Professional Documents
Culture Documents
4th M.E. 10
4th M.E. 10
4th M.E. 10
2019-2020 AC--FO-017
I. PANUTO: Tukuyin kung sa aling panahon nangyari ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang
BDK (Bago dumating ang mga Kastila), PKK (Panahon ng Kolonyalismong Kastila), PRRGP
(Panahonng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas), at PPPI (Panahon ng
Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US). (10 pts)
____1. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga
bata.
____2. Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskwelahan na magtuturo
alpabeto sa mga bata at pangunahin ang doktrina ng relihiyong Katoliko.
____3. Pinag-aral sa mga sekundaryang paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa mga
barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at Cabeza
de Barangay.
____4. Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay
pangunahing binibigyang pansin.
____5. Pangunahing layon ng edukasyon ang pagtuturo ng Katolisismo.
____6. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura. Inaral ng mga bata ang pagkanta ng
Columbia, Star Spangled Banner, ABC, My Old Kentucky Home at Maryland, my Maryland.
____7. Ginamit ang Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.
____8. Mekanikal na pinabasa at pinapamemorya ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal
ng simbahan.
____9. Ang mga guro sa pampubliko ay mga Amerikanong sundalo.
___10. Ibinigay ni Apolinario Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong
sistema ng edukasyon.
II. Panuto: Punan ang hinihingi ng mga sumusunod tungkol sa edukasyon noon at ngayon. (10 pts)
Alam Ko Nararanasan Ko
1
A.Y. 2019-2020 AC--FO-017
III.Panuto: Gamit ang “Venn Diagram” paghambingin ang edukasyon sa panahon ng mga Hapon
at panahon ng Amerikano. Isulat sa gitnang bahagi ng bilog ang pagkakapareho ng mga
sumusunod at ang pagkakaiba naman ay sa magkabilang bahagi ng bilog.(15 pts)
IV. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang proyekto ng pamahalaan ay naglalayong
mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa at isulat ang Mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
2
A.Y. 2019-2020 AC--FO-017
IV: Panuto: Basahin at unawaing mabuti at bawat tanong. Ipaliwanag ang iyong sagot ng may
5 o higit na pangungusap.
Pamantayan:
Paksa - 3
Tamang gamit ng mga salita - 2
5 puntos
1. Bakit sinasabi ng ulat na “Educated people are more tolerant”? Ano ang maitutulong nito sa
pagpapanatili ng katahamikan sa ating mundo?
2. Ano ang pinakamabisang paraan para tumaas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa?
Magmungkahi ng mga paraan.