Talumpati

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Mamaril, Ira Mikaella P.

Gr./Section: 11 HUMSS-A

"Bata, bata..."

Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat! Ano na nga ba ang kalagayan nating mga kabataan
sa panahon ngayon? Sa mundong laganap na ang teknolohiya at mga pagbabago. Hayaan niyong
simulan ko ito sa isang katanungan. "Bata, bata bakit ka ginawa?" Ipinanganak ka lang ba ng mga
magulang mo upang bastusin mo sila? Upang magdabog sa tuwing inuutusan ka tapos sasabihin
mo pa "ako na naman?" Ginawa ka lang ba upang magwalwal, maadik sa social media,
mahumaling sa ML, COC, COD, at Dota? O baka naman isinilang ka lang para magsabi ng
"sanaol" ha? Hatdog! Haynako, ano nga bang dahilan bakit tayo isinilang sa mundong ito? Siguro,
siguro nabuhay tayo upang maging pag-asa ng bayan, ika nga ni Rizal hindi ba? Ngunit, kung
ikaw ang pag-asa nitong bayan, bata, bata ano ang iyong mga nagawa?

Ano nga ba? Ang manood ng Kdrama at hindi na matulog? O baka naman ang maging memer?
Ang gumawa at mag share ng mga memes na kadalasa'y nakakasakit na sa damdamin ng iba?
Bata, bata ano ang iyong mga nagawa? Ang laitin yung mga flat chested? Yung mga manoo?
Na ika nga'y paglalandingan na ng eroplano? Mas lalo naman yung mga taong may deadly
weapon, na kapag yumuko eh delikado. Kabataan nga naman, puro kalokohan ang alam. Sa
pagsagot ng quiz, bokya pero sa pagsagot sa magulang kebabastos ng bunganga. Kabataan noon
ang ligawan ay pag-iigib ng tubig at pagsisibak ng kahoy, pero ngayon wala ng ligaw ligaw, kayo
na agad hindi pa alam ng magulang. Oh diba, speed lang. 'Pag nagdurugo ang puso laging alak
ang solusyon pero simpleng math problem hindi pa magawan ng solusyon. Kadalasan sa mga
kabataan ngayon, atat ng makahanap ng poreber nila. Maghahanap pa yan sa omegle at saka sa
tinder. Na kadalasa'y humahantong sa premarital sex na ayon kay Juan Perez III, Executive
Director ng Commission on Population, isa sa tatlong babae at lalaki na may edad mula 15
hanggang 19 ang sangkot sa premarital sex. At dahil dito, mataas ang porsyento ng teenage
pregnancy sa bansa.

Hindi ito, hindi ito ang inaasahan ng ating inang bayan. Imulat natin ang ating mga mata at
gumising sa katotohanang mali na ang ating ginagawa. Mga masasamang bisyo at gawain ay atin
nang talikuran. Pagbabago! Baguhin natin ang mga maling pananaw tungkol sa ating mga
kabataan. Dahil tayong mga kabtaan, tayo ang kinabukasan. Kung mapapariwa tayo, paano na ang
susunod na henerasyon? Kaya naman gumawa tayo ng paraan. Simulan natin sa ating mga sarili.
Dahil tayo ang simula. Tayo ang simula ng minimithing pagbabago. Patunayan nating tayo'y
nararapat sa responsibilidad na inihabilin sa atin ni Rizal. Patunayan nating tayo ang mga
kabataan ang pag-asa pa rin ng bayan. Okay ba iyon?
At sa aking pagtatapos, mayroon lamang akong huling katanungan. Bata, bata kailan mo
babaguhin ang iyong mga maling gawa?

You might also like