Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Alamat Ng Saging 1

Parehong naglilingkod sa kastilyo ang magkaibigang Saguingging at Amimay. Sa ipinakikita nilang


kasipagan ay walang itulak kabigan sa kanilang dalawa, subalit higit na kinagigiliwan ni Dukesa Eufra si
Saguingging. May nakita itong katangian sa dalaga na wala kay Amimay. Para kasing may mahika ang
magagandang kamay ni Sagingging sapagkat ang bawat mahawakan nitong gawain ay laging wasto at ang
bawat lutuing pagkain ng kanyang kamay ay talaga namang masasarap. Sanhi nito, lalong napatangi sa
Dukesa ang dalaga. Sa kabila ng mga papuri ay nanatili pa ring mapagkumbaba si Saguingging.
Katunayan, ibinabahagi niya sa kapwa katulong lalo na kay Amimay ang anumang bagay na ibinibigay sa
kanya ni Dukesa Eufra.

Gayunpaman, ang kabutihang-loob ng dalaga ay walang saysay sapagkat kinaiinggitan pala siya ng
kaibigan.. Dahil sa "inggit" nag-isip si Amimay ng paraan upang masira ang magagandang kamay ni
Saguingging. Habang wala pang nagpapakitang-giliw sa kaibigan. Isang hapon, nagpasama sa
magkaibigan ang dukesa sa kanyang paglalakad sa labas ng kakahuyan. Walang anu-ano ay isang
mabangis na baboy-ramo ang biglang sumulpot mula sa loob ng gubat. Lalong mabagsik ang mailap na
hayop palibhasa'y sugatan at sa kanila ngayon ito mannibasib.

"TUMAKBO NA KAYO MAHAL NA DUKESA, AMIMAY...TAKBO! Sigaw ni Saguingging at lakas-loob na


hinarang ang sumusugod na hayop.

Sa ginawang iyon ng dalaga ay nakalayong ligtas si Dukesa Eufra at ang kaibigan. Samantala, sinakmal ng
baboy-ramo ang katawan ni Saguingging at walang awang iwinasiwas sa lupa. Saka pa lang dumating ang
mga humahabol na mangangaso, nasukol at napatay nila ang mabangis na hayop datapuwa't wala nang
buhay ang kahabag-habag na dalaga.

Ipinagluksa ng lahat ang pagkamatay ni Saguingging. Binigyang-parangal naman ng duke ang kagitingang
ipinamalas ng butihing katulong. Doon narin nila ipinalibing ang bangkay ng dalaga sa pansariling hardin
ni Dukesa Eufra. Bukod sa hardinero ay si Amimay lamang ang may pahintulo na makapasok sa loob ng
hardin. Sa utos ng dukesa, tuwing umaga, ay nag-aalay ng tatlong bulaklak na rosas ang dalaga sa puntod
ng kanyang kaibigan. Madalas ding sambihin ni Amimay ang...

"Patawarin mo ako, Saguingging. Kinainggitan kita at pinag-isipan ng masama gayong isa kang dakilang
kaibigan. Ibinuwis mo ang iyong buhay para sa akin at para sa dukesa. Maraming-maraming salamat."

Isang umaga, nagitla si Amimay nang may umusbong na halaman sa puntod ng kaibigan. Maging ang
hardinero ay nagtaka rin sa pagtubo ng halamang iyon na di mawari. Agad ipinagbigay-alam ng dalaga sa
dukesa ang kanyang nakita na ikinatuwa naman ni dahil sa paniniwalang iyon ay si Saguinging, kaya...

"IKAW AMIMAY ANG MAG-AALAGA AT MAGDIDILIG KAY SAGUINGGING UPANG SA AKING PAGBABALIK
MULA SA IBANG BANSA AY MALAGO AT NAMUMULAKLAK NA SIYA."

Ang bilin ng dukesa ay kanayang tinupad, subalit sa halip na lumago ang halaman na ito ay tumaas na
parang puno ngunit hindi naman kahoy. Ang mahaba't malalapad nitong dahon at mlambot na punong
katawan ay nagdudulot ng pag-aalinlangan kay Amimay. Hanggang dumating ang sandali ng pamumunga
at saka pa lang napatunayan ng dalaga na mula nga sa katawan ng kaibigan ang punong tumubo. Para
kasing mga daliri ng kamay ni Saguingging ang kanyang nakikita sa bawat piling na nakakabit sa buwig ng
puno.
Pagkaraan ng ilang linggo, dumating ang mag-asawang duke at dukesa mula sa pagliliwaliw. Sumalubong
kapagdaka si Amimay at ibinalita ang tungkol sa bunga ng puno. Nagtungo sa hardin ang mag-asawa at
bumulaga sa kanila ang mga hinog na bunga na mistulang daliri.

"Kamangha-mangha!" bulalas nila sapagkat noon lamang sila nakakita ng ganoong uri ng prutas.
Maraming ibon ang umaaligid pa sa puno at ang iba'y tumutuka sa prutas, nangangahulugang hindi
nakalalason ang bunga ng punong iyon. Pumitas ang duke at tinikman nila ang daliring bunga. Labis
silang nasiyahan sa naiibang sarap na kanilang nalasahan.

Sa kagalakan ng duke at dekusa ay ipinatawag ang lahat ng tauhan sa kastilyo. Sila man ay pawang
nagulat din pagkakita sa puno't bunga nito.

"Masarap," wika nila. "Ngunit ano kayang prutas ito?"

"Bunga 'yan ng punong tumubo sa puntod ni Saguingging," sagot ng hardinero.

"DAHIL ANG PRUTAS AY HUGIS-DALIRI NG MAGAGANDANG KAMAY NI SAGUINGGING AT ITO AY BUNGA


NG PUNONG MULA RIN SA KANYA, KAYA TATAWAGIN NATIN ITONG SAGING," ang wika ng Dukesa.

Buhat noong ay SAGING na nga ang ipinangalan nila sa prutas.

Naging kapansin-pansin naman ang biglang paglitaw ng maraming suwi sa paligid ng punong saging at
halos nagsiksikan pa. Kaya pinagtulungan ni Amimay at ng hardinero na itanim ng hiwa-hiwalay ang mga
suwi sa maluwang na bakuran ng kastilyo.

Dumaan ang mga araw, lumaki at nagkabunga rin ang mga suwi datapuwa't nakapagtataka dahil
nagkaroon ng pagkakaiba sa kulay, lasa at hugis ang bunga ng bawat punong saging. Hindi maipaliwanag
ni Amimay kung bakit sa isang puno nagmula ang iba't ibang punong saging, tulad ng BUNGULAN,
CARDABA, DARAYAN, LAKATA, LATUNDAN, MORADO, SABA, SENORITA at TUNDOLE kaya nanatiling
"SAGING" ang tawag sa kanilang lahat hanggang sa kasalukuyang panahon.

Alamat Ng Saging 2

Sa isang barangay ay may magkasintahan na labis na nagmamahal sa bawa't isa. Sila ay sina Juana at
Aging. Bagama't tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan ay patuloy pa rin sa pagniniig
ang magkasintahan.

Minsan, galing sa bukid ang ama ni Juana nang matanawan nito sa bukas na bintana si Aging. Biglang
nagsiklab sa galit ang ama ni Juana. Hinugo nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging. Naputol ang
braso ni Aging. Tumakbo ito at tumakas. Hinabol siya ni Juana, umiyak at tinatawag si Aging. Nang hindi
na siya matanaw si Aging ay binalikan niya ang putol na braso ng kasintahan at ibinaon sa kanilang
bakuran.

Kinaumagahan, nagulat ang ama ni Juana sa isang halaman na biglang sumulpot sa kanilang bakuran. Ito
ay kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahn. Kulay dilaw ang bunga nito na animo'y kamay at
mga daliri ng tao. Napasigaw siya sa labis na pagkagulat.

"Juana, Juana, pumanaog ka nga." Tawag niya sa anak. "Anong uri ng halaman ito, ngayon lang ako
nakakita ng ganayan.
Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng
puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging.

"Ang halamang iyan ay si Aging!" Wika ni Juana.

Magmula nga noon ang halamang iyong ay tinawag na "Aging" na di nagtagal ay naging "Saging".

Alamat Ng Mangga

noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito'y
maliliit at ang tawag dito ay "pahutan". Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang
pahutan.

Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot.
Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang Isko ay dumaan. Kusang loob na inalok ito
ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng
pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok.

Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na
nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng
batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya ay
lumalapit, wari'y may bumubulong ng...

"HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN."

Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng
mangga. Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw na roon ay sumisilong.

Ang madalas magpahinga sa punong manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila ng
pagkakataong magkausap palagi ng puno.

"Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-rati'y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit
nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may
nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis."

"Salamat sa iy, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang iyong
kasipagan, kasisigan at kalakasan," nahihiyang wika ng mangga.

Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga.

Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si
"manggang pahutan" na malapit sa kanyang kinatutubuan.

Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang isang magsasakang may
dalang "piko" at ewan kung bakit gustong-gusto ng mangga na titigan ang piko.

Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko
ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga punong mangga ay pawang nagbunga.

Nang bumalik ang matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay lubhang nagulat. Ang
dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi
maisip ni Tandang Isko kung bakit nagkaganoon.
Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at...

"Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya
tatawagin itong Manggang Kalabaw. Bagama't magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno
ay may pagkakaiba pa rin sa hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa
tawag na Manggang Piko."

"Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?"

"SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang nawala.

Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni Tandang Isko sa mga namimili ng mangga.
Datapuwa't hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang kalabaw o manggang piko basta ag mga ito
ay pare-parehong mangga:

Pusong bibitin-bitin mabangong amuyin, Masarap kainin, lalo na't hinog.

Alamat Ng Pinya

Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na babae, si Pinang. Mahal na
mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak.
Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay.

Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang
anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan si Pinang
na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng
ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng apoy. Iniwan
niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit
sa palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni
Pinang.

Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang gumawa ng mga
gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok. Lumapit siya
sa ina at nagtanong. Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y magkaroon ka ng
maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!"

Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok. Kinagabihan,
nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak. Nagpilit siyang bumangong upang kumain.
Tinawag niya ang anak nguni't walang lumalapit sa kanya.

Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang isang uri ng halaman na
tumubo sa silong ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung anong uri ng halaman iyon. Binunot niya at
itinanim sa kanyang halamanan. Lumaki ang naturang halaman at di nagtagal ay namunga ito. Nagulat si
Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay hugis ulo ng tao na napapalibutan ng mata.

Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na magkaroon sana siya ng
maraming mata upang makita ang kanyang hinanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa. Noon niya
napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang mabuti ni Aling Rosa
ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa kanyang anak. Nang maglaon ang bunga
ito ay tinawag na "Pinya."

Alamat Ng Makahiya

Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at may kaisa-isang anak. Mahal na mahal
nila ang labindalawang taong gulang na si Maria. Napakabait at masunuring bata si Maria. Sa kabila ng
magandang katangiang ito ni maria, ang pagkamahiyain ay kaakibat ng kanyang katauhan. Ayaw niyang
makipag-usap sa ibang tao kung kaya't nagkukulong lamang siya sa kanyang silid para lamang makaiwas
sa mga tao.

Si Maria ay may taniman ng mga magagandang bulaklak. Ang kaniyang mga bulaklak ay sadyang
napakagaganda kung kaya't ang mga ito ay kilalang-kilala sa kanilang bayan.

Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido. Pinapatay nila ang bawa't masalubong at
kinukuha ang anumang mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago siya ni Mang
Dondong at Aling Iska sa bunton ng mga halaman. Si Aling Iska ay nagtago sa loob ng kabahayan,
samantalang si Mang Dondong ay nakahandang salubungin ang pagdating nga mga bandido.

"Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak." Dasal ni Aling Iska.

Nang walang anu-ano'y bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Si Mang Dondong ay walang nagawa
nang pukpukin siya sa ulo ng mga bandido. Nagtangkang tumakas si Aling Iska nguni't tulad ni Mang
Dondong, siya rin ay nahagip at nawalan ng malay-tao. Naghalughog ang mga bandido sa buong
kabahayan. Matapos samsamin ang mga kayamanan ng mag-asawa ay hinanap nila si Maria nguni't sila
ay bigong umalis. Hindi nila natagpuan si Maria.

Nang matauhan ang mag-asawa, ang kanilang anak na si Maria ang agad nilang hinanap. Patakbo nilang
tinungo ang halamanan. Laking lungkot ni Aling Iska ng hindi matagpuang ang anak. Nang walang anu-
ano'y may sumundot sa paa ni Mang Dondong. Laking pagtataka niya nang makita ang isang uri ng
halaman na mabilis na tumitikom ang mga dahon.

"Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita nito!" Ang may pagkamanghang sabi ni Mang
Dondong.

Tinitigang mabuti ng mag-asawa ang halaman, at doon nila napagtanto na ang halamang iyon ay dili-iba't
si Maria. Ginawa siyang halaman ng Diyos upang mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking pagkagulat na muli ni Mang Dondong na bawa't patak
ng luha ni Aling Iska, ito ay nagiging isang maliit at bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang mabuti ng mag-asawa sa paniniwalang ito ang kanilang
anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng isang katangian ni Maria.

You might also like