Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ISIP AT DAMDAMIN

TAUHAN:
Arnel Hanapol ( Bjourgue Magpantay) – kaklase ni ian na nambubully sakanya.
Christoper Cayton ( Ian Pscual) – kaibigan ni Christoper.
Alex Howard (kim) – kaibigan ni ian.
Grace Tomalon (Donize Brabante) – kaibigan ni arnel na kasama sa nambubully kay chris.
Julius Pacos (Anton Shockey) – best friend ni chris n amalakas ang loob.

SETTING:
School
Bahay ni Chris
Bahay ni Julius

Isang araw naglalakad si Chris at Julius pauwi sa kanilang bahay.


Chris: Uy pre! Ingat ka dito na bahay ko.
Julius: Sge pre ingat.
Nung papasok na sana ng kanilang bahay si Chris, narinig niyang nagaaway ang kanyang mga
magulang.
Nanay: Nambabae ka nanaman! Bakit ba hindi ka makuntento?
Tatay: Nappraning ka nanaman! Kaibigan ko lang ‘yun!
Nanay: Sinungaling ka! Kitang – kita ko kayo ng babae mo dun sa bar!
Tatay: praning! Wala kang kwentang asawa!

Si Chris ay hindi muna umuwi sa kanilang bahay at dumeretso sa bahay ng kanyang bestfriend
na si Julius. Malungkot ang muka ni Chris nung Nakita siya ni Julius sa kanilang bahay.
Julius: oh nagaway nanaman sila tito at tita noh?
Chris: oo lagi naman wala ng bago. (malungot na pagsabi ni Chris)
Julius: Wag ka magalala balang araw magkakaayos din yung mga yon wag ka mawawalan ng
pag-asa.
Julius: laro tayo basket ball matagal ko na gusto ulit maglaro eh wala lag ako oras. Laro tayo!
Julius: kain din tayo run sa may isawan! Libre na kita!
Chris: sige pre sabi mo yan ah! Walang bawian! Pag binawi mo yan ililibre mo ko ng isaw kahit
ilang gusto ko bukas!
Julius: sige ba! Basta gusto ko wag ka na makungkot pagkatapos neto.
Chris: (ngumiti)
Nilibang ni Julius si Chris upang mawala ang lungkot nito. Alas nuebe na ng gabi nang
nakauwi si Chris sa kanilag bahay. Sa likod ng bahay dumaan si Chris para hindi siya mapansin
ng lanyang mga magulang. Hindi niya alam na nasa sala ang kanyang nanay at nanonood ng
tv. Nahuli siya ito.
Nanay: lagi ka nalang late at nagpapagabi umuwi! Gusto mo ‘wag ka na umuwi?
Christ: eh bakit? Lagi rin namna kayo nagaaway ni tatay ah! Sawang sawa na ako sa paulit-ulit
niyo na away na kahit kalian hindi niyo nasolusyunan! Hindi niyo manlag iniisip ‘ung
mararamdaman ko!
Nanay: aba bastos kang bata ka! Wala kang utang na loob! Wala kang kwentang anak!
Nagkaisip kalang natuto ka nang sumagot!
Chris: malapit na! malapit na ako masiraan ng ulo sa inyong dalawa!
Tinalikuran ni Chris ang kanyang nanay at dumeretso sa kanyang kwarto.
Kinabukasan, sabay pumasok si Chris at Julius patungong eskwelahan.
Julius: oh pre namamaga nanaman mata mo.
Chris: yung nanay ko kasi eh sinabihan ako ng walang kwenta.
Julius: ano kaba galit lang yung pero mahal na mahal ka non.
Chris: sana nga. Hindi ko naman kasi nararamdaman eh.
Julius: hindi lang nila pinapakita pero mahal na mahal ka ng mga ‘yon. May hindi sila
pagkakaunawaan ng tatay mo pero hindi nawawala pagmamahal nila sayo.
Pinapalakas ni Julius ang pakiramdam ni Chris para sumaya ito hanggang makarating na sila
sa kanilang paaralan.
Recess time:
Kumakain si Chris sa cafeteria at hinihintay si Alex at Julius. Pumunta si Grace at Arnel sa
kinauuppuan ni Chris upang mambully.
Grace : uy dun tayo umupo sa pwesto ni chris oh hahaha sakto wala ‘ ung mga weird niya na
kaibigan sarap pagtripan.
Arnel: hahaha sabi ng parents ko kagabi nagaaway nanaman parents niya dahil sa pambabae
ng tatay niya hahaha kawawang bata (tumatawa) tara pagtripan natin!
Grace: balita ko mayaman din sila kunin mo nga ‘ung bag nyan d namna yan papalag eh.
Arnel: tara hahah
Pwest to ni chris:
Arnel: balita ko nagaway nanaman mga magulag mo ah! Hahaha kawawa ka naman babaero
na nga tatay mo ayaw pa sayo ng nanay mo!
Grace: (nakikigatong at tumataw)
Tulungan at sapilitan na kinukuha ni Arnel at Grace ang bag ni Chris dahil sap era na hawak
nito. sinuntok ni ARnel sa tyan si Chris upang ibigay ang bag nito.
Dumating na si Julius at Alex.
Julius: Hoy arnel at Grace anong ginagawa niyo! Ganyan ka na ba kaduwag! Mga alam mong
walang laban sayo mga inaatake ko! Ako kalabanin mo tignan ko kung uubra ka saken!
Arnel: ito nanaman ang weirdo na mayabang hahaha kala mo ang lakas puro salita lang
naman!
Alex: hoy ikaw ikaw grace! Alam naman nating dalawa na sunod-sunuran ka lang jan kay
arnel! Kaya tumigil tigil ka sap ag mamayabang mo! Baka gusto mong putulin ko yang mga
sungay mo.
Grace: waw makapagsalita ka kala mo d ka mayabang ah! Puro salita ka lang din pero pag
Nawala si Julius mawawala yang tapang mo! Palibhasa kase may gusto ka lang kay Julius pero
d mo masabe kasi puro si chris ang inaatupag niya at minsan hindi ka pa kasama!
Alex: andami mong dakdak!
Grace: tara na nga arnel nakakasira pa ng araw tong mga impakto na to!
Arnel: hahaha tara na nga mga walang kwentang kausap mga yan haha.
Umalis si grace at arnel at humiwalay ng table.
Julius: okay ka lang ba ba chris?
Chris: oo okay lang ako (malungkot na pagsabi)
Julius: ‘wag mo nalang pansinin mga yon mga walag magawa sa buhay eh.
grace: tara kumain nalang tayo at panataliin ako good vibes! Puro mga negative pagmumuka
nila eh! Hahahaha
uwian:
naglalakad pauwi ng bahay si Chris at Julius pauwi ng bahay. naabutan niya nanaman
nagaaway ang kanyang nanay at tatay kaya hindi muna siya umuwi at hinabol si Julius upang
sumabay ito at doon muna tumuloy sa kanilag bahay dahil ayaw niyang nang marinig ang
pagaaway ng kanyang mga magulang.
Chris: Julius! Hintayin mo ako!
Sinigawan ni Chris si Julius upang tumigil ito at hintayin siya. Pagkalingon ni Juius ay hindi
niya napansing may kotse sa likod niya at nabunggo siya. Hindi makapaniwala si Chris sa
kanyang natanaw. Hindi nakagalaw si chris at napatulala sa nangyari kay Julius. Dinala sa
hospital si Julius ngunit binawian na ito ng buhay dahil sa utak siya nabundol.
Burol:
Ang buong klase ay presentado sa burol ni Julius upang makiramay. Papaalis na ang kanilang
mga kaklase nung nakarating si Chris.
Nanay ni Julius: walang hiya ka! Hayop ka! Kung hindi mo siya tinawag ng araw na iyon ay
hindi siya mabubunggo at mamatay! Ang lakas ng loob mong magpunta rito ikaw ang dahilan
kung bakit Nawala samin! Napakabait na kaibigan sayo ni Julius at dahil pa sayo kung bakit
siya nagkakaganto?! Lumayas ka! Ayoko kitang Makita sa harap ko at katawan at kaluluwa ni
Julius!
Chris: sorry po tita sorry po talagaa. Hindi ko po sinasadyan. Kasalanan ko po lahat sorry po
talaga. (paluha na pagsabi ni Chris).
Nanay ni Julius: sorry? Mababalik ba ng sorry mo ‘ung buhay ng anak ko?! Nagiisa nalang siya
sa buhay ko. Wala na ak=ng kanyang tatay at nagiisa ko lang siyang anak! Sorry? Sorry?
Walang sorry o kahit anong bagay ang magapatawad at magbabalik sa buhay ng anak ko!
Chris: (umiiyak at walang masabi sa mga sinasabi ng nanay ni Julius) tumingin lang siya sa
litrto ng kabaong ni Julius at sinabi niya sa isip na “Julius sorry sorry mahal na mahal kita pre
maraming Salamat sa lahat sorry talaga” at humagulgol.

Umalis na si chris sa burol at dumeretso sa kanilang bahay na humahagulgol.


Nanay: oh tignan mo pati Kaibigan mO napahamak mo. Sagot pa namin burol niyan ng
kaibigan mo dahil sa kagagawan mo! Hindi porket may kaya tayo aabusuhin mo na!
Si chris ay hindi nalang nakakapagsalita at tumakbo sa may tulay at nagtatangkang
magpakamatay. Umiiyak lang si chris at sumisigaw sa kanyag isip.
Chris: AYOKO NA! AYOKO NA MABUHAY! WALA AKONG KWENTA! BAT PA BA AKO GINAWA!
BAKIT MO KINUHA SAKIN ANG BESTFRIEND KO LORD! BAKIT! WALA NAMAN SIIYANG
GINAGAWNAG MASAMA! SIYA NA LANG NATITIRA SAKIN NA PAMILYA KO! BAKITT
HUHUHUHU AYOKO NA KUNIN MO NA LANG AKO KUNG GANITO LANG! SAWANG SAWA NA
AKO SA BUHAY KO AYOKO NA WALA NANG BAGO!
Tatalon na sana si Chris ngunit Nakita siya ni Alex at napigilan ito.

alex: Chris! Anong ginagawa mo! Bumaba ka dyan! Kahit si Julius ay hindi niya gusto kung pati
ikaw ay magpapakamatay!

Chris: ayoko na grace wala na akong ginagawang tama sa mundong ito! Wala akong silbi
ayoko na! sabihin mo nga kung ano pa silbi ko!
Alex: bumaba ka muna dyan!
Hinila agad ni grace papalayo sa tulay si Chris pagkababa nito. Ngunit kahit si alex ay si Chris
ang sinisisi sa pagkawalan ni Julius. Ginawa lang ni Alex un para sa sarili niya.

Alex: bakit ka magpapakamatay? Namatay na nga si Julius mawawala ka rin? At ano


papatayin mo rin ako a kunsensya dahil ako ang huling makakakita sayo? Kung
magpapakamatay ka siguraduhin mong walang makakakita sayo! Dahil sayo kaya namatay si
Julius! Bakit moba kasi dinadamay si Julius sa mga problema mo?! Simula ngayon hindi na
tayo magkaibigan!
Chris: sorry alex hindi ko ginusto ang nangyari. Kasalanan ko to laat okay lang na isisi mo
sakin lahat. Tatanggapin ko.
Si alex ay tumakbo papalayo upang pumunta ng burol ni Julius at si Chris naman ay
nakatulala na naglalakad pauwi ng bahay at nagooverthink.
School:
Si chris ay laging tulala at laging pinagtitinginan sa kanilang eskwelahan.
Ibang estudyante(1): uy dba yan ung may kasalana kung bakit namatay si Julius?!
Ibang estudyante(2): oo pre yan din ung balita ko!
Jewelle: wag nga natin siya husgahan! Hindi naman natin alam kung anong nangyari eh. Alam
kong masakit at mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Alam ko ang pakiramdam. Kaya
wag natin siyang husgahan.
Nakisali si grace sa usapan
alex: kaibigan ko yan dati at alam ko na kasalanan niya ang mga nangyari. Alam ko ang
nangyari.
Jewelle: (sarcastic na pagtanong) alam mo? Nandun kaba? Sa tingin mo ba hindi siya
nasasaktan sa nangyari? Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag dyan?
Alex: matagal na akong may gusto kay Julius pero hindi ko masabi at hindi ako makaporma
dahil kay Chris na lagi niyang kasama sa lahat ng bagay. Kaya kasalanan niya yon. Kasalanan
niya ang lahat.

Jewelle: bilang kaibigan ni Chris alam mo na may problema siya sa pakikisalamuha sa ibang
tao at sa pamilya. Kung totoong kaibigan ka maiintindihan mo siya at dadamayan. Kung yan
ang iniisip mo, hindi ka nagging totoong kaibigan sakanya.

Si alex ay tinarayan si jewelle at sumama na kina arnel at grace para maging kaibigan sila.
Sumama si alex sa dalawa upang makahanap ng bagong kaibigan na ayaw kay Chris at sasama
sa pambubully kay Chris.
Recess:
Si Chris ay mag-isang kumakain sa cafeteria. Ang itsura niya araw araw ay tumatamlay at
nagiging tulala nalang palagi. Ang grades ni Chris ay patuloy nang bumababa. Lumapit si
grace, alex at arnel kay chris upang asarin ito, saktan ang damdamin at kuhanan ng pera.
Wala na si Julius kaya wala nang nagtatanggol sakanya.

Arnel: uy si Chris oh! Tara upo tayo sa tabi niya hahaha


Arnel: uy ayan na ung walang kwentang kaibigan at walang utak oh hahaha
Grace: siguro nagtitiis lang sayo si Julius dati kaya ka niya sanasamahan hahaha.
Alex: maraming pera yan oh tignan mo wallet niya may isang libo. Pero kahit gaano ka
karaming pera wala ka paring kahit sino na magtatanggol sayo o sasamahan ka hahaha.
Grace: arnel kunin mo nga wallet niyan wala naman siya mabibilan dito kasi wala nang may
pake sakanya.
Alex: magalacohol ka pagkatapos ha baka kasi mahawaan ka ng virus nyan na walang kwenta
hahahaha mahirap na.
Si arnel ay hinablot and wallet ni chris at kinuha ang isang libo.
Uwian:
May mga classmates siya na biglang lumapit sakanya at inaaya mag yosi.
Etudyante(1)- uuy chris balita ko may problema ka ah.
Estudyante(2)- ito makakatulong ito. (ipinakita niya ang yosi at lighter kay chris)
Chris- Salamat nalang hindi ko kailangan nyan.
Nagtinginan ang dalawang estudyante at mas kinumbinsi pa si Chris.
Estudyante(1)- sige na subukan mo lang. pag tinaggihan mo to pagsisihan mo.
Estudyante(2)- ito bonus pa. libre ko na tutal magsisimula ka palang hahaha subukan mo lang
pag nagustuhan moa ko bahala sayo. Makakalimutan mo problema mo rito.
Chris: sigurado ka bang makakalimutan ko ang problema ko dyan?
Estudyante(2)- oo iba ang mararamdaman mo rito.
Chris: sge susubukan ko lang isang beses lang.
Pumunta sila sa bahay ni estudyante(1) at doon tumambay. Pagkatapos nito ay naginuman
pa sila. Madaling araw na nang natapos at makauwi si Chris sa kanilang bahay. lasing na
lasing ito ng umuwi.
Kinabukasan(Saturday):
Naamoy ng kanyang nanay ang alak kay chris at napansing suka ito ng suka.
Nanay: uminom kaba? Amoy na amoy ko.
Chris: hindi po nay.
Nanay: sinungaling ka! San ka natuto nyan!
Madaming sinasabi ang nanay ngunit wala nang pakielam si chris sakanya at naligo nalang at
dumeretso sakanyang kwarto.
Gabi:
Nagmessage ang mga bago niyang kaibigan sa messenger at nagaaya. Hindi sana sasama si
chris ngunit biglang sinabi ng isang niyang kaibigan na nandun na sila sa harap ng bahay ni
chris.
E1- uy pre tara inuman!
E2- tara pre!
Chris- sge na nga hahaha hanggang 9 lang ako ha
E1-sge ba okay nayon! hahahhaha
Gabi gabi, paulit ulit ang mga nangyayari. Laging late umuuwi si chris ng kanilang bahay.
laging bagsak si Chris sa mga school works at tuluyan ng napariwara.
Si chris ay hindi na rin nakakatulog dahil sakanyang mga iniisip. Ang bisyo ay nagiging palipas
oras niya lamang ngunit hindi niya ito nagiging solusyon para bumangon.

Pangalawang quarter sakanilang eskwelahan:


Si chris ay bagsak sa unang markahan.
Arnel: uy chris hahaha d ka na nga pasado wala ka pang utak hahaha.
Grace at alex: tumatawa at nakikigatong sa pangaasar.
Chindi nalang pinapansin ni chris ang mga ito dahil sa tingin niya ay wala siyang laban sa mga
ito. Sa tingin niya rin na totoo rin ang sinsabi ng tatlo kaya d nalang siya kumikibo.
Nilapitan ni jewelle si ian sakanyang upuan at naisipang kaibiganin ito para matulungan na
mapabuti ang kanyang buhay, academics, isip, at damdamin.
Jewelle: hi
Chris- hello
Jewelle: kamusta ka na? okay ka lang ba?
Chris- hahaha muka ba akong okay? Wag mo nga akong lapitan baka pati ikaw madamay pa
dahil sa’kin.
Jewelle- nawalan na ako ng pake sakanila lalo na sa mga negatibong bagay na binibigay nila.
kita tayo after class.
Chris- (napaisip si Chris sa sinabi ni jewelle) sge.
Uwian:
Nagaaya ang mga kaibigan ni ian na kainuman niya. Nagdadalawang isip si chris kung sasama
siya ngunit biglang tinawag ni jewelle si chris at naalala ni chris na may planosilang magkikita
pagkatapos ng klase kaya sumama si chris kay jewelle at hindi muna nag sumang ayon sa iba
niya kaibigan. Ang dalawa niyang kaibigan ay nagtampo at nagkaroon ng sama ng loob kay
chris dahil hindi ito nakasama sa kanila.
E1- uy pre ikaw nalang hinihintay naming!
E2- tar ana chris may alam akong bagong lugar na magandang pagtambayan!
(pasigaw na pagsabi ng dalawang estudyante sa malayo).
Chris- pasensya na mga pre sa susunod nalang! May lakad ako ngayon kasama si jewelle eh.
E1-ganyan ka na ha! Mas importante na siya sayo. Sge bahala ka kami na nga lang kaibigan
mo eh.
Umalis ang dalawang estudyante na hindi kasama si chris.
Jewelle- pabayaan mo ung m a yun hindi sila totoong kaibigan kung hindi ka nila
maiintindihan. Ano bang klaseng kaibigan sila? Kasama mol ang namna yan sa pampalipas
oras mo pero kung damayan na magkakaibigan ang paguusapan una palang ekis na ekis na.
Chris- makapagsalita ka hah close ba tayo?
Jewelle- hindi pero totoo naman ha. Tumanggi ka lang sakanila ng isang beses aayaw na agad
sila sayo haha yun ba ang totoong kaibigan?
Si Chris ay napaisip at hindi nakapagsalita ng ilang Segundo.
Chris- ano ba sasabihin mo ? ano ba gusto mo mangyari?
Jewelle- wala gusto ko lang kaibiganin ka. Hahaha
Chris- sge ba sana matiis mo ako hindi ako katulad ng ibang kaklase natin kung
pakikipagsalamuha ang paguusapan; wala ako nun at wala akong kwenta. Baka pagsisihan
mo pag kinaibigan moa ko hahaha
Jewelle- anu kaba? Kung hindi ka marunong makipagsalamuha paano moa ko nagagawang
kausapin ngayon? Paano mo nagagawnag kausapin si Julius noon? Huwag mog idown
masyado ang sarili mo sa mga nangyayari. Sympre tao ka. Tao tayo. Lahat tayo nagkakamali.
Lahat ng tao may kwenta. Hindi ka gagawin ng diyos kung wala kang kwenta. Dapat lagi ka
magkaroon ng tiwala at confidence sa sarili mo. Lahat naman tayo nagkakamli. Pero mali ‘ung
nagkamali ka tapos gagawin mo pa yong kahinaan mo. Pag nagkamali ka gawin mo yong lakas
at lesson sa buhay mo. Ang pagkakamali at pagsubok ay ginawa ng diyos upang matuto tayo
at gawin iyong kalakasan. sinusubukan lang tayo kaya hindi dapat tayo magpapatalo.
Chris- Salamat sa advice mo pero may diyos ba? Kinuha niya sakin ung nagiisang tang
tumutulong sakin, pamilya ko. Yung nagiisang tao kung bakit ako nabubuhay. Kung totoo
man siya hindi ako naniniwala sakanya. Dahil sakin kaya siya Nawala.
Jewelle- may dahilan kung bakit ganun ang ginawang tadhana ng panginoon sakanya chris.
May dahilan kung bakit iyon nangyari sakanya. Huwag mong isipin na kasalanan mo yun dahil
hindi mo naman ginusto ang mga pangyayari. Hindi mo iyon kasalanan chris. Huwag mong
sisihin ang sarili mo. Kahit si Julius ay hindi niya gugustuhin na magkaganyan ka. Sigurado
akong malungkot ngayon si Julius dahil ganyan ang mga nangyayari sayo. Kaya sana para sa
ikabubuti ng sarili mo kahit maraming taong humahadlang sayo para maging masaya lagi
mong iisipin sarili mo. Choice mo lagi kung paano ka magiging masaya. Mahirap siya
makamtan. Mahabang proseso. Hayaan mong tulungan kita. Sa maganda at mabuting
paraan. Iisa isahin natin lahat. Huwag natin biglain at pilitin. Ikaw nga nila “slowly but
surely”. Handa akong magingmkaibigan mo sa lahat ng bagay. Huwag mong isipin at mga
sinasabi ng iba. Isipin mol ang lagi kung paano ka mapapabuti at magiging masaya nang
walang nasasaktang iba. Tandaan mo may kasama ka. Wag mong isipin na magisa ka.
Chris- maraming Salamat sa mga sinasabi mo (umiiyak si chris) sobrang napagaan mo ang
loob ko. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Maraming maraming salamat
jewelle. Ibabangon ko na ang sarili ko. (niyakap niya si jewelle at humahagulgol sa balikat
nito).
Simula ng araw na iyon ay sinusubukan ni Chris araw-araw na bumangon sa kanyang mga
problema ay depresyon. Hindi na rin muna siya sumasama sa mga inuman at gumagawa ng
mga bagay na alam niyang mas makasisira sakanya dahil gusto niya ng pagbabago sa sarili
niya at mas Makita ang sarili niyang halaga.
-THE END-

You might also like