Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Cebu City National Science
High School
Salvador St. Labangon Cebu City
Telephone No. (032) 261-2802
Telefax No. 262-2770
SY 2017-2018

_________________________________________________________________________

Kabisaan ng Scanning at Skimming


sa
Pagkatuto ng mga
Mag-aaral sa Senior High

Mga Mananaliksik:
Adaya, Jerico
Divino, Clint
Go, Felix
Guzman, Drexter
Labiste, Giancarlo
Sanchez, Zyle
Santos, Edreyan

Ang Sulating-Pananaliksik na ito ay ipinipresenta kay:


Gng. Irish L. Tadios
Pebrero 2019
ABSTRACT

Ang pananaliksik na ito ay nagawa dahil sa kanais ng mga mananliksik na

matukoy ang kabisaan ng kakayahang pagbasa sa pagkatutosa mga aralin at iba

pang gawain sa pang araw-araw na pamumuhay. Matutunghayan sa

pananaliksik na ito ang kabisaan ng isang kakayahang pagbasa sa pagkatuto.

Ginawa ito upang matunghayana natin ang kabisaan nga paggamit nga

Scanning at Skimming sa pag-aaral at sa pang- araw-araw na gawain. Sa pag-

gawa ng pnanaliksik na ito ay gumawa kami ng mga survey upang ipamigay sa

mga piling tao para sagutin ang mga tanong sa survey at maipakita kung paano

at ano ang dulot ng paggamit nila nito sa mga kakayahang pagbasa na ito.

Pagkatapos ng survey ay tinipon-tipon na namin ang mga resulta at nakita namin

na ibat-iba ang mga sagot nila at iba’t-ibang mga teknik ang ginamit nila sa pag-

aaral.

Sa resulta ng mga nakuha naming mga survey ay di tiyak kung ano talaga

ang pinaka mabisang kakayahang pagbasa ang maari naming magamit naming

sa pagaaral at pang araw-araw naming pamumuhay.

Mga Susing Salita:

Scanning, Skimming, pananaliksik, Impormasyon, pagbasa, pagkatuto, kabisaan,


mag-aaral
TALAAN NG NILALAMAN

Abstrakt………………………………………………………………………………….i

Rasyonale……………………….……………………………………………………...ii

Kabanata I : Ang Suliranin at Saklaw Nito…………………………….………….iii

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………

Pangkalahatang Layunin……………………………………………….2

Tinitiyak sa Pag-

aaral…………………………………………………...2

Tesis na Pahayag……………………………………………………….2

Balangkas ng Pagkakaroon……………………………………………2

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………….3

Depinisyon ng mga Terminolohiya…………………………………….3

Kabanata II : Mga Kaugnay na Aral at Literatura………………………………..iv

Mga Kaugnay na Babasahin…………………………………………...4

Mga Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………7

Kabanata III : Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik……………………….v

Kabanata IV : Paglalahad, Pagsusuri, at Pagbibigay-kahulugan sa mga

Datos…………………………………………………………………………………….vi

Konklusyon……………………………………………………………13

Rekomendasyon……………………………………………………….13

Curriculum Vitae……………………………………………………………………...vii

Apendiks………………………………………………………………………………viii
Bibliograpiya…………………………………………………………………………..iv

Abstrakt

Ang pananaliksik na ito ay nagawa dahil sa kanais ng mga mananliksik na

matukoy ang kabisaan ng kakayahang pagbasa sa pagkatutosa mga aralin at iba

pang gawain sa pang araw-araw na pamumuhay. Matutunghayan sa

pananaliksik na ito ang kabisaan ng isang kakayahang pagbasa sa pagkatuto.

Ginawa ito upang matunghayana natin ang kabisaan nga paggamit nga

Scanning at Skimming sa pag-aaral at sa pang- araw-araw na gawain. Sa pag-

gawa ng pnanaliksik na ito ay gumawa kami ng mga survey upang ipamigay sa

mga piling tao para sagutin ang mga tanong sa survey at maipakita kung paano

at ano ang dulot ng paggamit nila nito sa mga kakayahang pagbasa na ito.

Pagkatapos ng survey ay tinipon-tipon na namin ang mga resulta at nakita namin

na ibat-iba ang mga sagot nila at iba’t-ibang mga teknik ang ginamit nila sa pag-

aaral.

Sa resulta ng mga nakuha naming mga survey ay di tiyak kung ano talaga

ang pinaka mabisang kakayahang pagbasa ang maari naming magamit naming

sa pagaaral at pang araw-araw naming pamumuhay

Mga Kaugnay na Salita:

Scanning, Skimming, pananaliksik, Impormasyon, pagbasa, pagkatuto, kabisaan,

mag-aaral, datos, paglahad, paglalarawan, impluwensya, pasulit, kakayahan,

konklusyon, kabanata, paksa, nakaapekto, pinakamainam, detalye, teksto,

paglikom, tiyak, agos ng panahon, angkop, sitwasyon, mabisa,


Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng

mga impormasyong sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

Ang pagsusuri na ito ay tungkol sa dalawang kakayahang pagbasa na ang

scanning at skimming. Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na

ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa

habang ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin

ang kahulugan ng kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya. Ang

dalawa ay makakatulong sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy

ba siya sa kanyang pagbabasa. Malalaman natin dito na ang paggamit ba sa

dalawang kakayahang pagbabasa ay mabisa ba kung gagamitin ito sa pag-aaral

ng mga mag-aaral. Gamit din nito ay pwede nating malaman kung saan sa

dalawa ang mas gustong gamitin ng mga mag-aaral.

RASYONALE

Ang makabagong panahon ay pinapatakbo ng impormasyon. Kung sino

man ang may alam ay siya ring may kakayahan. Ika nga ni Alvin Toffler, “The

illiterate of the 21st century will not be those who cannot read and write, but those

who cannot learn, unlearn, and relearn.” Sa panahong laganap na ang mga

pamamaraan ng paglikom ng impormasyon, ang sino mang walang makakalap

ay tiyak na mahihirapang sumabay sa agos ng panahon.

Sa panahon ngayon, ang pinakamainam na paraan ng pagkuha ng

impormasyon ay ang pagbabasa. Kung mayroon mang tao ang kayang magbasa
ngunit hindi kayang matukoy ang kung ano ang mga mahahalagang detalye ay

lalong matatagalan sa pagbabasa at di kalaunan ay matatagalan din sa

pagkatuto.

Dito na natin matutunghayan ang kahalagahan ng dalawang kakayahan

sa pagbasa: ang scanning at skimming. Kung pinakamainam na ang pagbabasa

ay mas pinapahusay pa ng dalawang kakayahang ito ang kabisaan ng

pagbabasa. Ang scanning ay ang kakayahan sa pagbasa na ginagawang

hanapin ang mga mahahalagang detalye lamang sa isang teksto habang ang

skimming ay ang kakayahan ng pagbasa na ginagawang madalian ang pag-

iintindi sa kabuuang kahulugan ng isang teksto. Pareho silang ginagawa ng

mabilisan, ngunit iba ang kanilang mga pakay na detalye sa isang basahing

teksto.

Ang pakay ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga preperensiya ng mga

estudyante sa pag-aaral ng isang paksa. Nais matukoy ng pag-aaral na ito kung

mayroon bang pinipiling kakayahan ang mga mag-aaral sa pagbasa at kung

paano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Dagdag pa nito, hangarin ng pag-

aaral na ito ay ang malaman kung mayroon bang mga piling mga paksa na

naangkop na gamitan ng isang ispesipikong kakahayan lamang. Lahat ng ito ay

nakabatay sa mga opinion ng mga mag-aaral na makakapanayam at

mapagtatanungan.

Paglalahad ng Suliranin

Sa panahon ngayon ang mga mag-aaral ay lumalayo na sa mga papel.

Ayaw na nilang magbasa ng mga matataas na kwento o teksto. Pinipili na nila

ang gumamit sa kanilang mga kagamitang moderno katulad ng kanilang mga

cellphone at kompyuter. At kaugnay sa kanilang pagkawili nito at sa paglayo nila

sa nakagawiang pagbabasa nahihirapan na silang sumagot sa mga “pagbabasa

at pagsagot sa tanong” na bahagi sa kanilang pasulit. May dalawa silang

maaring gamitin na paraan sa pagbasa nito pwede nilang magamit ang scanning
o skimming na paraan sa pagbabasa. Alin nga ba sa dalawa ang mas epektibo

para sa mga estudyante yung scanning ba na mabilisan na pagbasa lamang na

ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon o ang skimming na

mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuhang

teksto.

Pangkalahatang Layunin

Matukoy kung ano ang mas mabisang kakayahang pagbasa para matuto.

Upang malaman kung ano sa dalawang pamamaraan ng pagbabasa ang mas

gustong gamitin ng mga mag-aaral. Kung saan sa dalawang kakayahang

pagbabasa ang mas madaling gamitin sa pagkatuto ng isang mag-aaral.

Tinitiyak sa Layunin ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ang tinitiyak sap ag-aaral:

1. Matasa ang pagiging epektibo ng scanning at skimming sa

pagsagot ng isang markahang pasulit;

2. Matukoy ang preperensiya na paraan ng pagbasa ng mga mag-

aaral at;

3. Matukoy ang iba’t ibang gawi ng mga mag-aaral sa gawaing

pagbabasa.

Tesis na Pahayag

Ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay nakabatay sa kakayahang

pagbabasa na ginamit sa pag-aaral.

Balangkas ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang balangkas ng pananaliksik upang magabay

ang pagkuha ng mga datos:


1. Kaalaman ng mag-aaral sa mga kakayahang pag-basa.

2. Ginagamit na kakayahang pagbasa ng mag-aaral.

3. Kaangkupan ng isang kakayahang pagbasa batay sa sitwasyon.

4. Perperensiya ng mag-aaral sa paggamit ng kakayahang pagbasa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mapalawig ang kaalaman

ng mga taong makakabenepisyo sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay

mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng isang guro sa

pagpapaibayo ng mga kaalaman sa mag-aaral.

Mag-aaral. Ang datos na makakalap sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa

paglinang ng kanilang kaalaman tungkol sa scanning at skimming at magagamit

nila ito sa kanilang pag-aaral.

Mananaliksik. Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay magagamit ng mga

mananaliksik sa nagsasagawa ng isang pananaliksik.

Magulang. Makatutulong ito sa kanila upang mainam na malaman at maibahagi

nila sa kanilang mga anak ang impormasyon tungkol sa pagpapahalaga ng

proseso ng pagbasa.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA:

Upang maging madali at mas ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya

batay sa paggamit namin sa pamanahong papel.


Sa panahon ngayon, ang pinakamainam na paraan ng pagkuha ng impormasyon

ay ang pagbasa.

Scanning ay ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin

ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.

Skimming ay ang mabilisang pagbasa na ang layunon ay alamin ang kahulugan

ng kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya.

May dalawa silang maaaring gamitin na paraan sa pagbasa nito, maaari nilang

gamitin ang scanning o skimming sa paraan sa pagbabasa. 3

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN AT PAG-AARAL

Sa mga sangguniang aming nakalap, makikita na ang kakayahang pagbasa na

scanning at skimming ay ginagamit sa iba't-ibang sitwasyon. Ngunit may mga

preperensiya ang ilang mga tao. Ang scanning na ginagamit para makakuha ng

ispesipikong impormasyon na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa

pagkatuto ng mga bagay. Ang skimming na ginagamit para makuha ang buod ng

isang teksto na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral upang makaunawa sa

ideya ng isang mahabang teksto. Malaki ang kaugnayan ng mag-aaral sa paraan

ng kakayahang pagbasa na kanilang pinili dahil ito ay nakakaapekto sa kanilang

pagkatuto o pag-aaral. Ito rin ay nakakatulong para sa mga guro dahil madali na

natututunan ng mga mag-aaral ang mga ibinigay na teksto.

Mga Kaugnay na Babasahin

Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at

pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay

proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa

ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa

pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng maakda. Dagdag pa


sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita, pakikinig at pagsusulat. Malaking

kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong

kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay

na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa,

ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang

binabasa ay pagkalibangan.

Sa kasalukuyan maraming eksperto ang  naniniwala na nababawasan ang bilang

ng mga mag-aaral na nahihilig sa pagbabasa ng aklat, magasin o pahayagan

man.

Maaaring ito ay nakabatay sa kanilang kakayahang magbasa at sumulat ng may

kasanayan. Sa ganitong mga gawain  ay naipapahayag nila ang personal na

layunin, kakayahan, pagkatuto at pagkaunawa.

Nakikitang  malaki ang tulong  ng mga Reading Centers para sa ibat-ibang

asignatura, ngunit lalong higit na kailangan ito sa English at sa Filipino. Ang  mga

asignaturang ito ay dapat lamang na may mga nakahandang Reading Program

ayon sa lebel, o antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, sapagkat hindi maitatangi

ng mga guro na may mga mag-aaral pa sa mataas na paaralan, na may suliranin

pa sa pagbasa.

Kung napapansin ng mga guro na ang mga tinuturaan nila ay tila nawawalan ng

gana sa pagbasa at hindi na napapansin ang mga estudyanteng nangagbabasa

kung bakanteng oras o walang klase, sa halip ang kanilang mga hawak ay ibat

ibang gadgets, marahil ay panahon na upang pagtuuanan nang pansin ang mga

ginagawang mga gawain na kailangan ang pagbasa. Kung naapansin na tila ay

hindi interesado ang mga mag-aaral, marahil ay panahon na upang tanungin ang

sarili, tungkol sa mga ginagamit na mga kagamitang panturo, o mismong ang

aralin at akmaan niya ng mga pagbabago.  


Ang suliraning itoay dapat na pagtuunan ng pansin. Bigyan natin muli ng buhay  

ang inyong mga Filipino Classrooms

Una persepsyon ang kakayahang bigkasin ng mga pag unawa ng mga

salita. Ikalawa komprehensyon ang kakayahang maunawaan ang nilalaman ng

teksto sa pamamagitan ngpagbuo ng isang konsepto. Pangatlo reaksyon

nangangailangan ito ng paghuhusga at pagwawari tungkol sa kung ano

angsinasabi ng awtor. Ika-apat at huli integrasyon kakayahang maiangkop sa

buhay ng mambabasa ang anumang konseptongnaunawaan upang maging

mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan.

Mabilisang pagbasa (Skimming) Ito ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya

ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang

pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin.

Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng

pagbasa.

Pahapyaw na Pagbasa (scanning) Tumutukoy ito sa paghahanap ng isang tiyak

na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na

makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga ito’y makita ang

hinahanapsa madali at mabilis na paraan.

Ang pag-scan ay tumutukoy sa isang pamamaraan na ginagamit sa pagbabasa

upang makuha ang tiyak na impormasyon sa isang teksto. Ang mga mata ng

mga mambabasa ay mabilis na kumilos sa pamamagitan ng teksto sa

paghahanap ng mga parirala o mga keyword. Ito ay higit sa lahat na ginagamit

para sa mga gawain na hindi nangangailangan ng pag-unawa sa bawat salita sa

katawan ng kopya, iyon ay, ang mga gawain sa paggalugad. Ang pagsusuri ay

lubhang kapaki-pakinabang sa pag-aaral kapag naghahanap ng tiyak na data sa

isang libro o artikulo.


Ang susi sa proseso ng pag-scan ay mabilis na mahanap ang mahalagang at

detalyadong impormasyon. Gamit ang mga kasanayan sa pag-scan o pag-scan

sa mata matututunan mo upang mangolekta ng mga detalye at punan ang mga

puwang sa data. Mahalaga at paulit-ulit na mga salita ay isinasaalang-alang sa

panahon ng pag-scan ng teksto. Dapat mong bigyang-pansin ang mga

kahulugan, naka-highlight na mga salita, lalo na ang mga salita sa italics o bold.

Matuto upang makita ang mga petsa at istatistika at iba pang mga uri ng mga

numero. Huwag subukan na basahin ang bawat salita. Kapag nag-aaral, kung

alam mo kung ano ang iyong hinahanap, pag-isipan ang mga tanong at hanapin

ang mga sagot. Ang ilang mga may-akda ay naglalagay ng mahahalagang

impormasyon sa mga gilid ng pahina.

Pagkatapos ng pag-scan ng isang artikulo o teksto, tandaan ang pag-scan ng

pagbabasa. Ang sweep ay tumutukoy sa pagbabasa ng data, tatlo hanggang

apat na beses na mas mabilis kaysa sa normal na pagbabasa. Muli, hindi mo

dapat basahin ang bawat salita. Kapag nahaharap sa mahabang mga teksto at

limitadong oras, maaaring kailanganin ang pagbabasa ng pag-follow-up.

Ginagamit ng mga mananaliksik ang paglilinis kapag naghahanap ng mga bagay

para sa mga lugar na interesado. ay nangangahulugan ng pagbabasa ng unang

talata at ang huling o unang pangungusap ng bawat talata. Ang mga abstract at

iba pang mga organizer ay ginagamit sa pamamaraan na ito. Ang paglihis ay

hindi nagpapahiwatig ng pag-unawa. Pinapayagan lamang nito ang mananaliksik

upang mangolekta ng tiyak na impormasyon at piliin kung aling artikulo ang

magiging kapaki-pakinabang.

Mga Kaugnay na Pag-aaral


Makikita ditto ang mga kaugnay na pag-aaral at mga teoryang nakapaloob sa

aming pananaliksik. Teoryang bottom up ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay

ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang

maibigay ang katumbas nitong tugon (response). Nananalig ang teoryang ito na

ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga

titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang

pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

Ang proseso ngpa-unawa,ayon sa teoryang ito, ay nagsisimulasa teksto

(bottom)patungosa mambabasa (up)kaya nga tinawagitong“bottom- up”

Nananaligang teoryang itona ang pagkatutosa pagbasa ay nagsisimulasa yugto-

yugtongpagkilala ngmga titiksa salita,parirala at pangungusapng teksto,bago pa

manang pagpapakahulugansa buong teksto(Badayos, 2000). 7

Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang “top-down”.

Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi

nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top)tungo sa teksto(down).

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na

naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa mga proponent

nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng

pagbasa, na sya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na

nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language

proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor

sapamamagitan ng teksto (Badayos,2000)

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng

awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang

kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang

interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor. Itoy may dalawang

direksyon obi-directional.
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa

dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid,bago pa man basahin ng

isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman

ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.

Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang

hinuha o hula niya sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil

dito,masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng

komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutanng proseso ngpagbasa, kundi ang

tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Makikita sa bahaging ito ang mga tiyak na hakbang na ginamit ng mga mag-

aaral sa pananaliksik. Makikita din dito ang istilo na ginamit ng mga mag-aaral

para makakuha ng sapat na datos mula sa mga nasasangkot na benepisyaryo

na kapwa mag-aaral din.

Unang Hakbang: Binigyang-pansin ng mga mananaliksik ang dalawang

kakayahan sa pagbasa at kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga

estudyante.
Ikalawang Hakbang: Gumawa ang mga mananaliksik ng mga tanong na

angkop sa suliraning gustong bigyang linaw. Tiniyak ng mga mananaliksik na

ang mga nagawang tanong ay nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral na

sumagot ng kung ano ang kanilang ninanais at nababatay sa kanilang mga

opinyon.

Ikatlong Hakbang: Ang mga nagawang tanong ay pinasagutan sa pamamagitan

ng isang sarbey, kung saan mas madaling makalap ang mga sagot at

mapagnilayan ang mga datos kung ikukumpara sa pakikipagpanayam.

Ipinamigay ang mga sarbey sa ibat-ibang mga mag-aaral sa kaparehong baitang

para masagutan.

Ika-apat na Hakbang: Ang mga datos ay nilikom ng mga mananaliksik upang

ma-analisa at mapagnilayan. Inaasahan ng mga mananaliksik na lahat ng mga

sagot sa sarbey ay pawang makatotohanan at sinagutan ng maayos dahil ang

mga tanong ay eksaktong nilikha upang masagot lamang ng opinyon.

Pagkatapos ay pinaghambing ng mga mananaliksik ang mga sagot at iniayon sa

dalawang mapagpipiliang preperensiya.


10

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSURURI AT PAGBIBIGAY-KAHULUGAN SA MGA

DATOS

Sa kabanata na ito, makikita ang paglahad at paglarawan ng mga datos

na nakuha sa ginawang pananaliksik. Dito nailalahad ang mga konkretong

impormasyon na nakalap gamit ang isang sarbey batay sa aming disenyo ng

pananaliksik. Makikita dito ang mga inilalarawan na pahayag ng mga sarbey sa

kakayahang pagbasa na ginagamit ng mga mag-aaral batay sa sitwasyon at

preperensya. Pinapahayag dito ang paglalatag ng mga impormasyn na nakalap

batay sa sarbey. Dito natin mahihinuha impluwensya ng uri ng kakayahang

pagbasa na ginagamit ng mga mag-aaral sa pagkatuto at ditto mahihinuha ang

konklusyon batay sa mga nakalap na pahayag.


Skimming Scanning
50% 50%

Figure 1. Porsiyento ng kakayahang pagbasa na pinili ng mga respondente

Makikita sa Figure 1 ang pagkakaiba ng pagpili sa uri ng kakayahang

pagbasa na ginagamit ng mga respondente sa pagkatuto. Mahihinuha natin dito

11

magkasindami lang ang gumaganit ng scanning at skimming. Ito ay ay dahil sa

preperensya ng respondent sa kung paanong paraan nila magagamit ang

kakayahang pagbasa ayon sa sitwasyon na makikita sa Figure 2.


Batay sa teksto
10%

Batay sa sitwasyon
90%

Figure 2. Porsiyento ng batayan sa paggamit ng dalawang kakayahang pagbasa

Mailalarawan natin na kailangan matukoy ang batayan sa paggamit

ng dalawang kakayahan pagbasa dahil mas nakakatulong ito sa pagkatuto ng

mga respondente na makikita sa Figure 3.

12
Hindi kailangan matukoy
10%

Kailangan matukoy ang uri


ng kakayahan pagbasa ayon
sa siwasyon
90%

Figure 3. Porsiyento sa pagkatukoy ng kakayahang pagbasa ayon sa sitwasyon

Konklusyon

Makikita na ang uri ng kakayahang pagbasa ay nakabatay sa sa

preperensya at sitwasyon na kung saan nakapaloob ang isang mag-aaral.

Kailangan din matukoy na kung anong uri ng kakayahang pagbasa ang mas

mainam na gamitin para mas maunawaan ng mag-aaral ang teksto o material na

pinag-aaralan. Makukuha nating konklusyon batay sa pananaliksik na ang uri ng

kakayahang pagbasa ay nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral.

Rekomendasyon

Mairerekomenda naming na gawin ang pananaliksik na ito sa

pamamagitan ng kwantitatibo na pamamaraan para mas ispesiko ang paglahad

ng mga datos. Sa lawak ng pagsagawa ng isang kwantitatibo na pananaliksik,

nangangailanga ito ng sapat na panahon upang matapos. Lalaki din ang saklwa

at limitasyon na makakapagbigay ng bagong impormasyon para sa mga susunod

ns pananaliksik.

13

BIBLIYOGRAPIYA
Umayam, B. (2013, January 22). Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa.

Retrieved January 28, 2019, from https://prezi.com/vk4vnxjxm6pj/mga-

kasanayan-sa-akademikong-pagbasa/

Mayor-Asuncion, A. M. (March). Ang Pagbasa Bilang Kasanayang

Pangkomunikasyon. Retrieved March 7, 2015, froM

http://www.academia.edu/14418307/Ang_Pagbasa_Bilang_Kasanayang_Pangko

munikasyon

Punsalan, M. (2009, February/March). Iskaning at Iskiming. Retrieved February

1, 2019, from https://www.scribd.com/doc/257873648/Iskaning-at-Iskiming

Santos, J. (2017, May 9). IBA'T-IBANG URI NG PAGBASA. Retrieved from

https://www.google.com/amp/s/pagbasaatpagsulat.wordpress.com/2017/03/11/ib

at-ibang-uri-ng-pagbasa/amp/

Perpetua, K. (2012, January/February). Pag-scan bilang isang diskarteng

pagbabasa. Retrieved from http://www.tuloguni.com/category/agham/pag-scan-

bilang-isang-diskarteng-pagbabasa.php

Cabije, R. (2016, July 12). Pagbasa at Pagsulat Sa Ibat-ibang Disiplina'2004 Ed.

Retrieved from https://books.google.com.ph/books?id=ns7bSwD-

ZmoC&pg=PA75&lpg=PA75&dq=mga artikulo tungkol sa

skimming&source=bl&ots=lcJZqeS6cj&sig=ACfU3U1bPMjZ0eZyPpOAZDcLN94

Czl3k-

g&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwj_ran4jbDgAhWbad4KHV7vBtsQ6AEwDXoECAk

QAQ#v=onepage&q=mga artikulo tungkol sa skimming&f=false

SCPS. (2016, November 25). Scanning at Skimming na Pagbasa. Retrieved from

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/scanning-at-skimming-na-pagbasa

APENDIKS
Sarbey tungkol sa mas piling kakayahan ng pagbasa ng mga mag-aaral

Panuto: Basahin ang maikling pabula. Sagutin sa loob ng anim na minute.

Ang Aso at ang kanyang Anino

Isang aso ang naghuhukay sa lupa. Tuwang-tuwa siya nang makakita


siya ng isang malaking buto na nakabaon kung saan siya naghuhukay. Dali-
daling kinagat ng aso ang buto upang dalhin sa kanyang tirahan. Ngunit nang
siya ay malapit na sa kaniyang bahay ay may nadaanan siyang isang malalim na
ilog. Pinagmasdan niya ang tubig sa ilog at doo’y nakita niya ang kanyang anino.
Akala ng aso ay mayroon pang isang asong may kagat na buto sa ilalim ng
tubig. Naisip ng aso na agawin ang buto na kagat-kagat ng aso sa tubig.
Tinahulan niya ito. Dahil dito, nahulog sa sapa ang butong kagat-kagat ng aso.
Sa lalim ng tubig ay hindi na niya nakuha pa ang buto. Umuwing gutom at
malungkot ang aso. Dahil sa kanyang kasakiman ay nawala ang pagkain na
hawak na niya.

Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang nahukay ng aso?
a. Karne
b. Ginto
c. Buto

2. Saan dapat dadalhin ng aso ang nahukay na buto?


a. Sa palengke
b. Sa parke
c. Sa kanyang bahay

3. Ano ang nakita ng aso sa tubig?


a. Isa pang aso
b. Kanyang anino
c. Malaking isda

4. Ano ang ginawa ng aso sa kanyang anino?


a. Kinausap niya ito.
b. Kinamusta niya ito.
c. Kinahulan niya ito.

5. Ano ang nangyari sa butong kagat-kagat ng aso?


a. Nahulog ito sa ilog.
b. Nanakaw ito ng ibang aso.
c. Ibinigay niya ito sa ibang aso.

6. Ano ang aral na makukuha natin sa pabula?


a. Huwag makipag-usap sa hindi kakilala.
b. Huwag maging sakim.
c. Angkinin ang mga bagay na hindi sa atin.

Scanning - mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang


ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.
Skimming - mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.

Mga Tanong:

1.) Anong ginamit mo na kakayahang pagbasa upang masagot ang mga tanong
sa pabula?

a. Scanning b. Skimming

2.) Mas naintindihan mo ba ang kwento gamit ang iyong ginamit na kakayahang
pagbasa? (5 bilang ang napakataas na pagkaintindi sa pabula)

1 2 3 4 5

3.) Natapos mo ba ang pagsagot bago ang oras o sa tamang oras?

a. Oo b. Hindi

4.) Ano ang iyong ginagawa habang nagbabasa gamit ang preperensiya na
kakayahang pagbasa?

a. Nakahiga b. Nakaupo c. Kumakain d. Iba:_________________

5.) Nagiging epektibo baa ng pagbabasa gamit ang kakayahang pagbasa


habang ginagawa ang mga gawi sa nakaraang bilang?

a. Oo b. Hindi

__________________________________________________________

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

You might also like