Si Rica Jane E. Salvacion ay isang mag-aaral ng Batangas State University
Pablo Borbon Main II na tinatahak ang mundo ng pagiging dugong spartan. Siya ay isa sa mga makabagong babaeng nagpupursige makamit ang mga minimithi sa buhay. Ipinanganak si Rica sa isang mapayapang bayan ng Matipok, Calaca, Batangas at isa siya sa tatlong anak ng mag-asawang Silvestra Salvacion at Rubelito Salvacion. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Rafaela Joyce Salvacion at Rachel Mary Jean Salvacion. Nag-aral siya sa Matipok Elementary School. Sa mga taong ginugol niya sa pag-aaral, nakamit niya ang ikalawa sa pinakamataas na parangal sa kanilang paaralan, ang pagiging Salutatorian. Sa pagtungtong niya sa highschool, nagpalamas nang aking galing sa pahayagan o photojournalism sa ilalim ng Dacan Express. Nakaranas din si Rica ng iba’t ibang pagsubok sa pag-aaral tulad ng ibang mag-aaral ng dumating sa yugto ng senior highschool. Bagamat ang mga pinagdaanan niya ang nakatulong sa kanya upang makilala ang mga tunay at mabubuting kaibigan. Si Maria Gayle Anne Hernandez ay kaniyang maituturing na bestfriend dahil sa angking bait at pagiging matured sa buhay. Ang lahat ng pinagdaan ni Rica sa highschool ay nagbigay sa kanya ng malaking tulong upang makamit ang titulo ng isang mag-aaral na may mataas na karangal o with high honors. Marahil sa buhay ni Rica ay binubuo ng iba’t ibang desisyon. Katulad ng pagpili ng kurso na kaniyang tatahakin sa kolehiyo, kung siya ay ba magpapatuloy sa pagtahak ng Industrial Engineering o Chemical Engineering. Ngunit, sa una pa lamang nasa puso niya na balang araw ay magiging Industrial Engineer sa takdang panahon. Siya ay patuloy na lumalaban sa hamon ng tulog, pag-aaral at gawain upang makamit ang kaniyang pangarap.