ALAMAT NG BULKANG TAAL Misterio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT NG BULKANG TAAL

Ang alamat ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar,


pangyayari o katawagan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na
imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat. Ang mga na
makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang
nagiging pinakadiwa ng isang alamat.

Maaaring mula sa malungkot na alaala o sa mga pangyayaring nagpapakilala


ng kagitingan at kabayanihan ng ating mga ninuno at iba pang makasaysayang
pangyayari ang paksa ng alamat.

Isang misteryosong araw mga KaMisterio. Kung bago ka pa lamang sa


channel na ito, pindutin mo na ang subscribe button at notification bell para
updated ka sa mga bagong uploads natin ditto sa Misterio.

(OBB)

Sa pagputok ng Bulkang Taal, marami ang nagtaka at napaisip tungkol sa


kwento sa likod nito. Ano nga ba ang alamat ng Bulkang Taal? Makinig ng mabuti at
aking isasalaysay ang pinagmulan ng kontrobersyal na bulkan.

Ayon sa sali’t-saling sabi ng matatanda, ang mga bayan at lalawigan sa


Gitnang Luzon, ay nahahati ng mga ilog at magubat na kabundukan. Bawa’t bayan
naman ay pinamumunuan ng isang makapangyarihang lalaki na iginagalang at
sinusunod ng lahat nasasakupan.

          Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda, na kung tawagin


ng lahat ay si Lakan-Taal. Ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao,
palibhasa’y mabuti at matalino ang kaniyang pamamahala.

          Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon ng


pagpipista dahil sa tinatamasa nilang masaganang kabuhayan. Laging umaani sila
ng saganang kape, abukado at iba’t-iba pang mga bungang kahoy.

          Isang araw ay pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kaniyang kabig sa lilim ng
isang malagong punongkahoy sa kaparangan upang ipaalam na ipinagbabawal na
ang sinumang aakyat sa tuktok ng luntiang bundok malapit sa kanilang lugar.

          Buong pagkakaisang sumang ayon naman ang madla at nagsipanumpang


susundin nila ang utos ng kanilang puno.
          Walang anu-ano ay bigla na lamang naglaho ang matandang puno, kaya’t
nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.
          Mahigit na isang taon ang lumipas, nguni’t ang makapanyarihan si Lakan Taal
ay hindi na nila nakita. Gayon man, sa loob ng panahong iyon, ang madla ay
nabuhay nang mapayapa at masagana na gaya rin nang dati.
          Sa kasabikan ng marami na malaman kung ano ang hiwaga ng bundok na
yaon, ay napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok ng nasabing bundok.
          Gayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang Makita nilang sa itaas
pala ng bundok na yon ay may malaking guwang na punong-puno ng
mahahalagang perlas, Esmeralda, brilyante at mga ginto.

Nagulat ang mga tao sa kanilang natagpuan at binalak na hakutin ang lahat
na kayamanan. Subali’t nang anyong kukunin na nila ang mga kayamanang iyon ay
bigla na lamang nilang narinig ang malakas at makapangyarihang tinig ni Lakan-
Taal. Galit si Lakan-Taal dahil sa pagsuway ng mga tao sa kanyang utos.

         Biglang kumidlat at kumulog! Bigla ring lumindol hanggang sa ang bundok ay


magbuga ng tipak-tipak na apoy na ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-
Taal.

          Magbuhat noon, ang gayong pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibig ng


madla, hanggang mabuo ang paniniwala ng marami, na ang bundok na yaon na
naging bulkan ay ari ni Lakan-Taal. Ngayon ay tinatawag ito na Bulkan ng Taal.

Mga Kamisterio, layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring
makasaysayan tulad ng kwento ng Bulkang Taal upang mapukaw ang damdamin ng
mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa
nakaraang panahon.

Kung totoo man ang mga pangyayari sa isang alamat, wala naman itong
sapat na patunay. Bagamat ang alamat ay kathang-isip lamang, ito naman ay nag-
aangkin ng kaisipang malikhain at kagandahang walang kupas.

Sa alamat man o sa totoong buhay, kailangan nating isapuso ang aral na


napulot natin. Katulad sa Alamat ng Bulkang Taal, maging masunurin tayo, lalo na
sa mga magulang natin at sa mga nakakatanda sa atin.

Bago tayo magtapos, shout out.

You might also like