Professional Documents
Culture Documents
Pang-Uri LP
Pang-Uri LP
(Ikatlong Baitang)
I. Layunin:
Pagkatapos ng itinakdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga salitang naglalarawan mula sa talatang binasa;
b. naipapakita ang pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya;
c. nakabubuo ng pangungusap gamit ang salitang naglalarawan.
II. Nilalaman:
A. Paksang Aralin :Mga Salitang Naglalarawan (Pang-uri)
Kagamitan :Mga Larawan at tsart ng talata
Sanggunian :Bagong Likha, Wika at Pagbasa (Ikatlong Baitang)
Pagpapahalag :Pagmamahal sa mga kasapi ng Pamilya
Stratehiya :Pamamaraang Talakayan
III. Pamamaraan:
A. Paimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
(Lahat ay nanalangin)
2. Pagtsek ng Atendans
Magandang umaga mga bata?
Magandang Umaga po
titser!
Sino-sino ang lumiban sa umaga
na ito?
Wala po titser!
Magaling!
3. Balik-aral
Ano ang napag aralan natin noong nakaraang
Tagpo mga bata?
Tungkol sa Pangalan titser!
Magaling!
Ano naman ang Pangalan?
Ang Pangalan ay salita na
tumutukoy sa ngalan ng
tao,bagay,hayop at pook
titser!
Magaling!
Ano naman ang mga halimbawa
Ng pangalan ng tao mga bata?
Anika po titser!
Magaling!
4. Pagsasanay
Bago natin simulant ang ating talakayan
sa umagang ito ay magkakaroon muna tayo ng laro.
Gusto niyo ba ng laro mga bata?
Opo titser!
Magaling! Hahatiin ko ang klase sa tatlong pangkat.
dito sa bandang ito ay pangkat A, dito ay pangkat B
at ditto naman ay pangkat C. Ganito ang inyong gagawin
sa bawat pangkat ay may limang representanti ang unang
estudyanteng nakatayo sa harapan ay lalapit sa akin at
mayroon akong ibubulong na salita, pagka tapos ay
tatakbo kayo pabalik sa inyong pangkat at ipa-pasapasa
ninyo ito ng pabulong at kung sino yung nasa likoran
ay siya ang tatakbo papunta sa akin at sasabihin kung anong
salita iyon.
5. Pagganyak
Ngayon mga bata sa parehong pangkat may
ibibigay akong mga salita at bubuohin ninyo ito
ng pangungusap. Maliwanag ba mga bata?
Opo titser!
(Isinasagawa ang laro)
Anong Pangungusap ang inyong nabuo?
An Munting Tahanan
g
Magaling mga bata!
6. Paglalahad
Ngayon may isang talata akong babasahin
sa inyo.
a. Pamantayan
Ngunit bago ang lahat mayroon akong kahon dito
sa harapan na may sari saring laman sa loob na alam
kung magugustuhan ninyo mga bata. Sino-sino sa
inyo ang gusting malaman kung ano ang nasa loob ng
kahon?
Titser! Titser! Titser!
Pipili ako ng apat na mga bata.
Okay ___ bumunot ka sa loob ng kahon at basahin
mo ng malakas ang nakasulat.
Makinig ng mabuti titser!
Okay __ bumunot ka din at basahin ng malakas ang
nakasulat.
Umupo ng maayos titser!
Sino pa ang gustong sumubok?
Okay ___ basahin mo ng malakas ang naka
sulat.
Huwag makipag usap sa
katabi po.
Ikaw ___ tumayo ka at bumunot!
Huwag sumagot ng
sabay-sabay titser!
Maasahan ko bay an sa inyo mga bata?
Opo titser!
Magaling!
HANAY A HANAY B
1.Tuta a. Hindi Mabangis
2. Maamo b.Sanggol na Aso
3. Kuting c. Mallit na Pusa
c. Pagbabasa ng Talata
B. Pagtatalakay
a. Nilalaman ng Talata
Tungkol saan ang aking binasa
Mga bata?
Tungkol sa isang
munting tahanan titser!
Magaling!
Sinu-sino ang mga tauhan o
Kasapi sa pamilya sa ating talata?
Sina Ina,Ama,Ate,Kuya
at bunsong kapatid po
titser!
Magaling! Ano naman ang masasabi
Ninyo sa bawat kasapi ng pamilya
Sa talatang aking binasa?
Nagmamahalan ang
isa’t isa sa loob ng
tahanan titser!
b. Pagpapahalaga
Sa inyong mga tahanan mga bata
Katulad rin ba sa talatang binasa ko?
Opo titser!!
Munting,malinis,maayos
Mapagmahal, mabait,
masaya,maganda,masi-
Pag,malikot,maliit,
Maamong at mataba
titser!
Magaling!!
Anong salita mga bata ang inilarawan
Sa tahanan?
Munti,malinis at
maayos titser!
Magaling!
Anong salita ang inilarawan kay ina?
Mapagmahal na Ina
titser!
Magaling! Anong salita ang naman ang
Inilarawan kaya ma?
Mabait na Ama titser!
Magaling! Kay Ate naman anong salita
Ang naglalarawan sa kanya?
Masaya at Maganda
titser!
Magaling! Anong salita ang inilarawan kay
Kuya mga bata?
Tahimik at masipag
titser!
Magaling! Sa kapatid anong salita ang inilarawan
Sa kanya?
Malikot at maliit titser!
Anong salita ang inilarawan sa kuting?
Maamo po titser!
Magaling! Sa tuta naman anong salita
Ang naglalarawan sa kanya?
Mataba titser!
Magaling!
Mga bata ano kaya ang tawag ng mga
Salitang may salungguhit sa ating talata?
Mga Salitang Naglalarawan
titser!
Magaling!
Sa umagang ito ang ating tatalakayin
Ay tungkol sa salitang naglalarawan o
Pang-uri.
C. Pagwawakas ng Gawain
1. Paglalahat
Ngayon mga bata naintindihan niyo ba
Ang ating tinalakay sa umagang ito?
Opo titser!
Ano nga pala ang pang-uri mga bata?
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat mag uunahan kayo sa pag sagot. Ganito ang
Inyong gagawin punan ninyo ang mga pangungusap na may patlang base sa mga
larawang inyong nakikita:
2.
3. Si Pia ay _______
IV. Ebalwasyon
2. _____ang leon.
5. ______ang araw.
V. Takdang Aralin