You are on page 1of 2

IMPAK NG MTB SA PAGKATUTO NG GRADE 1-3 NG ACS

( KONSEPTONG PAPEL)

Ang Mother Tongue – Based- Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ay isang pormal

o di pormal na edukasyon, kung saan ang unang wika ng mga bata ang ginagamit sa silid

aralan bilang tulay sa pag-aaral ng Filipino at Ingles. Ang Mother Tongue – Based- Multi-

Lingual Education nang nagpatibay para ito ay mabuo at gamitin sa Sistema ng edukasyon.

Isinagawa ang pagsuri pagkatapos ng tatlong taon at lumalabas na pare pareho ang lamang ng

mga mag-aaral sa Mother Tongue. Sila ay may mahusay kaysa sa mga mag-aaral Control

School sa Ingles, Filipino, Reading at Math. Ayon sa mga dalubhasa sa edukasyon, maraming

beses ng napatunayan sa mga pag-aaral sa loob at sa labas ng bansa na ang paggamit ng

unang wika ay malaki ang naitutulong upang mas ganap na maintindihan ng mga bata ang

leksyon at mabilis silang matutunang bumasa at sumulat. Sa pag-aaral at pananaliksik

lumalabas at mas higit na nadadalian ang mga mag-aaral kung ang gagamiting wika sa

pagtuturo ay ang wikang kanilang kinagisnan na sapagkat na madali nilang maunawaan o

maintindihan ang mahihiirap na bagay at kung sisikapin ay mas mapadali ang paraan ng

pagkatuto dahil maituturo mo sa mas magaang paraan ang bagong ideya sa pamamagitan ng

wikang kanilang kinagisnan na mas madaling paraan para sa kanilang pagkatuto at iwas sa

pagpapatupad sa kasalukuyan na paggamit ng dalawang wika, ang wikang Filpino at wikang

Ingles, na pawing mga wikang hindi na galamay ng isang bata o mag-aaral.

LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang impak ng mga mag-aaral

ng ACS sa MTB. At kung ito ba ay makabuluhan sa grade 1-3 na mga mag-aaral. Ito ay

makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng Deskriptibong Pamamaraan na kung saan

naangkop ito gagamitin ng mga mananaliksik. Ang Deskriptibong Pamamaraan ng

Pananaliksik (Descriptive-Survey Research Design) ay ang gagamitin na kung saan ang mga

respondent ang gagamitin sa pananaliksik na ito upang makalikom ng mga impormasyon na

kakailanganin dito at upang matukoy pa ang ibang pamamaraan nito.

RESULTA

Ang resulta ng pangangalap ng mga datos ay gagamit ng survey questionnaire.

Kukuha ng limampung (50) mag-aaral sa Aurora Central School ng grade 1-3. Ang grade 1-3

ay may labing limang (15) mag-aaral bawat baiting. Ang mga nakalap na datos ay isasaayos

sa isinagawang survey test ay isasaayos upang malaman bawat epekto ng mga MTB sa mga

bata.

Ang resulta ng aming pananaliksik tungkol “Impak Ng Mother Tongue – Based Sa

Pagkatuto ng Grade 1-3 ng Aurora Central School”.

REXMOND C. GASPAR

XI- SERAPHINITE

You might also like