Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kay Rizal

Tula ni
Cecilio Apostol
Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.
Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay
tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan
na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman.

Ang Panday
Kaputol na bakal na dungkal sa bundok,
dinalisay muna sa apoy, lumambot;
sa isang pandaya’y matyagang pinukpok,
niyari ng panday na nasa ng loob.
Walang anuano’y naging kagamitan
araro na ngayon ang bakal na iyan-,
ang bukiri’y buong sipag na binungkal,
kasabay ang tanim ng dilig ng ulan.
Nguni’t isang araw, sumiklab ang gulo
at ang sambayanan ay bulkang sumubo;
tanang makabansa’y nagtayo ng hukbo
pagka’t may laban nang nagaalimpuyo!
Ang lumang araro’y pinagbagang dagii,
nilagyan ng talim nang pandaying muli:
naging tabak namag tila humihingi
ng paghihiganti ng lahing sinawi!
Kaputot na bakal na kislap ma’y wala,
nguni’t ang halaga’y hindi matingkala—
ginawang araro’t pambuhay ng madla,
ginawang sandata: pananggol ng bansa!
Pagrnasdan ang panday, bakal din anaki,
walang kayabanga’t nasa isang tabi;
subali’t sa kanyang kamay na marumi
ay naryan ang buhay at pagsasarili!

Tanikalang Ginto
Juan K. Abad

Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan na si


Liwanag. Si Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin; pakasalan ang nag-iisang
mahal na si K’ulayaw o ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si
Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na magpakasal si Liwanag kay K’ulayaw nais niyang
makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay.
Binigyan ni K’ulayaw si Liwanag ng panyong galing sa kanyang ina na si Dalita bilang
patunay ng kanilang pagmamahalan. Isinumbong ito kay Maimbot ng kanyang alipin na
si Nagtapon. Dahil dito, inatasan niya si Nagtapon na bantayan at pagbawalan ang
pagkikita ng dalawa. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya upang
hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng tanikalang ginto at
pinangakuan ng marami pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang
ampunin si Liwanag. Ang tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata na
pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Subalit nanaig ang kagustuhan ni
Liwanang na sumama at magpakasal kay K’ulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na
paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa
sariling kapatid.

ANG MATAMPUHIN

Damong makahiya na munting masanggi’y


nangunguyumpis na’t buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti’t
halik ng amiha’y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.
Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi’y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya’y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.

Matingkad na kulay ng mayuming sutlang


kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na’t agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.

Kalapating puting may batik sa pakpak,


munting makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay


ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!

You might also like