Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

End. Chat. End. Chat. End. Chat.

Ganiyan ang buhay ko sa NearGroup, FilipinoTalks, Profoundly, Tinder, Omegle, Chatib, DateMyAge,
Chatussa at iba pa.

Oo. Tama kayo. Mga dating sites ang mga binaggit ko.

Wala akong magagawa, wala naman kasi akong jowa.

Mas gugustuhin ko na lamang ang ganitong mundo,

Kaysa masabihan ng Dora The Explorer kapag ginupit ko ang bangs ko.

Buti na lamang sana kung kamukha ko si Ivana,

Eh hinaharap pa nga lang, mukhang dehadong dehado na.

Heto na nga't araw na ng mga puso,

Kung kailan laganap ang kasweetan ng mga tao.

Madalas napapasana-all na lang talaga ako,

Pero hindi ko mapigilang bumusangot lalo na't kapag naglalakad sila sa harap ko.

Sobrang bagal. Eh di sana sumayaw na rin sila nang mabagal.

End. Chat. End. Chat. End. Chat.

Hanggang sa biglang may nagpop-up.

"Cardo", iyan ang pangalan na nakalagay sa info mo.

Napangiti ako at tila napaisip na aba aba aba parang ikaw na nga yata.

Pangalan pa lang eh pangmatagalan na.

"Yooo"

Iyan ang bungad mo.

Dahil nga fan ako ni Keith Talens, syempre hindi ako nagpatalo.

"Yooo yooo yooo wazzup mga kasatsat this is me Donna Miya. Hindi tunay na Claveria"

Iyan ang reply ko

"Hahahahaha"

Iyan naman ang reply mo.


Grabe ka. Grabe ka naman.

Ako na agad ang kasiyahan mo?

Inform mo naman ako't hindi na kita papakawalan,

Patatawanin kita hanggang sa mabaliw ka na ng tuluyan.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa'yo

"Luh pafall" tanging tugon mo.

Ano namang pafall sa sinabi ko? Ha?

Exagge ka masyado.

Eh madalas ko din namang gamitin iyan sa ibang tao.

Buti sana kung tinanong kita kung ilang inches iyan,

Ilang inches iyang haba ng braso mo.

Para may mapagdantayan ako kapag gusto kong umidlip sa tabi mo.

So, heto na nga't tumagal ang pag-uusap nating dalawa,

Ang segundoy naging oras, araw, linggo at buwan.

Hanggang sa hindi ko na namamalayan,

Ako'y nahuhulog na ng tuluyan.

Talento ko kasi ang pagiging marupok,

Iyong tipong kapag ako'y iyong inalok,

Na lakbayin ang madilim na bundok ng pagsubok,

Hindi magdadalwang isip at agad na sasama pagkat ikaw ang tinitibok,

Ng puso ko. Isa nga akong dakilang marupok.

Para kang mangga na sinawsaw sa kape,

Hindi man tanggap ng nakakarami,

Ikaw pa rin ang aking pinipili.

Pinipili kitang maka-usap gabi-gabi,


Dumating pa nga sa puntong tinanong ko na rin ang kulay ng panty,

Ng nanay mo para lang humaba ang pag-uusap natin kasabay ng paglalim ng gabi.

Gusto ko kasing ang pait ng sandali,

Ay mahaluan naman ng kaunting kilig,

Iyong kilig na bigla bigla ka na lang mapapangiti,

Mapapangiti na para bang you and me,

Will be together 'til eternity.

Kaso lahat ng iyon biglang nagbago,

Nang malaman ko nagkabalikan na kayo ng ex mo.

Puso'y biglang nanamlay,

Mga pangarap ko para sa'ting dalawa'y biglang nawalan ng kulay.

Tila ba biglang may bumara sa aking puso,

Pinipigalan nito ang pagdaloy ng dugo,

Pinipigalan ang pagtibok nito,

Sa sobrang sakit, parang namanhid na yata ako.

Sayang naman iyong mga naisulat kong mga tula,

Mga tula kung saan ibinuhos ko lahat para lang sa iyo mapadama,

Ang pagmamahal ko sa'yo na tila ba,

Ikaw lang ang nag-iisang lalaking nais kong makasama,

Makasama hanggang sa aking pagtanda. Tama naman ang mga sukat at tugma,

Mukhang mali lang yata ako ng pinag-alayan ng tula.

Naimagine ko na tayong dalawa'y nakaupo sa wheel chair, ako at ikaw,

Magkahawak kamay habang pinapanuod ang paglubog ng araw,

Tapos kapag tayo'y nabagot aanyayahin kitang magkarera na para bang kasing lakas pa tayo ng kalabaw.

Sayang.
Sayang naman iyong mga papel na ginamit ko sa paggawa ng tula,

Sayang din ang PH care ng aking ina,

Wala kasi akong scented paper kaya,

Gumawa ako ng paraan para lang iparamdam sa'yo na special ka.

Sayang.

Sayang naman iyong mga oras na ginugol ko sa'yo,

Kung nag-ML na lang sana ako baka Mythic na ako.

Alam mo pwede mo nga akong ipadala sa Iran eh,

Lalaban ako, kahit hindi mo ako pinaglaban,

Sa totoo lang masaya akong nakilala kita,

Pero mas masaya sana kung hindi kita nakilala.

You might also like