sining at kilala bilang "Manunulat ng mga Manggagawa" dahil sa kaniyang naiambag sa kanyang kapanahunan.
Sa bayan ng Hagonoy, bulacan sa Sagrada
Familia siya'y sinilang. Ngunit lumaki siya sa Tondo, Maynila at nakapag-aral siya Mataas na Paaralan ng Maynila at sa American Correspondence School. Noong 1932 napangasawa niya ang pilipinang aktres na si Atang de la Rama. Silang dalawa ay kilala bilang mga Pambansang Alagad ng sining.
Nagsimula siyang magsulat sa pahayagang Watawat sa Wikang
Tagalog. Nang lumaon ay nagsulat siya sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. ilan sa kanyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parrolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na labing siyam o 19 siya'y napabilang sa samahan pampanitikan na Aklatang Bayan. Isa sa Akdang kanyang naisulat ang "Isang Dipang Langit", naisula niya ito noon siya'y nakakulong. II. Pamagat ng Tula:
Isang Dipang Langit
III. Paksa ng Tula
Ang paksa ng may akda sa Isang Dipang Langit ay
tungkol sa mga bilanggo na wari’y nagdudusa sa lungkot. Sila lamang ay pinaratang ng walang malay sapagkat sila ay isang api at nasa baba.
IV. Pagsusuri sa bawat saknong
Ang Tula ay binubuo ng labing-isang saknong na kung
saan itong labing-isang saknong na ito nakapaloob ang kanyang naging karanasan sa loob ng kulungan. ang unang saknong sa tula ay nagsasalaysay na ang tao dito ay giniit sa may kasalanan ng mga taong nakatataas sa lipunan. Kahit wala naman siyang kasalanan ay siya'y napagbingtangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Sa ikalawang saknong, naisalaysay niya dito ang haba
ng panahon siya'y nakabilanggo at ang kalupitan ng batay dito. Dito niya napagtanto na ang kanyang buhay ay para ng patay, dahil kahit na siya'y humihinga pa wala rin naman silbi ang kanyang buhay. Sa ikatlong saknong naisalaysay na ang tanging nagawa niya na lamang ay ang pagdungaw sa maliit na butas sa kulungang tanaw ang dipang langit. dito niya binuhus ang kanyang kalungkotan dahil sa ang bayan kanyang iningatan at pinagsilbihan ang nag-udyok sakanya sa kulungan.
Sa ika-apat na saknong naisalaysay ang galit na
galit na mga tanod na nagbabatay sa kanilang kulungan dahil sa isang nakabilanggo nagsisigaw na parang hayop sa yungib.
Sa ikalimang saknong nailarawanan ang kanyang
pagluluksa at kanya rin naisip na parang ang bilangguan kanyang kinalalagyan ay parang kabaaong pinagluluksaan ng mga tanod na kabantay at mga nakabilanggo. Patay siya at siya'y pinagluluksaan.
Sa ikaanim na saknong ay nailarawan na may nakita
ang persona na may dumaang nakakadena at kinakaladkad ng bantay sa kadahilanan siya ay binilidad sa araw at hindi nakayanan at ito ay binawian na ng buhay.
Sa ikapitong saknong ay nailarawanan na kung minsan
ay may mga tumatakas na preso at minsan narin nakita ng persona makita ang mga nag-aagaw buhay at namamatay dahil sa parusang naipataw dahil sa kanilang pagtakas. Sa ikasiyam na saknong ay ang patuloy na pag-asa ng persona na siya'y makakalabas pa at makikita ng malaya ang langit kahit pa siya'y matanda na.
Sa ikasampung saknong isinaad dito na hindi
natutulog ang Diyos, alam ng Diyos at batid nito ang lahat ng nangyayari sa loob man o sa labas ng bilangguan, bilangguan nagkait sa kanya ng kalayaan. sinabi ng persona na hindi lahat ng api ay apid ang ibig sabihin ng persona na may hangganan ang lahat, namakakamit ang tamang hustisya naipataw at pinagdusahan nila kahit pa sila'y inosente, napagbintangan, at kahit sila'y mahirap lamang.
Sa huling saknong ay nakalaya na ang persona at
Malaya na niyang makikita ang dipang langit na walang umaagos na luha sa kanyang mga mata.
V. Pagpapahalaga Pangkatauhan
Ang layunin ng may akda ay para maipakita sa kanyang
mambabasa na habang may buhay may pag-asa. Hindi dapat natin sukuan ang problema dahit ito ay hindi ibibigay ng Diyos kung hindi natin ito kayang lampas an bagkus ang mga problemang ito ang magpapatatag ng ating pananalig. VI. Pagpapahalaga sa Pansariling Pang-unawa
“Habang may Buhay may Pag-asa” isang katagang lumitaw sa
aking isipan noong aking nabasa ang akdang ito. Ito’y sumasalamin sa mga napagbintangan, nakulong at pinagbayaran ang maling paratang ipinataw sa kanina. Kawalan ng pag-asa at depresiyon ang pangunahing kalaban nila ngunit sa tula ay may pag-asa, may dipang langit na naghihintay sa labas, naghihintay sa iyong paglaya gaya ng isang ibong nakawala sa kanyang hawla. Huwag tayong magpatalo at patuloy na manalig sa kanya dahil batid ng Diyos ang iyong paghihirap at sa huli itong paghihirap na ito ay iyong malalampasan.