Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Dibisyon ng Puerto Princesa


MATAAS NA PAARALAN NG BABUYAN
Sitio Anilawan, Bgy. Babuyan, Lungsod ng Puerto Princesa

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan:____________________________ Petsa:_______________
Seksyon:____________________________ Iskor:_______________

DIREKSIYON: SUNDIN ANG PANUTO sa bawat bahagi ng pagsusulit.


Istriktong WALANG BURA. Ang pagtanong , pagtingin , pagtayo o paglabas, at paggamit ng
cellphone sa loob ng klase ay IPINAGBABAWAL.
Sa pangalawang ulit na pagsita ay HUWAG NANG ITULOY ANG PAGSUSULIT.

A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento.
a. Rogelio R. Sicat c. Deogracias A. Rosario
b. Narciso Reyes d. Liwayway Arceo

2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt.
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.

3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.”


a. salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay

4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa.
a. malayo ito sa damdamin ng madla c. napakahirap nitong gawin
b. dahil nagmula ito sa ibang bansa. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik.

5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan.


a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban.
b. Mayroon itong isahang yugto.
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw.

Para sa bilang 6 – 11, basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais


Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik.
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip.

Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig,


Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;
Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit.

Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso


at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle

6. Anong uri ng panitikan ang binasa?


a. Balagtasan b. Batutian c. Karagatan d. Duplo

Panitikang Pilipino/ Filipino 8/cqherher2017-2018 1


7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda?
a. May-akda c. Lakandiwa
b. Mambabalagtas ng Puso at Isip d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran

8. Anong sukat mayroon ang akda?


a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin

9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda?


a. Kabutihan – Di-kabutihan c. Dunong - Pagmamahal
b. Tagumpay o Kabiguan d. Isip at Katuwiran

10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa?


a. pagkain b. kayamanan c. pag-ibig d. karangalan

11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik?


a. pangngalan b. panghalip c. pang-uri d. pandiwa

Para sa bilang 12 – 16, basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na
natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang
naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at
naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili
mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay.

Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala
ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong
akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog
sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating
ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan.
Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw
ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila
hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon.

Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap
at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo
sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos
mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong
kahapon.
Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
12. Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon?
a. tula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay

13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?


a. pagiging isang politiko c. pagpapakita ng damdamin
b. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin
14. “Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala. ” Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit?
a. bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena

15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda?


a. Amerikano b. Hapon c. Español d. Tsino

16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda?


a. dayuhan b. Pilipino c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan
17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?

Panitikang Pilipino/ Filipino 8/cqherher2017-2018 2


a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa
iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.

18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino?
a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit
b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling
wika
d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari

19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano?


a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano
b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino
c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan
d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop

20. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may
Lakandiwa na namamagitan.
a. balagtasan b. duplo c. karagatan d. karilyo

21. 2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.
a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan.

22. 3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu.


a. Balitao b. Batutian c. Duplero d. Siday

23. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.


a. Jose Rizal at Andres Bonifacio c. Juan Luna at Antonio Luna
b. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
24. Ama ng Sarswelang Tagalog
a. Alejandro Abadilla b. Severino Reyes c. Aurelio Telentino d. Juan Abad
b.
25. Isa sa mga uri ng maikling kuwento na ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang
pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na sa kuwento.
a. kuwento ng tauhan c. kuwentong makabanghay
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwentong Pangkaisipan
26. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay tinatawag na ________.
a. banghay b. tema c. pananaw d. damdamin

27. Ang _____ ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip.


a. pandiwa b. aspekto ng pandiwa c. pang-uri d. kaantasan ng pang-uri
b.
28. Ito ay tumutukoy kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos ng pandiwa.
a. pandiwa b. aspekto ng pandiwa c. pang-uri d. kaantasan ng pang-uri

29. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren Peñaflorida. Alin ang salitang
naglalarawan sa pangungusap?
a. Kesz b. mabuti c.kaniya d. guro

30. Nasa anong kaantasan ang pang-uring ubod ng saya?


a. lantay b. pahambing c. pasahol d. pasukdo
Panitikang Pilipino/ Filipino 8/cqherher2017-2018 3
B. Pag-iisa-isa
Elemento ng Balagtasan
1.
2.
3.
4.
Uri ng sanaysay
5.
6.
Uri ng Pagpapahayag
7.
8.
Elemento ng Maikling kuwento
9.
10.

God Bless!

Panitikang Pilipino/ Filipino 8/cqherher2017-2018 4


B. Pag-iisa-isa
Elemento ng Balagtasan
1.
2.
3.
4.
Uri ng sanaysay
5.
6.
Uri ng Pagpapahayag
7.
8.
Elemento ng Maikling kuwento
9.
10

God Bless!

Panitikang Pilipino/ Filipino 8/cqherher2017-2018 5

You might also like