Ang Alamat NG Singsing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG ALAMAT NG SINGSING

Kapwa mga kawal ng kahariang Zentopia ang mga magulang ni Ethan ,dala ng
pagiging kawal ng kanyang mga magulang natuto si Ethan na gumamit ng pana at
palaso maging ng espada sa murang edad nito na labing isa,marahil narin na
sinasanay sya ng ama at ina lagi-lagi upang umanoy maipagtanggol nito ang sarili
sa kaaway at upang handa narin sya sa pagiging kawal ng kahariang Zentopia
sakaling umabot na ito sa labing dalawa.ang mga batang umaabot ng labing
dalawa ay sinasanay ng mga tagapamahala upang maging mga kawal na
magtatanggol sa kaharian ng zentopia sa sandali mang lulusob ang ibang
kaharian.

Isang araw ,ginising si Ethan ng kanyang mga magulang upang maghanda sa


mahaba-habang paglalakbay nila patungong bundok ng Arakush upang hanapin
ang natatago at lihim na mahiwagang biyak na kweba kung saan bibisitahin nila
ang kaibigan nilang si Agome na isang dragon. Habang lulan ng tatlong kabayong
may pakpak ang magpapamilya, nakaramdam ng kakaiba si Ethan, gusto nitong
itigil ang pagsama sa mga magulang subalit sa bilis din ng kanilang kabayo ay agad
nilang narating ang gubat ng Arakush, kaya’t itong nagawa kundi ipagpatuloy na
lamang ang paglalakbay.

Bumaba ang magpapamilya at naglakad papasok sa isang liblib na sulok ng


kagubatan. Napagmasdan ni ethan ang napakalaking estatwa ng leon na naka-ukit
sa malaking bato. Akma na sanang hahawakan ni ethan ang batong bigla syang
pinigian ng ama, saka naman inilabas ng ina ang mahiwagang pito,saka
inumpisahang pinatunog .habang pinapatunog ng kanyang ina ang pito, gumalaw
palubog ang bato at saka lumitaw ang napakalaking kweba at ang bungad nito o
pasukan ay natatakpan ng malaking bato. Gumalaw kusa ang mga bato upang
magbigay ng daan papasok sa loob. Namangha si Ethan sa taglay na hiwaga ng
kweba.

Sa pagpasok ni Ethan sa kweba sya’y nahiwagaan, sapagkat may malinaw na


ilog sa loob at bawat daanan ay may batong umiilaw na syang naging ng taong
papaso sa kweba .napagdesisyonan ng tatlo na maghiwalay at tunguhin ang
tatlong daan upang hanapin si Agome, di naman tumutol si Ethan at walang
pangambang sinuong ang pangatlong daanan,pakay ng magpapamilya na hanapin
si Agome upang hingin ang tulong nito sa gaganaping sa kaharian ng amir nang
kanilang matalo ang mga ito. Sa paglalakad ni Ethan sa pangatlong daanan na
tinahak nya, wala naman syang anumang nakitang kakaiba at sa pagpapatuloy
nito sa paglalakad, bumungad sa kanya ang isang liwanag sinundan nya ito. Sa
patuloy na pagalakad bumungad sa harapan ang napakagandang paraiso, di nya
lubos akalain na may mala-paraiso na parte pala sa loob ng kweba. Tinahak nya
ito at namangha, pinagmasdan ang bawat kulisap, alitap-tap ,bulaklak at anupang
uri ng hayop na dimo akalaing nabubuhay sa parte na iyon, lahat sila mababait at
di agresibo. Namangha si ethan sa isang napakagandang berdeng puno at
pinagmasdan ang ganda at hiwaga ng kapaligiran.

Sa kabilang dako may batang babae na nagpupumilit abutin ang


napakagandang bulaklak na tumubo sa bangin, pilit inaabot ng bata ang bulaklak
na kulay asul. Ilang sandali pa, nakuha ng bata ang inaasam na bulaklak, ngunit
kasabay non ang pagkaputol ng tali na syang ginamit nya at nagging dahilah ng
pagkahulog ng batang babae sa bangin ,pumikit ang bata, napaiyak nalamang at
handa ng harapin si kamatayan. Subalit pagbukas ng mata nya imbes na
bubungad sa kanya ang matutulis na bato, inililipad naman sya pataas ng isang
nilalang na di nya maaninaag ang muka dala ng madilim ang pinagkahulugan nito.
Napagmasdan ng bata ang putting pakpak ng isang batang lalake na sumagip sa
kanya sa kamatayan, bago paman maaninag ng batang babae ang muka ng
lalake,kaba na ang pumintig sa puso nito imbes na kasiyahan. Pag apak nila sa
lupa nagpasalamat ang batang babae sa sumagip sa kanya, isang irap naman ang
tugon ng batang lalake sa matamis na ngiti ng batang babae. Isang panguso na
lamang ang itinugon ng batang babae sa inaksyon ng batang lalake.

Nagpakilala ang batang babae bilang si Yuine at iniabot ang kamay sa lalaking
nagpakilala naman bilang si ethan. Ikinuwento ni ethan ang lahat kung papaano
nya nakita si Yuine at ipinagtapat din nito kung saang kaharian sya galing
.pagkagulat ang namayani kay Yuine. Bago pa man sabihin ni Yuine ang lahat
tungkol sa kanya. Tumakbo agad si Ethan sapagkat narinig nito ang tunog ng pito
ng kanyang ina na nagpapahiwatig na nakita na nila si Agome ang dragon.

Isang araw bago ang labanan ,ibinilin ng mga magulang sa kanya na huwag
lalabas ng tahanan, tumango lang ang bata. Pagkaalis ng mga magulang ni ethan
wala pang dalawamung minuto ay nakaramdam sya ng pagkabagot. Sinubukan
nitong maglakad lakad sa labas upang mapawi ang lungkot. Di namamalayan ni
ethan na nakalayo layo na pala sya. Sa kanyang paglalakad may biglang kumalabit
kay ethan at tinakpan ang mga mata neto. Sa pagkagulat ni Ethan hinawakan nito
ang kamay ng taong nagtakip sa kanya ng mata nya at pinaikot patalikod, nagulat
nalang sya ng si yuine pala iyon. Humingi ng tawad si Ethan at pinangakong di na
ulit gagawin iyon, sinabi naman ni Yuine na sya ay nakatira sa kaharian ng Gamir.

Di nagtagal nagging malapit na magkaibigan ang dalawa. Umuwi si Ethan na


masaya sapagkat saw akas ay may kaibigan na sya, subalit isang masamang balita
ang natanggap ni Ethan, iyon ay ang pagkamatay ng kanyang mga magulang nya,
napakahirap na tanggapin ang lahat subalit sa tulong ni Yuine, nakalimutan nya
lahat ng sakit na iyon .
Hanggang sa sumapit ang araw na papasok na sa pagiging kawal si Ethan, higit
na lumalim ang kanilang pagkakaibigankahit madalas silang magkita.

Lumipas ang pitong taon ay ganap ng dalaga at binata sina Yuine at Ethan.
Hinandugan ni Ethan ng pagkain at bulaklak si Yuine, malaya naman itong
tinanggap ni Yuine, ipinagtapat din ni Ethan na gusto nitong pumunta sa kaharian
ng Gamur upang kiilalanin ang mga magulang ni Yuine, subalit si Yuine ay
tumanggi at kinabahan ,di nalang kumibo ang binata, di narin natuluyang
kagustuhan ni yuine na ipagtapat ang pagmamahal nito sa binata at malungkot na
umalis ang dalawa sa bahay ng dalaga malungkot sya na nahiga, nagsisisi at may
kaba sa dibdib sapagkat mula pa pagkabata ay nagsinungaling na ito sa binata.

Ang katotohanang sa urvakus sya nakatira at di sa Gamur, kahariang Urvakus


immortal na kaaway ng Zentopia at si Yuine ay isang prinsesa at ang katotohanan
sa likod ng pagkamatay ng mga magulang ni Ethan.

Ang bulaklak na nooy kinuha nito sa kweba ay ang mahiwagang gamut ,syang
gumamut sa sakit ng kanyang amang hari at dahil malakas na ang hari, nagpadala
sya ng mga sundalo nito sa kahariang Amir upang tulungan sila na talunin ang
kaaway nilang Zentopia at dahil doon, natalo ang hukbo ng Zentopia at isa sa
napatay ay ang mga magulang ni Ethan. At ang isa pa ay ang paghina ng hukbong
zentopia dahil sa kawalan ni Agome, dahil sa pagpapabaya ng pamilya ni Ethan at
hindi isinara ang kweba, napasukan ito ng iba at iyon si Yuine, ninakaw ang nagiisa
at iniingatang asul na bulaklak ni Agome, kaya’t di ito pumayag sa pagtulong sa
Zentopia sa labanan at nagsisisi si Yuine pagka’t sya ang punot dulo ng paghihirap
ni Ethan .

Kinabukasan sa kaharian ng zentopia pinagdesisyonan ng dalawang hari ang


pagpapakasal ng prinsipe ng Zentopia at prinsesa ng Urvakus upang matigilna ang
digmaan. Nakarating ang balita kay Yuine at umiyak itong nagtungo sa kaharian ng
Zentopia upang makita si Ethan, nang nagkita ang dalawa masaya noon si Ethan
subalit nagulat ito ng makitang malungkot ang dalaga hindi kumikibo ang dalaga,
bagkus ang sabi nya ay masaya lang ito at nagkita sila. Ikinuwento naman ni Ethan
na pabor ito sa kasal ng dalawa sa magkabilang kaharian ng mabura na ang
digmaan, higit lang na bumuhos ang iyak ng dalaga at di napigilang yakapin ang
binata.

Digmaan ang gaganapin sa pagitan ng Zentopia at Urvakus dahil di pumayag ang


prinsesa sa kasal ,isang araw bago ang digmaan nagkita si Yuine at Ethan, sa
kanilang saglitang pag uusap, nag iwan ng sobre si Ethan kay Yuine bago ito
umalis at nagmadaling naghanda sa gaganaping digmaan sa Urvakus.
Kinabukasan nagsimula na ang digmaan kasabay ng pagbukas ni Yuine sa sobre
na binigay ni Ethan, iyon kasi ang bilin sa kanya ng binata na huwag bubuksan
hanggang dipa sumasapit ang susunod na araw.

Ang nilalaman ng sobre ay bukas may sasaabihin ako sayo, ipagtatapat ko na


na basta hintayin mo nalang ako dun sa tagpuan natin. Nga pala, ipapanalo ko
itong laban na ito para sa iyo. Itali mo narin pala itong maliit na bulaklak sa darili
mo tanda ng mabubuhay ako dito at tanda babalik ako sayo .

Natawa si Yuine sa nabasa pero may kaba parin sa dibdib nya sapagkat
malakas ang puwersa ng Urvakus kesa sa Zentopia. Isinuot na lamang nya ang
maliit na bulaklak sa darili nya na hugis bilog na syang tanda ng pagtitiwala nya sa
binata. Isang oras lang ang lumipas balisa si yuine at di mapanatag ang kalooban.
Sa sobrang kaba ni Yuine di napigilan nitong sa dating tagpuan nila ni Ethan sa
kanyang paglalakad, may ligaw na panang tumama kay Yuine na syang dahilan ng
pagtagas ng dugo at dahilan ng kanyang kamatayan. Sa isang dako natalo ang
hukbo ng Urvakus at pinapangakong wala ng dadanak na dugo muli, at upang
maayos, sapanganay na lamang na kapatid ni yuine ang prinsipe ipapakasal.

Masayang nagdiwang ang kaharian ng Zentopia. Nagtungo si Ethan sa dating


tagpuan nila ni yuine upang ipagtapat ang nararamdaman ngunit di sumipot si
yuine saka nalaman ni ethan ang lahat lahat nasi ay taga Urvakus at isang prinsesa
at ang masaklap ay ang pagkamatay nito.

Sa labi ni yuine ,napansin ni Ethan ang kakaibang bagay sa darili ni yuine at


tinawag nya itong sing-sing, napakaganda nito at nagging palatandaan ng
pagiibigan ng dalawa,masakit man kay Ethan na tanggapin ang lahat ang kanyang
mahal ay mananatili na lamang bilang ala-ala ng nakaraan.

Sa paglalakad ni ethan nakaramdam sya ng lamig na yumayakap sa kanya.


Sinundan nya ito at sa kanyang paglalakad may napansin itong babae na nakaupo
sa isang puno. Sa pag aakalang si Yuine pinuntahan nya ito.

Bumungad sa kanya ang isang dalagang napakaganda ngunit hindi ito si Yuine,
subalit pumukaw sa pansin nito ang pagkakahawig sa dalaga kay yuine at higit sa
lahat ang suot nitong singsing.

Mula noon ginagamit na ang sing-sing ng dalawang nagmamahalan sa kanilang


pag iisang dibdib na tanda ng walang hanggang pagsasamahan.

You might also like