Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 15

SYNOPSIS

POSSESSIVE SERIES 12 - Cali Sudalga

AUTHOR: C.C.

SYNOPSIS:

Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts.
And a very huge mansion that anyone would dream of.

Women will do everything to get his attention or even just a minute of his precious
time. But no woman had ever succeeded in doing so.

He's aloof and he keeps to himself. Wala siyang pinapasok sa buhay niya mula ng
lokohin siya ng taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya.

Only one woman had every crumbled his defenses and she happened to be a conniving
lying bitch. She left him with another man, and now, two years after, she walks
into his office like she didn't do anything wrong.

And she actually has the guts to tell him that she didn't know him.

A/N: Want to know what happened to Cali? Flip the page :)

PROLOGUE
PROLOGUE

Cali,

I'm sorry kung nasaktan man kita pero hindi ko na kayang pakisamahan ka. Hindi
naman talaga totoong mahal kita, e. Sinabi ko lang 'yon kasi may pera ka at
nasisiguro ko na ang maganda kong kinabukasan sayo. Pero nagkamali ako, hindi sapat
ang pera, hindi talaga kita kayang mahalin. Ayoko na. Nasasakal ako kapag kasama
kita. Ayoko sayo. Nandidiri ako sayo. Pinipilit ko lang ang sarili ko na ngitian ka
araw-araw.

Cali, sana maintindihan mo na iba ang mahal ko. Hindi ikaw 'yon kundi si
Fredd, ang aking kababata na ngayon ay kasintahan ko na. Tinago ko sayo ang
relasyon namin. Oo, niloko kita. Hindi kita kayang mahalin kahit anong pilit ko.
Kaya naman umalis ako ng walang paalam maliban nalang sa sulat na 'to.

Kung binabasa mo ngayon ang sulat ko, kasama ko na ngayon si Fredd sa


probinsya at masaya kami. Huwag mo na akong hanapin, Cali, kasi kahit kailan ay
hinding-hindi ako magiging masaya sa piling mo. Sana hayaan mo akong maging masaya
sa piling ng lalaking mahal ko. Paalam.

-Annette

CHAPTER 1
CHAPTER 1

INAYOS NI Annette ang medyo nalukot na damit nang makatayo mula sa matagal na
pagkakaupo. Kanina pa siya naghihintay para sa interview niya at ngayon lang
tinawag ang pangalan niya. Marami kasing aplikanteng gustong maging sekretarya ng
may-ari ng Royal Cruise Manufacturing Company, ang kompanyang gumagawa ng mga
mamahaling Yacht at pinagbibili iyon sa mga mayayaman sa iba't-ibang panig ng
mundo.

Huminga siya ng malalim bilang paghahanda sa mga katanungan sa kaniya. Ito na ang
ika-limang interview niya at ang apat na dumaan ay puro bagsak siya sa kadahilanang
wala siyang dalang patunay na nakapagtapos siya ng pag-aaral. Sana naman iba ang
kalabasan ng isang to. Ipapakita niya sa CEO ng Royal Cruise Manufacturing Company
na karapat-dapat iyang maging sekretarya nito kahit wala siyang maipakitang diploma
o transcript of records.

She needs this job desperately. Halos anim na buwan na siyang walang trabaho at
wala na rin siyang pera. Naubos na ang iniwan sa kaniya ng kaniyang pumanaw na
lola. Kailangan niya ng mapagkakakitaan para pambayad sa tubig, ilaw at pambili din
niya ng pagkain.

Kapag hindi niya nakuha ang trabahong 'to, tiyak na sa basura siya pupulutin.
Imahinasyon palang niya na magiging palaboy siya ay kinikilabutan na siya. Sana
naman ay matanggap siya.

"Ms. Annette Roan." Iyon ang pangalawang beses na tinawag ang pangalan niya.

"I'm here." Aniya na taas-nuong nakatayo.

Bahagyang binuksan ng babae ang pinto ng CEO's office saka iminuwestra doon ang
kamay. "Mr. Sudalga is waiting for you."

Napalunok siya kapagkuwan ay huminga siya ng malalim bago naglakad papasok sa


pinto.

Nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman niya ng makita ang isang set ng sofa at
isang curving table na hinuha niya ay mesa ng sekretarya nito dahil sa malapad na
computer monitor, dalawang filing cabinet sa likod niyon at maraming papeles sa
ibabaw ng mesa. Mukhang hindi iyon ang opisina ng CEO kundi nandoon pa sa isang
pinto.

Pasimple niyang pinahid ang pawis sa nuo saka ikinuyom ang kamaong nanlalamig sa
kaba. Palagi itong nangyayari sa kaniya kapag interview niya. Para siyang
mahihimatay sa nerbiyos, kaya nga mas gusto niyang mag negosyo nalang pero hindi
sapat ang sari-sari store niya na malapit na ring malugi para mabuhay siya.

She needs to work to live.

"Relax. Mr. Sudalga won't hurt you." Anang babae na may bahid na ngiti sa mga labi
at tumigil sa paglalakad ng makarating sila sa pinto ng personal na opisina ni Mr.
Sudalga. "He's waiting for you. Pumasok ka na."

Tumango siya. "Okay."

"And a tip," hinawakan ng babae ang balikat niya saka bumulong sa taenga niya. "Be
confident. Kapag nakita ka niyang kinakabahan, denied kaagad ang application mo."

Paulit-ulit siyang tumango. "Noted."

"Sige na." The woman smiled at her. "Pumasok ka na."

"Yes, ma'am." Pormal niyang sabi saka dahan-dahang naglakad papasok sa personal na
opisina ni Mr. Sudalga.
Humugot siya ng malalim na hininga saka nilakasan ang loob. Kaya ko 'to. Kayang-
kaya ko 'to.
Mas na-doble ang kabang nararamdaman ni Annette ng makita si. Mr. Sudalga na abala
sa nakatambak na papeles sa ibabaw ng mesa nito. Abala ito sa pagbabasa at pag-
perma ng mga papeles na hindi man lang nito namalayang may tao sa loob ng opisina
nito.

Kaya naman ay tumikhim siya.

"Good Morning, Sir." Aniya.

Mabilis naman itong nag-angat ng tingin at parang nakakita ito ng multo ng


matitigan ang mukha niya. Umawang ang labi nito at bahagyang namilog ang mga mata
habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

Siya naman ay natulos sa kinatatayuan dahil sa malalalim na kulay berdeng mata na


gulat na nakatitig sa mga mata niya. The man's deep green eyes were making her feel
uncomfortable. Parang nakita na niya ang mga matang 'yon noon pero hindi lang niya
maalala. He's so handsome that she can't look away. She just keeps on staring at
him and memorizing his handsome face.

Napakaganda ng kulay berde nitong mata, ang matatangos nitong ilong, ang natural na
mapulang labi na parang napakalambot at napakasarap tikman, at ang matitipuno
nitong katawan na mas dumagdag sa kaguwapuhan nitong taglay.
Kapag hubarin niya kaya ang suot nitong tuxedo, makikita ba niya ang abs nito?

Kung ito ang magiging boss niya, araw-araw siyang magkakasala dahil araw-araw niya
itong pagnanasaan. Those green eyes that captured her the moment their eyes met and
his kissable lips was enough to make a woman drool for a kiss. At mukhang
mapapasama siya sa mga kababaihang 'yon.

He's the kind of guy that you just want to stare at for the rest of your life. Iba
ang epekto ni Mr. Cali Sudalga sa ka-inosentehan niya. Habang nakatitig sa malalim
at berde nitong mga mata, naglalaro ang imahinasyon niya sa mga bagay na dapat
hindi naiisip ng isang mayuming dalagang katulad niya. Siguradong mumultuhin siya
ng yumao niyang lolang mahinhin.

Lihim siyang napalunok habang pasimpleng hinahagod niya ng tingin ang kabuonan ni
Mr. Sudalga. Napakakisig talaga nito sa suot na tuxedo.

Tama na ang kalandian, Annette! Nakakalimutan mo na ba ang nangyari sayo dahil sa


kalandiang 'yan! Galit na saway sa kaniya ng kaniyang sariling isip.

Annette instantly felt the bitterness on her mouth. Oo nga, paano niya nakalimutan
'yon? She had been burn so bad because of a self-centered man she once called her
boyfriend. Mga gago ang mga kalahi ni adan. At hindi exemption ang guwapo at
makisig na lalaking nasa harapan niya ngayon. Pare-pareho lang ang mga itong MMM.
Manloloko. Manggagamit. Malalandi!

Tumikhim siya. "Mr. Sudalga-"

"Annette..." sambit nito sa pangalan niya na pinagtaka niya.

"K-kilala mo ako?" Nakakunot ang nuong tanong niya.

Ang nuo naman nito ang kumunot. "Why the hell are you asking me that? Of course, I
know you!" Napalitan ng galit ang gulat na ekspresyon sa mukha nito. "Anong
ginagawa mo rito?" Nameywang ito at parang bubuga nang apoy ang mga mata nito sa
galit habang nakatingin sa kaniya. "Ano ba ang kailangan mo at nang makaalis ka na
kaagad. I don't want you here."
Parang may tumadyak sa puso niya sa huling tinuran nito. Ano ba ang nangyayari? Ano
ba ang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Bakit parang nasasaktan siya?

"Ahm, Mr. Sudalga..." tumikhim siya para pakalmahin ang kinakabahan niyang puso.
"Ahm, n-nandito po ako para mag-apply?"

Walang emosyon itong tumawa sa naglakad palapit sa kaniya. "Gusto mong mag-apply
sakin? Magtrabaho para sa'kin?" Napailing-iling ito na halatang hindi naniniwala sa
sinasabi niya. "Ako ba talaga ginagago mo, Annette?"

Annette was still shock on how Mr. Sudalga knew her name, but she's more than
shocked and confused on what he was saying. Ramdam niya ang galit ng lalaki sa
bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Ramdam niya ang poot sa mga mata nito
habang nakatingin sa kaniya.

"Ano ho bang pinagsasasabi niyo?" Nagtatakang tanong niya, nawala na ang kaba at
napalitan iyon ng pagkalito. "At paano mo nalaman ang pangalan ko? Nabasa mo na ba
ang resume na pinasa ko?"

Parang napapantastikuhang tumingin ito sa kaniya. "Are you for real?" Nagtagis ang
bagang nito tanda ng galit na tinitimpi. "Maglolokohan pa ba tayo, Annette?"
Napailing-iling ito na parang hindi makapaniwala. "Dalawang taon kang nawala tapos
magpapakita ka ngayon sakin, magpapanggap na nangangailangan ng trabaho. Ano na
namang laro itong gusto mong laruin, because I don't want to play your games."
Parang naubusan ng lakas na bumalik ito sa pagkakaupo sa swivel chair, ang mga mata
ay nasa kaniya pa rin. "Just tell me what you want and get out of my office."

She pressed her lips together and spoke. "Kailangan ko nang trabaho kaya nga narito
ako at nagpapa-interview."

Malakas na tinampal nito ang ibabaw ng mesa nito at napaigtad siya.


"Bullshit!" He glared at her. "I don't want to play games with you, Annette. Kung
pera ang gusto mo, wala kang makukuha sakin."

Napaawang ang labi niya pero kaagad din niya iyon tinikom at naiinis na nagsalita.
"Ano ba ang pinagsasasabi mo, Sir? Nagpapa-interview lang naman ako para sa
bakanteng posisyon ng kompanya niyo. Kung ayaw mo akong interview-hin, just tell
me, Mr. Sudalga. Aalis naman ako e. Hindi mo ako kailangang sigawan."

He stilled, still staring at her intently. "What's with Sir and Mr. Sudalga?"
Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito. "Hindi mo ba ako kayang tawagin sa pangalan
ko?"

Malapit nang masagad nito ang iritasyon niya pero pilit niyang pinapakalma ang
sarili. Pilit niyang pinapaalala niya sa sarili na future boss niya ang kausap.

"Sir, I just want to clarify things, okay?" Kalmado ang boses niya kahit naiirita
na siya sa kaharap. "Hindi ko po kayo kilala." May diin ang bawat salitang
binibitawan niya. "Wala akong alam sa inyo maliban nalang sa ikaw ang may-ari ng
kompanyang ito at kung papalarin, ikaw ang magiging future boss ko. Kaya
naguguluhan ako kung bakit mo ako kilala at kung bakit ka nagsasalita ng ganiyan
sakin na para bang may atraso ako sa inyo? With all due respect, Sir, I don't know
you."

Mas lalong dumilim ang mukha nito at mas nagtagis ang bagang sa galit. "Get out of
my office. Now!"

Napaigtad siya sa sobrang lakas ng boses nito kapagkuwan ay mabilis na naglakad


palabas ng pinto.
"Where do you think you're going?"
Napaigtad ulit siya at napatigil sa paglalakad saka humarap sa lalaki.

"Sir?" Nagtataka niyang sabi.

"Get back here!"

Kumunot ang nuo niya. Ano bang problema ng lalaking 'to? Paaalisin siya tapos
pababalikin? Malapit nang sumabog ang tinitimpi niyang galit.

"Bumalik ka rito, Annette!" Sigaw niyo sa galit na boses.

Umirap siya sa hangin saka hindi ito pinansin. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad
palabas.

Hmp! Pagkatapos siya nitong palayasin, pababalikin siya?! Ano yon, biru-biruan?!
Jerk!

"How did it go?" Tanong nang babaeng naghatid sa kaniya kanina nang makalabas siya
ng opisina ni Mr. Sudalga.

"Baliw 'yang boss mo." Galit niyang sabi. "Ayokong mag-trabaho sa kaniya. He's a
jerk!"

Pati ang babae ay nairapan niya bago lumabas ng opisina. Hindi niya pinansin ang
mga ibang aplikante na nakatingin sa kaniya habang naglalakad. Tumuloy siya sa
elevator ay pinindot ang pababa saka hinintay iyong bumukas.

She was fuming mad at the brute! Ang dapat sa lalaking 'yon ay pinapa-admit sa
mental hospital. Doon ito nababagay! Siguro nagpapanggap lang ito o kaya naman ay
pinaglalaruan siya. Bakit hindi nalang nito sinabi sa kaniya na hindi siya tanggap
sa kompanya nito.

Nakahinga siya ng maluwang ng bumukas ang elevator.

"Thanks God." She murmured.

Kaya ayaw niyang nag-a-apply ng trabaho e. Mas gusto niyang mag negosyo nalang. At
least sa sari-sari store niya, wala siyang boss na sira-ulo!

ISINANDAL ni Cali ang likod sa swivel chair habang hawak ang resume ni Annette
Roan. Paulit-ulit niya iyong binabasa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagpakita
ulit ito sa kaniya pagkatapos ng dalawang taon.

What now?

Ano na namang laro ang gusto nito? He's done playing her games. Natapos iyon ng
iwan siya nito dalawang taon na ang nakakaraan.

He blows a loud breath. "Fuck!"

Hinilamos niya ang mga palad sa mukha saka nagpakawala ng malalim na buntong-
hininga. For a year, he had been at peace. At ngayon, nakita lang niya ang maganda
at maamong mukha ni Annette, nababaliw na naman siya.

"You look shaken up, my friend." Anang boses na nagpaigtad sa kaniya.

Mabilis siyang napabaling sa pinto at nakita roon ang kaibigang si Lysander.


"Hey." Walang buhay niyang sabi. "Anong ginagawa mo rito?"

Pumasok si Lysander, may tinatago itong paper bag sa likod. "Ang daming babae do'n
sa labas, pinipilahan ang kakisigan mo."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Lumayas ka sa opisina ko, Lysander. Marami pa
akong i-interview-hin. Nandoon sa kabilang block ang Callahan's Building. Doon ka
maghasik ng lagim."

"Boring do'n." Ani Lysander. "Wala akong kausap. Yong sekretarya ko naman,
nakakabaliw kausap. Ayoko pang ma-mental."

"Pakialam ko naman." Kinunotan niya ito ng nuo. "Lumayas ka nga sa opisina ko."

Tinawanan lang siya nito saka inilapag ang paper bag sa ibabaw ng mesa niya. "I got
this for you." Lysander grinned. "Para sa'yo."

Bored ang expression na binuksan niya ang paper bag. Napabuga nalang siya ng
marahas na hininga ng makita ang laman niyon.

"Really, Ly?" He looked at Lysander with bored expression on his face. "Cali drink
talaga? Lumayas ka nga sa opisina ko!"

Tumawa lang si Lysander saka binuksan ang dalawang Cali drinks na dala nito.

"Pause ka muna sa pag-i-interview." Ani Lysander. "Inoman muna tayo."

Cali sighed and picks up the Cali drink and take a small sip. Nang tumingin siya
kay Lysander, nakatingin ito sa kaniya na para bang napugutan siya ng ulo.

"What?" He asked, frowning.


Lysander still looks shock. "Uminom ka habang nagta-trabaho? Wow. What the hell
happened to you?"

Lysander knew him well. Alam nitong hindi siya umiinom kapag oras ng trabaho.

He blows a loud breath. "She's back." Aniya na ang tinutukoy ay si Annette.

Kumunot naman ang nuo nito.


"Sino?"

"My wife." Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin kay Lysander na
nakaawang ang labi. "My wife, Annette, she's back."

Lysander's jaw went slack. "Holy shit."

"I'm fucked, Lysander."

Napamura ulit si Lysander. "I'm calling Andrius and Thorn."

Nagkibit-balikat lang siya saka napatitig sa kisame ng opisina.

"She's back." Cali whispered. "My wife is back."

AUTHOR'S NOTE ABOUT POSSESSIVE SERIES


Hi my very innocent readers,
I just want to clarify some things. Nawala po talaga si Knight sa watty kasi binura
ko. Babagohin ko po kasi si Knight kaya naman kung naka save pa siya sa mga library
niyo, kindly delete po baka kasi maguluhan kayo.

At ang reason kung bakit si Cali na ang pang 12 ay dahil siya naman talaga ang
original na pang 12 sa listahan ko ng mga abs. Excited tong si Knight e, nang-agaw
ng puwesto kaya na bulilyaso siya. Knight, may karma. Haha.

The second reason kung bakit hindi ko ginawang 12 si Knight ay dahil para
makalimutan niyo muna ang kalandian niya at paghuhubad sa story niya na babaguhin
ko. Forget about him first and read Cali. Hehe. Pramis. Susulpot nalang si Knight
bigla sa mga panahong hindi niya inaasahan.

As much as possible kasi gusto kong maayos ang series na 'to. Na publish na kasi
ang book 1 and book 2 ng possessive series kaya gusto ko, ma publish lahat at if
ever man na ma publish lahat, gusto ko maging deserving naman siya sa salitang
'PUBLISHED', kaya pasensiya na doon sa mga nakabasa na kay Knight, ha? Isipin niyo
nalang na ibang Knight yon. Haha.

And lastly, i want to say thank you sa pumunta sa book signing ko nuong June 30. It
was amazing, CCBells. Nakakapagod pero napakasaya ko naman.

At para sa mga hindi nakapunta na gustong pumunta nuong June 30, present po ako sa
MIBF this Sept. Sa 18 po ay pakalat-kalat ako 'don. Hehe.

And now i'm leaving you with a very helpful advice.

#AdviceNgBitter

(Ang mga lalaki, mga KKK yan, e. KIKILALANIN ka, tapos i-KAKAMA ka, pagkatapos
KAKALIMUTAN ka na.) - Kaya huwag ma fall sa lalaking FUNRUN (After the FUN, he will
RUN).

#AdviceNiBitterCC
#HaveFunReading

CHAPTER 2
CHAPTER 2

PAGOD NA ibinagsak ni Annette ang katawan sa kaniyang kama na ilang langaw nalang
ang peperma, masisira na. Tatlong oras din ang biyahe mula sa lungsod pabalik dito
sa Probinsiya kung saan siya nakatira. At nagsayang lang siya ng oras at pera dahil
hindi naman siya natanggap sa dalawang trabahong in-apply-yan niya para sa araw na
to.

Paano siya nito mabubuhay?

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Paano ba naman siya tatanggapin sa mga trabahong in-apply-yan, e wala nga siyang
maipakitang credential kung saan siya nagtapos ng pag-aaral. Palagi lang sinasabi
ng lola niya na nakapagtapos siya ng kolehiyo pero sa tuwing tinatanong niya kung
nasaan amg katibayan, wala naman itong pinapakita. Palagi nitong sinasabi na inanod
sa baha dahil bahain ang bahay nila. Pero nasisiguro naman niya na may pinag-aralan
siya, nakakapag salita kasi siya ng English. Ang problema, wala naman siyang mapag-
apply-yang trabaho dito sa probinsiya nila kasi wala namang mapagta-trabahuan dito
maliban sa bukid at wala siyang alam sa pagtatanim.
"Hay... buhay." Bumangon siya sa pagkakahiga saka nagtungo sa kusina para magsaing.

Habang inaayos ang panggatong na gagamitin sa pagsasaing, lumabas si Edelyn, ang


kapit-bahay niya, na may dalang panggatong.

Magkatabi lang ang bahay nila kaya madali siya nitong nakita at nginitian. Si
Edelyn ang siyang tanging kaibigan niya sa bayan nila. Siguro dahil kapit-bahay
niya ito at naging malapit sila sa isa't-isa kasi palagi silang nagku-kuwentuhan.
Pang-gabi kasi ang trabaho nito sa bar kaya may oras ito sa umaga.

"Oh, Annette, kumusta naman ang pag-apply mo nang trabaho sa lungsod?" Tanong nito
habang isinasalansan ang mga panggatong sa lupa para maarawan.

"Wala akong napala." Nakasimangot siya habang kinukuwento ang nangyari sa interview
niya sa Royal Cruise Manufacturing Company. "Dito nalang siguro ako sa bukid."
Aniya pagkatapos mag kuwento. "O kaya doon sa bar na pinagta-trabahuan mo."

Humarap sa kaniya si Edelyn at tinaasan siya ng kilay. "Annette, kaya nga


pinapautang kita ng pamasahe patungong lungsod kasi hindi ka nababagay dito sa atin
magtrabaho. Masisira iyang makinis at maputi mong kutis at saka may pinag-aralan ka
naman e. Hindi ka bagay sa bukid. At mas lalong hindi ka bagay sa bar! Ano ka ba
naman!"

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Edelyn, hindi naman ganoon ka-simple ang
maghanap ng trabaho sa lungsod e. Kailangan ng mga credentials at wala ako no'n."

Nameywang ito. "Hay naku, Annette, mga sosyal naman kasi iyang ina-apply-yan mo, e.
Mag-apply ka kaya bilang katulong?"

Napalabi siya. Katulong? Hindi niya naisip 'yon. Masyado kasi siyang nag fucos sa
ideyang nakapag-aral naman siya. Natitiyak niyang matatanggap siya bilang katulong
kasi hindi 'yon nangangailangan ng kahit ano pa man.

"Oo nga no..."

"Mag-ingat ka nga lang." Biglang babala sa kaniya ni Edelyn. "Maraming manyak na


amo ngayon sa lungsod. Dapat humanap ka nang amo na babae at mabait ang asawang
lalaki."

Napabuntong-hininga siya. "Paano ko gagawin 'yon? At saka, bilang lang ang kaya
kong gawin na gawaing bahay."
Inungusan siya nito. "Hay naku naman, Annette, ano ba kasing klaseng buhay mayroon
ka noon at hindi ka marunong ng mga gawaing bahay."

Natahamik siya bigla sa sinabi nito na kaagad namang napansin ni Edelyn.

"Pasensiya na." Hingi nito ng paumanhin sa kaniya. "Alam kong ayaw mong pinag-
uusapan ang nangyari noon sayo."

Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang. Anyway, magsasaing na muna ako."

"Sige." Akmang aalis na ito ng may maalala. "Ay teka lang, may ulam ka na ba?"

Nahihiyang napailing-iling siya. "Wala."

Mahinang natawa si Edelyn. "Oh, siya, bigyan na kita. May ulam ako, masarap. Tiyak
na magugustuhan mo."

Malapad siyang napangiti. "Salamat, Edelyn."


"Oo na. Sige na, mag-saing ka na."

"Sige." Nakangiting tugon niya.

Pumasok na si Edelyn sa bahay nito at siya naman ay pinagpatuloy ang pag-isang.

Habang hinuhugasan niya ang bigas, bigla nalang pumasok sa isip niya si Mr.
Sudalga, ang may-ari ng kompanyang huli niyang ina-apply-yan.

Ang guwapo talaga ng lalaking 'yon. May asawa na kaya siya? Parang nakakatakam ang
angking kakisigan nito. His deep green eyes. His lips. Damn. His lips look
inviting. Hindi mawala sa isip niya ang mga labi nitong parang nangungusap na
halikan.

Marahas niyang pinilig ang ulo para mawala ang agiw niyon. Dapat hindi siya nag-
iisip ng ganoon kay Mr. Sudalga.

Pinagpatuloy niya ang pag-saing tapos bumalik sa maliit niyang sala para ayosin ang
kalat do'n.

Habang nag-aayos, nakarinig siya ng katok sa pinto. Napangiti siya bigla. Mukhang
nandiyan na ang ulam niya na bigay ni Edelyn. Excited siyang tinungo ang pinto saka
binuksan 'yon.

Kumunot ang nuo niya sa taong nasa labas ng pinto. "Sino ka?"

The man in front of her is handsome. Pero hindi mapagkakatiwalaan ang mga guwapo
ngayon lalo nar singkit ang nasa harapan niya.

"Sino ka?" Ulit niyang tanong sa lalaki na mukhang nagulat ng makita siya. "Anong
kailangan mo?"

Hindi bagay ang suot nitong tuxedo sa labas ng barong-barong niyang bahay.

"I'm Shun Kim." May ipinakita itong I.D. sa kaniya. "And I'm here for you, Mrs.
Su-" tumikhim ito, "Ms. Roan."

Tumaas ang kilay niya. "What do you want?" Tanong niya sa lenggwaheng English na
para bang normal na 'yon sa kaniya.

Sumilip ito sa loob ng bahay niya saka tumingin sa kaniya. "May I come in?"

"Hindi puwede." Isinara niya ang pinto saka pinagkrus ang mga braso sa harap ng
dibdib. "Sabihin mo sakin kung anong kailangan mo."

Hindi safe magpapasok ng lalaki sa bahay lalo na't estranghero 'yon.

"Ahm," tumikhim ito habang may hindi makapaniwalang kislap sa mga mata nito. "Hindi
mo talaga ako kilala?"

Umiling siya. "Hindi."

"Are you sure?"

"Hindi nga sabi e." Pasimple niyang hinilot ang sentido ng makaramdam ng sakit
do'n. "Ano ba kailangan mo sakin?"

"I'm a Private Detective." Ngumiti ito. "At matagal na kitang hinahanap."


Kinabahan siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"May taong nagbayad sakin para hanapin ka." Huminga ito ng malalim. "At gusto sana
kitang dalhin sa kaniya ngayon kung puwede."

Umiling siya. "Hindi puwede. Hindi kita kilala, kaya umalis ka na."

Napatango-tango ito. "Sige. Salamat."

Hinatid niya ng tingin ang lalaking nagngangalang Shun Kim. Nang makasakay ito sa
magarang sasakyan at nakaalis, saka lang siya pumasok sa bahay niya. Private
Detective? Hinahanap siya? Yeah, right. Ang mga manloloko talaga ngayon, ibat-ibang
modos ang naiisip makapang-loko lang.

MABILIS na sinagot ni Cali ang tawag ng makita niyang si Shun 'yon. "How did it
go?" Tanong niya kaagad sa nasa kabilang linya.

"It's her." Ani Shun. "Sigurado ako, Sudalga. Siya talaga ang asawa mo. Pero hindi
niya ako kilala, yan ang nakapagtataka. Either she doesnt really remember or she's
just good at pretending."

Nagtagis ang bagang niya. "She's just good at pretending. Diyan siya magaling, ang
magpanggap na mapapaniwala ka talaga."

Napabuntong-hininga si Shun. "Anong balak mong gawin ngayon? Her address on her
resume is valid. And according sa mga napagtanungan kong kapit bahay niya, she had
been in that house for almost two years."

"Almost two years?" Ulit niya.

"Yes."

Kumuyom ang kamao niya. "May kasama ba siyang lalaki?"

"Hindi ako pinapasok sa bahay e." Ani Shun. "Pero sabi ng mga kapit-bahay niya,
walang ibang kasama si Annette maliban sa matandang babae na namatay anim na buwan
na ang nakaraan."

"Wala talaga siyang kasama?" His lips thinned. "How sure are you, Shun?"

"Seventy-five percent."

His frustration is building up. "Paano yong twenty-five percent na natira?"

"That the 'not sure' percent."


Tumikhim si Shun. "So? What are you planning to do? She doesnt seem to remember you
nor care. Hahayaan mo nalang ba siya o hahayaan mo na naman siyang makapasok sa
buhay mo?"

Sa halip sa sagutin ay pinatay niya ang tawag at napatitig siya sa larawan nila ni
Annette kung saan masaya silang dalawa habang namamasyal sila sa Paris.

His blood boil. No. Siya lang ang masaya dahil nagpapanggap lang ito na masaya na
kasama siya. That lying conniving woman!
Padaskol siyang tumayo saka pinulot ang susi ng Mercedes-Benz niya saka
nagmamadaling tinungo ang garahe niya.

"SALAMAT sa ulam." Nakangiting sabi ni Annette kay Edelyn na hinatid pa sa bahay


niya ang ulam. "Amoy palang, masarap na." Naglalaway ang bagang niya kahit amoy
palang.

Pabiro siyang inirapan ng kaibigan. "Masarap naman talaga akong magluto e."

"Oo naman." Nakangiting sabi niya saka excited na umupo sa silya at inumpisahang
kumain. "Ang sarap."

Mahinang tumawa lang si Edelyn saka nagpaalam na. "Oh, siya, aalis na ako. Happy
eating nalang."

"Salamat." Puno ng pagkain ang bibig sa sabi niya.

Maganang kumain ng mag-isa si Annette. Napakasarap ng luto ni Edelyn, kaya gustong-


gusto niyang manghingi ng ulam dito palagi e.

Naputol ang magana niyang pagkain ng marinig na may kumatok sa pinto ng bahay niya.
Naiinis na tumigil siya sa pagkain saka tinungo ang pinto para buksan 'yon.

Muntik na niyang maibuga ang nginunguya ng makita si Cali Sudalga na nakatayo sa


labas ng pinto ng bahay niya.

Mabilis niyang nilunok ang nginunguya saka kinakabahang nagtanong. "Anong...


bakit... anong... anyare?" Napakurap-kurap siya habang ang puso niya ay walang
kasing bilis ang tibok. "Anong... g-ginagawa niyo rito?"

Sa halip na sagutin ay matiim siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang laman
ng isip niya. At kung magiging tapat lang siya sa sarili, kakaiba ang hatid ng
titig nito sa kaniya.

"Can I come in?" Tanong nito pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Mabilis siyang umiling. "Hindi."

Nahihiya siyang papasokin ito.


Nasisiguro niyang mansiyon ang bahay nito, kaya nakakahiyang papasokin ito sa
barong-barong niyang bahay.

Nakita niya napatiim-bagang ito. "Bakit?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Kasi hindi safe na magpapasok ng lalaking hindi ko
ganoon kakilala." Pagdadahilan niya.

Nakita niyang gumalaw ang panga nito bago tumango-tango.

"Anong pakay niyo sakin?" Tanong niya pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.
"Kulang pa ba ang pagsigaw mo sakin kanina kaya nandito ka?"

Namulsa ito at huminga ng malalim. "I'm here to offer you a job."

Napapantastikuhan siyang napatitig sa berde nitong mga mata. "Are you for real?
Pagkatapos mo akong sigawan kanina at palayasin sa opisina mo, ngayon mag-o-offer
ka nang trabaho?"
"I'm sorry about shouting at you." Matiim ang titig nito sa kaniya. "Hindi lang
maganda ang ... mood ko kanina at... ikaw ang napagbuntunan ko."

Nagkibit-balikat siya. "It doesnt matter."

He stared at her, he looks like he is calculating something before he speaks. "How


do you like to be a P.A.?"

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Personal Assistant ... mo?" May pag-aalangang
tanong niya.

His body strengthen. "Yes."

Namilog ang mata niya sa gulat at nakaramdam siya ng pag-asa. "Kailangan mo nang PA
at ako ang gusto mong PA?"

"Oo. It's my way of saying Im sorry about earlier. Hindi naman ako naninigaw e,
nagkataon lang na bad mode ako kanina."

May nagbabadyang ngiti sa mga labi niya. "Totoo 'yon? Walang halong biro?"

Tumango ito saka may ini-abot sa kaniyang calling card. "I'll be expecting you
tomorrow morning." Anito saka akmang aalis na nang sumilip ito sa loob ng bahay
niya saka tumingin sa kaniya. "Wala ka talagang ibang kasama diyan?"

Mabilis siyang umiling. "Wala."

"No husband?"

Umiling siya.

"No boyfriend?"

Umiling ulit siya.

"No lover?"

Umiling ulit siya. "Wala lahat."

Parang nasiyahan ito sa nalaman dahil bahagyang umaliwalas ang mukha nito. "Good.
Pack some clothes with you for tomorrow."

Mabilis siyang tumango saka pinakawalan ang ngiting kanina pa niya pinipigil.
"Maraming salamat, Mr. Sudalga." She could kiss him in so much joy! "Super thank
you talaga. Super! Super!"

Tumango lang ang kaharap saka humakbang pabalik sa kotse nito. "Bye."

Ikinaway niya ang dalawang kamay sa ere habang may malapad na ngiti sa mga labi.
"Bye. And thank you!" Sigaw niya.

Pumasok na ito sa kotse nito at pinaharurot iyon paalis. Hindi naman mawala ang
ngiti sa mga labi ni Annette. May trabaho na siya! Mabait naman pala ang lalaking
'yon e! Talagang sinadya pa siya para humingi ng paumanhin! Ayei! Guwapo na, mabait
pa! Ang galing naman!

Nag-uumapaw sa kaniyahan ang puso ni Annette ng makapasok sa bahay niya. Parang


nawalan na siya nang ganang kumain dahil sa excitement niya para bukas!
I can't wait!

#KapagGuwapoManloloko
#SayYesToSex
#SayNoToManloloko
#SayNoToPagsasarili
#SayYesToHandAndFingers

Don't me, i'm innocent.

CHAPTER 3
CHAPTER 3
PAULIT-ULIT na tsi-ni-check ni Annette ang address ni Cali na nasa Calling Card
habang sakay sa elevator patungo sa pinaka-mataas na flor ng Buena Building. Kung
tama ang pagkakaintindi niya sa calling card na nasa kamay niya, nasa pinakatuktok
ang penthouse ni Mr. Sudalga.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at inayos ang damit na suot. Kailangang
presentable siya sa harapan ni Mr. Sudalga. Magiging P.A. siya nito kaya kailangang
malinis siya para hindi magbago ang isip nito sa pagbibigay sa kaniya ng trabaho.
"Gagalingan ko." Sabi niya sa sarili.
Bumukas ang elevator sa destinasyon niya kaya lumabas na siya. Siguradong hindi
siya mawawala dahil isang pinto lang naman ang naroon sa palapag na 'yon at may
nakasulat pang Sudalga.
Kumatok siya sa pinto. Ilang segundo lang ang hinintay niya, bumukas iyon at
sumalubong sa kaniya ang hubad-barong si Cali Sudalga, naka jeans lang ito habang
tinutuyo nito ang basang buhok.
"Come in." Anito.
Bahagyang nakaawang ang labi niya ng bumaba ang mga mata niya sa tiyan nito. Parang
may paru-paru sa tiyan niya na nagliparan ng makita ang abs nito. Iba rin ang
epekto sa kaniya ng bagong-ligo nitong amoy, parang may kinikikiti iyon sa
kaibuturan niya. At dahil abala ito sa pagtutuyo ng buhok, malayang napagnanasaan
niya ang matitipuno nitong dibdib pababa sa abs nitong nakakapaglaway.
Tumikhim siya. "Good morning."
Napatigil ang lalaki sa ginagawa saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Annette."
Halata ang gulat sa mukha nito saka isinampay ang tuwalya paikot sa leeg nito. "Ang
aga mo, ah."
Ngumiti siya. "Baka kasi magbago ang isip mo kapag na-late ako."
Tumango lang ito saka humakbang paatras para makapasok siya sa penthouse nito.
"Nice house." Komento niya ng makita ang kabuonan ng sala nito.
"Thanks." Walang emosyon ang boses nito. "Anyway, may damit ka bang dala?"
Ipinakita niya ang backpack na nakasukbit sa balikat niya. "For the whole week ang
dala kong damit, excluding Saturday and Sunday."
"Good." Tinuro nito ang pinto malapit sa daan patungong kusina. "That would be your
room and mine is upstairs. At bawal ka do'n sa taas. Kung may kailangan ka na nasa
taas ako, use the intercom." Tinuro nito ang intercom machine na nasa gilid ng
pintuan papasok sa kusina. "At kung may kailangan ka sa itaas at wala ako rito,
don't you dare go up or I will fire you."
Mabilis siyang tumango. "Yes, Sir."
Tinuro nito ang pinto ng kusina. "That's the kitchen. Kompleto yan sa gamit at
pagkain. Nasa kanang bahagi ng pinto ang laundry room at nasa kaliwang bahagi naman
ang pinto ang common comfort room. Walang T.V. sa kuwarto mo kaya kung gusto mong
manuod, dito nalang sa sala."
Mabilis siyang tumango. "Copy, Sir."
Mataman siya nitong tinitigan kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "You're my PA
slash katulong dito sa bahay. Kailangan ko lang ng PA para sa mga out of the
country trip, kaya most of the time katulong ka rito sa bahay. Understood?"
"Yes, Sir."
Naglakad ito patungo sa hagdan pataas. "And don't call me Sir, call me Cali."
Pahabol nitong sabi habang umaakyat ng hagdan.
"Yes, Si- Cali."
Napakagat-labi si Annette ng mawala si Cali sa paningin niya.
Cali. His name felt familiar on her lips. Parang ilang ulit na niyang sinambit
iyon, hindi lang niya maalala kung saan at kailan.
Marahas niyang ipinilig ang ulo saka huminga ng malalim. Nandito siya para
magtrabaho hindi para mag-isip ng kung ano-ano. Kaya naman inumpisahan na niya ang
pagiging PA slash katulong ni Cali Sudalga.
Nagtungo siya sa kusina at ininit ang kape sa coffee pot. Pagkatapos ay kumuha siya
ng dalawang slice ng longganisa sa ref at prinito 'yon, habang nagpi-prito,
naglagay siya ng alice bread sa toaster.
Nang matapos pritohin ang longganisa, tamang-tama naman na tapos na ma-toast ang
slice bread.
Hindi alam ni Annette pero parang siguradong-sigurado siya sa ginagawa. Lalo na
nang alisin niya sa pagkakabalot ang prinitong longganisa saka ang laman niyon ay
ginawang palaman sa dalawang toasted bread.
Then she put the longganisa sandwich on the plate, put it on the table, put a hot
coffee on the cup and put it beside the plate with the sandwich. Pagkatapos ay
kumuha siya ng malamig na tubig saka itinabi ang baso sa umuusok na kape.
"Done." Aniya saka napakurap-kurap nang makita ang niluto niya.
She didn't even know how she come up with longganisa sandwich. Para lang normal na
na gawin niya iyon para sa agahan ni Cali at parang siguradong-sigurado siya na
masasarapan ito.
"Annette, anong-" napatigil sa pagsasalita si Cali ng makapasok sa kusina at
napatitig lang sa longganisa sandwich na ginawa niya na para bang nakakita ito ng
multo. "Ano yan?"
"Longganisa sandwich-"
"Alam ko kung ano yan, Annette!" Gumuhit ang iritasyon sa guwapo nitong mukha. "Ang
tanong, bakit ginawa mo 'yan."
"Para sana sa agahan mo, Sir Cali." Nagbaba siya ng tingin sa takot na masinghalan
nito. "I just thought you might like it."
Mahabang katahimikan ang nagdaan bago niya narinig ang boses ni Cali.
"Look at me." Anito.
Nag-angat naman siya ng tingin dito. "Ano 'yon?"
"Kainin mo 'yang ginawa mo. Hindi ako nagugutom." Wika nito.
Alam niyang bumalatay ang sakit sa mukha niya kaya tumango siya at tumuon ang
tingin sa paa niya. Ayaw niyang makita nito na nasaktan siya dahil parang hindi man
lang nito pinahalagahan ang ginawa niyang sandwich. Nag effort pa naman siya.
"Pasensiya na." Hingi niya ng paumanhin sa malungkot na boses. "Hindi mo
nagustuhan."
Narinig niyang malakas itong napabuntong-hininga saka mahinang napamura kapagkuwan
ay humakbang palapit sa mesa.
Kaagad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti ang puso niya ng makitang kinain nito
ang ginawa niyang sandwich at sinisimsim nito ang kapeng hinain niya kapagkuwan ay
inubos nito ang isang basong tubig na katabi ng kape saka tumingin ito sa kaniya.
"Done. Happy?"
Malapad siyang ngumiti. "Salamat dahil kinain mo."
Magkasalubong ang kilay na umalis ito sa kusina na mabilis naman niyang sinundan.
"Aalis ka ba, Sir Cali?" Tanong niya dahil naka-porma ito.
"Yes. I'm going to see Ly." Sagot nito saka kinuha ang cellphone sa bulsa saka ini-
abot yon sa kaniya. "That's my phone. I already reformat it and put a new sim card.
Number ko lang ang nariyan at huwag na huwag kang maglalagay ng ibang number diyan
dahil hindi yan sayo. Naiintindihan mo?"
"Yes, Sir."
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. "Anong sinabi ko sayo kanina? Tawagin mo ako
sa..."
"...sa pangalan mo." Pagtatapos niya.
"Well?"
"Cali."
Tumango ito, hindi niya alam kung nasiyahan ito sa pagtawag niya ng Cali dito o
wala lang.
Naglakad ito palabas ng pinto ng penthouse. Pero bago ito makalabas, bumaling ito
sa kaniya na para bang may nakalimutang sabihin.
"Kung may kailangan kang ipabili sa mini-grocery store sa ibaba, dial 111 sa
telepono na yan." Tinuro nito ang teleponong naka-dikit sa dingding. "You w

You might also like