Pag-Aaral Sa Leksikal Na Aspeto NG Wikang Maranao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG WIKANG SEBUANO NG MGA MËRANAW:

TUNGO SA PAGBUO NG BAGONG

BARAYTI NG WIKA

______________________

Isang Pananaliksik

Na Inilahad sa College of Teacher Education

La Salle University

Lungsod ng Ozamiz

_________________________________

Bilang Pagtupad

Sa isa sa mga kahingian para sa Degree ng

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO

______________________

Nina

Lara Mae A. Aviles

Darryl Mae M. Baricuatro

Jeneth M. Omongos

October 2019
Tsapter 1

ANG SULIRANIN AT KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto


(juncture), pagtaas ng tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahalaga ng tunog
(prolonging/ lengthening). Ang pananaliksik na ito ay pag-aaralan ang palatunugan
ng diyalektong Maranao. Ang pag-aaral na ito ay magsusuri sa mga maaring
kaibahan ng mga palatunugan ng diyalektong Maranao sa wikang Filipino. Ang
alinmang dayalekto sa daigdig ay nalilikha sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga makabuluhang tunog. Ang pag-aalis at pagpapalit ng isang tunog sa isang salita
ay karaniwang nagdudulot ng malaking pagbabago sa kahulugan nito ngunit maaari
ring maging magkapareha ang tunog pero iba ang kahulugan. Dito malalaman kung
meron bang salita sa Maranao na may dalawa, tatlo o mas marami pang kahulugan.
Naging makabuluhan ang tunog kung nag-iiba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Nagiging hindi makabuluhan
naman ang salita kung nagbabago ang pagbigkas at pagbaybay nito ngunit
magkapareho lamang ang kahulugan.Sa kasalukuyan, wala pang naisasagawang pag-
aaral patungkol sa palatunugan ng Maranao. Ito ang nagtulak sa mga mananaliksik na
pag-aralan ang nasabing paksa.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Harvey Daniels (1985), sa aklat na Linguistika: Isang Panimulang


Pag-aaral, malapit ang  kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong gumagamit
nito. Ang wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago upang maiangkop at
maiakma sa pangangailangan ng mga tagapagsalita.

Ang wika ay sumasalamin sa kultura. Ayon kay Ngugi Wa Thiong (1987), sa


aklat na Linguistika, isang Afrikanong manunulat. Dahil sa wika, naisasalarawan nito
ang kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa ngalan ng kasaysayan. Ang wika ang
nagdadamit sa kultura. Sa isang wika, makikilala ng sambayanan ang kanyang
kultura at matutuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Sa aklat ni Rizal na El Filibusterismo, sinabi ni Simuon, isang mahalagang


tauhan sa El Fili sa mga mag-aaral na ibig magtayo ng Akademya ng Wikang
Espanyo “Ang taong ayaw umangkin ng sariling wika ay ayaw ng pagkakakilanlan”
Ibig sabihin ng katagang ito kung ayaw mo tanggapin o kilalanin ang iyong wikang
kinagisnan ay nagpapahiwatig na ayaw mong mapabilang o hindi ka masaya sa iyong
lipunang kinabibilangan mas gusto mo o tinatangkilik ang wika ng iba.

Leksikon

Ang leksikon ay sarili nating vokabularyo na panay wikang Filipino. Ayon kay
Buenventura (2014), sa kanyang presentasyon tungkol sa leksikon ng wika ay may
limang paraan sa pagbuo ng mga salita. Una ay ang tinatawag na pagtatambal na
kung saan pinagtambal ang mga morfema. Halimbawa bahaghari na mula sa bahag at
hari. Pangalawa ay ang Akronim ito ay hango mula sa initial o mga unang pantig ng
mga salita. Halimbawa ang NSO na mula sa National Statistic Office. Ikatlo ay ang
pagbabawas o clipping, ito ay ang pagpapaikli ng mga salita na kadalasang ginagamit
sa pasalitang paraan. Halimbawa ang Fon para sa telefono. Ang pang-apat ay ang
pagdaragdag, kung may mga salita na binabawasan mayroon din namang dinaragdag.
Halimbawa, ang salitang sampalin ay ginawang sampalikukin. Ang ika-lima ay ang
paghahalo o blending ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng mga salita.
Halimbawa ang cha-cha mula sa charter change.

Kasaysayan ng Wikang Maranao

Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya


nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga
malalalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling
naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga Muslim kung may aktibidad laban sa mga
Espanyol, Amerikano , at hapon, at kahit na ang Republika ng Pilipinas sa panahon
ng batas militar.

Ayon kay Casan Alonto sa kanyang “Perspective on Maranao Society” (1974),


may mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Maranao. Ang isang teorya’y batay
sa epiko ng mga Maranao na Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga
naninirahan dito sa kapaligiran ng Lanao ay pinangungunahan ng isang nangangalang
“Butuanon Kalinan” na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag na Bombaran
(kung saan sumisilang ang araw). Ang isa pang teorya’y ang migrasyon ay patungo
sa dakong pasigan ng Katimugang Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o
Ilanon na natagpuan nang naninirahan sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng
mga bagong dating.

Mga Kaugnayan sa Pag-aaral

Ayon  kay William Henry Scott, bantog na manalaysay sa Pilipinas matagal nang
alam ng mga nag-agham sa wika (linguists) na dayuhan lamang sa Sulu ang Wikang
Maranao nagmula sa Silangang bahagi ng Mindanao at kaugnay ng salita sa Butuan
(elaput.org).

Ang pag-aaral ni Pasion (2014) na pinamagatang “Varyasyong Leksikal sa mga


Dayalektong Mandaya ng Davao” ay nakatulong sa pag-aaral ng mananaliksik dahil
parehong pag-aaral sa Leksikal na aspeto ang binigyang pansin.  Ang varyasyong
leksikal sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pagkakaiba ng salita o katawagan ng
iba’t ibang dayalekto sa isang bagay. Ang mga pag-aaral na ito ay nakatulong sa mga
mananaliksik dahil parehong leksikal na aspeto ang pinag-aaralan.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao,
ibang tao, paligid o mundo. Ang wika din ang identidad o pagkakakilanlan ng isang
bansa. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling
komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito (Thenzai,
2009). Ang wika ay isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa
kanyang kapwa. Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang 
iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan.
Samaktuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t
ibang aspeto ng buhay (Bokals, 2010).

Sa pagbabagong-hugis ng edukasyon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng


wika. Nagsisilbi itong tulay upang maunawaan kung ano ang tinutukoy na
pagbabago. Dahil din sa wika kaya nagkakabigkis-bigkis at nagkakaisa ang mga
mamamayan. Ayon pa kay Rizal, habang pinapanatili ang sariling wika,
napapangalagaan nito ang kaligtasan ng kanyang kalayaan tulad ng pagsasaisip niya
sa sarili.
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming
teorya ng iba’t ibang tao hindi pa din maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga
nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala
pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong
palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili
pa ring hiwaga o misteryo (Bokals, 2010).

Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo. Bawat pulo rito ay may mga wika at
wikain na ginagamit ng mga mamamayan. Napatunayan nilang ang Pilipinas ay may
higit sa isang daan (100) mga wika at apat naraang (400) wikain ang matatagpuan sa
Pilipinas. Ang sitwasyong ito ay isang malaking hamon sa wikang Filipino na
mapag-ugnay ang bawat mamamayan sa bawat pulo.

Isa sa mga katutubong wika ay ang Wikang Maranao. Ang mga Meranao o
Meranaw ay ang mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa
ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang orihinal na
tawag sa lalawigang ito’y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga
naninirahan ay tinatawag na “Meranao” (naninirahan sa may lawa), at galing ito sa
wikang Austronesian. Tinatayang aabot sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan
sa Lanao del Norte, ang ibang natira ay matatagpuan sa bahagi ng Lanao del Sur,
Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon.

Layunin ng Pag-aaral

Dahil sa kagustuhan ng mga mananaliksik na pag-aralan ang nasabing paksa,


nilalayon ng pag-aaral na ito na

a) Matukoy ang mga salita ng diyalektong Maranao na may iba’t-ibang


kahulugan ngunit iisa ang tunog

b) Masuri ang kaibahan ng palatunugan ng diyalektong Maranao at Wikang


Filipino

c) Madiskubre ang mga salitang may kabuluhan at walang kabuluhan sa


diyalektong Maranao

Paglalahad ng Suliranin

.Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang mga salita
ng diyalektong Maranao na may iba’t-ibang kahulugan ngunit iisa ang tunog at
kung anong mga salita ang may kabuluhan o wala. Ang pananaliksik na ito ay
naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga salita ng diyalektong Maranao na may iba’t-ibang kahulugan


ngunit iisa ang tunog?
2. Paano naiiba ang palatunugan ng diyalektong Maranao sa palatunugan ng
ibang wika?
3. Ano anong mga salita ang may kabuluhan at walang kabuluhan?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga palatunugan ng wikang


Maranao. Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay hindi ito sumasakop sa iba pang
wika maliban sa Wikang Filipino at ang tangi lamang saklaw nito ay ang mga
Maranao na naninirahan sa Kauswagan, Lanao del Norte. Ang pananalikisk na ito ay
para sa mga guro, mag-aaral, lipunan, at mambabasa. Binubuo ng limang (5)
respondente mula sa Kauswagan, Lanao del Norte na pinili sa pamamagitan ng
random sampling. Upang masiguro na ang wika ng mga respondente ay Maranao. Ito
ay isinagawa sa nasabing lugar na kung saan nakatira ang mga taong nagsasalita ng
partikular na wika at bihasa na rin sa paggamit nito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang wika ay mahalaga, ganoon rin ang palatunugan nito dahil ang
nakaangkop ang kahulugan sa bawat bigkas ng salita. Kinakailangan ito ng isang
bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,
pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan kaya ang pag-aaral
na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga guro: Makakatulong ang pag-aaral na ito lalong-lalo na sa pagtuturo ng


wika. Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa ibang wika upang maintindihan nila
ang mga mag-aaral at makapag-isip ng mga estratehiya para mas maunawaan ng mga
estudyante ang kanilang pinag- aralan na leksiyon at higit sa lahat magamit nila sa
pakikipagkomunikasyon para magkaroon ng maayos at epektibong pagtuturo.

Sa mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakadagdag ng kaalaman sa mga mag-


aaral lalong-lalo na sa wikang pinag-aralan ng mga mananaliksik upang lalong
mabihasa at masanay sa paggamit ng iba’t-ibang wika sa iba’t-ibang larangan sa
Estado sa buhay ng tao. Sapagkat ang wika ang gamit sa pakikipagtalastasan upang
maihatid ng bawat mag-aaral ang gusto nilang sabihin.

Sa lipunan: Tunay ngang kahit pa sabihing iisang wika lamang ang ginagamit
may pagkakataon pa ring maaaring hindi magkaintindihan ang tao lalo na kung ang
nag-uusap ay nagmula sa magkaibang lugar. Kaya ang pananaliksik na ito ay
nakakatulong sa lipunan para magkaroon ng kaalaman sa ibang wika at magkaroon
ng maayos na komunikasyon.

Sa mga Mambabasa: Nakakatulong ito upang mamulat sila na ang pag-aaral sa


wika ay napaka interesado dahil nalalaman natin ang kanilang wika at kung paano ito
bibigkasin. At nang sa gayon ay kung may makakasalamuha sila ay malalaman nila
na ang kanilang kinakausap ay sa ganyang tribu nabibilang.

Depinisyon ng mga Termino

Sa bahaging ito binibigyan ng depinasyon ang iilang mga terminolohiya na


ginamit sa pag-aaral upang maging mas malinaw ito.

Linggwistika o dalubwikaan =  ang pag-aaral sa wika ng tao


Linguista o linggwista- tawag sa mga taong  nagpapakadalubhasa sa wika o
dalubhasa rito
Maranao - wika o lengguwahe na ginagamit ng mga taong Meranaw

Meranao- mga taong naninirahan malapit sa Lake Lanao at gumagamit ng wikang


Maranao

Teorya - nauukol sa palagay o pala-palagay kung paanong ang isang isyu ay


maaaring matugunan sa isang praktikal na kaparaanan.

Wika- isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at


mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ito
sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan
nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

Batayang Teoritikal

Bawat pag-aaral ay may kalakip na teorya bilang suporta sa pagpapatibay ng


pag-aaral. Para sa ikatitibay ng pag-aaral na ito, gumamit ng isang teorya ang mga
mananaliksik. Ang baryasyon ng wika ay batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o
sa lupon ng kanyang kinabibilangan. Ito ang nagsisilbing identidad ng isang tao.

Ang pag-aaral na ito ay nakasandig sa Teoryang Sosyolingwistiko na kung saan


ipinapaliwanag na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang indibidwal at
grupo. Kaugnay ng teoryang sosyolingwistiko ang ideya ng pagiging heterogeneous
ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar
na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa (Mangahis, et.al, 2005). Ang
teoryang ito ay nagpapatunay na kahit may iisang wika tayo na ginagamit na
tinatawag na Wikang Filipino ay nagkakaroon pa rin ng barayti ng wika dahil sa
mayroon tayong iba’t ibang grupo ng tao sa ating lipunan.

Batayang Konseptuwal

Mahalagang malaman ang pagkakaiba at pagkakapareho ng wikang Maranao sa


iba pang wika gaya ng Filipino, Tausug at Cebuano upang matukoy rito ang mga
posibling pinagmulan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa pagkakapareho at
pagkakaiba ng wikang ito sa ibang mga wika.

Ayon kay Fishman (1980), sa kabila na ang mga tao ay may iba’t ibang paraan
ng pagamit ng wika ito ay magiging daan upang mapagsama-sama sa iba’t ibang
paraang panlinggwistiko at panlipunan aspekto ang mga tao sa lipunan o pamayanan.
Dahil sa pinagsasaluhang wika, napagsama-sama rin ang mga tao batay sa wikang
kanilang ginagamit.

Wikang Maranao

Wikang
Cebuano
Wikang Wikang Wikang Wikang
Tausug Cebuano Filipino Tausug

Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng Pag-aaral

Sa unang kahon, Makikita ang wikang Maranao na siyang sentro ng pag-aaral na


ito. Sinundan ito ng dalawang maliliit na kahon na napapalooban ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng wikang Maranao sa napakaliit na mga kahon na naglalaman ng
Wikang Filipino, wikang Tausug, at wikang Cebuano na magiging basehan upang
maihambing ang Wikang Maranao sa ibang wika ng ating bansa.

SANGGUNIAN

Maganis, Josefina C., Rhoderick V. Nuncio, Corazon M. Javillo. Komunikasyon sa


Akademikong Filipino, Quezon City: C&E Publishing Inc. 2005.
Mangahis, J. et.al. (2005). Komunikayon sa Akademikong Filipino. Manila, Quezon
City. C&E Publishing Inc.

Semorlan, Teresita P. Linggwistika: Isang Panimulang Pag-aaral. MSU Iligan


Institute of Technology. Departamento ng Filipino at iba pang wika, 2010.

Hadjimalic, Rohaima P. Wikang Filipino at Wikang Maranao: Isang Paghahambing.


Di-malathalang Tesis, MSU-Buug College, Buug, Zamboanga Sibugay. 2007.

Ang mga Muslim sa Sulu at ang kanilang Kasaysayan Muslim. Academy.com/ ang
mga muslim sa sulu at ang kanilang kasaysayan. Bokals. Kahulugan at Katangian
ng Wika. http://teksbook.blogspot.com/ Kahulugan at Katangian ng wika.html.
August 30, 2010

Buenaventura, Von Fonema, Morfema at Leksikon ng Wikang Filipino.


https://prezi.com/rawguu6meebm/fonemamorfema-at-leksikong-ng-wikang-
filipino/.July 22, 2014.

Thenzai. Kahalagahan ng Wika. http://thenzai-


thezai.blogspot.com/2009/06/Kahalagahan-ng-wika,html.June 19, 2009.

Passion, Reymund M. Varsyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya sa


Davao. Oaji.net/articles/2014/1543-1418707692.pdf.December 2014.

www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules-in-tagalog/mindanao.htm#Maranao.2015

Kasaysaysayan ng Tausug. www.elaput.org/com/3.htm.l

Diomedes, Tumutod.personal na panayam. October 11, 2015.

Ednaly Mandeg.personal na panayam. October 11, 2015.

Jhal Salapuddin.personal na panayam. October 11, 2015.

Kabanata II

METODOLOHIYA
Sa bahaging ito ng pag-aaral, makikita ang disenyo ng pananaliksik, paraan na
ginamit sa pangangalap ng datos at pag-aanalisa ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng kwalitatibo at kombinasyon ng disenyong deskriptibo ang pag-aaral


na ito upang malaman at madiskubre ang mga palatunugan ng wikang Maranao.
Random Sampling ang ginamit sa pag-aaral dahil ang mga importanteng respondente
ay yaong mga mas may alam tungkol sa wikang Maranao sa naturang lugar na mas
nakatutulong sa pag-aaral. Nasa limang (5) respondente at may edad na tatlumpo (30)
pataas na naninirahan sa Kauswagan, Lanao del Norte ang mga impormanteng
kinuhanan ng impormasyon. Sa pagpapanayam, nagkaroon ng panimulang tanong
upang malaman at magabayan ang mga impormante kung saan napapatungkol ang
interbyu. Focused interview na pamamaraan naman ang sunod na ginamit sa pag-
iinterbyu pagkatapos ng panimulang tanong.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Lungsod ng Kauswagan. Ang Kauswagan ay isa


sa limang lungsod sa lalawigan ng Lanao del Norte sa Pilipinas. Napapagitnaan ito
ng lungsod ng Linamon at Bacolod. Meranao ang tawag sa taong naninirahan sa
Kauswagan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Kauswagan.
Pangingisda ang naman ang isa pang ikinabubuhay ng mga naninirahan malapit sa
dagat.

Mga Impormante

Mga taong naninirahan sa Lungsod ng Kauswagan na may tatlumpo (30) pataas


ang edad ng mga impormante upang masiguro na nanggaling mismo sa mga Meranao
ang mga salita na nadiskubre.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Personal na tumungo sa mga napiling lungsod sa Lanao del Norte ang mga
mananaliksik upang makalikom ng mga salitang pag-aaralan ang palatunugan.
Tumungo ang mga mananaliksik sa naturang lugar at humingi ng mungkahi kung
sino ang mga dapat pagkuhanan ng impormasyon. Pinuntahan ang mga binanggit na
pangalan ng mga impormante at inalam ang edad upang masiguro na pasok sa
ginawang krayterya ang mga impormante. Gumamit ang mga mananaliksik ng video
recorder habang sumasagot sa mga katanungan ng mananaliksik upang mas maging
madali ang pagsusulat ng mga salitang pag-aaralan ang mga tunog.

Daloy ng Pangongolekta ng mga Datos

May daloy na sinusunod ang mga mananaliksik sa pangangalap ng mga datos .


Makikita sa ibaba ang daloy ng pangongolekta ng mga datos.

Paghahanap ng mga impormante

Pakikipagpalagayang-loob

You might also like