Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PROYEKTO

SA

PAGBASA

AT

PAGSUSURI

IPINASA NI:

GEEANNE BAGAUA BRITOS

DEXTER ADVINCULA

DIVINA CARDENAS

IPAPASA KAY:

Bb: HONEY GIRL NORBERTE


(Guro)

KABANATA 1:

PAKSA:

ANG HINDI PAGSUNOD SA PATAKARAN AT REGULASYON NG MGA MAG-AARAL SA PAARALAN NG SANTA,


HIGH, SCHOOL, INCORPORATED.

I. PANIMULA:

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa hindi pagsunod sa patakaran at regulasyon ng mga mag-aaral
sa paaralan ng Santa, High, School, Incorporated. Bilang isang mag-aaral ay kinakailangan nilang sundin
ang mga patakaran at regulasyon sa paaralan para sa ikakabuti ng lahat. Lahat ng paaralan ay may mga
patakarang hindi sinusunod ng ilan sa mga mag-aaral. Isa na jan ay ang paaralang Santa, High, School,
Incorporated. Ang paaralang ito ay may patakarang dapat sundin ng mga mag-aaral, ngunit may mga
mag-aaral talagang mahilig lumabag at sumuway sa mga patakaran at regulasyon. Sa paksang ito ay
mapag-uusapan o matatalakay ang iba't ibang mga patakaran at regulasyon ng paaralan at ang mga
kadahilan bakit nga ba hindi nila sinusunod ang mga ito.

Ayon kay Laurabis (2013) Ang alituntunin ng bawat paaralan ay kailangan sundin, ito ang magiging
gabay bilang isang edukadong tao at para magkaroon ng kaayusan ang paaralan. Hindi lang ang paaralan
ang magiging maayos kundi pati ang mga mag-aaral at maging ang mga guro. Magiging maganda din ang
tingin ng ibang tao sa mga mag-aaral na sumusunod sa Alituntunin nito. Base sa nalalaman ko hindi lang
ako maging ng iba tungkol sa Alituntunin ng paaralan maraming mag-aaral ang hindi nakakasunod.
Unang halimbawa pag memake-up ng mga babaeng estudyante ng di naman kailangan, pangalawang
halimbawa hindi pagsunod sa tamang school uniform, pangatlong halimbawa hindi pagtapon ng tama ng
basura sa tamang basurahan at hindi paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok at pang-apat ang di
paglinis ng mga palikuran ng mga estudyanteng gumagamit nito. Ang pagsunod sa batas ng paaralan ay
kailangan itong sundin ng bawat estudyante para magkaroon ng kaayusan ang paaralan hindi ang
paaralan ang magkakaroon ng kaayusan maging ang lahat ng pumapasok dito. Kung ito ay sundin ang
lahat ng gumagamit ng paaralan masasabing mayroon halaga ang paaralan para sa kanilang kinabukasan.
Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa kasigasigan sa pag-aaral. Ito ay dahilang pagkatoto ng isang mag-
aaral ay nag-uumpisa sa pagiging masunurin nito sa mga patakaran ng paaralan. Miyentras masunurin
ang isang bata, mabilis ang kanyang pagsulong at sa kalaunay malilinang niya ang katangiang
mapagpakumbaba, magalang at responsable.

II. STATEMENT OF THE PROBLEM:

GENERAL PROBLEM:

Ang Santa, High, School, Incorporated ay may mahinang "Security System" kaya namang nagagawa
ng mga mag-aaral ang sumuway sa mga patakaran at regulasyon ng paaralan.

III. RASYONAL/LAYUNIN:

Mahalaga ang paksang ito sapagkat dito ay malalaman ang iba't ibang mga patakaran at
regulasyon ng paaralan, at mga mag-aaral na hindi sumusunod sa patakaran at regulasyon ng paaralan.

Layunin ng pananaliksik na ito masagot ang mga sumusunod na katanungan.

1.) Ano-ano ang mga halimbawa ng patakaran at regulasyon na madalas na hindi sinusunod ng mga mag-
aaral?
2.) Ano-ano ang mga madalas na kadahilanan bakit hindi sinusunod ng mga mag-aaral ang patakaran at
regulasyon ng paaralan?

3.) Ano-ano ang mga aksyon na dapat na ginagawa ng mga guro upang hindi ito lumala?

IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

SA INSTITUSYON:

Malalaman ng Institusyon ang ilan sa mga dahilan kung bakit di nasusunod ng mga mag-aaral ang
mga patakaran na kanilang natatag at kung ang mga mag-aaral ba ay may sapat na kaalaman hinggil dito.

SA MGA MAGULANG:

Mas mabantayan nila ang kanilang anak at malalaman kung sila ba ay gumagawa ng tama sa loob
ng paaralan.

SA MGA MAG-AARAL:
Malalaman ang mga tamang patakaran sa loob ng Institusyon. Malilimitahan ang pang-aabuso sa
mga patakarang di na masyado pang napagtutuunan ng pansin. Sila'y mas maliliwanagan sa kahalagahan
sa pagsunod ng mga patakaran na natatag ng pamunuan ng Institusyon.

SA MGA GURO:

Malalaman ang totoong epekto ng pagkakaroong STUDENT MANUAL sa mga mag-aaral.


Malalaman kung ang mga mag-aaral ba ay patuloy na sumusunod sa mga ito kahit na hindi nakikita ng
guro. Mas mapagtutuunan ng pansin ang pagdidisiplina sa mga mag-aaral upang lalong matupad ang
patakaran ng Institusyon.

V. BATAYAN KONSEPTUAL:

INPUT:

Nais ng mga mananaliksik na malaman kung gaano kadami ang mga estudyanteng sumusuway sa
patakaran at regulasyon ng paaralang Santa, High, School, Incorporated at ang epekto ng paglaganap
nito kung kayat magsasagawa ang mga mananaliksik ng kwestyuner o survey na naglalaman ng mga
katanungan patungkol sa paksa.

PROSESO:

Ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng kanilang mga kwestyuner o survey sa mga estudyante
ng Santa, High, School, Incorporated upang makakalap ng mga impormasyon o datos patungkol sa
napiling paksa.
OUTPUT:

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay malalaman kung gaano kadami ang
sumusuway sa patakaran at regulasyon ng Santa, High, School, Incorporated at ang epekto nito sa kanila.

VI. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL:

Aming binigyang tuon ang pagsasagawa ng pananaliksik sa Santa, High, School, Incorporated. Ang
aming particular na respondente ay ang mga estudyante sa nasabing paaralan sa kadahilanang
karamihan sa kanila ay sumusuway sa patakaran at regulasyon kung saan maaari naming itong gamitin
upang makakalap ng impormasyon patungkol sa aming paksa.

VII. DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA:

PATAKARAN

Pinagtibay na kautusan na dapat tuparin ng mga tao na bumubuo ng isang pangkat at katulad,
alang alang sa pangkalahatang kapakanan, pasilidad, at iba pa.

REGULASYON

Mga tuntunin
DATOS

Impormasyonf

You might also like