1020 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Tomopong, Jessa Mae D.

BAFM2
Buod

Ang Ligo na U, Lapit na Me ay isang independent na pelikulang Pilipino ni Erick


Salud na pinagbibidahan nina Edgar Alan Guzman at Mercedes Cabral. ng istoryang
ito ay tungkol sa binatang si Karl Vladimir Lennon J. Villalobos o mas kilala sa
tawag na Intoy na may sekretong gusto sa kanyang kaibigang si Jenny. Si Jenny ay
maganda, mayaman at may mataas na sex appeal. Marami sa kaklase niyang mga
lalaki ay may hanga sa kanya. Pero dahil torpe at nakikiuso si intoy sa ugali ng mga
kabataan sa kanyang henerasyon , nagkaroon sila ng kakaibang pagkakaibigan ni
Jen. Binigyan siya ni Jenny ng prebilihiyong magsiping sila kahit kailan nito
gustuhin sa kondisyong hindi sila magkakagusto isa't isa. Ngunit habang tumatagal
ay unti-unting nahuhulog si Intoy kay Jenny.

Bago sila magtapos sa high school ay ninais ni Intoy ang nararamdaman nito kay
Jenny. Subalit nadismaya siya sa kinalabasan nito. Nagtapat si Jenny na siya ay
buntis at hindi si Intoy ang ama.

Pagkatapos ng pagtatapat na iyon, nawala na si Jen. Pinabayaan lang ni Intoy ang


isang araw na pagkawala nito. Pero hindi nagtagal ay hinanap na niya si Jen subalit
hindi niya ito nakita. Walang closure ang relasyon nila kaya hanggang sa huli ay
nahirapan siya sa pagmomove-on kay Jenny.

Damdamin

Ang buong istorya ay simple at napapanahon. Kahit na nasa saktong edad na ako
ay hindi ko parin mapanuod ng tuloy-tuloy ang ilang eksena. May mga parte itong
nakakatawa dahil sa ilang ka weirduhan ni Jen, Intoy at Bensoy. Maganda naman
ang takbo ng kwento pero habang tumatagal ay nakakabagot na ang mga eksena,
nawawala unti-unti ang komedya ng istorya.

Obserbasyon
Ang kwento ay naglalahad ng realidad tungkol sa pakikipagrelasyon ng
kasalukuyang henerasyon. Inilalarawan ng kwento ang mapupuksong gawain na
hindi karapat-dapat sa mga murang edad. Ang isyu sa maagang pagbubuntis na
kinakaharap ng bansa ay isa sa inilahad ng pelikula. Dagdag pa, lumaki tayo sa
konsepto ng "happily ever after", "destiny" o "true love". Subalit ang kwentong ito ay
nagpakita na ang pag-ibig ay malabo, nakakairita, at boring Pa minsan. Ang pag-ibig
ay hindi mo alam kung kailan dadating at kailan aalis. Sumasalamin ang karakter ni
Intoy sa mga karaniwang kabataan ngayon na kung saan ay humaharap sa pisikal,
emosyonal, at sikolohikal na mga aspeto. Lahat ng mga ito'y humuhulmang isang
naratibo na nagpapakita ng representasyon ng pamumuhay ng mga kagaya ni Intoy
sa totoong mundo.

You might also like