Asignatura Na Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“ASIGNATURA NA PILIPINO” By Zooey Ocido

Oo, maraming ddugong nananalaytay sa ating ugat. Hindi maitatatwang ako, ikaw,
tayong lahat ay produkto ng iba’t ibang lahi. Lahing nag-ambag ng sining at kultursng
may iba’t ibang pananampalataya, paniniwala, pananamit at maging sa gawi at
kaugalian.
Sino ang makapagsasabi kung ilang taon tayong sinakop ng mga dayuhan?
Napakaraming taon na, di ba? Nailarawan sa sining ng awit, tula, dula at sayaw ang
ganda at kariktan ng kultura. Kulturang naging lalong mayaman at makulay hindi
lamang sa pakikipag-ugnayan natin sa ibang lupain kundi pati na rin sa mga tradisyon,
kaugalian at paniniwalang kinamulatan nating lahat na siyang nagpatanyag at
nagpaangat sa lahing kayumanggi.
Ngunit ilan na ng aba ang nagnais tumalikod sa kanyang kinagisnan. Marami na. Dahil
bas a ito’y baduy, cheap o may kakornihan daw? Ilan na rin kaya sa atin ang kumutya
dahil ito’y wala na sa kalakaran, wala na sa panahon?
Marahil ay di natin maitatangging ilang beses nan gang nasaksihan natin ang pagkupas
ng kariktan at pagpapahalaga sa sining at kultura.
Isang madilim na umaga ba ang mababanaag sa yamang lahi ng pagka-Pilipino? Sino?
Sino sa inyo ang naghahangad na maganap ito?
Ikaw ba’y masisiyahan kung sa tagdan ang watawat na iwinawagayway ay mag-iba ng
kulay?
Matutuwa ka ba kung sa himpapawid ay sa halip na lamyos at tamis ng awiting “Lupang
Hinirang” ang pumailanlang ay nakatutulig na ingay?
Masisiyahan k aba kung sa pananamit mo’y maging hubad na ang katauhan at dangal?
Magagalak k aba kung ang tinuhog na bulaklak ng lahi’y maging tuyot na’t wala ng
kabanguhan?
Papayag ka bang ikaw, mismong Juan dela Cruz, na maginoo’t matapang ay maging
isang manhid at walang pakialam? At ikaw, babaeng Pilipinang tanyag sa kayumiang di
masaling ang kamay ay bigla na lamang magbago’t ang “cheap mo naman?”
Ah, ang panahon nga ba’y hadlang sa pagbabago ng lahat ng ito? Hindi, hindi tayo
dapat pumayag. Panahon lamang ang lumilipas ngunit tayo mismong nabubuhay sa
panahong ito ay di dapat magbago. Sa palad natin nakasalalay ang sining at kultura
para sa lahat.
Kung di natin sisimulan ngayon, kalian pa? Kung di tayo kikilos, sino ang mag-
uumpisa?
Sa kulturang inangkin ng lahi, niyapos at pinahalagahan ng mga ninuno’y muli itong
mapayayabong para sa pagkakabuo at pagkakaroon ng isang bansang Malaya at
maunlad. Kapit-bisig nating tunguhin ang bukas upang itong lahi’y muling umangat at
ang santuldok na ito sa mapa’y maging isang malaking bilog na kapalolooban ng bango
at dangal na papaimbulog sa kabansaan.
Bakit di natin hayaang simulant ngayon ang isang malikhaing pagsasagawa,
pagpapanatili sa kaisipa’t kalooban na sa sining na naroon ang aliw-iw, ang yaman at
ang buhay at sa kultura’y may kariktan, may karangalan at bukas na naghihintay.
Ngayo’y nakikini-kinita ko na ang isang “maayong bontag” para sa Cebuano; “maupay
nga aga”, para sa Waray; “naimbag nga aldaw” para sa Ilokano; “mayap a abak” para
sa Kapampangan.
Batid kong magkakaiba man tayo ng pananalita sa sining at kultura, tayo’y iisa-ito’y
para sa lahat. Kaya’t nababanaag ko na ang isang MAGANDANG UMAGA.  Sa
paglipas ng panahon ay kasabay din na lumilipas ang kultura na ating kinamulatan.
Subalit ito ay hindi maaring hayaan na lamang sapagkat ito ay ating kayamanan na
hindi mananakaw ng sinuman. Ito ay ang mga natitirang pamana ng ating mga ninuno
at marapat natin itong pahalagahan at kilalanin. Ating itaguyod at ipagmalaki ang ating
kultura sa buong mundo.

Sa pag alala ng ating kultura ay kasabay nito ang paghahanda upang ipagdiwang at
ibahagi ang mga ito sa mga kabataan. Tayong lahat ay maaaring maging bahagi ng
pagpapayaman ng ating kultura, maaari natin itong simulan sa ating sarili at tangkilin
ang gawa ng ating mga katutubo!

You might also like