Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Kalupi

Maikling Kuwento ni; Benjamin P. Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong.
Aliwalas ang kanyang mukha, sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at
maputlang labi, ay naglalaro ang isang ngiti at maputing labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro
ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kaniyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay
tatanggapin ang diploma bilang katunayan na natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan.
Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na.
Angpagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang
mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak
na dalaga sa inag kasuotang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na
hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan, at sumagana. Maaring balang
araw ay magkakaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa
niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikot-ikot nitong isinusukat sa
harapan ng salaminang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siya muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang parang sisidlan ng kanyang pamimilhang
uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang
mga bagay na kannyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangan magkaroon silang mag-
anak ng isang kilong baboy, gulay napanahog, at dalawang piling na saging. Bibili rin siya ng garbansos.
Gustong-gusto ng magtatapos na anak ang minatmais na garbansos.

Mag-iikasiyam an nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di
magkamayaw na ingay sa nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw
ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawarn ng mga mamimili. Lingo ngumaga at ang
palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng
pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at
bumili ng mantuika. Nang dumating sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang
paglabas na humahangos na isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang
ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa knyang dibdib. “ Ano ka ba? Ang bulyaw ni Aling Marta. “
Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalo ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan.
Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sabalikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng knyang butuhan
at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“ Pasenya na kayo, Ale, “ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangus, Tigbebente, sa loob-
loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “ Hindi ko ho sinasadya. Nagmamadali ho
ako, e”.
“ Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “ Kung lahat ng kawalang ingat mo’y pagpapasensiyahan nang
pagppasensiyahan ay makapapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuoloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling
nakapangusap. Higit kung daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanya pa
manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas
ang pagkakasalita sa bata at maaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi.
Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika.

“ Tumaba ata ako , Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang
nakaugaliang bilhan. Nakangiti sita at ang babae ay ngumiti rin.

“ Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “ Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda”.
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayag. Saglit na
nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi!
napansin ng kaharap ang knyang anyo.

“Bakit ho?” anito.

“ E… e nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.


“ Ku, e magkano naman ho ang laman?” tanong ng babae.
Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupiay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa
ng sinundang gabi. Sabado, ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang toning
nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “ E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-isip ng mga nakaraang
pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at
patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas
ng kanyang mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng
ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay
nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na
niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost
ng mga pulis, ay nakita niya nag kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkongat sa
malas niay ay tumatawad. Hindi siya maaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang
panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
makilala. Ata ang hawak nitong bangus na tigbebente.

Maliksi siyang lumapit at binatak ng bata sa liig. “ Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “ ikaw
ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakasalita; ibig niyang sa pagkalito na bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol
niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot.
“ Ano hong pinataka?” Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”
“ Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “ Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka to at wala ng iba.
Kunwari pa’y binangga mo ako, ano ha ? Magaling, magaling ang sistema niyo iyang. Kikita nga kayo ritosa
palengke.!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni
Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“ Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palenke e banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad ako
ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig. “Talagang dito ho sa
palengke’y maraming nagpapalipanang batang gaya niya.”

“Tena”, ang sabi ni aling marta sa bata. “Sumama ka asa akin.”

“Bakit ho, saan niyo ako dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabini Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibigay kita sa pulis. Ipapabilanggo kita
kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangus upang dalawahing-kamay ang pag-alis
ng mabutong daliri ni Alimng Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kaniyang liig. May luha nang
nakapamintanasa kaniyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kaniyang liig. Buhat sa
likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay
malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kaniyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa
aking bulsa, patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho na ano kaagad pagkat ako’y
nagkamamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito, at ang nagmamapa-sa duming
katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, nasa
pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at
tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tigbebenteng bangus.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo,
kung hindi ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot. “Maski kapkapan niyo ‘ko nang
kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kapkapin namin sa iyo kung ang pinaka ko e ipinasa
mo na sa kapuwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad…dala-dalawa,
tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matututong
matakot iyanat magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karaka-rakang magdadala ito nang walang ebidensiya.
Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng
inyong kuwarta. Paano ho kung hindi siya.”

“E, ano pang ebidensiya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo.
“Sinabi nang binangga ako ng sadya, at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking bulsa. Ano pa? Sa
batang nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip nang dapat niyang gawin, maya’y muling naupo at dumukot
ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kaniyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kaniyang paligid, inisa-isa ang mga
mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, may sakit at
kami ho, kung minsan, ay sa bahay ni Tiyang Ines ko nakatira. Sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa
mga ko sa Kiyapo at kung minsan, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lamang
ho niya ‘kong bumili ng ulam para sa mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong
makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”

Ang walang kawawang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kaniyang pandinig;
sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumaon ay dumarami ang mga tao sa kanilang paligid
at ang pulis na umuusis ay tila siyang-siya sa kaniyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno.
Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata, dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo
ng mga tao rito ay wala namgang mangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sasabihin niyo at tatawag
ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon di
ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sasabihin ang gusto niyong sabihin at doon
n’yo gawin ang gusto niyo gawin.”

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiiyak na si Aling Marta
at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng
outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para paghalili,” ang sabi sa kaniya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro
ng payat na mga daliri ang ulo ng tanagang bangus. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang
ang nakikita niyang pumasok sa palenke. Iniisip niya ang kaniyang anak na dalagang magtatapos, ang
kaniyang asawa na kanina pa pala naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung
siya’y darating na walang dalang anoman, walang dala, at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kaniya na
kanina pa nagpupuyos sa kaniyang dibdib; may kung anong sumalak sa kaniyang ulo; mandi’y gagahanip
ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “ Kung walang binabaeng
pulis na makakapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin?
Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kaniyang balikat sa
likod. Ang mga manonood ay parang mangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtututol. Ang
kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kaniyang
kamay at nang mailapit sa kaniyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali na ang kaniyang siko at ang nais lamang ay makaalpas sa
matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at
makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at dumaakip na pulis, at siya ay
humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang
maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si
Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kaniyang
pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kaniya
ang buong paligid at sa pagmumulat ay muli ng kaniyang paningin, sa pagbabalik ng kaniyang ulirat, ay
wala siyang nakita kundi ang anino ng kaniyang mukha nakatunghay lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kaniyang mukaha at
aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kaniyang noo at
ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa
kanya naktuon ang paningin ng lahat at siyang binubuntunan ng siss. Bakit ba ako nanganganino sa kanila?
Pinilit niyang usalin ang sarili. Ginawa ko lamang ang dapat na gawin nino man at nalalaman ng lahat na
ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kaniyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng
ilan na buhatin sa bangko upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang
kalahati ng kaniyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kasuotan
ay tuluyan nang nawalat sa kaniyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling
nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa namumulang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputul-putol na nilalabas ng
dugo sa ilong. “Hindi ko ho kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang nararamdaman ni Aling Marta na gumapang sa kaniyang katawan; ang
bata ay pilit na nagsasabi ng kaniyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumulungayngay ang ulo nito at nang
pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailang. Patay na , naisaloob ni Aling Marta sa kaniyang
sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,”matabang na sabi ng pulis sa kaniya. Nakatayo ito sa kaniyang
tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo, e, may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang
pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang managot niyan,’ may himig
pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makaaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan iwan niyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon
ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para
pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kaniyang isip; sali-salimuot na alalahanin ang
nagsasalimbayan sa kaniyang diwa. Lumakad siya ngayon na walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya
ang kaniyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, pangungutyang
mga mata ng kaniyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon,
magagalit, hangang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpaplitan sila ng mahahayap na pangungusap,sisihan,
tunguyawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan
at payapain ng mga kapitbahay.

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako
ang pinag-ugatang diwa sa bangkay ng bata na nattakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili.
Kasi imbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa
kaniya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailan kahit papaano’y makapaguwi siya ng
ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kaniyang asawa ay malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin
ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang
lahat ay dahil sa labis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang
makapamburot at maipamata sa kapwa na hindi sil naghihirap. Ngunit ang lahat ay tinitis niya, hindi siya
kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kaniyang asawa ng iskandalo; at tungkol sa
ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kaniyang ipamimili- nasabi
niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang
ang lima at sampu ay ipagkait nito bilang panakit. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang
naglalaro ng manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kaniyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siaya ayumuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw
niya na ang kaniyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay
minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napngunot-noo, lumingon sa loob ng
kabahayan at may tinawag. Sumigaw ang payat na mukha ng kaniyang asawa.

“Saab ka kumuha ng ipinamili mo niyan, nanay?” ang sabi ng kanniyang anak na ga-graduate.

“E….e,” hindi magkadatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nakatingin ang mag-ama.


“Ngunit, Marta,” ng sabi ng kaniyang asawa, “Ang pitaka mo e naiwan mo! Kaninang umaga bago ka
umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidang nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero
nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa Gunita ni Aling Marta larawan ng isang
batang payat, duguan ang katawan at natatkpan ng diyaryo, at para niyang naririnig ang mahina at
gumagaralgal na tinig nito; maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang
natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangngapusan ng hininga at sa palagay niya ay umiikot
ang buong paligid; at bago pa siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang
pagpapanaog na yabag ng kaniyang asawa’t anak, at ang pagpapaliit at lumalabong salita: Bakit kaya? Bakit
kaya?

Talatanungan A
Panuto: Unawain at usisain ng mabuti ang bawat katanungan na nakabatay sa bawat antas o dimensyon ng
pag-unawa sa binasang akda.. Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot.

I.PAG-UNAWANG LITERAL

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maaring katangian ni Aling Marta?

A. Isang matandang dalaga na nalipasan na ng panahon.


B. Maganda at mabait na dalaga.
C. Isang pangkaraniwa nanay at asawa ng nagsusumikap para sa kinabukasan na mahirap nilang
pamilya.
D. Isang Ina at ama na may paninindigan sa buhay.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang akma sa katangian ng pangunahing tauhan sa kuwento?

A. Isang batang may sakit at walang magulang.


B. Isang batang mahirap , walang pinag-aralan ngunit mapagmahal sa pamilya.
C. Batang may kapansanan.
D. Batang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

3. Alin sa mga sumusunodang literal na simbolo ng katangian ng asawa ni Aling Marta?

A. Isang mabait na tao sa lipunan na kaniyang kinabibilangan.


B. Isang ama na may paninindigan sa kaniyang mga anak.
C. Isang ama na huwaran at may pagmamahal sa kapuwa.
D. Isang ama na mabisyo at mahilig manigarilyo.

4. Batay sa paglalarawan ng may akda sa anak ni Aling Marta, alin sa mga sumusunod ang akma
dito?

A. Isang anak na hinahangad ang lahat ng bagay.


B. Isang anak na suwail at walang ibang ginawa kundi ang magbulakbol.
C. Isang huwaran na anak na may pangarap sa buhay.
D. A at C

5. Alin sa mga sumusunod ang literal na kahulugan ng “ kalupi”?

A. Pitaka
B. Sisidlan
C. Bala
D. Damit

II. INTERPRETASYON

1. Mataas na ang araw nang luamabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barungbarong. Ang salitang may salungguhit ay sumisombolo sa__________.

A. Simbolo ng payak na pamumuhay ng mga Pilipino


B. Simbolo ng pagiging pamagmahal ng mga Pilipino.
C. Simbolo ng katarungan sa mga Pilipinong pinaratangan na walang sala.
D. Simbolo ng mapang alipin na mga tao.

2.Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang parang sisidlan ng kaniyang
pamimilhing uulamin. Ang salitang may salungguhit ay nangunguhulugang_________.

A. Tapunan
B. Lalagyan
C. Sako
D. Bitbit

3.Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan.
Ano ang literalna kahuluganng salitang may salungghit sa pangungusap?

A. Inosenteng tao na wala pang kamuwang-muwang sa mundo.


B. Mukha ng kahirapan hatidng magulong lipunan.
C. Simbolo ng katatagan ng loob.
D. Wala sa mga nabanggit.

4.” Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “ Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan ay sa
bahay ng Tiyang Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo
at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo.” Alin sa mga sumusunod ang
ipinahihiwatig ng pahayag na ito?

A. Ipinahihiwatig sa pahayag na mayaman ang pamilya nila Andres.


B. Ipinahihiwatig sa pahayag kung gaano kahirap ang pamilya ni Andres at walang kaya sa buhay.
C. Ipinahihiwatig sa pahayag na lahat ng bagay sa mundo ay pantay-pantay.
D. Ipinahihiwatig sa pahayag na hindi natin dapat baliwalain ang lahat ng bagay dito sa mundo.

5.“.… pero hindi ko lang alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami
lumipat saka hindi ho ako marunong bumasae” ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na ______.

A. Walang kakayahan ang pamilya ng bata upang siya ay mapag-aral.


B. Walang magawa ang bata kundi gawin ang lahat ng bagay na dapat niyang gawin.
C. Maraming pera ang pamilya niya.
D. A at B.

III. MAPANURING NA PAGBASA ( CRITICAL READING)

1. Tama ba ang ginawang pagpaparatang ni Aling Marta sa bata na nakabunggo sa kaniya?


A. Oo, dahil siya lang naman ang taong alam niyang dumukot sa pitaka nito.
B. Oo, dahil mukhang gusgusin at magnanakaw ang bata.
C. Hindi, dahil wala naman proweba si Aling Marta na ang batang nakabunggo sa kniya ang dumkot
sa kaniyang pitaka.
D. Wala sa nabanggit.

2. Paano hinarap ng pangunahing tauhan ang naganap sa kaniyang buhay?

A. Nanindigan ang bata na wala siyang kasalanan sa binintang ni Aling Marta.


B. Hinarap niya ito nang walang pag aalinlangan dahil alam niyang siya ay walang kasalan.
C. Gumawa siya ng mga dahilan upang pabulaanan ang bintang ni Aling Marta.
D. Lahat ng nabanggit.

3. Kung walang pananagutan sa batas si Aling Marta, sa palagay mo, kanino siya may pananagutan?

A. Sa mga magulang ng batang kaniyang pinaratangan ng pagnanakaw sa kniyang kalupi.


B. Sa isang bata na walang malay sa paratang ng isang matanda.
C. Sa ating panginoon na siyang may gawa ng lahat.
D. Sa lahat ng nakakita ng pangyayari sa araw na iyon.

4. Masasabi mo bang makatarungan ang ginawang pamimintang ni Aling Marta sa bata?

A. Oo, dahil ang bata lang naman ang siyang naka bunggo ni Aling Marta sa palengke.
B. Oo, dahil ang bata ay nag mumukhang pulubi.
C. Hindi, dahil walang karapatan si Aling Marta na paratangan ang bata ng wala namang proweba.
D. Wala sa mga pagpipilian.

5. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng pangunahing tauhan nang siya ay paratangan ng isang
bagay na di naman niya ginawa?

A. Nabigla at hindi alam ang gagawin sa biglaang paratang ng matanda sa kaniya.


B. Natulala sa biglaang pagparatang sa kaniya.
C. Natigil ang kaniyang mundo sa nangyari.
D. Nagimbal ang lahat sa pangyayari sa bata.

IV. APLIKASYON SA BINASA/ PAGLALAPAT

1.Kung ikaw si Aling Marta, paano mo maiibsan ang nararamdaman mong konsensya sa iyong
ginawa sa bata?

A. Libangin ang sarili upang mawala o mawaglit ang ginawang pambibintang sa bata.
B. Hayaan nalang upang itoy wala.
C. Huwag isipin upang hindi gaanong sakit sa ulo ang lahat ng bagay na nangyari.
D. Gawin ang nararapat upang maging maayos ang lahat ng bagay.

2.Kung ikaw ang nasa kalagayan ng bata, paano mo haharapin ang paratang ni Aling Marta?

A. Hahayaan nalang ang bintang ni Aling Marta.


B. Tatakbuhan ang paratang upang makaiwas sa gulo.
C. Harapin ng buong-buo dahil alam momg ikaw ay walang kasalanan sa paratang ni Aling Marta.
D. A at B

3.Ano ang gagawin mo kung sakaling mangyari sa iyo ang nangyari sa bata sa loob ng kuwento?

A. Hahayaan nalang upang hindi na lumaki pa ang problema.


B. Hihingi ng tulong sa nakatatanda upang pakiusapan si Aling Marta.
C. Tatakbo at lalayo sa nangyaring problema.
D. Lahat ng nabaggit.

4. Ano ang nais iparating ng may akda sa mga mambabasa?

I. Hindi tamang manghusga sa isang tao lalo na kung walang sapat na batayan.
II. Isipin muna ang sitwasyon, at huwag magpadalos dalos.
III. Maging bulag-bulagan sa mga nangyayari sa ating lipunan.
IV. Maging handa sa anumang pangyayari.

A. I at II
B. III at IV
C. IV at I
D. I at III

5. Kung ikaw ang ama ng bata sa kuwento, ano gagawin mo upang maipagtanggol ang iyong anak?

A. Kakausapin ang taong may dahilan ng lahat kung bakit siya pinaratangan ng pagnanakaw.
B. Hayaan na lang na ang mga pulis ang siyang umasikaso sa lahat.
C. Tanungin ang anak kung ano ang puno’t dulo ng lahat.
D. Gawin ang nararapat para sa anak.

V.PAGPAPAHALAGA ( APPRECIATION)
1. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng may akda?

A. Maipabatid sa mga mambabasa ang tunay na kalagayan ng lipunan.


B. Kawalan ng hustisya sa ating bansa
C. Maipabatid sa mga tao ang tunay na isyu ng kahirapan.
D. Lahat ng nabanggit

2. Paano mo maisasabuhay ang nais iparating ng may akda sa maikling kuwento na iyong nabasa?

A. Isabuhay sa pamamagiitan ng pagbibigay pansin sa mga taong mahihirap upang mabawasan ang
problema sa ating lipunan.
B. Isabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga taong walang ibang ginagawa kundi
sirain ang buhay ng ibang tao.
C. Isabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng naisin sa buhay.
D. Isabuhay ang nais ipabatid ng may-akda sa lahat ng mababasa na hindi tayo dapat manghusga ng
isang tao na nakabatay sa kaniyang panlabas na katangian lamang.

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kagandahang ipinahihiwatig na nilalaman ng kuwentong


“ Ang Kalupi”?

A. Bigyang halaga ang buhay na kaloob ng Diyos na lumikha sa lahat.


B. Bigyang pansin ang lahat ng bagay sa mundo na may halaga.
C. Ilaan ang sarili sa isang bagay na may magandang kahahantungan.
D. Huwag agad husgaan ang isang tao ng dahil lang sa pisikal na katangian nito.

4.

You might also like