Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GEN.

TIBURCIO DE LEON NATIONAL HIGH SCHOOL


Corner Mercado St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

EPEKTO SA KALUSUGAN ANG LABIS NA


PAGPUPUYAT

SA MGA MAG-AARAL.

Mungkahing Pananaliksik na inihain sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik.

Aquino, Christine

Ubana, Ellanel Therese

Zinampan, Mhariejho

Bragais, Leo John

Dimayugan, Mark Joshua

Flores, Ericso

Gabriel, Justine Clart

Guias, Jade Mar

Pantaleon, Leonard

Villaflores, Jason

2020
GEN. TIBURCIO DE LEON Ikalawang Semestre.
NATIONAL HIGH SCHOOL
Corner Mercado St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon o Panimula.

Hindi maipagkakaila na ang pagpupuyat ay hindi maiwasan ng mga kabataan


sa panahon ngayon. Lalo na’t ang lumalago pa ang teknolohiya sa modernong panahon.
Mahilig magpuyat ang marami sa atin. Bawat isa sa atin ay may iba't- ibang rason
kung bakit nagpupuyat sa gabi karamihan sa kabataan ngayon ay madalas mong
makikitang naka online sa facebook at sa iba pang social networking sites. Ang
pagpupuyat ay hindi lamang nakakaapekto saating kalusugan gayundin sa pag-aaral
nating mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral na sinaliksik ni Christopher Silas Neal noong 2015, halos


87% ng mag-aaral sa high school sa Estados Unidos ay hindi nakakatulog ng sapat.
Ngunit sa ating bansa, wala pang naitala na bilang. Sa istatistikang nabanggit.

Ayon sa website na tinatawag na WebMD, ang isang kabataan ay kailangan


makatulog ng walo’t kalahati hanggang siyam at kalahating oras. Ngunit hindi ito
nasusunod ng karamihan sa mag-aaral ngayong panahon.

Ayon naman sa website na tinatawag na Sleep Foundation, ang pagtulog ay


kailangan upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya kung kulang ito, masasabi
natin na maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isangkabataan na nag-
aaral.

Sa makatuwid, ang pagpupuyat ay isang malaking salik sa ‘performance’ ng isang


mag- aaral kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog niya sa klase na
maaaring maging sanhi sa pagbaba ng kaniyang grado.Dahil dito, nais malaman ng mga
mananaliksik ang epekto
GEN. ng pagpupuyat
TIBURCIO DE LEONsa akademikongaspeto
NATIONAL HIGHngSCHOOL mga mag-aaral mula
Corner
sa Senior High School Mercado
upang St.,ang
matukoy Gen.
mgaT. salik
De Leon, Valenzuela
na nagiging dahilanCity
ng kanilang
pagpupuyat gayundin ang magiging epekto nito sa akademiko ng mag-aaral ito ay lagi
nilang nararanasan kayaSENIOR HIGH
nararapat SCHOOL
lamang natin DEPARTMENT
itong maiwasan hangga't maaari.

Layunin ng Pag-aaral.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag-aralan at alamin ang


mga sanhi o epekto sa kalusugan ang labis na pagpupuyat sa mga kabataan. Ito
ay makatutulong din upang maiwasan ang labis na pagpupuyat.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit maraming


mag-aaral ang labis na pagpupuyat.

2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang


mag-aaral na labis na pagpupuyat.

3. Tukuyin ang mga pamamaraan upang makaiwas sa labis na


pagpupuyat sa mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sinaliksik upang ipamulat sa mga kabataan o sa


mga mag-aaral na iwasan ang labis na pagpupuyat.

Para sa mga mag-aaral upang ipamulat sila na may masamang epekto ang
labis na pagpupuyat hindj lamang sa kalusugan bagamat sa kanila ding akademikong
pag-aaral.

Hindi lang ito makatutulong sa mga mag-aaral kung hindi na rin sa mga
taong hindi na mapigilan ang pagpupuyat. Dahil na rin sa pagpupuyat maaari ding
maapektuhan ang ating kalusugan.
At para na din
GEN. sa mga susunod
TIBURCIO na mananaliksik
DE LEON NATIONALhinggil
HIGHsaSCHOOL
pag-aaral ukol sa
Corner
epekto sa kalusugan Mercado
ng labis St., Gen. sa
na pagpupuyat T. mga
De Leon, Valenzuela
mag-aaral, Cityitong gamitin
maaari nila
upang basehan sa kanilang pag-aaral.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Saklaw at Delimitasyon

Saklaw dito ang pananaliksik ukol sa labis na pagpupuyat ng mga mag-


aaral ng Gen. T.

De leon National High School. At kung paano nakakaapekto sa kanilang kalusugan ang
labis na pagpupuyat .

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makakuha ng mga respondante mula


sa mga mag-aaral ng Gen. T .De leon National High Schoo l na mayrooong iba't -
ibang kurso. Nais naming makabuo ng 5 respondanteng babae at 5 respondanteng
kalalakihan upang makakuha ng kabuuang 10 na respondanteng magiging tulay
upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang pagpupuyat ay hindi sapat na pagtulog ng isang indibidwal.

Pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu,


at mga bagay na kinakailangang bigyanng linaw, patunay o pasubali.

You might also like