pagpapahayag. Nakasulat sa mga talukap ng bunga, dahon at ang balat ng mga punungkahoy. Ang paksa ng mga akda ay sumasalamin sa pamumuhay, pamahiin at pananampalataya ng mga ninuno. Binubuo ng mga karunungang-bayan (bulong, bugtong, kawikaan, salawikain, tugmang pambata, palaisipan) kuwentong- bayan, mito, alamat at epikong. Ang mga akdang naisulat sa panahong ito ay sumasalim sa kahusayan at pagiging malikhain ng ating ninuno sa larangan ng pagsulat. Panahon ng Kolonyal Pinasukan ng mga siwang katolisismo ang mga akdang sinulat. Ipinaloob sa panitikan ang etika at moralidad. Nagkaroon ng palimbagan ng mga aklat at pulyeto tungkol sa wika at relihiyon. Ang mga paksa ay tungkol sa mga talambuhay hinggil sa santo o nobena, mahahabang kuwento may paksang kabanalan at panrelihiyon. Nagkaroon ng 3 anyo ng panitikan- ito’y ang patula, tuluyan at dula. Nakilala ang mga tulang romansa tulad ng awit at kurido mula sa kanluranin na kinagiliwan ng mga katutubo. Nabihisan ng kulturang Kastila at paksang panrelihiyon ang katutubong panitikan. Panahon ng Propaganda at Himagsikan Ginamit sng sandatang panulat upang gisingin, imulat at ilantad ang mga makabuluhang impormasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa sariling bansa. Sumilang sa mga akda ang damdamin ng pagtutol at ang diwang makabayan ang nangingibabaw sa mga sinusulat. Nakilalang manunulat sa panahong ito sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Andres Bonifacio, Pedro Paterno, Apolinario Mabini, Antonio Luna at Jose Palma. Naging tahanan ng mga manunulat ang mga pahayagang Diarong tagalog (Maynila) At La Solidaridad (Espanya) at ang opisyal na pahayagan ng Kalayaan (KKK) Nagbunsod ito ng Himagsikan at sa pagkakabuo ng Republika ng Pilipinas Panahon ng Amerikano Muling ginamit ang sandata ng lakas, wika at panitik bilang labis na pagtutol sa sumunod na mananakop Sa unang dekada – namayani ang diwang makabayan o nasyonalismo Nadama ang pagpasok ng panahon ng Romantisismo sa sumunod na dekada. Namayani ang damdaming pag-ibig sa lahat ng sangay ng panitikan. Napangkat sa tatlo ang mga manunulat ayon sa wikang ginamit sa literature: wikang Kastila, Tagalog at Ingles Nagsimula rin ang interes ng mga Pilipino sa panonood ng pelikula sa tagalog at Ingles. Sinilang ang mga pahayagan at magasin na nagging tahanan ng mga manunulat tulad ng Liwayway, Muling Pagsilang, Taliba, Democracia, Mithi. Maraming nakilalang manunulat sa iba’t ibang akdang pampanitikan tulad nina Jose Corazon de jesus, Amado V. Fernandez, Lope K. santos, Cirio H. Panganiban, Deogracias Rosario Atbp. Panahon ng Hapon Naging paksa ang mga katutubong ugali sa bukid at pakikipagsapalaran sa lungsod Nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong manunulat na pumaimbulog sa larangan ng panitikan. Nagkaroon ng karagdagang anyo ang tula na tinawag nilang malayang taludturan. Lumabas ang ilang tulang tagalog na nahahawig sa haiku o hokku ng mga Hapones. Nagkaroon ng iba’t ibang paksain ang mga kuwentong isinusulat na pinasimulan ng patimpalak sa kuwento ng Liwayway Magasin. Pinahintulutang buksan ang mga pahayagan na sumasang-ayon sa panuntunan ng censor (Manila Shimbunsa) Pinasara ang sinehan, ipinagbawal ang mga pelikulang Ingles kaya sumigla ang pagtangkilik sa mga Bodabil na palabas Panahon ng Kalayaan Ang pagbabagong pampanitikan sa panahong ito ay naging kapansin-pansin. Nagkaroon ng aklat-katipunan sa akdang tula na pinasimulan ni Alejandro G. Abadilla. Sumigla muli ang panitikan sa pagtatag ng mga samahan sa iba’t ibang larangan Tulad ng KADIPAN, PETA at Dramatic Philippines sa Dula. Nakilala sa tanghalan ang Talkies at Stage Show sa mga Opera House Naging paksain sa panitikan ang pagsasamantala at pagmamalabis sa mga wala o have nots. Ginamit ng mga kabataan ang campus jornal sa pagmumulat at pagsisiwalat ng katiwalaan sa pamahalaan sa mga akdang sinusulat Panahon ng Bagong Lipunan Pansamantalang natigil ang lahat ng babasahin sa buong kapuluan nang ipahayag ang Batas Militar. Pinanagot ang mga naglimbag ng mga malalaswang babasahin Ipinasara ang mga sinehang nagtatanghal ng mga pelikulang maaring makasira sa moralidad ng mga Pilipino Pagbibigay ng guidelines o bagay sa dapat taglayin sa paglalathala ng mga pahayagan, magasin, komiks at mga pahayagang pampaaralan. Dumami ang mga kabataang manunulat sa Ingles at Filipino. Nagging bahagi ng pagbabago ng bansa ang Sining kaya sumigla ang paglikha ng mga awiting Pilipino, nagkaroon ng pagtatanghal ng mga konsiyerto, ballet at mga dula sa CCP. Panahon ng Kontemporaryo Ang mga manunulat na Pilipino, maging Ingles o sa wikang pambansa ay muling nanguna sa paglikha ng mga akdang pumupuna at nagpapakita ng tunay na larawan ng lipunan noon ay namamayani. Ang mga tula, maikling kuwento, nobela, dula at maging ang mga awitin ay nagpakilala ng naghihimagsik na damdaming Pilipino na nadarama noon. Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating manunulat. Nag-aalab na damdamin ng mga manunulat na makalikha ng mga obra-maestra ng kasalukuyang panahon ang nagbunsod ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipino Karaniwang paksain sa mga akda ay mula sa kahirapan, katiwalian sa pamahalaan, aktibismo karahasan paglabag sa karapatan ng tao at iba pa. Panahon ng Kasalukuyan Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO. Ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sa salita man o sa gawa. Ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga tula, awiting pilipino, sa mga pahayagan, sa mga sanaysay at talumpati, at maging sa mga programa sa telebisyon. Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling vernacular. Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang Pambansa. Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang sinusulat Malaki ang impluwensiya ng aghanm at teknolohiya Nagbabago ang mga wikang ginagamit Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e-
mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd Ito ay
mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika atmasasabing dulot ng teknolohiya.