Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Alamat ng Mangga

Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya ng kanyang mga nasasakupan.
Siya ay si Haring Enrico. Sa isang banda ay gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng
disiplina.

Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang iginawad ng hari.

Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian. Nagpaimbistiga si Haring Enrico.
Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo.

Agad niyang ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa oras ng trabaho. Sinabi ng
kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa anak na may sakit.

“Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga bilanggo!” anang hari. Hindi
nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang may pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang
parusa sa kapabayaan.

Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap sila na pakawalan ang kawal ngunit
hindi pumayag si Haring Enrico. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak.

Nang malapit na ang kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga nasasakupan. Ayon
sa patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala pa ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay
makahihiling sa kanya at kanya namang ipagkakaloob.

Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong maisip na maaaring ibigay sa hari.
Naisip nitong yayain sa gubat ang anak para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari.

Inabot sila ng pagod at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang harapan. May
hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang
mga ito ng ganoong bunga.
“Ito ang ibigay ninyo sa hari,” sabi ng diwata. “Itago muna ninyo ito sa inyong bigasan at ilabas mismo sa
kaarawan ng hari.”

“A-ano po ba ang bungang ito?” tanong nila.

“Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig lamang meron niyan at itinuring
naming sagrado ang bungang iyan.”

“Maraming-maraming salamat po!” sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata. Tuwang-tuwa nag-siuwi


ang mga ito.

Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng hari ay kinuha nito ang
dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging dilaw ang bunga at mabangong-mabango.

Maging ang hari ay nanggilalas nang makita ang dalawang hinog na bunga na nasa amoy palamang ay
mukha ng napakasarap. Agad niyang kinain ang isa at lubha siyang nasarapan.

‘Anong pangalan ng bungang ito ?” tanong ng hari.

“Mangga po”, sabay na wika ng mag-ina.

“Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito. Saan galling ito?”

“Bigay po sa amin ng isang diwata.”


“Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin mo.” Sabi niya
sa asawa ng kawal.

“Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa,” sabi ng babae.

“Matutupad ang iyong kahilingan.”

Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay binigyan pa ng kaunting
halaga ang mag-asawa.

Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon upang muli siyang
makatikim ng pambihirang bunga.

Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng kanyang mga nasasakupan.
Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.

Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga.

Aral:

Kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita at ang pagtupad sa pangako ay isang magandang
halimbawa na dapat tularan.

Hindi masama ang pagkakaroon ng mahigpit na pinuno kung ito naman ay makatutulong sa pag-unlad ng
pamayanan at walang nasisikil na karapatan ng taumbayan.

Alamat ng Sampaguita

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka
kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang
palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para
mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.

Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay
susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.

Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na
ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.

Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si
Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya.
Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang
dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”

Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay
hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing
pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi
na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon,
halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon
na ubod ng bango.

Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’
ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.

Aral:

Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi totoong kwento tungkol sa
iba dahil wala itong mabuting maidudulot kaninuman.

Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga, siguradong may magandang
kahihinatnan ang iyong paghihintay.

Alamat ng Lansones

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan
hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang
sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito.

Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na
lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa
ilalim ng puno na may nakakalasong bunga.
Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng
bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa
pagkain nito ng nasabing bunga.

Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang
matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang
bayan.

Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang
puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang
matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito
ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may
lason.

Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang
sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng
kanilang pagbabala dito.

Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babagsak ito ngunit nakailang bunga na itong
nakakain ay wala pa ring nangyayari. Sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at
gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na
prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling
lamang ang babae.

Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa
gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito.

“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas.

Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng
bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason.

Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng
puno ng lason. Matapos mabatid na wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-
init.

Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang
panalangin.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.

Aral:

Ang pananalangin sa Diyos na lumikha ng buong sangkatauhan ay isang mabuting bagay.

Alamat ng Bayabas

Bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas ay may isang sultan na ubod ng lupit at
hindi kumikilala ng katarungan. Siya si Sultan Barabas. Lubha siyang kinatatakutan ng mag nasasakupan
dahil sa kanyang kalupitan.
Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sa kanyang pagpaparusa. Matanda at bata,
lalaki at babae ay pinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa mga nakagagawa ng
kahit maliit na kasalanan.

Mabibigat na parusa agad ang kanyang iginagawad. Iyon ay upang magkaroon daw ng kadalaan at hindi
na umulit pa ang mga taong nagkasala.

Araw-araw ay nabibihisan siya ng magagara at mamahaling damit. Tuwina ay nakalagay sa kanyang ulo
ang gintong koronang ipinasadya pa niya sa malayong bayan. Ang koronang iyon ay isinusuot niya saan
man magpunta. Iyon ay pagpapakita ng kanyang kapangyarihan at pagiging mataas sa lahat.

Saganang-sagana din siya sa masasarap na pagkain. Gayunman ay ubod naman siya ng damot. Walang
pulubi ang nakahihingi sa kanya ng tulong o kahit konting pagkain. Hindi katakataka na ang kanyang
malawak na hardin na may tanim ng iba’t-ibang punong namumunga ay hindi niya hinahayaang mapasok
ninuman.

Siya lamang at ang mag aliping tagapitas ng mga bungangkahoy ang nakakapasok doon. Mas mabuti pa
sa kanya ang mabulok ang mga bunga ng puno kaysa ipakain sa iba.

Isang araw ay may isang mangingisda ang ipinadakip ng sultan sa kanyang mga tauhan. Ang dahilan ay
masyado itong ginabi sa pangingisda. Walang awa niyang ipinakulong ang pobreng mangingisda. Iniutos
pa niyang pahirapan ito upang magtanda.

Nakarating sa asawa ng mangingisda ang nangyari. Agad nagtungo ang babae sa kaharian ng sultan kahit
malalim na ang gabi. Ang asawang ito ng mangingisda ay mahusay gumawa ng isdang daing. Ito ang
nagdadaing ng mga isdang nahuhuli ng asawa.

Walang takot na nagtuloy sa palasyo ang magdadaing. Kinatok nito ang natutulog na sultan. Dahil
naabala sa tulog ay galit na galit na bumangon ang sultan. Nang malaman nito kung sino ang umabala sa
pagtulog at kung ano ang sadya nito ay lalo siyang nagalit.
Sa halip na maawa sa babae ay ipinakulong niya ito. Naisip niyang makakain na ang masarap na daing
dahil pahuhulihin niya ng isda ang asawa nito at ipadadaing naman niya sa babae.

Masaya na rin sana ang mag- asawa kahit pareho silang nakakulong. Magkasama naman silang dalawa.
Kaya lang ay nag-aalala sila para sa anak na binatilyo na naiwang mag-isa sa bahay nila. Alam nilang
walang mag-aasikaso sa mga pangangailangan nito kung wala silang dalawa.

Ang hindi nila alam ay inaalagaan ng mga diwata sa gubat ang kanilang anak. Ang mga ito ang nagbibigay
ng pagkain sa binatilyo sa araw-araw.

Isang araw, naisipan ng binatilyo na puntahan si Sultan Barabas. Ibig niyang hilingin dito na palayain na
ang ina at ama. Sinamahan siya ng mga diwata sa pagtungo sa palasyo.

Nang magkaharap ang dalawa ay tahasang nagsalita ang binatilyo. Sinabi nito na dapat siyang bigyan ng
sultan ng pagkain dahil ang kinakain nito ay ang isdang pinaghirapang hulihin ng kanyang ama at idinaing
ng kanyang ina.

Hindi pumayag si Sultan Barabas. Sa halip ay nagtawa lang ito. Sa galit ng binatilyo ay bigla nitong inagaw
ang suot na korona ng sultan at saka nagtatakbo. Humabol sa lalaki ang sultan. Nakarating sila sa
malawak nitong hardin. Hindi maabutan ng sultan ang binatilyo dahil higit itong mabilis tumakbo.

Napagod ng husto ang sultan. Humihingal itong huminto sa tapat ng isang malaking puno. Habol nito ang
paghinga at dakot ang dibdib na naninikip.

Sa sumunod na saglit ay bigla na lamang itong natumba. Noon din ay agad itong binawian ng buhay.

Sa hardin ding iyon ito ipinalibing.


Nagkaroon ng bagong sultan. Ito ay higit na mabait at makatarungan kaysa kay Sultan Barabas. Binuksan
nito sa lahat ang malawak na hardin upang makakain ng bungangkahoy ang sinumang may nais.

Isang bagong halaman ang napansin ng mga tao na tumubo sa pinaglibingan kay Sultan Barabas.
Hinayaan ng mga tao na lumaki at mamunga ang nasabing puno.

Nang tikman nila ang bubot pang bunga ay napangiwi silang lahat.

“Ang pait!” sabi ng isa. “Simpait ng ugali ni Sultan Barabas!”

Nang magsilaki na ang mga bunga at muli nilang tikman ay nasabi ng ilan: “Ang asim. Sing- asimng mukha
ni Sultan Barabas!”

“Kung gayon ay si Barabas ang punong iyan!” sabi ng marami.

Nang mahinog ang mga bunga ay nasarapan ang lahat dahil matatamis ang mga iyon. Mula noon ay
nakagiliwan ang bunga ng puno at nang lumaon ay tinawag na Bayabas.

Aral:

Huwag maging malupit sa kapwa. Sikaping maging magiliw kanino man upang hindi ka kainisan.

Iwasan ang pagiging makasarili. Ang pagiging sakim at madamot sa kapwa ay walang mabuting
maidudulot sa iyo.

Alamat ng Butiki

Noong araw sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.

Ang ina na si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang
kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak na si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang
ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina
sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa. Natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na
si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na
binata.

Si Aling Rosa ay nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang
naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila
nakakalimutan ni Juan ang magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si
Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay
Helena, gabi na ito nang makauwi.

“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,” ang wika ni
Aling Rosa sa anak.

Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang pagsisinungaling
ni Juan.

Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga.
Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na
ito na ang huli nating pagkikita.”

“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at
kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.

“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong
mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena.
Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi

Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo
ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan.

Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling
Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.

“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa
Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.

“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip.
Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may
buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena
ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.
Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.

Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap at insekto, at
naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na
nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang
sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala
nila ay mga engkanto.

Aral:

Kilalanin muna ang taong iniibig at huwag magpadala sa panlabas na kagandahan lamang.

Walang makapapantay sa pagmamahal ng magulang sa anak kaya naman sa ating mga anak ay gantihan
din natin sila ng pagmamahal na nararapat sa kanila.

Iwasan ang pagsisinungaling sa magulang man o sa kapwa.

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay
tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan
ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay
naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng
pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng
dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon
ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa
inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni
Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw
dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na
parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng
isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang
bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang
dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala
ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing
higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at
masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni
Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga
kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng
isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gustong sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng
labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa
ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay
nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng
lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim
ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay
natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at
namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati
ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay
malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang
tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang
kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma
at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang
kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang
liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik
na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay
si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at
ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.


Alamat ng Ibong Bahaw

Sa isang malayong nayon, ay may nakatirang mag-inang sina Maria at Juan. Ilang buwan pa lamang na
kasisilang ni Juan ay namatay na ang kanyang ama. Napataw sa balikat ni Aling Maria ang mabigat na
tungkulin ng isang ama at ng isang ina. Gayunman ay nagsumikap siyang maibigay kay Juan ang buo
niyang pagtingin at pagmamahal.

Palibhasa'y nasusunod nga ni Juan ang layaw sa kanyang ina ay lumaki siyang tumbalik sa hangad ng
kanyang ina. Sa halip na maging isang masunurin at mabait na bata ay lagi siya sa pasyalan. Bata pa siya'y
lagi nang gabi kung umuwi sa bahay. Natuto siyang magsugal at makihalo sa masamang barkada kaya
nahulog ang ugali ni Juan sa masasamang hilig. Hindi man lamang siya tumutulong kay Aling Maria.

Lagi siyang kinagagalitan, ngunit palibhasa'y suko yata sa langit ang pagmamahal ng ina sa anak, wala
siyang nagawa. Lumaking may masamang ugali si Juan hanggang sa magbinata.

Isang gabi'y umuwi si Juan na gutom na gutom. Tuluy-tuloy siya sa kusina at naghanap ng pagkain. Dali-
dali niyang binuklat ang lalagyan ng pagkain. Nakita niyang may tira sa kanyang kapirasong isda at bahaw
na kanin. Nagalit siya sa ina Malakas na sumigaw, "Inay... Inay..."

Ang inang napagod sa maghapong paglalaba ay nahihimbing na. Naulinigan niya ang tawag ni Juan. Dali-
dali siyang napabalikwas at patakbong lumabas sa silid. Nakita niya si Juan sa kusina.

"Ano ba namang pagkain ito, Inay?" malakas na usisa ni Juan. "Hindi naba ako kakain ng hindi bahaw?"

"Magpasiyensiya ka na anak," marahang sagot ng ina. "Hindi nga ako agad natulog at hinihintay kita.
Marahil ay napagod akong masyado kaya nakalimot din ako!"

"Hindi na kayo nakatanda!" mabalasik na singhal sa kawawang ina. Inihagis niya ang taklob ng palayok na
kanyang tangan sa galit.
Nabasag ito at lumikha ng malakas na kalampag.

"Anak, nagtiis ako sa iyong sama at pagkukulang. Ibig kong ikaw ay maging mabuting anak kaya sinunod
kong lahat ang iyong mapita.

Ngunit ito na ang sukdulan. Iyan ba ang igaganti mo sa akin?" bigkas ni Aling Maria samantalang
tumutulo ang luha.

"Marami pa kayong sinasabi," muling bulyaw ni Juan sa kanyang ina.

"Sa iyong ginawa, sana'y ipahintulot ng Diyos na ikaw ay maging isang pangit na ibong tuwing gabi
lamang gagala at laging sisigaw ng bahaw," sumpa ng ina.

Biglang tumalab ang sumpa at pagkawika noo'y unti-unting nagbago ang anyo ni Juan. Nagkaroon siya ng
balahibo. Nagingpakpak ang kanyang mga kamay. Ibinuka niya ang kanyang bibig na naging tuka at
nagsalita siya upang humingi ng tawad. Ngunit walang namutawi kundi ang salitang bahaw. Lumipad siya
sa bintana. Matamang tinitigan ang kanyang nakahandusay na ina at muling nagsalita, "Bahawww..
.bahawww." Ikinampay ang malalapad na pakpak at nawala sa dilim ng gabi.

Skip to content

Pinoy Collection Menu

Salawikain: 150+ Mga Halimbawa ng Salawikain (with Pictures)

Salawikain: 150+ Mga Halimbawa ng Salawikain (with Pictures)

Share

Tweet
Pin

238SHARES

Sa pahinang ito ay matututunan ninyo kung ano ang salawikain, mga halimbawa nito at kung bakit ito
mahalaga at patuloy na itinuturo sa mga paaralan.

Jump to:

Ano ang Salawikain?

Salawikain tungkol sa Edukasyon

Salawikain tungkol sa Kabataan

Salawikain tungkol sa Wika

Salawikain tungkol sa Paggalang

Salawikain tungkol sa Kaibigan

Salawikain tungkol sa Buhay

Salawikain tungkol sa Kalikasan

Salawikain tungkol sa Kalusugan

Salawikain tungkol sa Katapatan

Salawikain tungkol sa Pag-aaral

Salawikain tungkol sa Pag-ibig

Salawikain tungkol sa Pamilya

Salawikain tungkol sa Tagumpay

Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain

Ang aming koleksyon ng mga salawikain o kasabihan ay pinangkat namin sa labing-tatlong grupo. Ito ay
ang mga Salawikain o Kasabihan tungkol sa Edukasyon, Wika, Buhay, Kabataan, Kaibigan, Kalikasan,
Kalusugan, Katapatan, Pag-aaral, Pag-ibig, Paggalang, Pamilya, at Tagumpay.
Ang iba pang mga halimbawa ng salawikain na walang kategoryang pinasukan ay inilagay naman namin
sa Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain.

Basahin, pulutin at ipamuhay ang mga gintong aral na inyong matututunan. Huwag din kalimutan na
ibahagi ang post na ito sa iyong mga kaklase at kaibigan.

SEE ALSO: Sawikain: 100+ Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan

Ano ang Salawikain?

Ang mga salawikain o kasabihang Pilipino ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong
patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga
ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong
magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa kabutihang asal, pakikipag-
kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.

Naglalahad din ito ng mga pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa kalikasan at
buhay ng tao.

Narito ang 158 halimbawa ng salawikain na kapupulutan ninyo ng aral at maaring gamitin bilang gabay sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Salawikain Tungkol sa Edukasyon

Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.


Salawikain: Kung walang tiyaga...

Salawikain Tungkol sa Kabataan

Batang puso,

Madaling marahuyo.

Salawikain Tungkol sa Wika

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.

Salawikain: Ang hindi marunong magmahal...

Salawikain Tungkol sa Paggalang

Ang gawa sa pagkabata,

Dala hanggang pagtanda.

Ang magalang na sagot,

Ay nakakapawi ng poot.

Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

Salawikain: Ang gawa sa pagkabata...

Salawikain Tungkol sa Kaibigan

Ang matapat na kaibigan,

Tunay na maaasahan.

Ang tao kapag mayaman,

Marami ang kaibigan.

Ang tunay na anyaya,

Sinasamahan ng hila.

Ang tunay na kaibigan,

Karamay kailan man.

Ang tunay na kaibigan,

Nakikilala sa kagipitan.
Kaibigan kung meron,

Kung wala’y sitsaron.

Puri sa harap,

Sa likod paglibak.

Turan mo ang iyong kaibigan,

Sasabihin ko kung sino ikaw.

Walang paku-pakundangan,

Sa tunay na kaibigan.

Salawikain: Ang tunay na anyaya...

Salawikain Tungkol sa Buhay

Aanhin mo ang palasyo,

Kung ang nakatira ay kuwago?

Mabuti pa ang bahay kubo,

Ang nakatira ay tao.

Ako ang nagbayo,

Ako ang nagsaing.

Saka ng maluto’y,

Iba ang kumain.

Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,

Tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.

Ang bayaning nasugatan

Nag-iibayo ang tapang.

Ang buhay ay parang gulong,


Minsang nasa ibabaw,

Minsang nasa ilalim.

Ang bulsang laging mapagbigay,

Hindi nawawalan ng laman.

Ang hindi napagod magtipon,

Walang hinayang magtapon.

Ang iyong kakainin,

Sa iyong pawis manggagaling.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.

Ang lumalakad nang mabagal,

Kung matinik ay mababaw.

Ang lumalakad nang matulin,

Kung matinik ay malalim.

Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.

Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.

Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

Ang puri at ang dangal,

Mahalaga kaysa buhay.

Ang tao na walang pilak,

Parang ibong walang pakpak.

Ang taong mainggitin,

Lumigaya man ay sawi rin.

Ang taong nagigipit,


Sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong tamad kadalasa’y salat.

Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

Anuman ang gagawin,

Makapitong iisipin.

Anuman ang gawa at dali-dali,

Ay hindi iigi ang pagkakayari.

Bago ka bumati ng sa ibang uling,

Pahirin mo muna ang iyong uling.

Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,

Kailangan mo munang igayak ang sarili.

Daig ng maagap ang taong masipag.

Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.

Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.

Gawin mo sa kapuwa mo,

Ang nais mong gawin nila sa iyo.

Hanggang maiksi ang kumot,

Magtiis na mamaluktot.

Huwag magbilang ng manok,

Hangga’t hindi napipisa ang itlog.

Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak.

Kapag ang tao’y matipid,

Maraming maililigpit.

Kapag may isinuksok,

May madudukot.
Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman,

Mabuting sa lupa’y mamulot na lamang.

Kung ano ang itinanim,

Iyon din ang aanihin.

Kung ano ang puno,

Siya ang bunga.

Kung binigyan ng buhay,

Bibigyan din ng ikabubuhay.

Kung gaano kataas ang lipad,

Gayon din ang lagapak pag bagsak.

Kung may tinanim,

May aanihin.

Kung pukulin ka ng bato,

Tinapay ang iganti mo.

Kung sino ang masalita,

Siyang kulang sa gawa.

Kunwaring matapang bagkus duwag naman.

Madali ang maging tao,

Mahirap magpakatao.

Magandang pamintana,

Masamang pang kusina.

Magbiro ka sa lasing,

Huwag sa bagong gising.

Magkupkop ka ng kaawa-awa,

Langit ang iyong gantimpala.


Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.

Matapang sa kapwa Pilipino,

Susukot-sukot sa harap ng dayo.

Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.

May tainga ang lupa,

May pakpak ang balita.

Nagpapakain ma’t masama sa loob,

Ang pinakakain hindi nabubusog.

Nasa Diyos ang awa,

Nasa tao ang gawa.

Pag may hirap,

May ginhawa.

Pag may kalungkutan,

May kasiyahan.

Pagkapawi ng ulap,

Lumilitaw ang liwanag.

Pulutin ang mabuti,

Ang masama ay iwaksi.

Sa larangan ng digmaan,

Nakikilala ang matapang.

Sagana sa puri,

Dukha sa sarili.

Sala sa lamig,

Sala sa init.
Ubos-ubos biyaya,

Pagkatapos nakatunganga.

Walang humawak ng lutuan,

Na hindi naulingan.

Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.

Yaong mapag-alinlangan,

Madalas mapag-iwanan.

Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.

Salawikain: Aanhin mo ang palasyo...

SEE ALSO: Pamahiin: 280+ Mga Pamahiin ng mga Pilipino (The Ultimate List)

Salawikain Tungkol sa Kalikasan

Ang araw bago sumikat,

Nakikita muna’y banaag.

Kapag ang ilog ay maingay,

Asahan mo at mababaw.

Kapag ang ilog ay matahimik,

Asahan mo at malalim.

Tikatik man kung panay ang ulan,

Malalim mang ilog ay mapapaapaw.

Salawikain: Tikatik man kung panay ang ulan...

Salawikain Tungkol sa Kalusugan

Ang sakit ng kalingkingan,

Dama ng buong katawan.

Gaano man ang iyon lakas,


Daig ka ng munting lagnat.

Salawikain Tungkol sa Katapatan

Ang hindi tumupad sa sinabi,

Walang pagpapahalaga sa sarili.

Ang iyong hiniram,

Isauli o palitan.

Upang sa susunod,

Hindi ka makadalaan.

Ang lalaking tunay na matapang,

Hindi natatakot sa pana-panaan.

Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.

Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.

Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.

Ang tunay mong pagkatao,

Nakikilala sa gawa mo.

Ang utang ay utang,

Hindi dapat kalimutan.

Kapag bukas ang kaban,

Nagkakasala sinuman.

Nasa taong matapat ang huling halakhak.

Sa taong may tunay na hiya,

Ang salita ay panunumpa.

Salawikain: Ang hindi tumupad sa sinabi...


Salawikain Tungkol sa Pag-aaral

Ang isip ay parang itak,

Sa hasa tumatalas.

Salawikain Tungkol sa Pag-ibig

Ang pag-aasawa ay hindi biro,

‘Di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.

Ang pili nang pili,

Natapatan ay bungi.

Pag kahaba-haba man ng prusisyon,

Sa simbahan din ang tuloy.

Pagsasama ng tapat,

Pagsasama ng maluwat.

Walang matiyagang lalaki,

Sa pihikang babae.

Madaling pumitas ng bunga,

Kung dadaan ka sa sanga.

Salawikain: Ang pag-aasawa ay hindi biro...

Salawikain Tungkol sa Pamilya

Ang ibinabait ng bata,

Sa matanda nagmula.

Anuman ang tibay ng piling abaka,

Ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

Kaya matibay ang walis,

Palibhasa’y nabibigkis.

Magsama-sama at malakas,
Magwatak-watak at babagsak.

Nawala ang ari,

Ngunit hindi ang lahi.

Salawikain Tungkol sa Tagumpay

Ang lakas ay daig ng paraan.

Ang umaayaw ay di nagwawagi,

Ang nagwawagi ay di umaayaw.

Huli man daw at magaling,

Naihahabol din.

Kung may hirap ay may ginhawa.

Kuwarta na,

Naging bato pa.

Marami ang matapang sa bilang,

Ngunit ang buo ang loob ay kulang.

Sa maliliit na dampa nagmumula ang dakila.

Sa taong walang takot,

Walang mataas na bakod.

Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.

Salawikain: Walang mahirap na gawa...

Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain

Aanhin pa ang damo,

Kung patay na ang kabayo.

Ang ampalaya kahit anong pait,

Sa nagkakagusto’y matamis.

Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.


Ang bungang hinog sa sanga,

Matamis ang lasa.

Ang bungang hinog sa pilit,

Kung kainin ay mapait.

Ang butong tinangay ng aso,

Walang salang nalawayan ito.

Ang katotohana’y kahit na ibaon,

Lilitaw pagdating ng takdang panahon.

Ang langaw na dumapo sa kalabaw,

Mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.

Balat man at malinamnam,

Hindi mo matitikman.

Bibig na natatakpan,

Hindi papasukin ng langaw.

Buhay-alamang,

Paglukso ay patay.

Buntot mo, hila mo.

Hampas sa kalabaw,

Sa kabayo ang latay.

Hindi sasama ang pare,

Kundi sa kapwa pare.

Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit,

Kapag nakawala’y hindi na babalik.

Kahit saang gubat ay mayroong ahas.


Kahoy mang babad sa tubig,

Sa apoy huwag ilapit.

‘Pag ito’y nadarang sa init,

Sapilitang magdirikit.

Kapag apaw na ang takalan,

Kailangan kalusan.

Kasama sa gayak,

Di kasama sa lakad.

Kung ano ang sukat ng ohales,

Iyon ding ang laki ng butones.

Kung anong bukang-bibig,

Ay siyang nilalaman ng dibdib.

Kung hindi ukol,

Hindi bubukol.

Kung nasaan ang asukal,

Naroon ang langgam.

Kung sino ang unang pumutak,

Siya ang nanganak.

Kung takot sa ahas,

Iwasan mo ang gubat.

Mabuti’t masamang ginto sa urian natatanto.

Magkulang ka na sa iyong magulang,

Huwang lang sa iyong biyenan.

Malakas ang bulong kaysa sigaw.

Malaking puno,
Ngunit walang lilim.

Matabang man ang paninda,

Matamis naman ang anyaya.

Matalino man ang matsing,

Napaglalalangan din.

Naghangad ng kagitna,

Isang salop ang nawala.

Nakikita ang butas ng karayom,

Hindi nakikita ang butas ng palakol.

Walang lumura sa langi,

Na di sa kanyang mukha nagbalik.

Walang mapait na tutong,

Sa taong nagugutom.

Walang naninira sa bakal,

Kundi sariling kalawang.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

You might also like