Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Dalawang Paso ng Orchids” ni Phan Du

Salin ni Buenaventura S. Medina Jr.

Inilagom ni Sir Mark John A. Ayuso

Si Nguyen ay isang matandang iskolar. Pinakamatalik na kaibigan siya ng aking tatay. Ngunit noo’y hindi ko manlang siya
talaga nakikita isang beses na kasama ng mga importanteng tao na pumaparoon sa malalaking handaan sa bahay ng
tatay ko. At bihira naman siyang dumalaw sa amin sa palasyo. Pero may isang bagay akong napansin sa paraan ng
pagtanggap ng mga magulang ko sa matandang iskolar. Simple lang ang pagtanggap na iyon, walang sere-seremonya at
ibang-iba sa ginagawa para sa mga bisitang matataas ang ranggo. Tuwing makikita ng tatay ko na dumarating na ang
matandang iskolar, siya na mismo ang maghahanda ng tsa, ng insenso, ng chessboard, ng brush at ng lagayan ng tinta.
Pero basta ‘pag may masarap na tsa o mataas na klaseng cinnamon ang tatay ko, ipinapadala niya sa kapatid ko o sa akin
ang mga regalong ito sa matandang iskolar. Hindi niya kailanman inutusan ang isang alila para magdala niyon. Dumami
tuloy ang pagkakataong makapunta ako sa tinitirhan ng matandang iskolar, doo’y naintindihan ko ang mataas na klaseng
paghihirap ng matanda at ang karangalan ng kaniyang kalooban.

Ang bahay niya’y isang kubong pawid na itinayo sa gitna ng isang hardin na hindi naman kalakihan. Namumuhay sa
ganitong katahimikan ang matandang iskolar kasama ang kaniyang apong babae na si Boi-Lan at isang matandang
utusan. Ang totoo’y madalas niyang kasama ang mga bulaklak ‘pagkat gustong-gusto niyang asikasuhin iyon, alagaan
iyon; ang sundan ang buhay niyon ang pinakamalaki niyang katuwaan, bukod sa pagtula-tula at sa pagbabasa ng mga
libro. Ang katuwaan ng matandang iskolar sa pag-aalaga ng mga bulaklak ay isang bagay na napakataas at masyadong
pambihira—hindi iyon kasiyahan para lang sa sarili. Sa mga bulaklak mas gusto niya ang orchids lalong-lalo na iyong
klaseng “pusong walang dumi”. Ayon pa nga sa matanda, ang orchids ay parang babae at dalaginding na nilikhang
magaganda’t tahimik.

Tumindi pa ang respeto ko sa matandang iskolar nang matuklasan ko kay Boi-Lan na hindi ipinagbili ng matanda ang
kaniyang dalawang paso ng orchids na pusong walang dumi kahit tapatan pa ito ng napakalaking halaga kahit na malaki
ang kagustuhan niyang magkapera. Naniniwala ang matandang iskolar na ang isang pasong bulaklak na ikaw mismo ang
nag-aalaga ay hindi pwedeng mabigyan ng presyo. Ngunit nagulat ako isang araw nang basta na lamang ipinagbili ng
matandang iskolar ang kaniyang pinakamamahal na dalawang paso ng orchids. Sa pagkakataong ito’y ang matanda na
ang nakikipagtawaran sa ‘di kilalang lalaki mabili lamang ang mga bulaklak. At sa murang halaga’y nabili na ng lalaki ang
dalawang paso ng orchids.

May tatlong araw na ang nakaraan, nilamon ng apoy ang isang parte ng nayon. Dalawa ang namatay at apat o limang
pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan at ari-arian. Ito ang dahilan kung bakit ipinagbili ng matandang iskolar ang
kaniyang sanhi ng katuwaan. Isinakripisyo niya ang kaniyang sariling kaligayahan upang makapagmalasakit sa kapuwa.
Ang katangiang ito ni Nguyen marahil ang naging dahilan kung kaya’t naging matalik na magkaibigan sila ni tatay.

You might also like