Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?

 November 1, 2019  Human RightsSex Education

 4
 5
 7

 30

Sa wikang Filipino ang salitang kasarian ay ginagamit upang bigyan ng


kahulugan ang sex at gender. Ito ay nagbibigay ng malaking problema sa mga
usapin sa bansa na may kaugnayan sa sekswalidad dahil madalas na
pinagpapalit ng mga tao ang kahulugan ng kasarian upang tukuyin ang sex at
gender.

Ang sex ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto na nakabatay


sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao tulad ng pagkakaiba ng
genitalia(ari) ng mga lalaki at babae. Sa kabilang banda ang gender
naman ay tumutukoy sa pansarili, panlipunan at pangkulturang
perspektibo ng mga tao sa kanilang kasarian.
Sa madaling salita ang sex ay isang biyolohikal na katangian na taglay
nang isang tao simula ng siya ay pinanganak at maaari lamang ito
mabago kung dadaan sa isang operasyon ang tao na ito para baguhin ang
kanyang kasarian. Ang gender naman ay nahuhubog ng personal na
pananaw ng isang tao at ang gawi ng lipunan na nakapalibot sa kanya.

Ano ang Sex?


Karaniwang kaalaman na mayroon lamang dalawang sex: lalaki at babae.
Ngunit mayroon din tayong mga tao na tinatawag na intersex.
Ang intersex ay tumutukoy sa mga pisikal na katangian at/o ang sekswal
na katangian na hindi maikakategorya bilang lalaki o babae. Ito ay
maaaring dulot ng problema sa chromosome ng tao o ang depormasyon
ng ari sa kanyang kapanganakan(halimabawa ay pagtataglay ng parehong
ari ng dalawang sexes). Ayon sa mga pag-aaral, 1 sa 100 tao ang
maaaring ipanganak na intersex

Ano ang Gender?


Ang gender, hindi tulad ng sex, ay di lamang mahahati sa dalawang
kategorya. Ang gender ay isang spectrum. Ibig-sabihin ito ay bunubuo ng
iba’t ibang uri ng gender o kombinasyon ng mga uri nito.

Ang karaniwang batayan ng gender ay ang gender identity at roles na


mayroon sa lipunan: ito ay pagiging masculine o feminine.

Isa sa halimbawa nito ay may mga tao ng tinuturing nila ang kanilang
sarili bilang non-binary, kung saan ang isang non-binary ay hindi
sumusunod sa tradisyonal na male-female binary ng lipunan. Isang
halimbawa ay pagsusuot ng mga pananamit na ginawa para sa kabilang
kasarian.

Mayroon din na bigender kung saan ang isang tao ay ginagampanan


ang gender role ng parehong lalaki at babae. Hindi rin nawawala ang
mga agender, mga tao na hindi tinuturing ang kanilang sarili na bahagi ng
kahit anong kasarian.
Sa kasalukuyan, bukas ang mga usapin sa kasarian hindi tulad dati na ito
ay taboo at iniiwasan talakayin ng mga tao. Sa ibang bansa ito ay
binibigyan ng malaking atensyon at sila ay nagnanais na gumawa ng
karampatang batas at karapatan para sa mga tao na bahagi ng iba’t ibang
spectrum ng gender. Samantala sa Pilipinas ito ay pinagdedebatehan  pa
ng mga mambabatas at mga miyembro ng simbahan at lipunan dahil sa
konserbatibo at tradisyunal na pananaw ng karamihang Pilipino.

You might also like