Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Unang Buwanang Pagsusulit

FILIPINO 7

Pangalan: Petsa:

Seksyon: Iskor:

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ang mga sumusunod na pahayag ay batayan upang ating makilala ang Kuwentong-
Bayan maliban sa isa.
a. pawang likhang isip lamang
b. maituturing natin bilang bahagi ng kasaysayan
c. nagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng isang akda
d. sumasalamin sa kultura at tradisyon ng mga mamamayan.

_____2. Tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap.


a. pang-angkop c. pang-abay
b. pang-ugnay d. pang-uri

_____3. “Aba, iyan ba ang ipinagmamalaki mo? Kaya ko rin makakuha ng ng karne ng usa,
mas malaki pa d’yan!” Anong damdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag.
a. kalungkutan c. kasiyahan
b. galit d. kagalakan

_____4. Mahilig magbasa si Ana ng mga kuwento na ang pangunahing tauhan ay


halaman, hayop o imahinadong bagay na nagtuturo ng kung anong tama o mali sa
isang gawain. Anong akdang panitikan ang ipinakita sa sitwasyon?
a. pabula c. epiko
b. maikling kuwento d. kuwentong-bayan

_____5. Anong kaugalian masasalamin sa epiko ng Ilianon na “Agyu”?


a. pagdadamayan c. pagkilala sa kadakilaan
b. pagtitiwala d. pagmamahal sa kalikasan

______6. Ano ang akdang pampanitikan na nagpasaling bibig na naratibo, likhang-isip lamang
at naglalaman ng kaugalian at paniniwala ng isang bayan?
a. epiko c. kuwentong-bayan
b. pabula d. maikling kuwento

_____7. Ang kuwentong-bayan na “Manik Buangsi” ay nagmula sa mga taga _______.


a. Lanao c. Ilokano
b. Samal d. Ilianon

_____8. Ito ay isang paraan na nagbibigay-patunay na nagbibigay kahulugan sa isang


pananalita o bagay.
a. paghahalimbawa c. paghahambing
b. paliwanag d. estadistika

_____9. Alin sa mga sumusunod na katangian ang binibigyang diin sa kuwentong-bayan


na “Manik Buangsi”?
a. pagtitiyaga c. pagtitiwala
b. pagiging totoo d. mapagmahal sa asawa
_____10. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang makikita sa pabula na “Ang Mataba at ang
Payat na Usa” maliban sa isa.
a. pagdadamayan c. pagtitiwala sa kapwa
b. pagapahalaga sa pamilya d. pagtulong sa nangangailangan

_____11. Sino ang kinikilalang “ Ama ng Pabula” sa buong mundo?


a. Aesop c. Villafuerte
b. Eugenio d. Horgan

_____12. Ito ay pag-iisa-isa ng kabilang sa isang grupo at nangangahulugang iisa


ang kinabibilangan nilang pangkat na may pagkakatulad o katangian.
a. paghahalimbawa c. paghahambing
b. paliwanag d. pagtutulad

_____13. Taglay ng epiko ang mga sumusunod na katangian maliban sa isa.


a. Mayroong katangiang supernatural
b. Pangkaraniwang tao ang mga tauhan
c. Kinapapalooban ng kaugalian at paniniwala
d. Nagtatampok ng kabayanihan at katapangan

_____14. Ano ang naging pangunahing layunin ni Aesop sa paggamit ng hayop bilang tauhan
sa isang pabula?
a. Maipakikilala ang mga hayop
b. Magturo ng aral at tumuligsa
c. Maghatid ng kawilihan sa mambabasa
d. Maging makatotohanan ang pagsasalaysay

_____15. Anong kuwentong-bayan ng mga ilokano ang nagsasalaysay tungkol sa masaganang


yamang-dagat na dahil sa kasakiman ito ay ipinagkait sa kanila ng diwata?
a. Diwata ng Kagubatan
b. Diwata ng karagatan
c. Diwata ng yamang-dagat
d. Ang karagatan at ang Diwata

_____16. Sa isinagawang pag-aaral ni Jose Villa Panganiban; Ilang epiko ang kanyang
naitala sa ating bansa?
a. 14 c. 22
b. 16 d. 24

_____17. “Talagang masasalamin sa kuwentong- bayan ang kultura at tradisyon ng isang


bayan dahil sa mga kaugaliang ipinapakita ng mga tauhan sa kuwento”. Anong
paraan sa pagpapahayag ng patunay ang ginamit sa pangungusap?
a. estadistika c. paghahambing
b. paliwanag d. paghahalimbawa

_____18. “Sadyang mabilis na nahulog ang loob ni Manik Buangsi kay Tuan Putli dahil
sa katangian at kabutihang loob na ipinakita nito sa matandang pulubi”. Anong
paraan sa pagpapahayag ng patunay ang ginamit sa pangungusap?
a. estadistika c. paghahambing
b. paliwanag d. paghahalimbawa

_____19. “Tunay na kahanga-hanga ang katangiang taglay ng mga Pilipino tulad


ng pagiging magalang, matulungin at magiliw”. Anong paraan sa pagpapahayag
ng patunay ang ginamit sa pangungusap?
a. paghahalimbawa c. paghahambing
b. paliwanag d. estadistika
_____20. “Totoong maganda ang pitong anak ng sultan ngunit namumukod sa lahat
ang bunsong si Tuan Putli saagkat lahat ng makakita sa kanya ay natutulala sa
taglay niyang kagandahan”. Anong paraan sa pagpapahayag ng patunay ang
ginamit sa pangungusap?
a. estadistika c. paghahalimbawa
b. paliwanag d. paghahambing

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang at


piliin ang angkop na kasagutan sa kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

a. Agyu e. Marata a Balowa i. kayasu


b. Mapiya a Balowa f. Manik buangsi j. Naging Sultan si Pilanok
c. Tanagyaw g. Ang Aso at Ang Leon k. Banlak
d. Tuan Putli h. Ang Mataba at Ang Payat na Usa l. Paniguan
_____1. Isang pabulang tumatalakay tungkol sa relasyong ng magkapatid.
_____2. Pabulang ng Mindanao na nagpaakita ng pagiging mapamaraan at mautak
upang makaligtas sa kapahamakan.
_____3. Likas na mabait at masunurin sa magulang.
_____4. Dalagang naghandog ng tinapay at prasko ng tubig sa isang pulubi.
_____5. Kuwentong-bayan nagpapakita ng pagiging maamaraan ng isang tao.
_____6. Sadyang mayabang, mainggitin at mapagmataas.
_____7. Akdang sumasalamin sa kabayanihan at katapangan.
_____8. Walang hirap na nakapaslang sa mga mananakop dahil sa kanyang pambihirang
tibay at lakas.
_____9. Lalaking nagmula sa pananaginip ng isang marikit na dalaga.
_____10. Naging dahilan ng pagkamatay ng pinunong Moro.

III. Panto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan sa mga ito ang SANHI at
salungguhitan ang BUNGA.

1. Nagtrabaho nang mabuti ang kanilang ama para makatapos silang magkakapatid.
2. Lubhang kakaunti ang inihandog na pagkit sa mga Moro kaya nagalit ang mga ito.
3. Matinding takot ang naramdaman ng buong nayon dahil sa pagkatalo nina Agyu.
4. Nanatiling matibay si Agyu sapagkat nakita niya ang kalakasan at katapangan ng kaniyang anak.
5. Mayaman sa kultura ang kapuluang Mindanao palibhasa ito’y kanilang pinanatili at pinagyaman.
6. Nakaisang-dibdib ni Tanagway si Paniguan gawa ng pagtulong nito sa bayan ng Baklayon.
7. Napatay ang pinunong Moro kaya umusbong ang isang malaking digmaan.
8. Takot na takot ang mamamayan ng Baklayon sapagkat napipinto na rin silang lusubin ng
mga manlulupig.
9. Sumibol ang kapayapaan sa bayan ng Ilianon dahil sa pagkakagapi ni Agyu sa kanilang
mga kalaban.
10. Nakakuha ng mataas na marka ang estudyante dahil sa kanyang sipag at tiyaga.
IV. Panuto: Ipaliwanag ang mensahe ng bawat pahayag. Ilahad ang kahalagahan nito
sa inyo bilang isang mag-aaral.

5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- Di- Gaanong Mahusay
1- Kailangan Pang Pag-Ibayuhin

1. Pagtitiwala ang sandigan sa matatag na samahan. (5pts.)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______

2. Pagdadamayan ang kailangan sa oras ng kagipitan. (5pts.)


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

“Knowing is not enough, we must apply”


-Chou

You might also like