Sugal Reaksyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PINAGBABAWAL NA SUGAL

Ano ang pagsusugal? May maidudulot kayang mabuting epekto sa atin o siya rin ang

sisira sa ating pagkatao? Bakit tayo napapasok sa sugal na siyang isa sa mga malaking isyu parin

sa ating lipunan?

Ang pagsusugal ay tumutukoy sa “paggamit ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga

kaganapan na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing intension ay Manalo o

karagdagang salapi o/ at mga material na bagay”.

Madaming negatibo ang nadudulot ng pagsusugal. Isa sa atin ay ang pagkatalo ng pera.

Pero bukod sa pera, may epekto rin ito sa emosyonal, sosyal at psychological. Hindi rin

maiiwasan talaga ang pag kasangkot ng pinansyal kung saan maraming pagka-utang at

pagkaubos ng ipon na pera o ari-arian na siyang pati trabaho na ay naaapektuhan. Pwede silang

matanggal dahil sa madalas na pag liban sa kanilang opisina o wala sa oras ng pagpasok.

Maari ding sumubok sila sa pagnanakaw ng pera o mga alahas para lang may maisugal.

Na siyang nag dudulot ng panganib sa kanilang buhay. Pwede ring ang pagsusugal ay

magbibigay ng sakit, pagkawala ng konsentrasyon at determinasyon para tapusin ang mga dapat

gawin. Ang pinakamatinding epekto ng pagsusugal ay ang pagkasira ng relasyon sa pamilya,

mga kaibigan at ibang tao.

Kaya ang pagsusugal ay walang maidudulot na maganda sa buhay ng isang tao. Ito

lamang ay sisira sa katauhan ng bawat isa. Kung maari, wag na itong subukan at mag pursigi

nalang upang makamit ang siyang ating minimithi. Nasa isang tao lamang ito kung may gusting

abutin, maniwala sa sarili at sabayan ng gawa upang ito ay matupad.

You might also like