Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG ALAMAT NI MARIA MAKILING

(https//www.muntingnayon.com)

Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang
Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at ligaya ng
kanyang mga magulang.

Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling naiwan ang pamumuno ng nasabing
lalawigan.

Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan.
Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at nakikihalu-bilo sa mga taumbayan.
Kasama ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay
mga gintong piraso ng luya.

Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. . Ang bundok na kanyang tinatahanan, na sagana sa
mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa
gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso.

Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng kanyang ina, namumudmod siya ng mga
ginintuang luya sa bakuran ng mg taong nasa gipit na kalagayan.

Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad ng
mga malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa kasalan. Anupat napakabait ni Mariang
Makiling sa kanyang mga nasasakupan.

Subalit dumating ang panahong ang mga tao ay waring nalimot na ang mga kabutihang ipinagkaloob sa
kanila ni Mariang Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na loob.
Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay
nang walang habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon.

Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o mamitas ng mga gulay
at prutas sa naturang bundok.

Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan kaalinsabay
ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo.

At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan
doon.

Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita
sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.

Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang
napakagandang babaing may mahabat maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na
kagubatan ng bundok Makiling.
ALAMAT NG BAYABAS
(https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-bayabas/)

Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si
Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong
kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga
alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig
kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.

Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng mga
magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang
magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.

Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid maliban sa isang tao. Ang
mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang itong pakialam na naghihirap
ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang
kwentang mga bagay.

Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari ay parang
piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang mahal na klase ng
pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang ang kakain ng mga pinaluto
niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga
taombayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa
tuluyan na itong masira at hindi na puwedeng makain.

Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na isang
matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom
ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng
ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.

Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong
hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat.
Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli
na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.

Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito.
Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa
kasakiman ay naging isang halaman.

Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.
ALAMAT NG AMPALAYA

NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito
makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina
Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya
habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya’y si Ampalaya. Maputlang-
maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa’y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni
Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa
balag niya ay binubulyawan niya. “Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo
kailangan! Layas!” Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng
Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni
Ampalaya. “Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang
mga gulay!” bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay,
isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay
na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang
asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa
bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang
malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda!
Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!” sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-
tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating
ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba’t iba ang kulay ng balat
niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya’t
kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok
sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang
hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang
tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang
Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa
bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa,
Tubig, at Hangin.
“Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng
Kalikasan!” sigaw ng diwata ng Araw.
“Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng
Kalikasan,” bulong ng diwata ng Lupa.
“A-ampalaya, ikaw ay parurusahan…” hikab ng diwata ng Tubig.
“Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama
mong gulay ay mapapasaiyo na,” ugong ng diwata ng Hangin.
“Parusa ba ‘yon? Ano bang klaseng parusa ‘yon?” buska ng bugnuting si
Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa,
kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may
kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng
katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay,
nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang
kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang
tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot
ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang
gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Pero alam n’yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n’yo siyang makita sa inyong
pinggan, subukan n’yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-ampalaya/
ELEHIYA KAY INAY
Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay
Pagmamahal mo, pagkalinga,

mga pagtitiis at pagdurusa


Ngayo’y nakatakas ka na

Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan

sa mga ibong nakasama mo,


sa mga talangka at sigay na naging laruan mo
sa mga along kahabulan mo

at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo


Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo

Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan


habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina

sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,


sapagkat ika’y maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang

Tanging kaibigan naging takbuhan


Inulila pa ng kapatid na turan

animo’y isang sadlak sa dusang nilalang

Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan


Tuluyan nang humalik sa lupa

ang sarangolang dinagit ng hangin,


Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan mo

Nakaukit na ang pangalan mo


Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo

Nang isang inang kasabay kong nangarap,

lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.


Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo

Patawad inay sa mga kasalanan ko

Sana man lang ay nasambit ko

Bago nyo kami iniwan na mahal na mahal ko kayo

At kayoy mananatiling nasa puso’t isip ko.

You might also like