Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division Office of Pampanga
San Miguel Elementary School
San Miguel, San Simon, Pampanga
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
S.Y. 2019-2020

Pangalan:___________________________________________ Petsa:_________________
Paaralan:___________________________________________ Marka:_________________
I. Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Napapanood mo sa telebisyon ang lawak ng pinsalang dinulot ng isang malakas na lindol sa


Mindanao.Marami ang nangangailangan ng tulong.Paano ka magbibigay ng tulong samganasalanta?
A. bukal sa kalooban
B.kaunti lang
C.masama ang loob
D. may duda
2.Paano natin maipamamalas ang pagpapahalaga sa ating kapwa? Sa pamamagitan ng_________.
A. Kung sila ay may suliranin bayaan mo lang sila.
B. Pagdamay sa kanila sa panahon ng kalungkutan.
C. Turuan silang magsugal para makalimot.
D. Yayain silang uminom ng maraming alak para malasing.
3. Ano ang pinaka sagradong handog ng Diyos sa atin?
A. buhay
B.damit
C.pagkain
D. pera
4. Ang pag-iwas sa gulo, alitan,pagtatalo, di pagkakaunawaan ay mga paraan para matamo
ang ____________.
A. kalinisan
B.kalusugan
C. kapayapaan
D. kayamanan
5. Sa ____________unang iminulat at ipinadama ang iba’t-ibang uri ng pagpapahalaga.
A.paaralan
B.pagamutan
C. simbahan
D.tahanan
6. Ang______________ay nangangahulugan ng paggawa ng mabuti para sa iba.
A. pag-aaway
B.pagmamahal
C.pagmamalaki
D. pagtitimpi
7. Handog ng Diyos ang buhay natin. Marapat lamang na atin itong ingatan at pangalagahan.
Sa papaanong paraan natin itong ingatan?
A. Kumain ng masustansiyang pagkain at magpahinga sa takdang oras.
B. Lagi tayong magpuyat kasama ang mga barkada.
C. Magtrabaho maghapon at magdamag para kumita ng maraming pera.
D. Uminom ng maraming inuming nakakalasing.
8. Ang pagtanggap ng _____________na bigay ng Maykapal ay magdudulot ng kapanatagan sa tao.
A. isisisi
B. mabigat
C. maluwag
D. pasaway
9. Nasunugan ang kaibigan mo. Humingi ng tulong ang inyong simbahan upang matulungan ang
pamilya ng kaibigan mo. Bilang kanyang kaibigan,paano ka makakatulong?
A. Hindi ko papansinin ang panawagan ng simbahan.
B. Kakausapin ko siya upang itanong kung bakit hinayaan nilang masunog ang kanilang
bahay.
C. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
D. Wala akong gagawin dahil hindi ko siya obligasyon
10. Lahat ng halimbawa ng slogan ay tama,maliban sa isa. Alin ito?
A.Kumain ng gulay upang humaba ang buhay.
B. Mag-ehersisyo araw-araw upang ang katawan aymaigalaw-galaw.
C. Prutas at gulay kainin,sustansiya ang lagging isipin, malusog na pangangatawan ang
aanihin.
D. Puro karne ang kainin upang lumusog at lumakas.

11. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga ng


mga halaman sa ating kapaligiran?
A. Hayaan lang na minsan sa isang lingo diligan ang mga halaman.
B. Ilagay sa ilalim ng mga halaman ang mga basurang plastic.
C. Pagdidilig ng mga damo sa paligid ng mga halaman.
D. Patubuin ang mga damo sa paligid ng mga halaman.
12. Ang _________ ay panimbang sa lahat ng kalabisan tulad ng init at polusyon.
A. buffer system
B. global warming
C.pollution
D. reforestation
13. May prosesong sinusunod ang nagnanais mag-alaga ng anumang klase ng protected at
endangered species. Pero kung tayo ay lalabag sa batas maaari tayong makulong at
magmulta mula_________.
A. P200 000.00 to P300 000.00
B. P200.00 to P300 000.00
C. P200.00 to P350 000.00
D. P200 000.00 to P350 000.00
14. Ang DENR ay isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa ng pag-aalaga ng ating
kapaligiran. Ano ang ibig sabihin ng DENR?
A. Department of Environment and national Railway
B. Department of Environment and Natural Resources
C. Department of Environment and National Resources
D. Department of Environment and National Review
15. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga halaman
sa kapaligiran, maliban sa isa. Alin ito?
A. Pagapak sa halaman sa bakuran.
B. Paglahok sa proyektong “Plant a Tree in a Day” sa ating barangay.
C. Paglalagay ng kawayang bakod sa mga bagong tanim na puno at halaman
D. Pagsasawalang bahala sa mga hayop na kumakain ng bagong tanim na halaman

16. Alin sa mga sumusunod na mga hayop ang kabilang sa mga endangered animals ng ating
bansa?
A.ahas
B.baboy
C.pato
D.tarsier
17. Anong batas ang nagbabawal sa pagmamaltrato at pananakit sa mga hayop?
A. Republic Act No. 8485
B. Republic Act No. 9225
C. Republic Act No. 1036
D. Republic Act No. 1997
18. Isa ang mga hayop sa nilikha ng Diyos. Sa panahon ngayon ay marami na ang sinasabing
endangered animals. Ano ang ibig sabihin ng endangered?
A. naiiba ang uri
B. parami ng parami
C. paubos na
D. wala sa pagpipilian
19.Sa isang pagtitipon na dinaluhan ninyong magkaklase, may isa sa mga namamahala doon ay
kakaiba ang kanyang paniniwala sa inyong ginagawa. Ano ang gagawin ninyo?
A. Pagtatawanan naming siya.
B. Irerespeto naming ang kanyangpaniniwala.
C. Paaalisin naming siya dahil nakakaabala lang siya sa aming ginagawa.
D.Wala lang.
20. May nakita kang pusang pagala-gala sa inyong lugar na binabato ng mga salbaheng bata.
Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko na lang papansinin ang mga bata sa kanilang ginagawa.
B. Kukunin ko ang pusa at itatapon sa sapa.
C. Sasamahan ko ang mga batang nambabato sa pusa.
D. Sasawayin ko ang mga bata at iuuwi ko ang pusa at aalagaan ito.
21.Ang ________ay maituturing na pinakamahalaga at pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ng
Diyos sa atin.
A. kaligayahan
B. kalikasan
C. kasikatan
D. Kayamanan
22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga
sa biyaya ng kalikasan?
A.Itapon ang iyong basura sa sapa kapag walang nakakakita.
B. Pagsuporta sa illegal loggers tungkol sa pagputol ng mga punong-kahoy sa kabundukan.
C. Pagtulong sa pagdidilig ng mga halaman sa bakuran ng halaman.
D. Yayain ang mga kaibigan na sirain ang mga bagong tanim na halaman sa inyong
komunidad.

23. Kung patuloy ang pagputol sa mga punungkahoy sa ating kabundukan, ano ang maaring
mangyari sa ating kapaligiran?
A. Kikita ang mga illegal loggers
B. Magkakaroon ng malawakang pagguho ng lupa
C. Maraming muwebles ang magagawa
D. Marami tayong gagamiting panggatong
24.Ano ang malimit na nagiging dahilan ng pagbaha sa mga mababang lugar ditto sa Pilipinas?
A.Ang walang tigil na pagputol sa mga punongkahoy
B. Masyado ng maraming tao sa bansa.
C. Tumataas ang tubig sa dagat.
D. Wala lang.
25. Ano ang iyong mararamdaman kung makakita ka ng mga tao na kinakalbo ang mga bundok dahil
sa illegal
logging at nagtatapon ng patay na hayop sa sapa?
A. Hayaan mo lang sila.
B. Isusumbong mo sa mga taong may awtoridad tungkol sa illegal na gawain.
C. Maiinis ka at bubulyawan mo sila.
D. Makikisama ka sa kanilang ginagawa.
26. Ang iyong brangay ay naglunsad ng proyektong “Magtipon ng mga Buto at Binhi” para sa
pagtatanim ng mga gulay sa buong lugar. Paano mmo ibabahagi ang iyong oras?
A. Ako ay magtitipon ng mga buto at binhi at ibibigay ko sa barangay.
B. Ayoko ng ganitong proyekto.
C.Magmumungkahi ako ng tindahan na mabibilhan nila ng mga buto at gulay.
D. Wala akong alam sa mga buto at binhi.
27. Ang Community Extension Services Unit ng isang kilehiyo na malapit sa inyong lugar ay
maglulunsad ng isang programa tungkol sa gulayan sa bakuran na makakatulong sa inyong
lugar.Ano ang inyong gagawin?
A. Hindi ako interesado sa ganitong proyekto.
B. Hindi ko na kailangang dumalo pa dahil alam ko na ang mga sasabihin nila.
C.Magbibigay ako ng sapat na oras at panahon sa pagdalo sa isasagawang paglulunsad ng
proyekto.
D. Wala akong pakialam sa pagtatanim ng gulay sa aming bakuran.
28. May proyektong inillunsad sa inyong pamayanan.Ito ay ang pagtatanim ng puno sa tabi ng kalye
at pangunahing lansangan,Paano ka lalahok dito?
A. Ako ang kukuha ng kanilang larawan.
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Lalapit ako sa namamahala ng proyekto at alalamin kung paano ako makakatulong.
D. Magpapakilala ako sa namamahala at kukumustahin ko siya.
29. Ang punong barangay ng inyong lugar ay nagpapatawag ng pulong para sa kabataang tulad
ninyo
para sa illulunsad na bagong proyektong “ Halamang Gamot para sa Kalusugan”. Papaano mo
ibabahagi ang iyong oras sa proyektong ito?
A. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang maidudulot ng proyektong ito
s amin.
B. Hindi ako dadalo sa pulong.
C. Hindi ako interesado dahil wala akong pakialam sa proyekto.
D. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
30. Kasya lang ang bahay ninyo sa kinatitirikan nitong lupa. Wala itong bakanteng lupa na
mapagtatamnan.
Nais mong makilahok sa proyektong pagtatanim ng gulay.Ano ang iyong gagawin?
A. Bibili ako ng artipisyal na halaman.
B. Iisip na lang ako ng ibang proyekto.
C. Kakalimutan ko na lang ang pagsali.
D. Magtatanim ako sa mga lata, paso, lumang plastic na timba,palanggana o batya.
31. Alin sa mga sumusunod ang magpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan sa
inyong bahay?
A. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kagamitang hindi ko na ginagamit.
B. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitang idinidisplay sa cabinet para
magandang
tingnan.
C. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginagamit ko sa pagkain.
D. Ginagamit ko ng may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay
upang hindi
masira.
32. Kumain ka ng kasoy. Nang maubos ito, napagpasiyahang mong huwag itapon ang mga buto nito.
Sa anong paraan nakatulong ang batang katulad mo sa pagsasagawa ng ganitong ugaling
ippinakita?
A. Hindi pangangalaga sa pagpapatubo at pagpaparami ng halaman.
B. Pagpapahalaga sa pagpapatubo at pagpaparami ng halaman.
C. Pagpapakita ng kalinisan sa kapaligiran.
D. Pagpaparami ng kalat na buto.

33. Alin sa mga sumusunod ang tama?


A. Ang pagputol sa mga malalaking mga puno ay nagpapakita ng proteksiyon sa kapaligiran.
B. Ang pag-i-spray ng mga insecticides sa mga gulayan ay tanda ng pagiging balanseng
kapaligiran.
C. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ay tamang paraan upang tugunan ang problema sa
basura.
D. Ang pangangalaga at paghanga sa mga bulaklak at iba pang halaman ay isang paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.
34. Sa iyong palagay, ano kaya ang magiging kinabukasan ng mundo kapag nagpatuloy pa ang
pagkasira ng kalikasan?
A. Magiging maganda dahil sa dami ng basurang nakakalat.
B. Marami ang mapapahamak at magkakasakit dahil sa pagkasira ng kalikasan.
C. Maraming yayaman na mga tao.
D. Lahat ay tama.
35. Kailan ipinatupad ang republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004, bilang
pagkilala sa kahalagahan sa proteksiyon sa mga yamang-tubig at mga katubigan sa Pilipinas?
A. Marso 2004
B. Marso 2005
C. Marso 2006
D. Marso 2007
36. Anu- anong gamit sa ating bahay,paaralan at pamayanan ang maaring magawa mula sa likas na
yaman o kalikasan?
A. damit, pantalon, paying, chalk
B. kotse, truck,jeep, train
C.lamesa, upuan, pisara, cabinet
D. papil,lapips,plastic, bolpen
37. Isang araw sa pagdating mo sa bahay galing paaralan ay napansin mong ang iyong kahoy na
upuan sa terrace na pamana pa ng lolo’t lola mo ay naulanan. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan ko na lang, luma na rin.
B. Kunwari hindi ko nakita
C. Kukunin at itatabi ko sa lugar na hindi mababasa.
D. Uutusan ko ang kapitbahay namin na kunin ito at kanya na lang.
38. Isinasaad sa Presidential decree No. 705 o Revised Forestry Code na ang mga punongkahoy na
maaring putulin ay yaong mga punong may diyametrong_______.
A. 50 sentimetro
B. 60 sentimetro
C. 70 sentimetro
D. 80 sentimetro
39. Anong batas ang nagpapakita ng kahalagahan sa proteksiyon ng mga yamang-ttubig at ng mga
katubigan sa Pilipinas?
A. Republic Act No. 9275
B. Republic Act No. 8749
C. republic Act No. 9147
D. Republic Act No. 8485
40. Ang mga sumusunod ang may mga dahilan ng pagkasira ng ating likas na yaman o kalikasan,
maliban sa isa. Alin ito?
A. Paggamit ng insecticides
B. Pangangalaga n gating pananim.
C. Pagsusunog ng mga basura, palstik at papel.
D. Paninigarilyo ng mga tao sa paligid.

You might also like