Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 9
Taong Panuruan 2019-2020
Pangalan:_____________________________________Marka:_______________
Taon/Seksyon:___________________________________ Petsa:_______________

Direksyon: Basahin at unawaing mabuti ang mga kaisipang halaw sa


nobelang Noli Me Tangere. Itiman ang bilog na katumbas ng letra
ng iyong sagot.

1. “Ako’y hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t


tatlong taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo
akong gamitan ng kung ano-ano at mabubulaklak na mga salita.”
Batay sa pahayag anong katangian mayroon si Padre Damaso?
A. mapagmataas C. mapagkumbaba
B. maalalahanin D. mahusay na lider

2. “ Ipagmaumanhin ninyong makasagot ako.Totoo kayang


mapagwalang-bahala ang tagarito o baka naman sinasangkalan
lamang natin ang kapintasang iyan ng mga Pilipino para matakpan ang
ganyan din nating ugali.” Ang binatang mapula ang buhok ay ______
A. matapang C. maalalahanin
B.mapag-alinlangan D. maunawain sa kalagayan ng kapwa

“Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t


isa nang walang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang
pari kaysa sa kanyang personal na ibig sabihin.” wika ni Padre Salvi.

3. Kung ikaw ang kaibigan ni Padre Damaso, gagawin mo rin ba ang


ginawa ni Padre Salvi?
A. Oo, dahil ayaw ko ng gulo.
B. Oo, para maipakita ko ang aking katapatan.
C. Hindi, dahil alam nila ang mali sa tama.
D. Hindi, para mahubdan ang tunay niyang pagkatao.
4. Ang panunuhol o bribery ay pagtanggap ng halaga o anumang bagay
kapalit ng pabor tulad ng di pagsusumbong sa isang iligal na gawain.
Bilang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapigilan ang
paglaganap nito?

A. Hindi ako tatanggap ng suhol o anumang bagay kapalit ng aking


prinsipyo.
B. Isisiwalat ko ang taong gumagawa nito upang matigil ang
masamang gawaing ito.
C. Hindi ako tatanggap ng pera bilang suhol, pero tatanggapin ko ang
mga bagay o pagkain na kanilang ibibigay.
D. Isusumbong sa kinauukulan upang matigil ang gawaing ito.

5. Aling pangyayari ang nagpapakita ng panunuhol o bribery?


A. Ang liham ni Ibarra kapalit ng sulat ng ina ni Maria Clara.
B. Pagreregalo ni Kapitan Tiago ng hamon, baboy, pabo, prutas
sa mga kawani ng pamahalaan kung kaya nakuha niya ang
suporta ng pamahalaan.
C. Ang pagtulong ni Elias kay Crisostomo nang tugisin sila sa lawa.
D. Ang pagmamanman ni Padre Salvi kay Maria Clara.

6. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangingikil o extortion?


A. iligal na paggamit ng kapangyarihan ng isang opisyal ng
pamahalaan
B. pag-iwas sa pagbabayad ng buwis
C. kunwaring empleyado na pinasasahod ng gobyerno at binibigyan
ng allowance
D. pagkiling sa mga kamag-anak o kaibigan ng isang
nanunungkulan
7. Ano ang layunin ni Rizal kung bakit pinangahasan niyang gawin ang
di pinangahasang gawin ng sinuman?
A. upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.
B. upang sagutin ang mga paninirang loob na matagal
nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino.
C. upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit
sa mga Pilipino
D. upang matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang
instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan at malinlang ang
mga Pilipino
8. Bakit nais ni Rizal na ipaunawa sa kanyang mga kababayan ang
kanilang mga kahinaan at kapintasan?
A. upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino.
B. upang sagutin ang mga paninirang loob na matagal
nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino.
C. upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit
sa mga Pilipino
D. upang matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang
instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan upang malinlang
ang mga Pilipino
9. Bilang manunuri na susuri sa ikinikilos ni Padre Damaso, alin sa
sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay sa pagbabalat-kayo ng
relihiyon?
A. Ginagamit ang sermon sa sangkatauhan upang gamiting
panuligsa sa mga taong kumakalaban sa simbahan at pamahalaan.
B. Ang pagtugis nina Crisostomo Ibarra at Elias sa lawa ng mga
guwardya sibil.
C. Pinagmumulta sina Basilio at Crispin kapag mali ang pagtugtog
ng kampana.
D. Ang pagpapahukay ng bangkay ni Don Rafael na ipinag-utos ni
Padre Damaso.
Katulong na Minaltrato ng Amo
Isang kasambahay ang dumulog sa kinauukulan dahil sa di umano’y
pagmamaltratong ginagawa sa kanya ng mag-asawang amo sa kanilang
tahanan sa Visayas Aveneue, Quezon City. Ayon sa biktimang si
Bonita Baran, 21 taong gulang, apat na taon siyang nakaranas ng
pagmamalupit gaya ng pambubugbog, pamamamalo sa ulo ng walis
tambo, pagpapakain ng ipis at panis na pagkain habang siya’y
nakakulong sa bahay ng kanyang amo.

Halaw mula sa Balitang Tanghali, Setyembre 19, 2012

10. Batay sa balita sa itaas, ano ang nalabag sa pagkatao ng kasambahay?


A. karapatang makisalamuha
B. karapatang pantao
C. karapatang maipahayag ang saloobin
D. karapatang mapangalagaan at matulungan ng gobyerno

11. Kaninong tauhan maaaring ihalintulad ang masaklap na sinapit ni


Bonita Baran?
A. Crisostomo Ibarra na ipinapahiya siya ni Padre Damaso sa
handaan.
B. Don Rafael napinaratangang erehe at pilibustero.
C. Padre Salvi na nagmamanman sa mga ikinikilos ni Maria Clara.
D. Mag-iinang sina Sisa, Basilio at Crispin na nagdaranas ng
pagmamalupit dahil sa kanilang kahinaan at kahirapan.
12. Anong karapatan ang hindi natamasa nina Basilio na gaya rin ni
Bonita Baran?
A. Karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang
mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento.
B. Karapatang mapangalagaan at matulungan ng gobyerno.
C. Karapatang makakain ng masustansiyang pagkain upang maging
malusog at aktibo ang pangangatawan.
D. Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan at pamilyang
kakalinga sa kanila.
13. Sa inyong palagay, tama kaya ang ginawa ng biktimang si Bonita
Baran na ipaalam sa kinauukulan ang pagmamaltratong ginawa ng
kanyang amo?
A. Tama, upang ipagbabawal ng pamahalaan ang pagkuha ng
katulong.
B. Tama, upang mabigyan ng leksyon ang kanyang amo sa
pagyurak sa karapatang pantao ng mga mahihirap.
C. Mali, dahil maaaring hindi sa siya muling kuning katulong.
D. Mali, dahil walanag batas ang nangangalaga sa kanila.

14. Ang pagdiriwang ng Pista sa San Diego ay talagang magarbo,


maluho, at puno ng diskriminasyon. Malaking gastos ang ginugol
para sa nasabing selebrasyon. Alin sa sumusunod ang positibong
epekto nito?
A. Magkaroon ng pagkakataong magpostura sapagkat maisusuot
ang mamahaling damit at alahas.
B. Pagkakataon din para sa sugal, paglalasing at walang tigil na
pagwawaldas.
C. Inihahanda nila ang kanilang tahanan, maghahanda ng maraming
pagkain, lilinisin at dedekorasyunan ang kanilang lugar at
simbahan.
D. Nagiging masigla at inspirado ang mga Pilipino para anyayahan
at makita ang kanilang kamag-anak, kaibigan,kababayan at
kakilala.
15. Maihahambing natin ang pista sa San Diego sa bahagi ng Parabula
na “ Kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salusalo, ang
mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang aanyayahan
mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka.
Gagantihan ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”
Anong mahalagang mensahe ang ipinakikita nito?
A. Kakaunti lamang ang ihahanda kasi kakaunti rin ang mga taong
may kapansanan na dadalo sa handaan o piging.
B. Hindi magarbo ang paghahanda na humantong na sa
pangungutang.
C. Dapat iilan lamang ang iyong imbitahan upang iwas gastos.
D. Aanyayahan ang mga taong hindi makagaganti sa iyong pag-
iimbita.
16. “Datapwa’t tantuin mong ako’y minsan lamang umibig at kung
walang pag-ibig ay di ako magiging kaninuman.” Anong kaisipang
lutang dito?
A. pag-ibig sa magulang C. pag-ibig sa kasintahan
B. pag-ibig sa bayan D. pag-ibig sa kapwa

17. Ang pahayag ay ubod ng pagmamahal sino ang nagpahayag nito?


A. Padre Damaso C. Maria Clara
B. Don Rafael D. Ibarra
18. ‘Namuo ng luha ang mga mata ng aking ama. Napaluhod ako at
niyakap ko siya. Humingi ako ng tawad at sinabing handa na
akong maglakbay.” Anong kaisipan ang lutang dito?
A. pag-ibig sa magulang C. pag-ibig sa kasintahan
B. pag-ibig sa bayan D. pag-ibig sa kapwa

19. “ Ang pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang sumusilang samantalang


ang
sa akin ay isa-isa nang naghihingalo. Sumusulak pa ang dugo sa
iyong mga ugat samantalang ang sa akin ay unti-unti nang
nanlalamig. Ngunit umiiyak ka at hindi makapagtiis ngayon alang-
alang sa ikabubuti ng iyong bayan.” Anong kaisipan ang lutang dito?
A. pag-ibig sa magulang C. pag-ibig sa kasintahan
B. pag-ibig sa bayan D. pag-ibig sa kapwa
20. “ Kailan lang namatay ang iyong ina. Tumanda na ako at
nangangailangan ng iyong tulong at pagtingin. Ngunit minabuti ko
ang mag-isa. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo. Subalit may
mas importanteng bagay kang dapat isipin. Nakabukas pa sa iyo
ang
kinabukasan. Sa akin ay pinid na.” Anong kaisipan ang luting dito?
A.pag-ibig sa magulang C. pag-ibig sa anak
B. pag-ibig sa bayan D. pag-ibig sa kapwa

21. Batay sa pahayag sa bilang 20, bakit kaya nasabi ng nagsasalita ang
mga katagang iyon at ano ang nais niyang mangyari?
A. Gusto niyang itaboy ang anak upang maghanap ng magandang
trabaho.
B. Gusto niyang mamuhay ng mag-isa at maghanap ng trabaho ang
anak sa ibang bansa.
C. Nais niyang may magandang buhay ang anak kaya pinapupunta
niya sa ibang bansa.
D. Nais niyang pag-aralan ang karunungan ng buhay na
maaaring mapakinabangan ng anak balang araw.
22. Mahigpit ang sensura kaya’t hindi pinayagang mailathala ang mga
sulating tumutuligsa sa pamahalaang Espanyol. Alin sa sumusunod
ang nagpapakita ng kondisyon na umiiral pa rin ang sitwasyong ito sa
kasalukuyan?
A. Ang pagbusisi ng mga palabas at pelikula.
B. Ang laman ng mga panitikan ay tungkol sa relihiyon.
C. Walang paghihigpit sa paksa na isusulat na panitikan.
D. Ang mga pocket book ay sinusuri rin.
23. Nagsimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino dahil sa
pagmamalupit at pang-aabuso ng mga Espanyol. Alin sa sumusunod
ang nagpapakita ng kondisyon na umiiral pa rin ang ang mga
sitwasyong ito sa kasalukuyan?
A. Maraming nagrarally sa paraan ng pamamalakad ng gobyerno.
B. Paghingi ng karampatang sahod sa mga kawani ng gobyerno.
C. Pagsugpo sa laganap na pagbebenta ng droga.
D. Malawakang pagpapatupad ng batas na nagangalaga sa
karapatan ng mga kababaihan.

“Walang nalalabi sa akin…mamamatay akong hindi


mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan. Kayong
makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang
tanggapin, at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng
gabi.”

24. Baon ang mga huling katagang binigkas ng tauhang si Elias, paano
mo mapatunayang hindi nasayang ang kanyang sakripisyo at mga
sakripisyo ng iba pang bayaning Pilipino dahil nagamit mo ito upang
mapabuti ang sariling ugali, pagpapahalaga at buong katauhan?
A. Paggunita ng mga bayani na nagbuwis ng buhay.
B. Pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga bayani.
C. Handang ibuwis ang buhay para sa kalayaan.
D. Pagpapahalaga sa Kalayaan
25. Ang pag-ibig ng anak sa magulang, tulad ng ipinakita ni Basilio para
sa ina gayundin ang ginawang sakripisyo ni Maria Clara para
mapanatili lihim ng ina at ng tunay na amang si Padre Damaso ay isa
lamang sa uri ng pag-ibig na namayani sa nobela. Base sa
nakalahad, alin sa sumusunod ang nagagawa ng tao na
nagpapakitang dakila ang pag- ibig?
A. Handang pagtakpan ang mali alang-alang sa iniibig.
B. Handang magsisinungaling alang-alang sa katapatan sa iniibig.
C. Maging kakampi sa lahat ng pagkakataon.
D. Magtiis alang-alang sa p ag-ibig.
26. Alin sa sumusunod ang nagpapakita nga tunay na kahulugan ng
pag-ibig?
A. Maging sunod-sunuran sa iniibig.
B. May tiwala sa isa’t isa.
C. Magdududa sa katapatan sa iniibig.
D. Magbantay sa iniibig.
27. Alin sa sumusunod na sakripisyo ang kaya mong gawin para sa taong
iyong iniibig?
A. Handang magtiis alang-alang sa iniibig.
B. Handang ipagtanggol ang iniibig sa lahat ng pagkakataon.
C. Ipagtatanggol ang pag-ibig kahit masama alang-alang sa iniibig.
D. Maging tapat sa simula at kalauna’y iiwanan kung makatagpo ng
mas hihigit nito.
28. Aling pag-ibig ang mahirap gawin?
A. pag-ibig sa anak C. pag-ibig sa bayan
B. pag-ibig sa magulang D. pag-ibig sa kaaway

29. Ano ang tamang hanay ayon sa antas ng pormalidad ng salita sa


ibaba?
1 2 3
A. ( asawa misis maybahay )
B. (misis maybahay asawa )
C. ( misis asawa maybahay )
D. (maybahay asawa misis )

30. Ano ang tamang hanay ayon sa antas ng pormalidad ng salita sa


ibaba?
1 2 3
A. ( pagtsismis pagsasabi pagbibigay-alam )
B. ( pagtsismis pagbibigay-alam pagsasabi )
C. ( pagsasabi pagbibigay-alam pagtsismis )
D. ( pagsasabi pagtsismis pagbibigay-alam )
31. Ano ang tamang hanay ayon sa antas ng pormalidad ng salita sa
ibaba?
1 2 3
A. ( pulis parak alagad ng batas )
B. ( parak pulis alagad ng batas )
C. ( alagad ng batas parak pulis )
D. ( pulis alagad ng batas parak )

32. “Handa po akong panagutan ang aking desisyon Padre” tugon ni Don
Filipo sa kahilingan ng pari. Anong damdamin ang nangingibabaw sa
tauhan sa pahayag?
A. pananakot C. panunuya
B. paninindigan D. pagtutol
33. “Kung mabuti kang magbayad… ay magiging magkaibigan tayo!”
pahabol na wika ni Lucas kay Ibarra.
A. pang-uuyam C. pakikipagkaibigan
B. pagbibigay D. pagmamalasakit
34. Batay sa kabanatang “Dalawang Panauhin” alin sa sumusunod ang
nagbibigay ng opinyon?
A. Ang lahat ng tao ay takot sa kura.
B. Kabayarang salapi ang hiling ni Lucas kay Ibarra.
C. Papunta si Elias sa Batangas kaya’t nagtanong siya kay Ibarra
kung may ipagbibilin ito?
D. Ang lahat ng dumating sa tahanan ay nakapagbibigay ng
impormasyon at tulong sa may-ari ng bahay na pinuntahan.
35. Ano ang kahulugan ng simbolo at pahiwatig na balitang
pinalabukan, iniwasto, at kinatay ng sensor ?
A. simbolo ng mahusay at bukas na uri ng pamamahayag
B. simbolo ng kakulangan ng kaalaman sa pamamahayag
C. simbolo ng kawalang kalayaang pamamahayag sa panahon ng
mga Espanyol
D. simbolo ng kahungkagan ng mga taong namuhay sa panahon ng
Espanyol
36. Ano ang kahulugan ng simbolo at pahiwatig na payapang tubig sa
palaisdaan na sa kailalima’y patuloy sa paghahabulan ang mga
isda?
A. simbolo ng payapang bayang nasisiyahan sa mahusay na
pamumuno ng mga Espanyol
B. simbolo ng payapang pamayanan subalit tahimik na
naghahari ang ligalig sa mga tauhan
C. simbolo ng palaisdaang tila maraming laman subalit burak lang
pala at walang kapakinabangan
D. simbolo ng pagkakaisa ng mga taong nais mag-alsa laban sa
mananakop
37. Ano ang kahulugan ng simbolo at pahiwatig na madilim na ulap ang
namitak sa kaitaasan na kababanaagan ng maitim na anino ng baras
ng bilangguan, ng mga kadena, at nakahihindik na garrote?
A. simbolo ng masamang lagay ng panahon
B. simbolo ng isang malagim na panaginip para sa hinaharap.
C. simbolo ng kaguluhan at kawalang kalayaan.
D. simbolo ng nagbabantang parusa at kalupitan sa sinumang
sumuway sa kagustuhan ng mga prayle

38. Nakuha kay Maria Clara ang mga liham na nagdidiin kay Ibarra
dahil sa pampa-blackmail o pananakot sa dalaga para ipagpalit sa
liham ni Ibarra sa liham na nagsasabi ng tungkol sa tunay niyang ama.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na magpahanggang
ngayon ay ginagamit pa rin ito?
A. pagpapakopya sa kaklase
B. pagbabanta sa kaklase kung magsusumbong sa guro
C. di gumagawa ng mga gawain sa paaralan
D. di paggawa at paglahok sa mga gawain sa paaralan

39. Ano ang mangyayari kapag nagpatakot tayo sa mga mananakot?


Sila’y ______________.
A. magtatagumpay C. makukulong
B. madidiin D. magsasaya
40. Hindi pa man nalilitis si Ibarra ay may hatol na agad ang taumbayan,
na siya nga ay nagkasala sa batas. Hinuhusgahan siya base lang sa
naririnig, nababasa, napapanood sa media at hindi batay sa
kongkretong ebidensiya o tesmonya. Kung sa kasalukuyan ito
nangyayari kay Crisostomo Ibarra, alin sa sumusunod ang tawag sa
kalagayang ito?
A. nepotism C. trial by publicity
B. blackmail D. extortion

You might also like