Professional Documents
Culture Documents
Bulkang Taal
Bulkang Taal
Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si
Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at
matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon nguni’t wala isa man sa kanilang
makakita sa singsing.
Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang
dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang singsing na iyan ay
nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang mga raha at lakan. Iyan pati
ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa.”
“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po ang
kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng pagmamahal
ko sa nasira kong ina, subalit…”
“Huwag kang lumuha, anak,” sabi ng ama. “Hayaan mo’t makikita pa rin iyan.”
Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na ang
namahala sa barangay. Madalas na ang ginagawa nilang pasyalan ay ang lawa.
Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang mga isda at ibang
nabubuhay sa dagat.
Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang bulaklak
na nakalutang sa tubig. “Kay ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko,” at bago napigilan ng
asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni Mulawin na lumitaw ang asawa nguni’t
hindi ito pumapaibabaw. Dagling tumalon din ang lalake para saklolohan ang asawa,
ngunit pati siya ay nawalang parang bula.
Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila sa Bulkan
ang masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa kabilang-buhay ay
masaya at nagmamahalan.