Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

“PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL

NG RANGGAS RAMOS NATIONAL HIGH


SCHOOL SA IKA-APAT NA TAON
TUNGKOL SA SINTAX LAW”

IPINASA NI: Rico Reserva


Cookery 11

PARA KAY: Maribel Lor


INSTRUKTOR

Holy Cross Academy

Tubigon, Bohol
DAHON NG PAGPAPATIBAY
     

  Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang FILIPINO XI,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang
‘’Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Holy Cross Academy hinggil sa sintax law’’.
Inihanda at iniharap ni Rico Reserva.

Pinagtuunang pansin nina: Rico Reserva

Maribel Lor
Instruktor

Pasasalamat
 Taus-puso po ang aming pasasalamat sa mga taong walang sawang sumoporta
,tumulong at gumabay  sa amin  para sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito. Una sa lahat, sa
aming pamilya, lalung-lalo na  sa aming mga magulang na sina G. at Gng. Arnold R. Parpan at
G. at Gng. Manuel V. Obiña sa kanilang pagmamahal,suporta at pag-unawa pati na rin sa
suportang pinansyal  na ibinibigay  habang isinasagawa ang pag-aaral na ito.Sa aming mahal
na instructor na si Bb. Joan A. Monforte sa walang sawang pagwasto ng aming kamalian,
paggabay at pagsuporta para sa ikauunlad ng pag-aaral na ito.

 Sa Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon  na si Dr. Nehlia P. Esmeralda at sa Program Chair ng


BSED na si Gng. Medina R. Olla, sa kanilang pahintulot at pagsuporta sa pagsasagawa ng
pananaliksik na ito.

 Gusto rin naming pasalamatan ang kooperasyon na ibinigay ngmga mag-aaral ng


Ranggas-Ramos national High School ng nasa ika-apat na taon  IV-Gold at IV-Pearl.kung wala
ang kanilangkooperasyon hindi maisasakatuparan  ang tagumpay ng pananaliksik na ito.At
lalung-lalo na sa principal ng paaralan na si Mr.Wilhem A. Prila, sa kanyang pahintulot na
makapagsagawa ng isangsarbey sa kanyang nasasakupan.Higit sa lahat, sa Poong Maykapal
sa pagbigay ng kaalamanat lakas, kalinawan sa pag-iisip at tatag ng loob para ikatatagumpay
ng pag-aaral na ito.   Maraming Salamat Po!
Arland B. Parpan

Mike Angelo A. Obiña


Mga Mananaliksik

Abstrak

Pamagat: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos National


High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.

Mga Mananaliksik: Arland Bedes-Parpan


Mike Angelo Azaña-Obiña
Akredited na Institusyon: Partido State University
Goa,Camarines Sur
Kolehiyo ng Edukasyon

Taunang Aral: 2012-2013

Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin


alamin ang persepsyon ng mga mag aaral ng Ranggas-Ramos National
High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.Tiyak na
nilalayon din nito ang mga sumusunod:
1.Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar sa
batas na ito.
2.Mabatid ang maaring bunga nito sa mga mag-aaral.
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang anim na pung
(60) mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng IV-Gold at IV-Pearl
na kasalukuyang nag-aaral sa Ranggas-Ramos National High
School,Calawit San Jose, Camarines Sur taunang aral 2012-2013.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng palarawan o deskriptiv
sarbey dahil sa paggamit ng talatanungan tseklist at
estatistika.Ang mga datos aysinuri sa pamamagitan ng pagkuha ng
weighted mean sa bawat aytem para malaman ang saloobin ng mga
mag-aaral sa Sintax Law.Natukoy sa pag-aaral na ito na ang pangunahing
pananaw/saloobin ng mga mag-aaral ay ang “makakatulong ang batas
na ito para mabawasan ang bisyo ng mga mag-aarallalong-lalo na
sa paninigarilyo”. Mayroon itong weighted mean na 4.61.
Pumangalawa ang “magkakaroon ng magandang buinga ang batas na
naipasa” na may weighted mean na 4.38, pangatlo ay ang
“mababawasan ang magkakasakit ng tuberculosis dulot ng
Paninigarilyo” na may weighted mean na 4.33, pang-apat ay ang,”
maaaring dina tangkilikin ang sigarilyo at alak dahil hindi na
kaya ang presyo nito” na may weighted mean na 3.76, at ang
panghuli ay ang “bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng
tobako” na may weighted mean na 3.45.
Batay sa mga resulta at interpretasyon na nabuo sa pag-aaral na
ito, ang mga rekomendasyon sa bawat suliranin ay ang mga
sumusunod:

1.Iminungkahi ng mga mananaliksik sa mga hindi nakakaalam na


laging magbasa ng mga dyaryong kapupulutan ng mga makabagong
impormasyon o kaya’y manood lagi ng balita at makiisa/makialam
sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid lalung-lalo na sa
mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan.

2.Iminungkahi ng mga mananaliksik na maging mapanuri muna sa mga


batas na ipinapatupad ng pamahalaan at magkaroon ng sapat na
kaalaman bago ibigay ang paghuhusga kung magkakaroon ng
magandang bunga ang batas na ito.

TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat………………………………………………………………………………………………………………………………………1
Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………………………………………………………2
Pasasalamat………………………………………………………………………………………………………………………3-4
Abstrak…………………………………………………………………………………………………………………………………5-7
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………………………………………8-9
Kabanata 1 Kaligiran ng Pag aaral at Suliranin
Kaligiran ng Pag-aaral…………………………………………………………………………………………10
Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………………………………………11
Hipotesis……………………………………………………………………………………………………………………………12
Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………………………………………12
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral……………………………………………………………13
Mga Tala (Notes)…………………………………………………………………………………………………………14 Kabanata II
Mga kaugnay na literatura at Pag-aaral Kaugnay na
Literatura……………………………………………………………………………………………15
Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………………………………………………………16
Mga Terminolohiya sa Pag-aaral………………………………………………………………17-18
Mga Tala(Notes)……………………………………………………………………………………………………………19 Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik at Metodolohiya Disenyo ng
Pananaliksik……………………………………………………………………………………20
Ang mga tagatugon ng pag-aaral/Respondente…………………………………20
     Talahanayan 1…………………………………………………………………………………………………21
Paraan ng pagkuha ng Datos……………………………………………………………………………22
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………………………………23
Istatistical Tools…………………………………………………………………………………………………24
Mga Tala (Notes)………………………………………………………………………………………………………25 Kabanata IV
Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos Persepsyon ng mga mag-
aaral………………………………………………………………………26
    Talahanayan 2…………………………………………………………………………………………………27 Porsyento ng
mga mag-aaral na pamilyar at di-pamilyar sa Sintax
law……………………………………………………………………………………………………………………28
    Talahanayan 3…………………………………………………………………………………………………29

Edad ng mga tagatugon/respondent…………………………………………………………30


    Talahanayan 4…………………………………………………………………………………………………31

Kabanata V  Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Buod/Lagom……………………………………………………………………………………………………………………32
Suliranin # 1……………………………………………………………………………………………………………32
Resulta……………………………………………………………………………………………………………………………33
Konklusyon……………………………………………………………………………………………………………………33
Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………34

Suliranin # 2……………………………………………………………………………………………………………34
Resulta……………………………………………………………………………………………………………………………34
Konklusyon……………………………………………………………………………………………………………………35
Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………35
Appendiks………………………………………………………………………………………………………………………36
A. Liham sa Respondente …………………………………………………………………………37
B.  Talatanungan………………………………………………………………………………………………38
C. Liham sa Pagsagawa ng Pag-aaral………………………………………………39
Bibliograpiya…………………………………………………………………………………………………….40
Kurikulum Vitae………………………………………………………………………………………………41
Kurikulum Vitae………………………………………………………………………………………………42
KABANATA 1
KALIGIRAN NG PAG-AARAL AT SULIRANIN
Sa panahon ngayon, hindi na nahuhuli ang mga kabataan
pagdating sa mga isyung panlipunan. Nakikiisa sila sa
pagbabagongnagaganap sa loob at labas ng bansa. Dahil sa
mga teknolohiyang katulad ng telebisyon,Radyo, kompyuter at
iba pa, hindi na talaga na pag-iiwananang mga kabataan
sapagkuhang mga napapanahong balita at impormasyon. Mga
impormasyong nagpapakitang kalagayan ng ating lipunan sa
ilalim ng ibat ibang administrasyon.Pati narin sa mga batas
na nabuo at ipinatupad sa ating bansa.Isa na rito ang Sin
tax Law, na dating Sin tax Bill.
Ang Sintax Law ay ang bagong batas na ginawa at
naaprubahan ng pangulong Aquino. Ang batas na ito’y
naglalayong pataasin angbuwis sa mga produkto katulad ng
tabako, napangunahing sangkap sa paggawa ng sigarilyo.
Ito’y binuo upang mabawasan ang dumaraming kaso ng
pagkakasakit at kung minsan pa’y kamatayan ng ilan sa ating
mga kababayan.Sa aming pananaliksik, naisip naming hingin
ang persepsyon ng mga mag-aaral na na sa ikaapat na taon,
hinggil sa batas na ito.
Bilang paghahanda sa pagiging mahalagang miyembro ng
pamayanan,nararapat lamang na maging komprehensibo ang
pagkakaunawa ng mga kabataan sa batas na ito. Katulad na
lang ng sinabi ng ating pambansang bayani na si Jose
Rizal, “ Ang kabataan ang Pag- asa ng Bayan.” Kung kaya’t
nararapat lamang na maipaalam ang boses ng mga kabataan at
malaman ang kanilang mga saloobin sa mga batas na umiiral
sa ating bansa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangkalahatang Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang
persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High
School ng nasa ika-apat na taon tungkol sa sintax law.
Mga Tiyak na Suliranin
Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunod
na suliranin:
1. Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang
pamilyar sa batas na ito?
2. Mabatid ang maaaring bunga nito sa mga mag-aaral?
HINUHA O HIPOTESIS
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang
alternatibong hipotesis na mayroong kaugnayan sa mga bisyo
ng mga estudyanteng nasa hayskul.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Estudyante/Mag-aaral.Ang pag –aaral na ito ay magsisilbing
batayan kung lahat ban g mga mag-aaral ay nakakaalam at
pamilyar sa batas na ipinasa ng kamara.Mahalaga ang
pag-aaral na ito sa mga estudyante para maunawaan ang
maaring maging bunganito sa ating kalususgan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito,


malalaman ng mga guro kung gaano karami ng kabataan ang
nasasangkot sa ganitong klase ng bisyo.Ang pag-aaral na ito
ay malaki ang maitutulong sa mga guro at kung ano ang
kanilang gagamiting paraan para maiwas ang kanilang mga
estudyante sa ganitong klase ng bisyo.

Mga Magulang. Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga


magulang kung ano ang pananaw ng kanilang mga anak sa
Sintax Law.Bilang gabay ng mga anak malaki ang ginagampanan
ng mga magulkang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak kaya’y
nararapat lamang na makialam at maunawaan ang batas na ito.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
 Makikita sa bahging ito ang mga publikasyong may
kinalaman sa pag-aaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan,
aklat at web page, gayundin ang ibang nmga kaugnay na
pag-aaral.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA SINTAX LAW


 Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa
Kabuuangbilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong
nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang
50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo
bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang
humpay na promosyonnito sa bansang
Pilipinas.Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na
nasamiddle age ang namamatay dahil dito.

Ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa


taguring Tobacco Regulation Act of 2003 (Batas ukol sa
pagkontrol sa Paggamit ng mga Produktong Tabako), ay
ipinagtibay upang isulong ang pagkakaroon ng isang
kapaligirang nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang
impormasyon tungkol sa masasamangepekto ng paninigarilyo,
ilayoang kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.

Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay


nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na
isinagawa ngPeninsula Medical School sa United Kingdom sa
pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa
Psychological well-being ng tao.Sa kanilangpagsisiyasat,
napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng
mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa
mga hindi naninigarilyo

     Ayon kay Limpin,executive director ng Framework on Tobacco


Control of the PhilippinesAlliance, noong 2005 ay nasa
pagitan lamang ng 17hanggang 18 porsyento ang bilang ng
mga kabataang naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang
sa 23 porsyento noong 2007.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL


Ayon sa aklat naPharmacology for the primary care
provider(2004), ang paninigarilyo ay ang sanhi ng maraming
sakit. Ito ay ang pagkakaroon ng cancer sa baga,esophagus,
at larynx, coronary artery disease, peripheral artery
disease, stroke, at ChronicObstructive Pulmonary Disorder o
COPD. Sinasabi din na27.3porsyento angnaninigarilyo edad
25-44,23.3porsyento ay edad 45-64, at 10.5 porsyento ang
naninigarilyo edad 65 pataas. Ang mga bata ay may
posibilidad din na magkaroon na ngsakit sa puso dahil sa
mataas na kolesterol na nakukuha mulasa pagkalanghap ng
usok ngsigarilyo sa loob ng bahay. Sinasabi na mahigit
420,000 ang mga namamatay taun-taondahil sa pagkakasakit sa
paninigarilyo.Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth
Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o 2.7 milyon mula sa
bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki
samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa
pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral
ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa
sigarilyo noong 2007.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS  
Sa pag-aaral na ito, ang konseptwal na balangkas ay
nakapokus sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri o pag
aanalisa ng mga nakuhang datos.
     Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang baryabol, ito ay
ang Sintax Law.

MGA TERMINOLOHIYA SA PAG-AARAL


SINTAX LAW- isang particular na buwis  na ipapataw sa ilang
ipinagbabawal na mga kalakal at serbisyo, halimbawa alak at
tabako, candies, soft drinks, mabilis na pagkain, kape, at
pagsusugal.
TALATANUNGAN- instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos sa
pananaliksik na binubuop ng mga tanong.
RESPONDENTE- ito ay tumutukoy sa mga taong tutugon sa
pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito, ang mga respondente
ay ang mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High School
sa ikaapat na taon, taunang aralan 2012-2013 ng
BRGY. Kalawit, San Jose Cam. Sur.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sadisenyo at paraan


ng pangangalap ng datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito
kung anong  mga istrumento ang ginamit sa pangangalapng
datos, paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng
pag-aaral o respondente.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong


paglalahad ng mga datos na nakalap. Ginamit ito upang
matikoy ang pangunahing persepsyon ng mga mag-aaral hinggil
sa sintax law.

ANG MGA TAGATUGON NG PAG-AARAL/ RESPONDENTE

     Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang  mga mag-


aaral ng Ranggas Ramos National High School,Kalawit San
jose Cam. Sur, sa ika-apat na taon sa taunang aralan 2012-
2013. Ang mga respondente ay binubuo ng 60 mag-aaral na
hinati sa dalawang pangkat.Ang IV-Pearl na binubuo ng 31 o
51% respondent (12 lalaki at 19 babae) at ang IV-Gold na
may 29 o 49% ng Respondente (14 lalaki at 15 babae).

TALAHANAYAN 1

DISTRIBUSYON NG RESPONDENTE

RESPONDENTE BABAE LALAKI KABUUAN

IV-GOLD 15 o 25% 14 o 24% 29 o 48.33%

 
IV-PEARL   19 o 29% 12 o 22% 31 o 51.66%

60 o 100%

Sa pag-aaral na ito ang PERCENTAGE TECHNIQUE ay


ginamit para malaman ang mga porsyento ng mga respondent
sakabuuang bilang ng mag-aaral. Ang pormula ay ginawa ng
mga mananaliksik:

P = R/N x 100

kung saan:
          P= ang porsyento     
          R= bilang ng respondente
          N= kabuuang bilang ng mga mag-aaral

PAMAMARAAN

     Sa pag-aaral na ito, ang paraan na ginamit ng mga


mananaliksik ay ang paggawa ng talatanungan. Dumaan ito sa
pagsusuri ng tagapayo at iniwasto ang mga pagkakamali.
Pagkatapos maiwasto ay vinalideyt na ang talatanungan.
    
     Pagkatapos mavalideyt ang talatanungan ay humingi kami
ng permiso sa pamamagitan ng sulat  sa punong suro ng
paaralan na pagdadausan ng sarbey. Matapos makuha ang
pahintulot ay ipinamahagi na namin ang  talatanungan sa mga
respondent. Matapos ang sarbey, inayos at sinuring mabuti
ang mga datos na nakalap upang maanalisa.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

     Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng


talatanungan upang malaman ang persepayon ng mag-aaral
hinggil sa Sintax Law.ang talatanungan ay hinati-hati sa
ilang bahagi, ang una ay kinakapalooban ng mga personal na
impormasyon ng mgatagatugon, katulad ng pangalan, edad,
kasarian at antas at seksyon. Ang pangalawang bahagi ay
naglalaman ng rating scale. Ang mga respondente ay pipili
ng mga persepsyon at lalagyan lamang ng tsek(/) ang katapat
na numero na kumakatawan sakanilang sagot.
    
     Ang rating scale ay hinati sa limang bahagi, 5-para sa
lubos na sumasang-ayon,4-para sa sumasang-ayon, 3-para sa
di-gaanong sumasang-ayon, 2- para sa di-sumasang-ayon, at
1-para sa lubos na di-sumasang-ayon.

STATISTICAL TOOLS

     Sa pag-aaral na ito, ang weighted mean ay ginamit para


malaman at makuha ang pangunahing persepsyon ng mga
mag-aaral hinggil sabagong batas. Pagkatapos na makuha ang
lahat ng datos, ito ay tinale, bawat aytem ay minultiplayd
sa weight ng bawat aytem nito. Ang pormula na ginamit sa
pag-aaral na ito ay ipinakilala ni Pagoso(1992).

     Ang mga mananaliksik ay gumawa ng iskeyl na nasa ibaba


para matukoy at masuri ang sagot ng mga respondente sa
bawat aytem.

MGA PERSEPSYON
Berbal na Diskripsyon   Range        

Lubos na Sumasang-ayon    4.6-5.00    pinaka persepsyon


Higit na sumasang-ayon    3.7-4.5     ikalawang persepsyon
Sumasang-ayon             2.8-3.6     ikatlong persepsyon
di-gaanong sumasang-ayon1.9-2.7     ika-apat napersepsyon
hindi sumasang-ayon       1.00-1.8    panghuling persepsyon

You might also like