Termpaper-Epekto NG Pusa Sa Mga Kumaing Magaaral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na, “Epekto ng Pusa sa Mga

Kumakaing Mag-aaral sa loob ng Rizal Technological University” ay naglalayong

tugunan ang mga sumusunod na suliranin. Ang kahalagahan ng pananaliksik na

ito ay malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng pusa sa mga

kumakaing mag-aaral sa Rizal Technological University.

Isa sa mga nagiging suliranin ng mga estudyante sa Rizal Technological

University ay ang pagdami ng populasyon ng mga pusa sa mga pasilidad ng

eskwelahan lalo na sa mga kainan. Karamihan sa mga pasilidad ay

pinamumugaran ng mga pusa. Sa araling ito ay matatalakay kung bakit

dumarami ang mga pusa sa nasabing paaralan. Maraming estudyante ang

nahihirapan at nawawalan ng ganang kumain sa nasabing Unibersidad.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang iparating ang layunin at maging

kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral. Sa mga guro, sa mga magulang at sa

mga susunod pang mananaliksik. Upang makuha at malaman namin ang mga

hinaing ng mga mag-aaral gumamit kami kwalitatibong pananaliksik at interbyu

sa pamamagitan ng audio recorder.

Mula sa 50 mag-aaral na aming nakapanayam, higit na mas binigyang diin

ang mga negatibong epekto ng mga pusa ito ay isang abala lamang sa mga

kumakaing mag-aaral at ang paraan na kanilang pinahayag upang mabawasan

ang mga pusa ay ipaampon na lamang ito sa mga may nais o yung tinatawag na

“cat lover”.

1
INTRODUKSYON

Isa sa mga nagiging suliranin ng mga estudyante sa Rizal Technological

University ay ang pagdami ng populasyon ng mga pusa sa mga pasilidad ng

eskwelahan lalo na sa mga kainan. Karamihan sa mga pasilidad ay

pinamumugaran ng mga pusa. Sa araling ito ay matatalakay kung bakit

dumarami ang mga pusa sa nasabing paaralan. Maraming estudyante ang

nahihirapan at nawawalan ng ganang kumain sa nasabing Unibersidad.

Maraming problema ang kinahaharap ng mga estudyante sa pang-araw

araw at dagdag pa ang pusa na nagiging pagkairitable nila sa tuwing kakain sa

paaralan dahil ito ay sumasampa sa kanilang lamesa at humihingi ng pagkain.

Gayonpaman may mga studyante pa din naman na natutuwa na makakita ng

pusa sa paaralan ito ay yong mga taong tinatawag na “CAT LOVER” o mahilig sa

pusa.

Matatalakay sa araling ito ang mga positibo at negatibong naidudulot ng

mga pusa sa mga mag-aaral ng Rizal Technological University. Sa pananaliksik

na ito ay malalaman natin kung ano ang mga iba’t-ibang opinyon ng mga

estudyante ukol sa problemang ito kung anong paraan ang mabisang gamitin

upang mabawasan ang pagdami ng mga pusa sa eskwelahan at ano ang

pwedeng maitulong ng mga estudyante ng eskwelahan upang masulusyunan

ang nasabing problema. Bilang tugon sa mga katanungang pananalisik ay

kailangang maresolba ang nasabing problemang ito.

2
KAUGNAY NA LITERATURA

Katangian ng Isang Pusa

Batid ni Catherine Douglas (2016), ang mga pusa ay inuusig sa Europa sa

panahon ng Middle Ages dahil sa kanilang pangmatagalang kaugnayan sa mga

witches at pangkukulam, at tulad ng mga witches ay madalas na sinusunog sa

taya. Ipinahayag pa ni Pope Gregory IX ang mga pusa upang maging erehe. Ang

labanang ito sa mga pusa ay nadama sa ibang lugar sa Gitnang Silangan o

Asya, at marahil ay hindi gaanong malakas sa nagbubukad na mga kolonya ng

Amerika, dahil ang mga kolonista ay nagpapasalamat sa mga pusa para sa

kanilang bahagi sa pagtiyak sa ligtas na daanan ng Mayflower. Nang panahong

iyon, ang mga pusa ay naging mahahalagang bahagi ng crew ng barko,

pinananatili ang panlabang at pinipigilan ang mga ito chewing sa pamamagitan

ng mga lubid o pagkain ng pagkain na hindi mapuno sa dagat.

Sa kwento ni Ms. Anne (2015), meron silang ampon isang mag-anak na

“pusakal”. Pusang kalye isang pusang lalaki at babae ang basta na lang sumipot

sa loob ng kabilanh bakuran. Nabanggit nyang marunong daw tumanaw ng

utang na loob ang mga pusa. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan ng paghuli ng

daga. Subalot habang tumatagal sumososyal ang kanilang papgpili sa pagkain

,noong dati'y nasa kalye pa lamang sila sarap na sarap na sila sa kanin na

hinaluan lang ng patis. At habang tumatagal hinahayaan na lang langgamin ang

kanin na may kahalong patis. Nagsimulang maging mapili ang kanilang panlasa

3
noong pinapakain namin sila ng natirang buto ng beef kaldereta, sweet and

spicychicken buto at spaghetti.

Sinabi rin ni Miss Anne (2015) simula nang ampunin namin nila ang mga

pusakal marami nang pusa ang pumapasok sakilang bakuran para makikain sa

mga natira ng aming alaga. Tila nagimbita pa ang kanilang mga alaga Kaya

lalong dumami ang pusa sa kanilang bahay.

Nakalathala sa taong 2016. Sinabi ng isang sikat na manunulat na

nabubuhay lamang para sa kanilang sarili si Kuting samantalang nabubuhay

para sa kanilang amo si Bantay. Mas mahirap kasing hulaan ang ibig sabihin ng

pusa na akala ng marami ay laging galit. Ilang beses nang naisusulat sa kolum

na ito ang iba’t ibang ibig sabihin ng mga aso base sa kanilang galaw. Dahil

diyan, ang mga ibig sabihin naman ng ating alagang pusa ang ating

tatalakayin.Sinabi ng isang sikat na manunulat na nabubuhay lamang para sa

kanilang sarili si Kuting samantalang nabubuhay para sa kanilang amo si Bantay.

Mas mahirap kasing hulaan ang ibig sabihin ng pusa na akala ng marami ay

laging galit. Ang ilang clue sa kung anong nasa isip ng mga pusa ay kapag lagi

siyang nagpi-purring o ‘yung parang nanginginig ang katawan sa tuwing

hinahawakan niyo siya o kahit hindi, nais niyang iparamdam ang pagmamahal sa

into.

Sinabi rin dito na kapag sunod ng sunod naman sa inyo ang pusa, ibig

niyang sabihin ay gusto ka niyang makasama. Kapag kinakagat niya ng hindi

masakit ang iyong balat, walang dapat ikabahala dahil gusto niya lang

4
makipaglaro. Kapag paikut-ikot ang pusa sa inyong paa, iniiwan niya ang

kanyang amoy sa inyo para hindi kayo “maagaw” ng ibang pusa. Kapag

nadatnan niyo si Kuting na nakatihaya at hindi nahihiyang ipakita ang kanyang

tiyan, ibig sabihin nito ay sobra ang tiwalang ibinibigay niya sa inyo.

Batay Kay James Fuerte (2017), ang tao ay maraming katangian na

kahalintulad ng makikita sa ibang hayop. Isa dito ay ang pusa na katulad ng tao

ay mayroong mga katangiang gaya ng, ang tao ay marunong mangaso bago

naging moderno ang pamumuhay nito. Ang mga ina gaya ng pusang may anak

ay nag-aalaga ng mga anak. Ang mga pusa ay marunong magmahal, at

magtiwala sa sino mang mabait sa kanya. Ang sino mang nakaranas na

makapag-alaga ng pusa ay alam ito. Ang pusa gaya ng tao ay mayroong iba’t

ibang personalidad at ugali, mayroong mabait at mayroon din sa kanila ang

masungit. Malambing ang pusa sa sino mang mabait sa kanila, makikita mo ito

sa kanilang pagkiskis sa binti ng kanilang tagapag-alaga. Mahalga sa pusa ang

teritoryo kung kayat ipaglalaban niya ito sa ibang pusa na kapareho ng kasarian

na nais pumasok dito.

Positibong Epekto ng Pusa sa Tao

Ayon kay Jenna kiddie (2019), Bilang pinakasikat na alagang hayop ng

mga tao ang pusa, hindi maiiwasan na ang mga pusa ay magkakaroon ng

epekto sa kapaligiran, ngunit pagdating sa mga pusa ay marami tayong

nagpapasalamat. Sa ilang mga tao, ang mga pusa ang perpektong alagang

hayop. Matalino, matikas, malambing at madaling pakisamaham may

5
kakayahang tumulong sa mga tao. Kaya malinaw na nagbabahagi ang mga pusa

ng ilang mga katangian sa iba pang mga uri ng alagang hayop upang gawin

itong tulad ng isang popular na karagdagan sa tahanan. Nakakamit nila ang

pangangailangan ng tao para sa isang bono ng tao-hayop, na nagbibigay ng

mga may-ari ng panlipunan at emosyonal na suporta.

Ayon Kay Donna Topacio (2018), ang taong lumaki nang wala man lang

kahit isang alagang hayop sa bahay ay maaaring magkaroon ng mental illness at

chronic stress. Saad ng mga researcher sa University of Colorado Boulder, ang

nakalap nilang impormasyon ay tungkol sa mga batang dapat mas nagbibigay ng

oras sa kalikasan. Ang mga manunulat ay nagsabi na maraming pananaliksik

ang kinakailangan para mapatunayang dapat bumili o magkaroon ng alagang

hayop ang tao.

Ayon kay Kathy Benjamin (2017) na mas maganda ang pag aalaga ng

isang pusa kaysa sa isang aso at ito ay nakakatulong sa kalikasan, Sa pag aaral

na nakalap noong 2009 na ang mapagkukunan ng kinakailngan ng isang aso

para mapunan ang buhay nito ay lumilikha ng parehong eco-footprint tulad ng

isang land cruiser. Samantala, ang pusa ay kumain ng kaunti at higit sa lahat ang

pagkain nito ng isda kaysa sa mga may lasang dilita o “beef flavored product” at

mayroon lamang tinatayang maliit na eco-footprint ng isang hatchback.

Ayon kay Caroline Connor (2017), ang lahat ng mga pusa ay may

kapangyarihan upang alisin ang naipon na negatibong enerhiya mula sa iyong

katawan sa araw-araw. Habang natutulog ka, sinisipsip nila ito mula sa iyong

6
katawan. Kung mayroong higit sa isang tao sa pamilya, at isa lamang pusa,

maaaring maipon nito ang labis na pagkawala ng negatibiti mula sa pagsipsip ng

enerhiya mula sa napakaraming tao.

Sinabi rin ni Caroline Connor (2017), kapag natutulog sila ang katawan ng

pusa ay naglalabas ng negatibiti na inalis ito mula sa iyo. Kung sobrang

pagkabigla mo, maaaring hindi sila magkaroon ng sapat na oras upang

palabasin ang negatibong enerhiya na ito, kaya't ito ay nakaimbak bilang taba

hangga't makakaya nila. Samakatuwid, sila ay magiging sobra sa timbang - at

naisip mo na ang pagkain na pinapain mo sa kanila.

Ayon sa EducateI Inspire Change Organization (2015) nakipagtulungan

ang estado ng Indiana sa Animal Protection League para simulan ang proyekto

sa Pendleton Correctional Facility na tinatawag na F.O.R.W.A.R.D. Sa proyekto

na ito, inilalagay ang mga shelter cats sa correctional facility at ang mga inmates

ang naatasang mag-alaga sa mga ito.Naging maganda ang resulta ng nasabing

proyekto sa parehong mga inmates at mga pusa. Marami sa mga pusang ito ay

nanggagaling sa hindi magagandang kapaligiran. Ngayong inaalagaan sila sa

isang lugar, sila ay nabibigyan ng tamang pagmamahal.Karamihan din sa kanila

ay takot na magtiwala o may trust issue na dahil sa mga kalupitang dinanas,

nanatili na lamang sa mga shelter dahil sa hindi na-adopt. Pinapakain,

pinapagupitan, pinapaliguan ng mga inmate ang mga pusa para sila ay

magtiwala uli.

7
Ipinakita sa Death Row(2018) ang nangyayari sa mga preso sa estado ng

Indiana at kung paano sila pinapayagan mag-alaga ng mga pusa.May mga tao

na naniniwala na hindi sila karapatdapat na mag-alaga lalo’t nakagawa sila ng

mga nakakasamang gawain.

Negatibong Epekto ng Pusa sa Tao

Sa Artikulong sinulat ni Angie Dela Cruz (2017), sinabi ni Dra Ma.

Glofezita Lagayan nakamamatay ang kalmot ng aso at pusa kayat kailangang

pabakunahan ang mga alagang hayop. Sinabi rin ni Lagayan na kailangang

mapabakunahan ng mga pet owners ang kanilang mga aso, pusa at iba pang

alagang hayop upang maiwasang magkaroon ng rabies. Aniya, may mga

namatay na hindi lamang sa kagat ng aso o pusa kundi gayundin sa pagkalmot

lamang ng pusa at aso sa mga tao.

Ayon kay Alan Radford (2018) may mga sakit na maaring makuha sa

alaga nating pusa una na rito ang rabies. Ang virus ay higit na natagpuan sa

mayroon pa ring rabies, ang mga tao - kadalasang mga bata - kadalasang

nahawahan kapag sila ay nakagat ng isang apektadong aso. Ang atake ng virus

sa utak, at sa sandaling lumaki ang mga sintomas, may malungkot na hindi

pagalingin, at ang mga apektado ay namatay. Ang mabuting balita ay, maaari

itong pigilan bakuna ng mga bakuna at iba pang mga ligaw na carnivore. Ang

ringworm ay talagang isang maling tawag. Ito ay hindi isang worm sa lahat ngunit

isang mikroskopiko halamang-singaw, malapit na nauugnay sa ang sanhi ng paa

ng atleta sa mga tao. Ang mga apektadong pusa, aso at iba pang mga hayop ay

8
maaaring magpakita ng napakakaunting palatandaan. Gayunpaman, sa kanyang

klasikal na anyo, ang mga alagang hayop na may ringworm ay karaniwang may

mga pabilog na lugar ng pagkawala ng buhok. Ang apektadong bahagi ng balat

ay nagiging makata, patumpik at makati. Ito ay napaka-magagamot, ngunit

maaaring paminsan-minsan ay nagiging sanhi ng pagkakapilat. Salmonella ang

iba't ibang mga potensyal na zoonotic na mga bug ay nakatira sa mga bituka ng

mga alagang hayop. Ang mga bihirang nakakaapekto sa mga tao. Gayunpaman,

kapag ginawa nila, maaari silang maging malubha. Tiyak na narinig namin ang

tungkol sa salmonella, higit sa lahat dahil sa mga panganib, ngayon

napakahusay na pinaliit, mula sa mga itlog. Maaari ring dalhin ng mga aso at

pusa salmonella, kung minsan nagiging sanhi ng pagtatae. Ang Salmonella ay

karaniwan din sa mga reptilya at amphibian ng alagang hayop, gayundin sa mga

tinatawag na "feeder mice" na pinakakain ng ilan sa mga reptile ng alagang

hayop. Ang toxoplasma ay isang pangkaraniwang parasito sa mga pusa na

maaari rin nilang ibuhos sa kanilang mga tae. Para sa karamihan ng mga tao, ito

ay ganap na kaaya-aya. Gayunpaman, kung ang isang babae ay unang

nahawaan sa panahon ng pagbubuntis, maaari itong, kahit na bihira, ay may

malubhang komplikasyon para sa pagbuo ng sanggol. Ang mga buntis na

kababaihan ay dapat gumawa ng mga simpleng karagdagang pag-iingat sa

paligid ng kalinisan ng kamay, pag-iwas sa mga trays sa pusa, lalo na yaong

mga hindi regular na nalinis, at pag-iwas sa pagkain ng mga natitirang hardin na

kung saan ang mga pusa ay maaaring magkaroon ng access sa lupa.

9
Isinaad ni Edzer Lanuza (2019) na ang allergies sa dogs at cats ay

nakakaapekto sa 10–20% ng populasyon sa buong mundo at ngayon ay isang

public health concern dahil sa paglawak nito. Ikalawa sa pinakasanhi ng allergies

sa UK home ang allergies sa pets, ayon sa charity Allergy UK. Kalahati sa

asthmatic children ang allergic sa pusa at 40% sa aso. Parehong banta sa

human at non-human animals ang fleabites, kung saan ito ay napakakati at

napakasakit. Nagdadala rin ng human diseases ang flea o pulgas.Ang

pinakakilalang halimbawa nito ay ang peste. Ang pagkakaroon ng pet ay

magtataas sa panganib sa pagkakaroon ng flea infestation, at di lang pet-owners

ang nasa panganib. Maaaring pumasok ang mga pulgas sa ating mga tahanan

sa pagkapit nito sa mga tela at balahibo. Mabilis ang breeding cycle nito kaya’t

maaaring kumalat sa kung saan-saan. Pangunahing pagkain ng pulgas ang non-

human animals pero maaaring makakagat at maka- infect sa tao. Mahirap itong

alisin at maaaring mabuhay ng mahigit 100 araw nang walang host. Ang kagat

ng pulgas ay nagbubunsod ng allergic reactions, bagaman karaniwang hindi ito

nagdudulot ng malubhang epekto sa kalusugan ng tao.Karaniwang maliliit ang

fleabites na may kasamang central red spot, kadalasang lumilitaw sa grupo ng

tatlo o apat. Ang mga paltos ay mula sa bed bug bites at di sa fleabites.

Ayon kay Dr. Willie T. Ong (2015) maraming Pilipino ang nakakagat ng

aso o pusa. Delikado po ito dahil puwede itong magdulot ng rabies. Sa bawat

taon, 600 Pilipino ang namamatay sa rabies, at 100,000 naman ang

binabakunahan laban sa rabies. Ang rabies ay nakukuha sa laway at ihi ng aso,

pusa, daga at paniki. Kapag tinamaan ang pasyente ng rabies, maghihintay pa

10
ng 3 hanggang 8 linggo bago magkakaroon ng sintomas. Ang sintomas ng rabies

ay ang pamamanhid sa lugar ng sugat, pagwawala, paglalaway at paninigas ng

mukha.Kapag nagkaroon na ng sintomas ng rabies ay mahirap na itong gamutin.

Dahil dito, kailangan nating maagapan ang lahat ng kagat ng aso at pusa.

Sa ulat ni Agence France-Presse (2017) namatay ang isang babaeng

Japanese dahil sa virus na dala ng mga garapata matapos siyang makagat ng

isang pusang gala.Kinagat umano ang babae ng pusa matapos niyang dalhin

ang hayop sa isang veterinary hospital noong nakaraang taon. Pagkatapos ng 10

araw mula nang makagat ng pusa, namatay ang Haponesa.Kinumpirma ng

awtoridad na nagkaroon ang babae ng severe fever with thrombocytopenia

syndrome (SFTS), isang sakit na naililipat sa pamamagitan ng kagat ng isang

grupo ng garapata na nagdadala ng virus.

Iba’t Ibang Paraan Para Maiwasan ang mga Sakit na Maaring Makuha Mula sa

Pusa

Sa pag aaral na nakalap ng Cornel University (2017), para mabawasan

ang pagkaroon ng sakit tulad ng “zoonotic diseases” mula sa pusa ugaliing

maghugass ng kamay matapos humawak ng pusa o ng “litter box” para

maiwasan ang pinsala kagaya ng gasgas at kagat na maaring magdulot ng sakit.

Binanggit din ang iba’t ibang paraan para maiwasan ang mga sakit na maaring

makuha mula dito isa na ditto ang pagbibigay ng lutong pagkain o cat fooods

upang maiwasan ang pagkain ng pusa na infected food na pwedeng magdulot

ng pagsalin ng iba’t ibang sakit na pwedeng makuha ng tao mula sa pusa.

11
Sa artikulong sinulat ni Trina Martinez (2019), ipinagdiriwang ang

international cat day,para maisusulong ang kaalaman kung paano mag alaga at

mamulat ang mga tao para matulungan at maprotektahan ang mga ito.

Ipinagdiriwang ito sa pamamgaitan ng pag-reraise ng awareness kung paano

pangalagaan at protektahan ang mga alagang pusa. Inirerekomenda din na mag-

donate ang mga tao sa mga local shelter ng mga pusa na makakatulong para sa

pagkain at medesina sa mga cat rescue center.

PAGTATALAKAY

Mula sa 50mag aaral na aming nakapanayam, 100 % ang nagsabi na may

nakakasalamuha silang pusa habang kumakain sa loob ng Rizal Technological

University. Nabanggit din nila na madalas silang kumain sa promenade at food

kiosk kung saan ang mga pusa ay nasa ilalim o taas ng mga lamesa habang

nakahig, sinabi rin nila na habang sila ay kumakain madalas ang pag dikit o

pagtabi ng mga pusa.

Ayon sa nakapanayam naming 50 mag aaral ng Rizal Techological

University, 60% dito ang nagsabi na ang positibing epekto ng mga pusa ay para

lamangsa mga “cat lover” o yung mga mahihilig sa mga pusa para sa kanila ito

ay nagbibigay ito ng labis na tuwa o aliw. Habang ang natitirang porsyento ay

nagsabing ang positibong epekto ng mga pusa sa mga kumakain ay ang pagkain

ng mga natitirang pagkain ng mga estudyante, pagbibigay ng aliw sa iba,

nakakapag pawala ng stress at ang iba naman ay sinabing walang positbong

epekto ang mga pusa sa mga kumakain.

12
Kung may mga positibong epekto ay mas higit ang dami ng mga

negatibong epekto ng mga pusa sa mga kumakaing mag aaral sa loon ng Rizal

Technological University. Mula sa 50 mag aaral na aming nakapanayam 59%

mula rito ang nagsabing ang negatibong epekto ng mga pusa ay ang

pagkakawala ng gana ng mga kumakaing estudyante dahil para sa kanila ito ay

istorbo lamang. Ang natitirang porsyento naman ay nahahati naman sa mga

negatibong epekto tulad ng may malaking posibilidad na ito ay makakagat o

makasakit sa mga tao, maaring makakuha ng sakit mula sa balahibo nito, ang

kanilang dumi ay nagdudulot ng hindi kaaya-ayang amoy, sila ay nang aagaw ng

mga pagkain mula sa mga mag-aaral, nagdudulot lamang sila ng kalat sa mga

kainan at ang huli ay mayroong mga sensitbong tao na ayaw rito.

Mula sa postibo at negatibong epekto ay hiningi rin namin ang sa tingin

nila ang maaring maging paraan o hakbang ng Rizal Techological University

upang ang mga pusang nagkalat ay mabawasan. Ang 60% mula sa 50 mag-

aaral na aming nakapanayam ay mas binigyang diin ang paggawa ng mga

kulungan o pagbibigay ng lugar sa mga pusa sa tiyak na lugar. At ang natitirang

porsyento naman ay nahati sa mga paraang ipaampon na lamang ang mga pusa

sa mga mag-aaral na may nais, at ang iba ay nagsabing walang paraan sa

dahalinang ang Rizal Technological University ay bukas na lugar malayang

nakakapasok ang pusa at piniling dito na manirahan.

13
PAGLALAGOM

Ang pagkalat ng pusa sa loob ng Rizal Technological University ay isang

suliranin na kinakaharap ngayon ng mga mag-aaral lalo na sa mga estudyanteng

madalas kumain sa loob ng paraalan. Hindi na bago ang mga pusang pagala

gala sa paligid mapabahay man o sa bawat kantong ating nadadaanan, ngunit sa

pag aaral na ito ay mas bibigyang diin ang epekto ng pagkalat ng pusa sa loob

ng paaralan. Upang makuha at malaman namin ang mga hinaing ng mga mag-

aaral gumamit kami kwalitatibong pananaliksik at interbyu sa pamamagitan ng

audio recorder.

Sa bawat pakikipanayam sa mga mag-aaral ay mas lalong binibigyang

diin ang suliranin, bawat isa ay nagbibigay ng hinaing maganda man o di

kaagandahan ito. Batay sa nakalap naming impormasyon, napag-alaman namin

na ang pagkakaroon ng mga pusa habang kumakain ang mga mag-aaral sa loob

ng paaralang Rizal Technological University ay may positibo at negatibong

epekto ito sa mga mag-aaral. Napagtagpi tagpi namin na hindi lamang ito ang

dahilan na nakakaabala sa mga kumakain mag-aaral meron ding sakit na

maaring makuha sa mga pusa kung kaya’t nahinuha namin na sa bawat taong

nakasalamuha namin sa pag-aaral na ito sa loob ng paaralan ay masasabing

madaming negatibong komento ang mga nakuha dito at may iilang mga positibo

na nagsabing hindi naman masama ang pagkakaroon ng mga pusa ngunit

nararapat lamang na magkaroon din ng responsibilidad ang paaralan upang

maiwasan ang antalang binibigay ng mga pusa lalo na sa mga pagkaing

nakahanda sa hapagkainan. Samakatuwid, ay nararapat lamang na magkaroon

14
ng sapat na tirahan o mag-aampon sa mga pusa upang mabawasan na din ang

pagkalat at paggala-gala nito sa loob ng paaralan.

Kaugnay ng isinagawang pag aaral buong pagpapakumbabang

iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na bigyan pansin ang

paligid, maging mapanuri lalo na habang kumakain sa loob man o labas ng

paaralan. Ang mga pusa na pagala gala ay pwede magbigay ng sanhi na

positibo o negatibo mang epekto. Ang sabi nga ng isang estasyon sa television,

ligtas ang may alam. Para sa ibang mananaliksik na mag sasagawa ng katulad

na pag aaral mas palawakin ang pag aaral upang mas masulosyunan ang

nasabing problema. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga

susunod na mananaliksik na nagnais na tuklasin ang iba pang paksa na

konektado sa paksa ng pag-aaral na ito.

APENDIKS

Talatanungan

PANGALAN: KURSO:

Panuto: Pakisagutan ang mga sumusunod na tanong ayon sa inyong sariling

opinyon.

1.) Isa ka ba sa mga mag-aaral na may nakakasalamuhang pusa habang

kumakain sa loob Ng Rizal Technological University?

2.) Ano ang positibong epekto ng mga pusa sa mga kumakaing mag-aaral sa

loob ng Rizal Technological University?

15
3.) Ano ang negatibong dulot ng mga pusa sa mga kumakaing mag-aaral sa

loob ng Rizal Technological University?

4.) Sa iyong palagay ano ang maaring maging hakbang o paraan para

mabawasan ang pusang nagkalat sa loob ng Rizal Technological

University?

BIBLIYOGRAPIYA

Conor, C (2017) Cats And You: The Secret Cure Powers of Cats

https://tl.innerself.com/content/living/home-and-garden/pets-you/4629-cats-and-

you-by-caroline-connor.html

Dela Cruz, A. (2017, December 18) Dog Claws, Cats Deadly

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/12/18/1769734/komiks

Dikla, A. (2015,November 7). Kuwentong Pusa https://www.philstar.com/pang-

masa/punto-mo/2015/11/07/1519612/kuwentong-pusa

Douglas, C. (2016). Ano Ang Nagagawa Ng Pusa Sa Atin?

https://tl.innerself.com/content/living/home-and-garden/pets-you/13686-what-

have-cats-ever-done-for-us.html

France-Presse , A. (2016, July 26) Haponesang Nakagat Ng Pusang Gala,

Patay Sa Sakit Na Dala Ng Garapata

https://news.abs-cbn.com/overseas/07/26/17/haponesang-nakagat-ng-pusang-

gala-patay-sa-sakit-na-dala-ng-garapata

16
Kiddie, J. (2017, May 11). Ang Nagtataka Character Ng Pusa. Talaga Bang Higit

Pang Aloof? https://tl.innerself.com/content/living/home-and-garden/pets-

you/15529-the-curious-character-of-cats-are-they-are-really-more-aloof.html?

fbclid=IwAR2rZQVK91f5zNakUz2s4Ggo8kg-

pPFPZhzEMD63mUxvKe_J0y79srcUIJ8

Lanuza, E. (2019, July 12) Allergies Sa Alagang Aso, Pusa

http://diaryobomba.com/special-report/allergies-sa-alagang-aso-pusa/

Martinez, T. ( 2015) Mga Preso Sa Indiana Nagbago Ang Buhay Dahil Sa Mga

Pusa https://tnt.abante.com.ph/mga-preso-sa-indiana-nagbago-ang-buhay-

dahil-sa-mga-pusa/

Ong, W. (2015, November 11) Kagat ng Aso at Pusa

https://www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/opinyon/2015/11/11/1520920/kagat-ng-aso-pusa

Radford, A. (2018) 5 Diseases You Can Cope With Pets

https://tl.innerself.com/content/living/home-and-garden/pets-you/16956-5-

diseases-you-can-catch-from-pets.html

Topacio, D. (2018, May 25) Mapa-Aso, Pusa, Ibon O Baboy Pa ‘Yan! Pag-

Aalaga Ng Hayop, Epektib Panlaban Sa Sakit Sa Pag-Iisip!

https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/05/25/Mapa-aso-pusa-ibon-o-

baboy-pa-%E2%80%98yan-PAG-AALAGA-NG-HAYOP-EPEKTIB-PANLABAN-

SA-SAKIT-SA-PAG-IISIP

17
CELESTINE S. ROSARITO
#174 Sitio Mendez Baesa, Quezon City
Rosaritocelestine88@gmail.com
09127785393

PERSONAL INFORMATION
Birth date: May 17, 2000
Birth place: PulangLupa Health center
Age: 19
Sex: Male
Civil Status: Single
Height: 5’2
Citizenship: Filipino
Religion: Catholic
Mother Name: Cheryl Sumacot
Father Name: Neil Brian Rosarito

ACADEMIC BACKGROUND
Elementary School
Toro Hills Elementary School
(S.Y. 2006-2012)
HIGH SCHOOL
Judge Juan Luna High School
(S.Y. 2012-2016)
Tertiary School
AMA University
(S.Y. 2016-2018)
College
Rizal Technological University
(S.Y. 2018-Present)

18
ANGELICA M. ARUTA
B4 L36 Chemistry St. Teachers Village Manggahan,
Pasig City
aicaaruta@yahoo.com
09675678663
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL INFORMATION
Birth date: June 6, 1999
Birth place: Pasig City
Age: 20
Sex: Female
Civil Status: Single
Height: 5’5
Citizenship: Filipino
Religion: Catholic
Mother Name: Analyn M. Aruta
Father Name: Andronico V. Aruta Jr

ACADEMIC BACKGROUND
Elementary School
San Lorenzo Ruiz Elementary School
(S.Y. 2006-2012)
HIGH SCHOOL
Manggahan High School
(S.Y. 2012-2016)
Tertiary School
AMA Computer College East Rizal
(S.Y. 2016-2018)
College
Rizal Technological University
(S.Y. 2018-Present)

19
CAREY R. YSULAN
Sec 8 Blk 1 Lot 15 Sunny Brooke 1 Brg San Francisco
Gen.trias, Cavite
carey.ysulan@gmail.com
09361436903 | 413-178

PERSONAL INFORMATION
Birth date: May 30, 1999
Birth place: General Trias, Cavite
Age: 20
Sex: Male
Civil Status: Single
Height: 5’5
Citizenship: Filipino
Religion: Catholic
Mother Name: Ramonita R. Ysulan
Father Name: Roberto D. Ysulan

ACADEMIC BACKGROUND
Elementary School
Sunny Brooke Elementary School
(S.Y. 2007-2012)
HIGH SCHOOL
Governor Ferrer Memorial national High School San Francisco Annex
(S.Y. 2012-2016)
Tertiary School
AMA Computer College
(S.Y. 2016-2018)
College School
Rizal Technological University
(2018- Present)

20
DARYL M. CANACO
#34 Kapalaran St. Barangka, Mandaluyong City
daryl02canaco@gmail.com
09507849743

PERSONAL INFORMATION
Birth date: December 2, 1999
Birth place: Gumaca, Quezon
Age: 20
Sex: Male
Civil Status: Single
Height: 5’8
Citizenship: Filipino
Religion: Catholic
Mother Name: Marites Canaco
Father Name: Reden Canao

ACADEMIC BACKGROUND
Elementary School
Lagyo Elementary School
(S.Y. 2006-2012)
HIGH SCHOOL
Gumaca National High School
(S.Y. 2012-2016)
Tertiary School
Philtech Institute of Arts & Technology

(S.Y. 2016-2018)
College School
Rizal Technological University
(2018- Present)

21
Trixie M. Facunla
Gate 1 Sta. Theresa Bragy. Sto. Niño
Parañaque City
Chichifox09@gmail.com
09462131984
_______________________________________________________________
PERSONAL INFORMATION
Birth date: March 9, 2000
Birth place: Parañaque City
Age: 19
Sex: Female
Civil Status: Single
Height: 5’5
Citizenship: Filipino
Religion: Catholic
Mother Name: Candy Mendiola
Father Name: Jose Facunla

ACADEMIC BACKGROUND
Elementary School
Col. E. De Leo Elem. School
(S.Y. 2006-2012)
HIGH SCHOOL
Moonwalk National Highschool
(S.Y. 2012-2016)
Tertiary School
Premiere Computer Learning Center
(S.Y. 2016-2018)
College
Rizal Technological University
(S.Y. 2018-Present)

22
23

You might also like