Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA Petite mieste AMBUHAY Taon 33 Big. 49 SUNDAY * TVMARIA * 8:30AM + 7:00PM LIVE DAILY WORKERS" MASS ONLINE eae Iko-7 Lingo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian Iseelcians 6:15AM mm Pebrero 23, 2020 Gantihian moe ng Habutihan Mies akalain na kinasa- sangkutan lamang ng mga kabataan ang bullying. Maaaring makaranas din ang matatanda ng di:makatarungangpang-aali- pusta, pananakotatpagmamalu- pit sa kamay ng kapwa matanda, saanyo ng masasakit na salita at pagmamalltrato. Tayong lahat, minsan sa ating buhay, ay naka- ranas ma-bully. Ano ang ating naging reaksyon? Lumaban ba tayoo nagkibit-balikat na lumu- ha saisang tabi? Madalas naiisip nating maghi- ganti, sa katuwirang matitigil lamang ang walang saysay na kalupitan kung gagamitan din ng dahas ang kaaway. Kapag sinuntok ka, gaganti ka ng sun- tok. Kapag sinipa ka, sisipain mo rin. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Ganito ang Lex Talionis (Batas ng Talion), na nagtatakda na ang parusa sa taong nagka- sala at nanakit ay hindi lalabis 0 hihigit sa kanyang kasamaang idinulot. Alinsunod dito, kung ano ang ginawang mali, yon din ang parusang ipapataw. Kung ano ang kinuha, iyon din ang babawiin. Walang labis, walang kulang. Sa panukalang ito, ha- gad iwasan ang labis na parusa opaghihiganti Subalit sa Ebanghelyo, taliwas ang panukala ni Hesus, “Huwag ninyong labanan ang masamang tao, Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi iharapmopasa kanya ang kabila” (Mt5:39). Tinu- turuan ba tayong maging duwag ng Panginoon? Nais ba niyang pasailalim tayo sa kapangyari- han ng mapang-api? Inuutusan ba tayong manikluhod sa mga mapang-abusong tao at insti- tusyong sumasampal sa ating pagkatao? Hindi! Bagamat ipinagbabawal ng Panginoon ang anumang uring marahas na pagganti (violent retaliation), sinusulong niyaang isang kakaiba at bagong paraan ng pagtugon sa kabuktutang nagawa sa atin: ang ‘di-marahas na pagtutol 0 pagsalungat (non- viofent resistance) sa kasamaan. ‘Ayon sa teologong si Walter Wink, ginamit ni Hesus ang salitang antistenai (Salitang Griyego na ibig sabihi'y marahas na pagtutol o paghihimagsik) nang kanyang sabihin na “Hu- wag labanan (antistenai) ang masamang tao” Samakatuwid, itinuturo ni Hesus na huwag labanan ogamitan ng dahas ang taong mapang-alispusta, huwag gamitin ang karahasan upang salungatin ang kasamaan. Ang mali ay hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali; ang dahas ay hindi hinaharap ng dahas! Ipinatitigil ni Hesus ang siklo ng gantihan, ang siklo ng hindi matapos-tapos na karahasan. Sa pagsasabing “ibaling ang kabilang pisngi’ hindi sinasabi ng Panginoon na wala tayong gagawin sa harap ng kasamaan Bagkus, nais niyang harapin natin nang buong tapang ang kabuktutan sa paraan ng aktibo at’di-marahas na pagtutol o pag- salungat (active nonviolent resis- tance): panindigan ang tamang prinsipyo, ilahad ang katoto- hanan, magtiwala sa Diyos, pai- ralin ang kahinahunan imbis na silakbo ng damdamin, labanan ng kabutihan ang kasamaan, at sikaping pagtagumpayan ang kaaway sa parang babago sa kaniyang puso at pipigil sa karahasan. Iniatas sa atin na, “Huwag kang maghihiganti o mag- tatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng lyong sarili (Lev 19:18). Pag-ibig ang siyang dapat manaig sa huli Madaling sabihin, pero ma- hirap gawin. Pero hindi naman kailanman naging madali ang sumunod kay Hesus. Hindi ma- daling magmahal ng kaaway. Subalit hindi porke't mahirap, hindi na gagawin. Ang tunay na Kristiyano gagawin kahit mahi- rap dahil tunay na nagmamahal sa Diyos at sa kapwa —Fr.Khris EmmanuelL Liacer,SSP Basahin ang pagninilay bago o pagkatapos lamang ng Misa upang makabahagi nang taimtim sa Banal na Pagdiriwan| Nl Antipona sa Pagpasok {Sim 13:5-6] Basahin kung walang pambungad na awit) D’yos ko, ako'ynananalig sama- tapat mong pag-ibig. Ang puso ko'y umaawit dahil ako'y ‘yong sinagip, nililingap bawat saglit. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus.) P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat. B-At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito isang katulad na pahayag) P - Nananawagan si Hesus sa atin bilang mga anak ng Diyos na tularan ang kanyang pagmamahal na walang pinipili. Bilang mananampalataya, tayo'y tinataweg hindi para magsawalang-kibo sa harap ng kasamaan at kawalang- katarungan kundi para iwaksi at lupigin ang kasamaan sa pamamagitan ng kapangyarhan rng kabutihan at pagmamehal. Nawa ang eukaristiyang ating ipinagdiiwang ang maging bukal ng ating sigasig at lakas Pagsisisi P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat gumanap sa banal na pagdinweng. (Tumahimik) a - Inaamin ko sa maka- Diyos, at sa inyo, mga spa, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya asamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P - Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, Fesaanan tayo sa ating mga salanan, at patnubayan tayo s@ buhay na walang hanggan B-Amen. P - Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaanmokami. P- Kristo, kaawaan mo kami B- Kristo, kaawaan mo kami. P- Panginoon, kaawaan mo kami. B-Panginoon, kaawaanmokami. Gloria Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong angking kapurihan, Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalisng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. tkaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, 0 Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P-Manalangin tayo. (Timahimi) ‘Ama naming makapangya- rihan, maisaloob nawa naming palagian ang mga galing sa Espiritu ng kabanalan upang sa salita at gawa ay aming magampanan ang lahat ng iyong mga kinalulugdan sa eoeipa lo ni Hesukristo asama ng Espiritu Santo mag- pasawalang hanggan. B-Amen. Ee Il PEROT ‘Unang Pagbasa {Lev 19:1-2.17-18} (Umupo) Sa Lumang Tipan, inutusan ng Panginoon ang mga Israelita na mahalin ang kanilang kababayan. Pinalawak naman ni Hesus ang kautusang ito. Pagbasa mula sa aklat ng Levitico SINABI ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, 'Mag- pakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal.’ 'Huwag kang magtatanim ng galit sa iyang kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili, Ako ang Panginoon."" — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Sim 102) T-Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob. Amante a SSS SSS ‘Ang a-ting maha bo-ging Diyos 8 Em ay ag-ma=magan=danglorob 1. Panginoo'y papurihan, purihin mo, kaluluwa,/ ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina,/ kaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,/ at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutthan, (T) 2. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,/ at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat./ Sa bingit ng kamatayan ako ay iniliigtas,/ at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. (T) 3. Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,/ kung magalit ay banayad, kung umibig namaly lubos/ Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway,/ di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan. (T) 4. Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya/ gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala./ Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya/ gayon siyanahahabag sa may takot sa kanya. (1) Tkalawang Pagbasa (1 Cor3:16-23) Pinapaalala ni Apostol Pablo na ang ating pagiging templo ng Diyos ay dahil sa pananahan ng Espiritu Santo sa atin. Bilang templo ng Diyos, nararapat lamang na igalang at mahalin natin ang bawat isa. Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto MGA KAPATID, hindi ba ninyo alam na kayo'y templong Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya Sapagkat banal ang templo ng Diyos, atkayoangtemplongiyan. Huwag dayain ninuman ang kanyang sarii. Kung may nag- aakalang siya'y marunong ayon sa saniibutang ito, ibilang niyang siya'y mangmang pang maging tunay na merunong. Sapagkat ang karunungan ng sanlibu- tang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Ganito ang Sinasabi sa Kasulatan, “Hinuhuli riya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan” Gayun din, “Alam ng Panginoon na ang ini- isip ng marurunong ay walang kabuluhan.” Kayalt huwag ipag- malaki ninuman ang nagaga- wa ng tao. Ang lahat ay inyo: si Pablo, si Apollos, at si Pedro; ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasaluku- yan, at ang hinaharap —lahat ng ito'y sa inyo. At kayoly kay Kris- to, at si Kristo namaly sa Diyos. — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Aleluya [1 Jn 2:5) (Temayo) B- Aleluya! Aleluya! Lubos na magtatamasa ng pag-ibig ng D'yos Ama ang sumunod sa Anak niya. Aleluya! Aleluyal Mabuting Balita (Mt5:38-48) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo B- Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sakanyang mga alagad: “Narinig ninyo na sinabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin." Ngunit ngayo'y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngj, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin ma ito ng dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo. “"Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway’ Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umilbig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba't ginagawa fin itongmga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo'y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyonng mga Hentilt Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang rasa langit.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B- Pinupuri ka namin, Pangi- noongHesukristo. Homiliya (Cnupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B-Sumasampalataya ako saDiyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawanglangitatlupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nakatewang tan sha llang ng pakasakitniPonco Pilato jpinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sakinaroroonanngmga yumao. Nang may kationg araw nabuhay na mag-uli. Umakyat salangit. Nalulukloksakananng Diyos Amangmakapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga- bubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaranng mga kasalanan, sapagkabuhaynamuling nanga- matay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P-Saatingpananalangin, ilagay natin ang ating pananalig sa Diyos Ama na nagpapakita ng mapagmahal na habag sa kanyang pakikitungo sa mga makasalanan: T- Panginoon, idulot mo sa amin ang iyong kapayapaan. L - Maipagpatuloy nawa ng Simbahan ang gawain ni Hesus sa pamamagitan ng pag- papatawad ng mga kasalanan at paglingap sa mga pusong nasa kapighatian. Manalangin tayo: (T) L = Humantong nawa sa mapa- yapang pag-uusap ang mga taong may hidwaan sa isa’t isa upang makamit ang diwang mapagpatawad. Manalangin tayo: (1) L- Maging mahabagin at ma- hinahon nawa tayo sa ating kapwa at huwag iwaksi o tang- gihan sa kanilang kahinaan at kakulangan. Manalangin tayo: (1) L- Mapatawad nawa ng Diyos nating mahabagin ang mga kapatid nating yumao. Manalangin Tayo: (T) L - Sa ilang sandali ng kata- himikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ‘ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansarling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (1) P- Mahabaging Ama, idulot mong magbunga lagi ng kabu- tihan ang aming mga puso. Turuan mo kaming mahalin at unawain ang bawat isa upang tuluyan namin makamit ang kapayapaan. Hininiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen. BU = SR TON AS Paghahain ng Alay (Tuma) P- Manalangin kayo... B - Tanggapin nawa ng Pangi- noonitong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P - Ama naming Lumikha, sa pagganap namin ng banal na pagdiriwang upang ikaw ngayo'y aming paglingkuran hinihiling naming nawa’y ma- pakinabangan ang aming inihain sa iyong karangalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo mag- pasawalang hanggan. B-Amen. Prepasyo (Karaniwan |) P - Sumainyo ang Panginoon B- At sumaiyo rin. P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa B-ItinaasnanaminsaPanginoon. P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatnasiya ay pasalamatan. P - Ama naming makapang- yarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa dakilang pagtubos niya sa amin ang kasalana’t kamatayang aming pasaninay binalikat niya upang kami'y palayain at maitampok sa iyong luningning. Siya ang nagtanghal sa amin bilang liping hinirang, pari at haring lingkod sa iyong kamahalan. Mula sa kadiliman, kami'y iyong tinawag upang makasapit sa iyong liwanag bilang iyong angkang may tungkuling maglahad ng iyong dakilang pag-ibig sa lahat. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa ka- langitan, kami’y nagbubunyi sa yong kadakilaan: B-Santo, Santo, SantoPanginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osanasakaitaasan!Pinag pala ang naparirito sa ngalan ng Pa- nginoon! Osana sa Kaitaasan! (Lianuhod) B- Sa krus mo at pagkabuhay kami'y natubos mong tunay, ngayon at magpakailanman. CY oration promotions = Localand international pilgrimages Ama Namin. B-Amanai P= Hinihiling naming B-Sapagkatiyoang kaharian at ang kapangyarihan atangkapu- rihan magpakailanman! Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pal (Lumuhod) abang P - Ito ang Kardero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan rng sanlioutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sakanyang piging, B - Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuléy saiyongunit saisang salitamo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon (Jn 11:27) Nananalig ako sa'yo sapagkat ikaw ang Kristo nanaparito sa mundo bilang sinugong totoo ng Diyos sa mga tao. Panalangin Pagkapakinabang (Pumayo) P-Manalangin tayo. (Tiamakimik) ‘Ama naming mapagmahal, ipagkaloob mong aming ma- pakinabangan ang dulot na aligtasan ng aming pinag- saluhan bilang sangla ng iyong tiyak na pagsagip sa tanan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo mag- pasawalang hanggan B-Amen. AMBUHAY MISSION APPEAL ‘Beamission partner for Sambuhay! Sambhay isle nd Sembuhy TY now ofr you a chance fo recht early miloneoders and views We shore our sed spac” for ~ Invitations from Catholic communities and other groups Announcements for special programs and activities Sea uchodtan bens = ‘eon nierneci 1 SUNDAY P 4,000 ott 1 SUNDAY P 1,500 Sombuhay First Friday 1 FRIDAY P 2,000 “Tacuhetiom = “mma =P 25,000 ‘Sambohay TV 1 EPISODE 283970104 le. 607.) sambubay nie ‘rartatingesipeus ph amsilcom_ PENS P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Pagbabasbas P - Magsiyuko kayo sa- mantalang iginagawad ang pagpapala. (Tumahimik) Ama naming mapagpala, nililingap mo ang iyong bayan kahit may mga kaanib na lumilihis ng landas. lpagkaloob mo ang pasyang magbagong- buhay sa tanan upang ang lahat ay maging lalong ma- tapat sa pagsunod sa iyong kalooban sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Es- piritu Santo magpasawalang hanggan B-Amen. P- At Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak (+) at Espiritu Santo B-Amen. Pangwakas P - Tapos na ang Banal na Misa, Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. B- Salamat sa Diyos.

You might also like