Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga hamon o pagsubok sa buhay ay medyo uri ng mga indibidwal na maging daan upang maakay

siya sa mga pagsubok sa buhay at pagiging kumplikado upang mapasigla siya, upang makamit ang

kanyang pinakamataas na rurok ng pagsisikap. May kapaitan na daranas upang maitulak ito,

pagkatapos ay upang umunlad. Lahat tayo dito sa mundo ay makakaranas ng maraming problema o

mga pagsubok sa buhay. Maari yung iba dinadaan nalang sa tawa ngunit yung iba naman  pinag-iisipan

kung anong tamang gawin para malutas ang kanilang problema. Kahit na mahirap pa man tayo o

mayaman lahat ay pantay pantay mayroon ding mga hamon na kinakaharap. Pero lahat din ng hamon o

pagsubok sa ating buhay ay mayroong solusyon kapag mayroon tayong tatag ng loob at kayang harapin

ang lahat.

Bilang isang Kristiyano, isa sa pinakamahirap na bahagi ng buhay natin ay ang katotohanan na

ang pagiging tagasunod ni Kristo ay hindi garantiya na hindi tayo makakaranas ng mga pagsubok

at kahirapan. Bakit hinahayaan ng isang mabuti at mapagmahal na Diyos na dumaan tayo sa mga

pagsubok at kahirapan gaya ng kamatayan ng anak, pagkakasakit, kapinsalaan sa atin o sa ating

mahal sa buhay, kasalatang pinansyal, pagaalala at pagkatakot? Kung tunay na iniibig tayo ng

Diyos, aalisin Niya ang mga bagay na ito sa ating buhay. Hindi ba’t ang pagmamahal ay

nangangahulugan na nais Niyang mabuhay tayo ng maginhawa at komportable? Ngunit hindi

gayon. Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na iniibig Niya ang kanyang mga anak at “sa lahat

ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag

ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28). Kaya nangangahulugan ito na

pinahihintulutan Niya ang mga pagsubok at kahirapan sa ating buhay at ang mga ito ay bahagi ng

paggawa Niya sa lahat ng bagay–para sa ating ikabubuti. Kaya nga, para sa mananampalataya,

may mabuting layunin ang Diyos sa likod ng mga pagsubok at kahirapan.Katulad sa lahat ng

bagay, ang pinakalayunin ng Diyos para sa atin ay lumago tayo at maging katulad sa kabanalan

ng Kanyang Anak (Roma 8:29). Ito ang layunin sa buhay ng Kristiyano, at sa lahat ng nangyayari

sa ating buhay, kasama ang mga pagsubok at kahirapan. Ito ay bahagi ng proseso ng pa gpapaging

banal ng Diyos sa atin, sa pagtatalaga Niya sa atin para sa Kanyang layunin at upang maging

karapatdapat tayo sa Kanyang kaluwalhatian. Ang paraan kung paano ito ginagawa ng Diyos sa

pamamagitan ng mga pagsubok ay ipinaliwanag ni Apostol Pedro sa 1 Pedro 1:6-7: “Ito'y dapat

ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng

maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang

dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa
pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo'y papupurihan, dadakilain, at

pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.” Ginagawang dalisay ng mga pagsubok at

kahirapan ang pananampalataya ng mga tunay na mananampalataya upang maging payapa sila sa

kaalaman na ito ay totoo at tatagal.Hinuhubog ng mga pagsubok ang ating makadiyos na

paguugali at binibigyan tayo ng kakayahan na “magalak sa ating mga pagbabata sapagkat alam

nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang

katatagan ay nagbubunga ng pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig

ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa

atin” (Roma 5:3-5). Binigyan tayo ng perpektong halimbawa ng ating Panginoong Hesu kristo,

“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin

noong tayo'y makasalanan pa” (Roma 5:8). Ipinakikita ng mga talatang ito ang mga aspeto ng

layunin ng Diyos sa ating mga pagsubok at kahirapan maging sa mga dinanas na pagsubok ni

Kristo. Ang pagtitiyaga ay nagpapatibay sa ating pananampalataya. “Ang lahat ng ito'y magagawa

ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo” (Filipos 4:13).

Gayunman, dapat tayong maging maingat na huwag gamiting dahilan ang mga pagsubok at

kapighatian kung ang mga iyon ay resulta ng ating pagkakamali. “Huwag nawang mangyaring

maparusahan ang sinuman sa inyo bilang mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o

mapanghimasok sa di niya dapat panghimasukan “ (1 Pedror 4:15). Patatawarin ng Diyos ang

ating mga kasalanan dahil ang walang hanggang kaparusahan niyon ay binayaran na ng handog ni

Kristo doon sa krus. Gayunman, daranasin pa rin natin ang natural na konsekwensya ng ating mga

kasalanan at maling desisyon sa buhay na ito. Ngunit ginagamit ng Diyos maging ang mga

pagsubok at kahirapan na bunga ng ating mga pagkakamali upang hubugin at hugisin tayo ayon sa

Kanyang naisin para sa ating ikabubuti.

Ang pagsubok at kapighatian ay dumarating na may kasamang layunin at gantimpala. “Mga

kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na

lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga

pagsubok na iyan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at

walang pagkukulang…. Mapalad ang taong nananatiling tapat, sa kabila ng mga pagsubok;

sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng putong. Ito'y ang buhay na ipinangako ng

Panginoon sa mga umiibig sa kanya” (Santiago 1:2-4,12).


Sa pagdaan sa lahat ng mga pagsunok at kahirapan sa buhay, mayroon tayong tagumpay.

“Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating

Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 15:57). Bagama’t nasa gitna tayo ng espiritwal na labanan,

walang kapangyarihan si Satanas laban sa mga mananampalataya. Ibinigay sa atin ng Diyos ang

kanyang salita upang gabayan tayo, at ang Kanyang Banal na Espiritu upang bigyan tayo ng lakas

at ng pribilehiyo na lumapit sa Diyos sa panalangin sa lahat ng oras para sa anumang bagay.

Tiniyak din Niya sa atin na hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na higit sa ating makakayanan.

“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at

hindi niya ipahihintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng

pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

You might also like