Pagganyak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Billy John M.

Jallorina
BSEd 4-6 (Social Studies)

PAGGANYAK

Paksa: Interaksyon ng Suplay at Demand (Economics)

Kagamitan: 50 chocolates

Sitwasyon:

Ang guro ay ipagpalagay na may tindahan ng masarap na tsokolate at ang mga mag-aaral
ay mga mamimili. Hihikayatin ng guro/tindera ang kanyang mga mag-aaral/mamimili na bumili
ng kanyang panindang tsokolate. Limampiso ang presyo ng bawat tsokolate ngunit pwede pa
itong tawaran ng mga mamimili kung maramihan ang bibilhin nito. Ang gagamiting pambili ng
mga mag-aaral ay nakabase lamang sa listahan ng mga gamit na ipakikita ng guro sa mga mag-
aaral. Bawat gamit ay may katumbas na halaga. Narito ang listahan:

Mga Gamit na Maaaring Ipamalit Pambili Katumbas na Halaga


Ballpen (any color) 5.00
Cellphone (touch screen) 5.00
Belt 5.00
Pencil eraser 5.00
Charger 6.00
Kwintas 6.00
Relo 6.00
Panyo 7.00
Permanent White Board Marker 7.00
Scotch tape 8.00
Gunting 9.00
Cellphone (keypad) 10.00

Sasabihin ng guro na mayroon lamang siyang 50 tsokolate sa araw na iyon, at ang mag-
aaral na makabibili ng pinakamaraming tsokolate sa paninda niyang ito ay may karagdagang 5
puntos sa susunod nilang mahabang pagsusulit. Pabilisan lamang ito at kung sino man ang may
pantapat na pambili ay mangyari lamang itaas ang kamay at ipakita ang kanyang mga gamit na
gagamitin sa pagbili ng tsokolate. Ang sinomang may pinakamataas na nabili ang siyang
mananalo at ibibigay ang tsokolate sa kanya kapalit ng mga gamit. Sa kanya na ang tsokolate,
ngunit ibabalik din ang mga gamit nitong ipinambili pagkatapos ng klase o kahit pagkatapos ng
bentahan.

Samantala, ganito dapat ang mangyaring tawaran. (Hindi ito ipakikita sa mga mag-aaral.)
Kung gusto ng mamimili ay bilhin ang bawat Sasabihin ng guro na ang kaya lamang niyang
tsokolate sa halagang … ipagbili ay …
5.00 50
4.00 40
3.00 30
2.00 20
1.00 10

Kung ang gustong bilhin naman ng mamimili Sasabihin ng guro na kaya niya itong ipagbili
ay … sa halagang …
10 tsokolate 5.00 kada isa
20 tsokolate 4.00 kada isa
30 tsokolate 3.00 kada isa
40 tsokolate 4.00 kada isa
50 tsokolate 1.00 kada isa

Matapos ang bentahan ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na
tanong:

 Sa nanalo, ano ang naramdaman mo?


 Sa mga natalo, anong pakiramdam? Anong kinaharap na problema bakit hindi nakabili?
 Anong napansin niyo sa ginawa nating gawain?
 May ugnayan/relasyon bang naganap sa pagitan ng guro at ng mag-aaral? Ano ito?
Pakipaliwanag.

Dapat maipalabas na nagkaroon ng interaksyon sa pagitan ng demand ng mga mamimili


at suplay ng mga prodyuser. Na ganito ang nangyayari sa pamilihan. Na ang
relasyon/pagkakasundo ng mga mamimili at nagtitinda ay mahalaga upang magkasundo ang
dalawa at walang malugi/masayang/sumobra.

Simulan na ang Paglalahad.

You might also like