Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPERTMENT OF THE EDUCATION


Region III
Division of Bulacan
District of Angat
MARCELO L. ADRIANO MEMORIAL SCHOOL
Encanto ,Angat ,Bulacan

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING


PANLIPUNAN 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlang Pilipino batay sa
pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga pamayanang pangkultural.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay naipagmamalaki ang pagkakakilanlang cultural ng Pilipino batay sa
pag-unawa, pagpapahalaga at pagsusulong ng pangkat kultural, pangkat etnolingguistiko at iba pang
pangkat panlipunan na bunga ng migrasyon at “inter-marriage”.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Natatalakay ang kahulugan ng pambansang awit at watawat bilang sagisag ng bansa
(AP4LKE-IIh-10)

II. NILALAMAN
A. Kagamitang Panturo
B. Sanggunian
1. Gabay ng Guro pah. 98-100
2. Kagamitang Pangmag-aaral pah. 215-221
C. Kagamitan
Video, Laptop, Projector, Powerpoint,

III. PAMAMARAAN

A. Mga Panimulang Gawain


1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagbilang ng mga dumalo

B. Balik-aral
Ilabas ang mga cellphone.
Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik.
Itext ang sagot sa 09988699536
Ang pinakamanbilis ang magwawagi.

1. O P E H Y I R A G A – ito ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar gaya ng klima,


lokasyon, hugis, topograpiya, anyong tubig, anyong lupa, at mineral.

2. A K L U T U R - ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinyon ng buong lipunan na


batay sa kanilang mga karanasan at kinagawian
3. N A B U H A K A Y - ang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan, at institusyon na may
kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto

Paano nagkaugnay ang heograpiya, kultura at kabuhayan sa pagkakakilanlang Pilipino?


“Ang lokasyon ay naglalarawan kung anong uri ng pagkakakilanlan mayroon sa isang pamayanan.
Ang lokasyon ay naglalarawan kung anong uri ng pagkakakilanlan mayroon sa isang pamayanan.
Inilalarawan din ng lokasyonang uri ng pamumuhay ng isang lugar. Mahalagang salik ang kultura
sa paraan ng hanapbuhay at lokasyon ng mga pangkat ng mamamayan. May kaugnayan ang lokasyon,
kultura at uri ng kabuhayan sa pagkakakilanlan ng Pilipino.”

C. Paghahabi sa layunin ng aralin


Video Analysis: Ipanood ang video ng Lupang Hinirang ng Mula Sa Youtube
(https://www.youtube.com/watch?v=ourtXdYLsjg)

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


 Ano ang iyong nararamdaman tuwing inaawit ang ating pambansang awit?
 May pagmamalaki ba sa iyong puso habang iniaawit ito?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pagtalakay sa Aralin: Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng pambansang awit bilang sagisag ng bansa
Ipagawa ang Gawin Mo – Gawain A – pah. 219-220 LM

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pagsasagawa ng mga mag-aaral ng Singing Bee.
Iaayos ng bawat mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng liriko ng Lupang Hinirang.
Pangkatang Gawain:
Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang pagmamahal at paggalang sa ating pambansang awit

G. Paglinang sa kabihasnan

 Ipagawa ang Gawin Mo –


Gawain B – pah. 220 LM
 Presentasyon ng Awtput/ Dula-dulaan. Gamitin ang rubricpara sa dula-dulaan.

Kailangan pa ng
Katangi-tangi Mahusay Katamtaman
dagdag na pagsasanay
(4) (3) (2)
(1)
Hindi gaanong
Napakahusay ng Mahusay ang Mahina ang
mahusay ang
pagbigkas ng dayalog pagbigkas ng dayalog pagbigkas ng dayalog
pagbigkas ng dayalog
nang may angkop na nang may angkop na nang may angkop na
nang may angkop na
lakas ng boses lakas ng boses lakas ng boses
lakas ng boses
Hindi gaanong
Napakahusay ng Mahusay ang Mahina ang
mahusay ang
pagbigkas ng dayalog pagbigkas ng dayalog pagbigkas ng dayalog
pagbigkas ng dayalog
nang may angkop na nang may angkop na nang may angkop na lakas
nang may angkop na
lakas ng boses lakas ng boses ng boses
lakas ng boses
Ang kilos ng katawan Ang kilos ng katawan Ang kilos ng katawan
at ekspresyon sa Ang kilos ng katawan at ekspresyon sa at ekspresyon sa
mukha ay lubos at ekspresyon sa mukha ay hindi mukha ay hindi
na nakatulong sa mukha ay nakatulong gaanong makatulong nakatulong sa
pagpapahayag sa pagpapahayag sa pagpapahayag pagpapahayag
ng damdamin ng ng damdamin ng ng damdamin ng ng damdamin ng
dayalog dayalog dayalog dayalog

Gumamit ng Gumamit ng sapat na


Gumamit ng kaunting Hindi gumamit ng
maraming materyales materyales para sa
materyales para sa materyales para sa
para sa ikagaganda ikagaganda ng
ikagaganda ng ikagaganda ng duladulaan.
ng dula-dulaan duladulaan
duladulaan

Hindi gaanong
Malinaw na Hindi malinaw na
Lubhang malinaw malinaw na
naipahayag ang naipahayag ang
na naipahayag ang naipahayag ang
mensahe ng duladulaan mensahe ng duladulaan
mensahe ng duladulaan mensahe ng duladulaan
Lubos na wasto May ilang mali Maraming mali
Maling lahat ang
ang mga datos at sa datos at ang mga datos at
mga datos at
impormasyong impormasyong impormasyong
impormasyong
ipinarating ng dula ipinarating ng dula ipinarating ng dula
ipinarating ng dula

H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang mag-aaral, paano mo ipakikkita sa iyong pang-araw-araw na buhay ang paggalang sa
ating pambansang awit?

I. Paglalahat ng aralin

Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan Mo –


pah. 221 LM
J. Pagtataya ng aralin
 Pasagutan ang Natutuhan Ko, p. 221.

 Pagbibigay ng marka sa ipinakitang dula-dulaan gamit ang rubric para dito

K. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Isulat ang titik (lyrics) ng pambansang awit ng Pilipinas sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

DEVERLY ANN D. BERNABE


Teacher I, Paaralang Elementarya ng San Mateo
Nagpakitang-Turo
Binigyang Pansin:

EVELINDA C. SANTOS
Tagapayong Pampurok sa AP
Purok ng Silangang Norzagaray

Pinagtibay:

GUILLERMO J. FLORES, Ed. D.


Tagapamasid Pampurok

You might also like