Professional Documents
Culture Documents
Cord Care
Cord Care
Cord Care
TANDAAN:
PUSOD AY
ALAGAAN, IMPEKSYON
AY IWASAN
KAILANGAN MONG MALAMAN
Kapag napansin ang mga sensyales na ito sa pusod ng baby na bagong panganak,
dalhin agad ito sa doktor upang magamot at mabigyan ng kaukulang medikal na
atensyon na kailangan.
Nana sa pusod
Pagdurugo ng pusod
Pamamaga o pamumula ng pusod
Mabahong amoy mula sa pusod
Pagkakaroon ng isa sa mga sensyales na sinasabayan ng lagnat
Ang mga senyales na ito ay maaring sintomas na ng impeksyon o kumplikasyon sa
pusod ng baby na kung tawagin ay omphalitis. Ang omphalitis ay ang medikal na tawag
sa pamamaga o impeksyon sa pusod ng bagong silang na sanggol. Ito ay hindi
pangkaraniwan ngunit nakakamatay kapag napabayaan.
TANDAAN
Ang natitirang pusod ng bata ay kusang natatanggal sa loob ng
1 hanggang 3 linggo. Huwag itong tangkaing bunutin sapagkat maaari itong
magdulot ng kumplikasyon.
Alam mo ba?
Walang nerves ang umbilical cords o kabuuan ng pusod ng
baby, kaya hindi naman talaga masakit kung ito ay iipitin at
puputulin ng doktor, midwife, o nars. Para lamang silang
nagpuputol ng buhok!
TANDAAN
Ang simpleng impeksyon ay maaaring maging
sanhi ng mas malalang
kumplikasyon!