam o Interbyu


Page

B. Pagsulat ng Journal D. Sounding Out Friends


0 0 0 0 12. Magagamit ang estratehiya sa pangangalap mga opinyon at katwiran ng tao.
A. Obserbasyon B. Imersiyon C. Brainstorming D. Pagsasarbey
0 0 0 0 13. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay o
kasama sa trabaho.
A. Pagbabasa at Pananaliksik C. Pakikipanayam o Interbyu
B. Pagsulat ng Journal D. Sounding Out Friends
0 0 0 0 14. Isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa.
A. Pagbabasa at Pananaliksik C. Pakikipanayam o Interbyu
B. Pagsulat ng Journal D. Sounding Out Friends
0 0 0 0 15. Ang uring ito ng pangangalap ng datos ay sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang
isang tiyak na paksang gustong isulat.
A. Pagbabasa at Pananaliksik C. Pakikipanayam o Interbyu
B. Pagtatanong o Questioning D. Sounding Out Friends
0 0 0 0 16. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa bagay-bagay,
tao, o pangkat at pangyayari.
A. Obserbasyon B. Imersiyon C. Brainstorming D. Pagsasarbey
0 0 0 0 17. Makapagtitipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam.
A. Obserbasyon B. Imersiyon C. Brainstorming D. Pagsasarbey
0 0 0 0 18. Ito ay isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa
karanasan o gawaing kinapapalooban.
A. Obserbasyon B. Imersiyon C. Brainstorming D. Pagsasarbey
0 0 0 0 19. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
A. Banyaga B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Balbal
0 0 0 0 20. Kilala ito sa katawagang Slang sa Ingles.
A. Banyaga B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Balbal
0 0 0 0 21. Ito ay mga salitang mula sa ibang wika.
A. Banyaga B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Balbal
0 0 0 0 22. Ginagamit ang mga salitang ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar.
A. Banyaga B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Balbal
Pagsusulit II: Pagtukoy
Panuto: tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mg salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

A – BANYAGA B – KOLOKYAL C – LALAWIGANIN D. BALBAL

A B C D
0 0 0 0 23. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.
0 0 0 0 24. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.
0 0 0 0 25. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon
0 0 0 0 26. Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.
0 0 0 0 27. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
0 0 0 0 28. High-tech ang pagdiriwang ng pista sa amin.
2

0 0 0 0 29. Kilig-to-the-bones ang saya ko ng ibili ako ni tatay ng bagong iPods.


Page

0 0 0 0 30. Dalawang order ng spaghetti ang inorder ko para sa atin.


0 0 0 0 31. Napaka-KSP naman ng taong iyon.
0 0 0 0 32. Ang tatay ko ay isang sikyo sa isang tanyag na bangko sa bayan.
0 0 0 0 33. Ang kakah ni Ahmed ay isang inhenyero.
0 0 0 0 34. Nasa ER (emergency room) ang drayber ng naaksidenteng trak kahapon.
0 0 0 0 35. Ang weird naman ng mga pangyayari sa ngayon.
II-B
Panuto: Tukuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga pahayag.
0 0 0 0 36. Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging malinaw sa isipan ng
mga guro na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon kundi isang facilitator na
gumagabay at nagsisilbing consultant ng kaalaman sa klasrum.
A. Nagpapabatid C. Nagbibigay ng papuri
B. Nagpapaalala D. Naglalarawan
0 0 0 0 37. Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang internet, ay may
positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan.
A. Nangangaral C. Nagsusuri
B. Nagbibigay ng babala D. Nagtatanong
0 0 0 0 38. Sadyang mahusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na maiayos ang mga
problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa cyber-bullying. Karapat-dapat lamang na bigyang-pugay
ang taong nagsulong nito.
A. Nagbibigay ng pagkilala C. Nagpapaalala
B. Nagbibigay ng payo D. Nang-uuyam
0 0 0 0 39. Huwag kaligtaang maging responsible at ethical sa paggamit ng social media. Laging isaisip ang mga
netiquette na dapat gawin ng bawat netizen.
A. Nagtatampo C. Nang-uuyam
B. Nagbibigay-payo D. Nagtatanong
0 0 0 0 40. Sa kasalukuyan, hindi nab ago sa atin ang mga terminong gaya ng information age, e-class, multimedia
at e-mail, online/distance learning education, cybernetics, web page, hypermedia, at marami pang iba.
A. Nagsasalaysay C. Nangangatwiran
B. Naglalarawan D. Nagpapaalala
II – C
Panuto: Tukuyin ang titik ng kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin na ginamit sa akda.
0 0 0 0 41. Mapalad ang anak na nakikinig at sumusunod sa pangaral ng magulang.
A. Bukas-palad C. Mayaman
B. Masunurin D. Pinagpala
0 0 0 0 42. Ang mga anak na pinalaki sa luho ay karaniwang lumalaking mahilig sa material na bagay at walang
alam sa buhay.
A. Katamaran C. Kayamanan
B. Mapagsamantala D. Layaw
0 0 0 0 43. Ang sutil na ay sakit sa ulo ng mga magulang.
A. Maluho C. Masama
B. Mapagsamantala D. Mayabang
0 0 0 0 44. Ang pagiging matapobre ay isang ugaling dapat iwaksi ng kabataan.
A. Madamot sa kapwa C. Mapang-api sa mahihirap
3
Page

B. Mapangmaliit sa kapwa D. Palaaway at mayabang


0 0 0 0 45. Ang pagkakaroon ng masaya at mapagmahal na pamilya ay maituturing na isang mabuting tadhana.
A. Kapalaran C. Pabuya
B. Kayamanan D. Suwerte
0 0 0 0 46. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng netiquette sa paggamit ng social media?
A. Nagsisilbi itong gabay kung paano gamitin ng maayos ang social media.
B. Gumagabay ito sa mabuting pagbrowse sa social media.
C. Dahil ito ay dapat gawin bago makapagbrowse sa social media.
D. Wala sa nabanggit
0 0 0 0 47. Ano ang tawag sa mga taong gumagawa ng mga sikat na video sa social media?
A. Netizen B. Blogger C. Hashtag D. Social Media
0 0 0 0 48. Salita o pariralang inuumpusihan sa simbolong #. Ano ang tawag dito
A. Netizen B. Blogger C. Hashtag D. Social Media
0 0 0 0 49. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saaan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagplaitan
ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad o network.
A. Netizen B. Blogger C. Hashtag D. Social Media
0 0 0 0 50. Tumutukoy sa mga tao lalo na sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga simbolo at mga kakaibang
karakter sa pagtetext na kadalasan nagdudulot ng kalituhan.
A. Netizen B. Blogger C. Hashtag D. Jejemon

-------------------------------------------------------------Magandang Buhay!-------------------------------------------------------------

Inihanda ni:

Myra D. Tabilin
Guro sa Filipino
4
Page

You might also like