Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Gov. Nonito D. Llanos Sr. National High School
Balasiao, Kiblawan, Davao del Sur
Semi-Final sa Filipino 10

Test I.A- PAGTUTUKOY: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Ang buradong
sagot ay nangangahulugang mali.

1. Kailan at saan sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo?


A. 1883, Germany C. 1885, Europa
B. 1884, Spain D. 1890, England
2. Kailan at saan niya ito tinapos?
A. 1887, Germany C. 18910, Belgium
B. 1889, Spain D. 1991, Spain
3. Kanino inihahandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
A. Bansang Espanya D. Para sa tatlong paring
B. Bayang Sinilangan martir
C. Para kay Leonor Rivera
4. Sino ang tumulong kay Rizal para mapalimbag ang nobelang El
Filibusterismo?
A. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola
B. Juan Luna D. Valentin Ventura
5. Sa anong wika isinulat ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng El
Filibusterismo?
A. Espanyol C. Tagalog
B. Filipino D. Ingles
6. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?
A. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
B. Jose Rizal Protacio Mercado y Alonso Realonda
C. Jose Protacio Rizal y Alonso Mercado Realonda
D. Jose Protacio Rizal Realonda y Alonso Mercado
7. Sino-sino ang mga nasa itaas ng kubyerta?
A. Mga prayle at kawani ng pamahalaan
B. Indiyo at mahihirap
C. Mga prayle at mga Indiyo
D. Manlalakbay na nakasuot Europeo, mga prayle at kawani ng pamahalaan
8. Sino-sino ang mga nasa ibaba ng kubyerta?
A. Mga prayle at kawani ng pamahalaan
B. Indiyo at mahihirap
C. Mga prayle at mga Indiyo
D. Manlalakbay na nakasuot Europeo, mga prayle at kawani ng pamahalaan
9. Bakit kaya alamat at hindi isang epiko o kwentong bayan ang ginamit ni Rizal
na behikulo upang ipahayag ang kayang mga ideya sa kabanata III?
A. Dahil ninais niyang itago ang tunay na kahulugan ng kwento
B. Dahil ninais niyang tangkilikin ng mga Pilipino ang mga alamat ng Kastila
C. Dahil ninais niyang tangkilikin ng mga Pilipino ang mga alamat bilang
bahagi ng panitikang Pilipino
D. Dahil ninais niyang palaganapin sa buong bansa ang alamat
10. Ano ang simbolismo ng alamat na malapad na bato?
A. ito ay nagsisimbolo sa bayang Pilipinas na ayon sa alamat ay dating
sagrado at naging pugad ng mga tulisan at ang mga tulisan ay
sumasagisag sa mga indiyong nagrerebelde, nag-aklas laban sa mapaniil at
mapambusabos na mga Kastila.
B. ito ay nagsimbolo sa bansang Kastila na pinupugaran ng mga tulisan at ang
mga tulisan ay sumasagisag sa mga Kastilang mapaniil.
C. ito ay nagsisimbolo sa bayang Pilipinas na pinupugaran ng mga tulisan at
mga tulisang ito ay nagnananakaw at nanunulis upang magkapera.
D.ito ay nagsisimbolo sa bansang Kastila na sinakop ang bansa.
11. Ano ang simbolismo ng alamat ni Donya Heronima?
A. Si Donya ay Heronima ay maaaring kumatawan kay Maria Clara na binigo
ng pag-asa at ang liblib na yungib sa pampang ng ilog ay maaaring
tumutukoy sa beateryo ng Sta. Clara, samantalang ang mga tiyanak at
duwende ay sumasagisag sa mga prayleng Kastila.
B. Si Donya Heronima ay maaaring kumatawan kay Juli na nabigo ng pag-asa
at ang liblib na yungib sa pampang ng ilog ay maaaring tumutukoy sa mga
hindi magagandang pangyayari sa kanilang pamilya samantalang ang mga
tiyanak at duwende ay sumasagisag sa mga prayleng Kastila.
C. Si Donya Heronima ay maaaring kumatawan sa mga kababaihang
pinagsamantalahan ang kahinaan sa panahon ng Kastila.
D. wala sa mga nabanggit.
12. ano ang ibang pangalan ni Kabrsang Tales?
A. Telesporo C. Teporo
B. Telesforo D. Telefosro
13. Ano ang pagpapahirap na ginawa kay Kabesang Tales sa kabanata 4?
A. siya inagawan ng lupain ng korporasyon ng mga pari.
B. Siya ay inalisan ng baril, gulok at palakol upang hindi makapanlaban
C. siya ay dinukot ng mga tulisan at ipinatubos sa mga kamag-anak
D. Lahat ng nabanggit
14. Bakit pinili ni Basilio na kumuha ng medisina sa halip na abogado na
gusto sanang ipakuha ni Kapitan Tiago para sa kanya?
A. Mahirap ang kursong abogado dahil marami ang mememoryahin
B. Mahirap maging abogado dahil kailangang malakas ka sa mga
maykapangyarihan
C. Mahirap maging abogado dahil sa mataas na matrikula nito
D. Hindi pwedeng mag-aral ng abogado ang mga Indiyo.
15. Ano inilalarawan ni Basilio sa kabanata 7 na pinamagatang ‘Simoun’?
A. inilarawan si Basilo bilang mahina o walang lakas ng loob, walang
pangarap para sa higit na nakararami sapagkat ang pangarap niya ay
pansarili lamang.
B. Inilarawan si Basilio bilang malakas dahil agad niyang tinugunan ng
pagsuporta ang alok ni Simoun.
C. Inilarawan si Basilio bilang mapanghimagsik dahil sa ipinakita nitong poot
dulot ng pangyayaring naganap sa buhay ng kanyang ina at kapatid.
D. Inilarawan si Basilio bilang pasib dahil wala itong imik sa mga sinasabi ni
Simoun.
16. Bakit pinamagatang ‘Pilato’ ang kabanata 9?
A. dahil sa pag-angkin ng mga prayle sa lupaing pinagmamay-ari ni
Kabesang tales.
B. dahil sa paghuhugas-kamay ng mga prayle na wala silang kinalaman sa
pagkadiin ni tales
C. dahil tinalakay sa kabanatang ito ang buhay ni Kabesang Tales
D. Dahil tinalakay dito ang buhay ni Huli at ang kanyang pakikipagsapalaran
17. Anong pangyayari sa buhay ni Rizal na may kaugnayan sa pangyayaring
pang-aagaw ng korporasyon ng mga pari sa lupain ni Kabesang Tales?
A. Pag-away nina Antonio Luna dahil sa isang babae na Nelly bousted
B. Ang pagmamalupit ng mga prayle dominiko sa mga mag-sasaka ng
Calamba
C. Pagpapakasal ni Leonor Rivera sa inhenyerong Henry Kipping
D. Wala sa nabanggit.
18. Bakit bulok ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Kastila ?
A. ang mga mag-aaral walang ibang ginawa kundi magsaulo o magmemorya
ng leksyon
B. may mga mag-aaral na pumapasa sa pagsusulit dahil sa pagreregalo at
pag-aambag-ambag para sa kaarawan ng propesor.
C. ang mga mag-aaral ay pinapasagot sa mga malalabong tanong.
D. Lahat ng nabanggit.
19. Punahin ang naging pag-uugali ni Padre Camorra, angkop ba ito sa
kanyang katayuan sa simbahan at lipunan?
A. Hindi, dahil hindi moral sa isang pari ang magkaroon ng makamundong
pagnanasa sa kababaihan.
B. Oo, dahil ipinapakita lang nito ang pagiging likas sa lalaki.
C. Oo, dahil normal lang sa isang paring lalaki na mabighani sa kagandahan
ng isang babae.
D. Wala sa mga nabanggit.
20. Tungkol saan ang nobelang El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal?
A. tagumpay ng mga Pilipino sa ibang bansa
B. kalagayang politikal at panlipunang pangyayari sa ating bansa sa panahon
ng Kastila.
C. Kasaysayan ng pagkabayani ni Rizal.
D. Kasaysayan ng Negro sa kamay ng mga puting Amerikano
21. Labis na nasagasaan ng kanyang talumpati ang mga taong inutil sa
gobyerno. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nasaktan C. natamaan
B. nalungkot D. natuwa
22. Sumakay si Basilio ng karumata at habang nasa daan nakikipagkwentuhan
siya sa kutsero. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. balsa C. kariton
B. kalesa D. taksi
23. Tumigil ang mga sasakyan nang masabad ang prusisyon. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nakikita C. nasasagasaan
B. nasasalubong D. nasisipa
24. Nagtuos sina Aling Nena at Mina matapos mapili ng huli ang mga alahas na
bibilhin. Ano ang kahulugan g salitang may salungguhit?
A. nagkwentuhan C. nagkwenta
B. Nag-usap D. naglaban
25. Nakalimot siya dahilan sa pagmumuni-muni sa mga tanawing nakita. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. malalim na pag-iisip C. maingat na paglalarawan
B. matagal na pag-aalala D. malalim na pagwawari
TEST I.B- PAGTUTUKOY: Tukuyin ang mga tauhan na isinasaad sa mga pahayag.
Piliin sa ibaba at isulat ang titik ng tamang sagot. Ang
buradong sagot ay nangangahulugang mali.

A. Crisostomo Ibarra G. Harriet Beacher L. Padre Damaso


B. Don Filipo Stowe M. Padre salvi
C. Don Rafael Ibarra H. Kapitan Tiyago N. Pia Alba
D. Donya Consolacion I. Linares O. Pilosopo Tasyo
E. Donya Victorina J. Maximo Viola P. Tiya Isabel
F. Elias K. Nol Juan

9. Sumulat ng Uncle Tom’s Cabin


10. Sa kanya binigay ni Rizal ang orihinal na manuskrito at plumang ginamit sa
pagsulat ng Noli Me Tangere
11. binatang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego
12. kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego
13. napili ni Padre Damaso na mapangasawa ni Maria Clara
14. kurang pumalit kay Padre Damaso sa pamamahala ng San Diego
15. babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila
16. Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
17. Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
18. Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang. 
19. Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
20. Mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
21. Kurang nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
22. Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.

Inihanda ni: Bb. Shelly Nivera Salutan

You might also like